October 14 was Chloe's birthday. Sino si Chloe? She is the third baby of our tropa and my bff Hash's first born. The celebration was held in Jollibee somewhere in Cainta. Nag-enjoy lahat ng bata at ang mga feeling bata. Hindi lang naman kasi pambata ang mga games may pang-feeling bata rin.
That's me on the right side helping out the little girl's team to win the longest line game. |
Kulang ang tropa. |
with the birthday girl |
Chloe and mommy Hash |
feeling bata with Jollibee. |
Hindi pwedeng walang gift at bilang inaanak ko si Chloe, nagrequest si mommy ng gift. In fairness na-haggard ako ng bongga sa ni-request ni mommy.
eto ang requested gift ni mommy for Chloe |
A simple Barbie-and-Ken-themed cupcake tower. |
May um-order na rin ng cupcakes for Christmas giveaway and hopefully matuloy yung sa wedding souvernirs *fingers crossed*
And just recently my pretty and supersweet blogger friend Maria of Super Wander Girl, ordered a box of cupcake and custard cake.
I call this mushroom cake. |
custard cake |
chocolate cupcake |
So ayan, bukod sa business eh na-meet ko na rin finally si Super Wander Girl.
She suggested na gumawa na raw ako ng facebook page oh kaya ay site for my cakes and pastry business. Thank you naman sis Maria sa support and sa feedback like what i've told you kapag naayos ko na siguro ang product line i'll take your advice. It was so nice to meet you. Sayang at konti lang time naten hindi na tayo nakapagkwentuhan, pero sabi mo nga next time ulet. At aasahan ko yan ah.
Magpo-promote na rin ako dito, habang wala pa kong facebook page charot! Kung type nyo yung cupcakes ko, you can contact me here for inquiries. Thanks!
So much for the business balik tayo sa fun. This time fun run naman. Last October 21, me and bff Hash together with two more friends joined the PUP Alumni fun run 2012: Takbo para sa Kalikasan at Karunungan. This is my 3rd fun run this year.
It was held on the CCP grounds. Sobrang aga namen dumating dun. 4am kasi ang announced starting time but we run almost 6am na. Ang dami kong pawis dito ang saya!
Kunwari tumatakbo sa picture halata namang hindi. |
picture picture pang-alis ng pagod |
At ang dami rin nameng kulet!
did you see the rainbow? |
Finally, we finished 3k! Hindi man lang kami napagod. Next time 5k na. I saw a post of blogger runner Light/Balut of Run and Keep Running kaya nalaman ko na nandun din sya. Sayang lang at hindi kami nagkita.
muka ba silang pagod? |
eh kumusta naman ako?muka ba kong napagod? |
This October pa rin, I joined Gracie's Network blog contest and Im so lucky to win. The prize was a blogger shirt. Bago nakarating saken yung shirt ay mejo na-stress muna ng konti si Gracie. Medyo mahabang kwento but what's important ay nakarating na saken ang shirt. I promised to post a picture of it and here it is.
I love the shirts! Thanks again Gracie.
Last Saturday, another friend of mine got married. Oh yeah, kasalan na naman and as usual bridesmaid na naman ako. They were the subject on My Top 10 Favorite Shots- Pre-nup Edition. I'll be doing a separate post about the wedding. Ang saya lang dahil nag- Gangnam Style dance kami sa reception together with the newlyweds.
I also want to take this oppurtunity (naks!) to greet my bff and a pretty mommy Hash of Hash Coffee Table Book a happy happy birthday on November 1.
Nalulungkot ako kapag naiisip ko na malapit ka na ring umalis at malayo samen. Paano na ko? Sino na yayain ko manood ng sine na agad agad pwede? Sino na yayayain ko mag-kape kapag may problema ako at masama ang loob ko? Sino na magpapayo saken ng mga kalandian? At sino na mapagkukwentuhan ko ng mga kalandian na ginawa ko na tinuro mo saken? Pero alam ko naman na para yan sa family mo kaya kahit malungkot hindi ako kumokontra. Basta dont forget to work hard for my wedding alam mo na yan. Bilisan mo lang ah kasi nararamdaman ko malapit ko ng makilala yung mapapangasawa ko. Thanks for everything and you know how much I love you sis. I am so blessed that I have you and tropang Adik.
May kasabay nga pala syang mag-birthday na blogger din. Happy birthday din sayo Kulapitot! Isabay mo na yung treat mo saken sa treat ni Zai para bonggang bonggang masaya.
Ayan muna kwento ko sa ngayon. I will be spending the holiday in my hometown at bibisitahin ang puntod ng mga namayapa ng mahal sa buhay. How about you? Saan kayo sa Undas? Dont forget to visit and pray for our deceased relatives. Huwag na naten hintayin na sila ang dumalaw saten. Happy Halloween!