Wednesday, November 28, 2012

All I Want for Christmas

I love opening gifts on Christmas Eve. Yung tipong hindi mo alam kung ano yung laman ng box na bubuksan mo. Pero syempre wish mo pa rin na sana ang laman nung box eh yung isang bagay na gusto mo oh wish mong makuha.


Wala talaga akong ine-expect oh gustong makuha na material things this Christmas mas gusto ko ang CASH. Kasi isa lang naman talaga ang hiling ko. Sana makilala ko na soon ang future husband ko. Pero dahil sa pag-tag saken ni Marge of Coffeehan nag-isip ako ng mga simpleng bagay na gusto ko.

And here comes my wishlist.

thank you gorgeous Marge!


1. Christmas Card. I love it when I get to receive cards. Mapa-Christmas, birthday, valentines, monthsary or kung anu ano pang okasyon, mas tagos sa puso dahil galing sa puso ang nilalaman.

ganyan kadami gusto ko matanggap
photo credit


2. Varsity Jacket. Matagal ko ng gusto magkaroon nito eh. Sana may magbigay.

mas maganda kung personalized..with my name at the back..
photo credit


3. Boots. Meron ako nito dati nung college ako ginagamit ko pagpasok. Kahit Rusty Lopez ang tatak nya sumuko rin sa paa ko. Eh favorite kong gamitin eh kaya ayun worn out na. Hindi ko na nga alam kung nasan na sya. Sana mapalitan na.

yan gusto kong design..i prefer the pink one!
photo credit



4. Sun glasses. I broke the only sun glasses I have just recently. Naupuan ko sya, ayun wasak! Hindi naman kelangang mahal. Ang mahalaga it can protect my eyes from harmful UV rays.

photo credit




5. Photo Album. Kung yung iba ayaw makatanggap nito ako gusto ko. Sobrang dami ko na kasing napaprint na pictures na hindi ko pa rin nabibilhan ng album. Mas gusto ko pa rin kasi na may hard copy ang mga memories ko.

photo credit


6. Stuffed Toys. May nagbigay saken ng teddy bear stuffed toy noong 18th birthday ko at lagi ko syang yakap sa pagtulog ko until now. This time I want a big one. Yung mas malaki pa saken.

ganyan kalaki gusto ko at dapat PINK din
photo credit


Kung sino man ang Santa ko na magbibigay saken ng mga ito, ngaun pa lang, THANK YOU! *big hug*


This tag post has rules.

1. Kindly use the same title and as well as the first photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.

2. List 6 things that you want to receive for Christmas.
 

3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs).
 

4. Send me the link so I could check it out too.


And Im tagging,

Hash Coffee Table Book
Phioxee of Wanderer
Kulapitot
Rix of Kwentong Baliw ng isang Rixophrenic
Cris of Love Conquers All
Mga Kwento ni Nyabachoi

Madami na kong nakitang ganitong post. Most of our blogger friends were already tagged. Sa mga hindi pa nata-tag you can also share your wishlist of your own and post it to your blog OR share it through the comment box below, just for fun! Malay nyo mapadaan dito si Santa diba?


69 comments:

  1. Sis, gusto ko din ng teddy bear na malaki pa saken!! Si Rnix, meron ganyan, minsan nga gusto ko ng nakawin e, haha! Yun lagayan nun na parang sack, kasya ko, hihi..

    Gusto ko din ng boots! May teammate ako na gora ng Korea, promise nya na ibibili nya ko dun kasi mas mura, yey! Pero babayaran ko siyempre, haha!

    Sino kayang magiging Santa mo this Christmas?? :) Excited ako, sana may tumupad ng wishes naten, hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung friend ko rin meron ganyan..ang nakakatawa nakuha lang ng bf nya sa arcade yun bang huhulugan ng token tapos ittry mo makakuha ng item ganun..hinihingi ko ayaw ibigay collection daw nya..gusto ko nga rin tangayin kaso ang laki nun makikita pag nilabas ko ng bahay hehe..

      pwede rin ba ko magpabili ng bootsa sa friend mo?

      ako rin excited na! im sure meron yang sau ;)

      Delete
  2. those boots are made for walking. lalala.. XD Jessica Simpson. lol!!

    Teddy Bear!! pero hardly naman kasi sila magtinda ng ganyang malalaki e. tsaka makakita man tayo ang mahal naman. =.=" ano kaya yon...

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwede na rin saken yung mga nakukuha sa arcade through token..may nakita na kong ganun eh..ang kelangan ko na lang eh yung kukuha para saken kasi kung ako baka nakaubos na ko ng 100 token di ko pa nakukuha haha!

      Delete
  3. Gusto mo din ng Christmas cards. dami nyo may gusto ah. hehe. Dati umaapaw ang regalo ko ng mga photo albums ngayon wala na ni isa. kahit picture frame namiss ko. Ang hilig nyong mga babae sa boots ah. hehe. Good luck s mga wishes mo. I wish na matupad lahat :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu gusto ko rin ng cards..yung postcard hindi ko pa natatanggap naiinggit na ko sa iba :(

      sana may magbigay saken kahit isa lang jan sa mga wish ko (nagpaparinig)hehe..

      Delete
  4. sana makita kita one day na naka boots at naka eye glasses.... at syempre naka jacket.... at yakap yakap ang malaking stuffed toys....

    ang cute mo sigurong tingnan lalo pat nagbabasa ng mga greeting cards at tinitingnan ang crush mo sa photo album....

    un bang smile ka lang ng smile hehehe

    wish ko matupad yan.... ^___^

    ngayon pa lang na iimagine ko na yan..... hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha..uu nga noh! pwede ko syang sabay sabay na gamitin..

      feeling ko pinagtatawanan mo ko habang iniimagine yan hahaha!

      Delete
  5. Yeah agree! Mas okay nga naman pag cash atleast mabibili yun gusto talaga natin. hehe.

    I love the boots! gusto ko yung beige. pero sana yung boots may kasamang trip to disneyland noh? para international ang pagrampa hahaha!

    Weee gusto ko din ng malaking pink bear para may kapartner na yung other big teddy bear ko. Atleast man lang yung teddybear eh magkaron ng partner na d xa iiwan ever hehe drama ko naman.

    Goodluck sa wishlist mo sis! ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek! dapat talaga may kasama yang trip ko disneyland yung sa japan ah..para todo ang rampa ng boots!

      buti ka pa meron ka ng malaking teddy bear..ako wala pa talaga.. i really want it!

      Delete
  6. Nakakatuwa naman mag basa ng mga wishes ng mga young ones:) tumatanda na talaga si grandma, kasi iba rin ang mga wish ko sa mga young ones:)
    Good luck to your wishes!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks mama joy..im sure matutupad din yung mga wishes mo ;)

      Delete
  7. parang ang sobrang kikay ng mga wish list a. nakaquota nako sa pagtingin ng pink na mga bagay nung nakita ko tong netry nato. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. kikay ba? hindi naman..slight lang :P

      Delete
  8. Girl like ko rin ung mga boots :) Pink kung Pink :D

    ReplyDelete
  9. Yey Miss Pink! kakaaliw ang mga wishlist mo :) wish ko din na matupad ang wish mo na mahanap mo na rin ang iyong knight in shining armor!

    happy christmas!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha..yan talaga ang wish ko.. thanks fiel ;)

      Delete
  10. Pink ,

    Matutupad din yan soo mga 2020 .. okay lang ba?

    Yours,

    Santa Claus!

    ReplyDelete
    Replies
    1. dear santa kulapitot,

      CHE!

      yours,
      PinkLine

      :P

      Delete
  11. bakit ako? hahahaha.
    fine! gagawa ako ng wishlist. WAHAHAHA.
    taray ng boots! lakas maka cowgirl!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayaw mo ba? sige bawiin ko na lang..chos!

      gawa ka na dali.. excited akong malaman ang wishes mo..

      Delete
  12. wuy boots... hihihi. pansin ko talagang wala kang hilig sa pink, joke. (hehehe).

    ang laking teddy bear! bongga! hehe. ayos na din pala sa kin big teddy bear para kahit wala bf ^^ hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay naku bebe sis wala talaga akong kahilig hilig sa pink..

      korek ka jan sa thought mu na yan about teddy bear hahaha!

      Delete
  13. It's nice nga na maka receive ng "Christmas Cards" with personal messages. Para sa akin yun ang pinaka important na gift na mare-receive ko if ever may magpadala sa akin.

    BTW, followed you already, nice blog...hope you can do follow me too. God bless

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya yan ang number 1 ko :)

      thanks for following..i will surely visit your blog too :)

      Delete
  14. Peg ko yan photo albums kc nga marami ding pics na ipapa develop sana:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. true! gow isama mo na rin sa wishlist mo malay naten diba?

      Delete
  15. Ok done na ako Pinky nyahahaha.

    ReplyDelete
  16. Dahil dito bibigyan kita ng christmas card hahaha... Thanks also for doing this post. First time ko gumawa ng tag post so very thankful ako sa mga sumali dito :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha..wow thanks..astig nga eh layo na ng narating ng tag post mo..

      Delete
  17. May troma na ako sa photo album! Lage na lang yan ang natatanggap ko tuwing exchange gift. Good luck sa list at sana makatanggap ka! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi pa naman ako nakatanggap ng photo album from exchange gifts :)

      Delete
  18. Ang ganda naman nung pink na boots! Naku bagay sayo yan! Japorms na japorms! Ang dami kong photo albums kaya lang yung free lang dati sa Kodak yung karton ang cover tapos puro plastic yung loob. lol! Wala na yatang ganun ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe..ang dami ko din na free sa mga pinagpapa-printan ko..kaya lang gusto ko yung adhesive eh..hehe ang arte ko lang :)

      Delete
    2. lol natawa naman ako kay anney dun sa free na photo album from photo shop. ang dami ko rin nun ha ha ha

      Delete
  19. nacurious naman ako bkit sinabi mong impossible mga wish mo... ngscroll down muna ako to check the pics, eh mas achievable nga ung mga hinihiling mo... kayang bilhin ng iba.. tapos may ultimate wish ka pala... eh yakang-yaka din nmn maachieve un... antay-antay lang, sa ganda mong yan hinahanda Nya ang perfect for you... ;)

    in fairness, gusto ko din ng boots... never ko pa natry magkaron... at un din malaking bear... #inggitera lang...

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung card lang siguro at shades ang achievable jan hehehe...

      gusto ko sana ma-achieve ang ultimate wish bago mag-Pasko..keri kaya yun? haha..

      Delete
  20. Ang cu-cute! Ang ganda ng jacket at boots! Baton na kang kulang at skirt pwede ka nang majorette sis :) Ang laki naman ng bear, mascot na lang ng Bear Brand, keri na ba? :)

    ReplyDelete
  21. WOW TEDDY BEAR MAHILIG KA DIN PALA NIYAN :) E YUNG BEAR NI MR. BEAN AYAW MO BA?

    ReplyDelete
  22. Gusto ko rin ng boots! :) Salamat sa tag, subukan kong gumawa...busy lang talaga halos di na ko nakakapagblog. :D

    ReplyDelete
  23. http://www.pinaythrillseeker.com/2012/11/all-i-want-for-christmas.html Ito na pala, haha. :D Nakakatuwang gawin e. :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow ang bilis!.. buti naman at naaliw ka hehe..

      Delete
  24. Nakakatuwa po. Ikaw pa lang ang nakita ko ng kasama ang photo album sa wish list. :) Hello po! ^^ Sana matupad lahat ng wishes nyo! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang dami ko kasing ilalagay na printed pics eh hehe..thanks and welcome ;)

      Delete
  25. naka comment na ako dito kahapon sa office.bakit nawala?

    ReplyDelete
    Replies
    1. baka sa ibang blog ka nagcomment haha! kulet mo talaga sis :P

      Delete
    2. alam mo pinkline wag ka na bumili ng varsity jacket. kasi lahat ng nakikita ko sa street naka varsity jacket. kala ko nga dance troup sila. at magkakabuntot ka sige ka! kay aryana kasi yang fad na yan

      Delete
  26. hindi naman madugo yung mga wishes mo I bet makukuha mo lahat yan.

    Am a boots lover too. I think I have five pairs but I don't have the style in the pics and sorry naman but "isoheytfenk" :P Size 6 ako hi hi hi

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow another boots lover and a fenk hater haha! pareho tayo size 6 ;)

      Delete
  27. gusto ko din ung varsity jacket and ung boots...:) stuff toys din maganda kapag pasko...:)


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. astig yung varsity jacket diba? lalo na kung galing sa varsity talaga ;)

      Delete
  28. so kikay.. ng mga wish.. hahaha..pero ang cucute..

    ReplyDelete
  29. Marami talagang girls mahilig sa teddy bears, isa na ko dun, kaya gusto ko din yan malaking teddy na yan. Sana may magbigay din, hehe! Good luck sa mga wishes, sana matupad lahat. :)

    ReplyDelete
  30. Sweet stuff sis, by the way nakakarelax magpunta dito sa blog mo ang lamig sa mata ng pink stuff e hehe. Sis sana mabasa ni Santa ang mga kahilingan mo at sana tuparin nya lahat yun!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you sis! sana nga matupad ang mga wishes naten :)

      Delete
  31. the pink background give my eyes a warm and relaxing vibe!

    And its good to know your wishlist this christmas! goodluck!

    ReplyDelete
  32. I stumble upon your blog sa isa sa mga blogger friends ko. ayun, may giveaway promo ako ngayon together with firmoo. try to join at sana swertihin ka na isa sa mga mananalo ng $20 gift voucher.

    best regards

    ReplyDelete
  33. Pa comment kahit medyo late na :))) Ansabeee ng pink na blog na itech! Ang cool sa mata, and girly na girly.

    Life size na stuff toy? Hmmm may naalala tuloy ako :((

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...