Napapadalas na tong sakit na nararamdaman ko ah. Not emotionally but physically. Hindi naman talaga ako magpo-post eh kaya lang ang sakit talaga.
Una, masakit ang puson ko. Hindi dahil wala (alam ko ang nasa isip nyo!), kundi meron. Meron akong dysmenorrhea. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ito i-google nyo na lang po. Tinatamad kasi ako eh. Yan pa isang epekto saken kapang meron ako. Sobrang tinatamad ako. Gusto ko lang laging natutulog, nakahiga at ang bigat bigat ng katawan ko. Buti nga nagawa ko pa tong post na to eh (over!).
Pangalawa, masakit pala ang IPL. Sa mga hindi nakaka-alam paki-google na lang po ulet, please bear with me. Second session ko na kanina, from 20 jolts to 24 jolts. Nung una tinanong ko si ate kung masakit ba, sagot nya medyo daw pero tolerable. Parag pinitik lang daw ng goma. Napaisip ako, teka masakit yung pitik ng goma ah. At masakit talaga sya. Ewan ko baka low lang talaga ang tolerance ko sa pain. Mas masakit pa daw sa mga susunod na session hanggang 35 jolts. Oh my gash baka himatayin na ko! Eh ano bang magagawa ko ginusto ko to eh. Tiis ganda!
Pangatlo, natuklap yung kuko ko sa daliri ng kamay, yung hinlalaki sa kanan specifically. Pasintabi sa mga kumakain. Nagpalinis kasi ako ng kuko, after ko magpalinis kinabukasan nakita ko na may crack yung kuko ko. Hindi ko sya ma-gupit kasi nakakapit pa sa laman. Eh kanina sumabit yung kuko ko sa kung saan so yung maliit na crack ng kuko ko ay lumaki. At ang sakit nya! Errrrrr nangingilo ako habang nagta-type nito. Ginupit ko na sya kasi humiwalay na sa laman. Pero ang sakit talaga mas masakit pa sa 24 jolts promise.
O.A. lang ba? Sorry naman, pero masakit talaga eh. Lately, pansin ko lang na puro lumang kanta naririnig ko. Yung tipong mapapa-emo ka dahil sa mga kantang may mga dalang masasakit at nakakalungkot na alaala. Ay ewan! Ayoko mag-emo ngaun, wala ako sa mood, tinatamad ako. O sya yan na lang muna. Sana bukas sipagin na ko dahil ang dami ko pang kelangang gawin at wala pa kong nabibiling gift kahit isa.
Wednesday, December 12, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
alam ko ang nasa isip mo Archieviner bleeeeh!<---- nawala eto. binura mo. dyuk!
ReplyDeleteAno po yung dysmenorrhea? dyuk! naku masakit nga yan (naranasan ko daw) lol..Yung IPL di ko talaga alam. parang short for IPIS lang. Basta pagaling ka agad. Get well son. yang english. lol :P
uu in-edit ko..kasi naisip ko hindi lang pala ikaw ang makakaisip nun hehe..
Deletedysmenorrhea means...ay tinatamad talaga ako google mo na lang pati yang IPL..hanggang ngaun hindi ka pa rin maka-move on sa ipis..
get well soon sa kuko ko..
ako hindi ko naisip yun.. ano ba yun... :D
DeleteOuch, ramdam ko nga rin ang sakit abot hanggang dito. Naks, lalong papaganda ka sis, go kaya mo yan tiis ganda nga! Abot-kaya ba sis o magkano bawat session? Meron din akong dysmenorrhea. Mukha rin akong bugbog sarado kapag meron pero only ika-1st o kaya 2nd day lang. Basta ang gawin mo lang, kapag nakahiga ka, maglagay ka ng hot compress sa may bandang puson.. yan ang home remedy ko at nakakatulong naman ma-lessen yung sakit kahit paano. Hehe about sa kuko, owmaygas naexperience ko din yan kaya panay ngiwi ko rito habang binabasa ito haha, relate much e. Be careful na di sya mababasa ng tubig, if maliligo ka or maghuhugas lang ng kamay, balutin mo yung daliri mo kasi baka lalo kasing magkaroon ng inflammation o yung magnanana. But be sure to clean it frequently with proper medical tools and meds. God bedring sis (get well soon)
ReplyDeletetiis ganda talaga sis..abot na abot kaya naman..99 per session lang sa metrodeal ko nakuha..
Deleteginagawa ko minsan yung hot compress pero madalas umiinom na lang ako ng mefenamic acid..tapos itutulog ko na lang..
naku mahihirapan talaga ko dito pag nabasa yung kuko ko..naiisip ko pa lang napapangiwi na ko sa hapdi eh..sundin ko na lang payo mo babalutin ko na lang sya para di mabasa..thanks sis :)
wah napa ngiwi ako sa portion ng natuklap na kuko. sana umokay na at mawala na mga sakit na yan. ako pag may dysmenorrhea, kinukulong ako ni mama sa bodega. baliw pala no hahaha :)
ReplyDeletesana tumubo agad kuko mo, mishu sis!
hahaha..minsan nga parang nababaliw na rin ako pa may dysmenorrhea eh..
Deletemishu too love team :)
Awst sa kuko girl masakit tlga yan, ingatanmo ha bka ma impeksiyon ka.
ReplyDeleteGusto ko din yang IPL diko lng alam kung may ganyan yung mga derma dito matanong nga hehehe, tiis ganda.
meron yan sa mga aesthetic clinics..for sure meron na rin yun jan :)
Deleteouch nga yang kuko na yan... yan nmn ang hindi ko na gugustuhin pang maranasan...
ReplyDeleteung dysmenorrhea, check ako jan... sabi nila kapag ngkaanak mawawala ung ganun... eh nagpabuntis nga ako para dun eh! hindi naman nawala! haha! chos!
gusto ko din yang IPL na yan... teka matignan kung makakakuha pa sa metrodeal.. hehe!
ay ganun ba yun? hahaha! sayang ta-try ko rin sana pabuntis para mawala eh..haha!
Deletemeron yun madalas sa metrodeal.. pero iba iba clinic..
sige line pabuntis ka na para mawala na yang nararamdaman mo. hahaha..XD pero yung totoo, sa dinami dami ng uri ng kamalasan, eto pa talagang tuklap sa kuko ang najackpatan mo. AWWWW!! >___<
DeleteAray sis, naimagine ko yun sa kuko mo, yun in-grown nga lang e talagang masakit na e, yan pa kaya!
ReplyDeleteAy naku, ang dysmenorrhea? sinusumpa ko yan!! ibang level din saken, na-experience mo ng himatayin dahil dyan? Ako, oo! At masaklap pa saken kahit a week before, e sumasakit na agad, pang-asar lang!
Matagal na namin bet yang IPL! Kaya lang kung masakit, parang di ko keri!! Namumula ba yun skin after? Wala kahit topical anaesthetia?
Pati pala sa pagkakasakit e nagkakasabay tayo, twin sis! Haha..
Deletenilagyan ko nga sya band aid eh kasi masakit pag nasasagi..eerrrr..
Deletedi ko pa naman naranasan na himatayin..hanggang pagsusuka lang ako.. mas grabe pala yung sau..saken kasi sa first day lang sumasakit eh..pang-asar talaga ang dysme!
hindi naman namula yung samen..yung una tolerable naman yung sakit..kaya ko pa naman so far yung pangalawa..ewan ko lang yung 35 jolts hindi ako sigurado hehe..walang anaesthesia sis..gusto ko ngang tanungin yung aesthetician kung wala ba talagang anaesthesia.. yung friend ko nga napapataas daw yung paa nya sa sakit eh hehehe naiimagine mo ba?
ahaha! uu nga.. twin sis talaga..
Naku, baka di ko kayanin ang IPL na yan, matagal ko na pa naman gusto yan, di lang ako makahanap ng clinic na mura lang ang rate at malapit lang samen, kasi for sure tatamarin ako pag malayo!
Deleteyung clinic na nakita namen ay sa eton lang tapat ng rob gale..sabihin ko sayo pag kinaya ko yung last session..pag kinaya ko im sure kakayanin mo rin hehe..
DeleteH Miss Pink :) Pagaling ka ha, para masaya ang Christmas ^_^
ReplyDeleteay uu naman..sana gumaling na kuko ko..sakit eh :)
DeleteKakaibang sakit talaga minsan ang dala ng lamig ng Pasko, hehe... maybe emotionally and physically.. anyway, anuman lilipas din yan.. this too shall pass... pagaling na lang agad : )
ReplyDeleteindeed..salamat Ric :)
Deletenawa'y wala na ang sakit....o na-lessen man lang hehe.. napadaan lang uli...
DeleteThank God never experienced the pain of Dysmennorhea but dalawang kapatid ko ay grabe rin.
ReplyDeleteNever heard of IPL. Tried googling it but sabi Internet Public Library daw. Hehehehe.
Sakit nga ang matanggalan ng kuko. Right thumb kuko ko natanggal last 2004. Naipit kasi ng kotse.
*sigh. Take care at ingat lagi.
buti ka pa di ka nakaranas ng dysme..
Deletenijo-joke ka ni google hehehe...
na-experience ko na rin maipit sa pinto ng kotse ng dahil sa katangahan hehehe..hindi lang kuko kundi apat na daliri..sakit much!
Ang sakit sakit naman! :(
ReplyDeletetagos ba sa screen ang sakit? hehe..
Deleteuna: hindi ko naisip yun :P rest well
ReplyDeletepangalawa: napa wikipedia ako sa IPL at iyon pala yon. ang alam ko kasi kung jolt ang unit (or jerk sa physics) sudden acceleration over time, since nabasa ko sa wikipedia na wavelength of light ang gamit, wala sigurong sakit yan. pampalubag loob.
pangatlo: awww, napa-aww ako! hindi ko pa nararanasan na matuklapan ng kuko pero may napanuod ako sa isang horror movie eh tinutuklap yung kuko, ngiiingiii napakasakit :(((
haha..wag mo ng isipin kung ganun..
Deletesorry naman napa-wiki ka pa hehe..sana nga hindi talaga sya masakit..pero masakit talaga eh..
aaaw talaga to the highest level..nung nasabit nga sya gusto ko ng maiyak sa sakit eh..eeerrr..
nun nabasa ko yung title akala about sa love life hehe! yun talaga una pumasok sa isip ko..toinks mali pala ako. hihi!
ReplyDeletegrabe ang sakit moments mo sis talagang napakasakit hehe! ang puson (pati ba puso hehe!) ipl at kuko.
sakit sakit go away hehe!
haha akala mo ikaw lang ang pwede magdecieve ng title ng post ah haha!
Deletebuti na lang hindi kasama ng puso sis :)
hala! sana gumaling na yan.... mamaya ko na i google yan hehehe
ReplyDeletesa kuko -- talagang masakit lalo na kung kasama ang laman... matagal pa naman gumaling yan.... saka di sure kung tutubo pa...
sana mawala na ang sakit....
smile muna kahit masakit....
grabe naman..sana naman tumubo sya.. ang hirap kaya mag-smile pag masakit..hehe..
DeleteAll I can say is tomorrow is another day and maybe you will feel better. Just take a rest dear and everything will come to pass:)
ReplyDeleteTake care and smile:)
of course mama joy..salamat :)
DeleteHindi ko na tinuloy yung pagbabasa sa paragraph ng "kuko". Ewan ko pero parang nararamdaman ko din! HAHAHAH! Nako getwell po!
ReplyDeletefeeling mo na nagbabasa ka lang ng horror story dun sa kuko...eeeeeh haha!
Deleteat talagang ginoogle ko ang ipl.. eto oh..
ReplyDeleteThe Intense Pulse Light (IPL) laser hair removal system is a non-coherent laser. This is not strictly a laser, but an equivalent. The process uses the same principles as photothermolysis. The burst of light created by the IPL machine acts on the hair follicle in the same way as a laser would.
The IPL system is more flexible than laser hair removal, as there is no set laser wavelength. The wavelength can be set to suit you, along with the energy level and the time you are exposed to the laser. These are chosen to damage the hair follicles while aiming to cause as little damage as possible to the tissues surrounding the follicles. Because the treatment parameters are set to suit you, results can vary from person to person. The system has been designed to cover large areas of skin in a short period of time. Some people feel mild pain and discomfort while having this type of laser hair removal treatment. The treatment can work well on most skin and hair types, but can be less effective if you have blond, red or white hair. The best results are seen on those with light skin and dark hair.
_===nagpapaganda.. tiis sakit! hahaha
haha..salamat sa pag-google at pagpost sa comment atleast hindi na mag-gogoogle yung iba :)
Deleteginoogle ko rin yun IPL. haha
ReplyDeletepakiramdam ko pinakamasakit yung natuklap na kuko.
parang naramdaman ko nga siya bigla.
ouch lang. hehhe
ay true! pinakamasakit talaga..until now masakit pa rin..
DeleteAww, ang saklap naman, pero sabi nga din ng iba, these too shall pass!
ReplyDeleteHaha, isa rin ako sa napa-google sa IPL! :)
haha..thanks dear :)
DeleteMasakit ba? Kaya pa... nakakapag post pa eh hahaha
ReplyDeleteGet well soon... especially sa kuko mo, sa daliri pala na natanggalan ng kuko!
haha..buti na lang 1/4 lang yung natuklap na kuko sa balat..
Deletetalagang si Google naman ako IPL Indian Premier League daw Cricket sports? ha ha.. Nwei ano bang pina laser mo ganda? Underarm? Legs? masakit ba talaga? gusto ko pa nman sanang i try yan ? takot tuloy ako :( hope you feel better.
ReplyDeletehaha cricket pala yun..underarm po..para saken masakit sya hehe..
DeleteOuch! Ano ba yang mga nararanasan mo, daig mo pang nagpepenitensya ah! Minsan lang ako magka menstrual cramps and totoo kapag meron talaga namang masakit siya. Mag hot compress ka sis, nakakarelieve yun ng pain.
ReplyDeleteOo medyo masakit ang IPL pero dahil mataas tolerance ko sa pain, kemerloo lang. Tattoo nga minamani ko, IPL pa kaya hehehe...
Napangiwi ako sa natuklap na kuko, yan sa tingin ko ang pinaka painful sa lahat (although di ko pa naman naranasan).
ay naku gusto ko pa namang magpatattoo pero IPL pa lang ang sakit na pano pa kaya kung tattoo? may anaesthesia naman siguro ang tattoo? hehehe..
Deletepinakamasakit talaga yung natuklap na kuko hanggang ngaun..
Naku sis walang anaesthesia ang tattoo at bawal ka din uminom ng pain killer because it thins out the blood. Kung gusto mo magpa-tattoo magtitiis ka talaga ng sakit.
Deletefrom masakit na puson to finger at kukong masakit? umamin ka. ano talaga ginagawa mo te???? hahahahaha. taray nagpapakinis ka ng kilikili noh?? iachieve mo na yang anne curtis kilikili!
ReplyDeleteHAHAHA...XD LOL!!
Deletekorek teh! ay si gladys reyes ang peg ko sa kinis ng kili kili winner!
Deletemasakit naman talaga kaya wag pilitin! baka mapano pa yan! chos!
ReplyDeletehahaha..sa bawat sakit may sarap este ginahawa...
DeleteBalak pa naman ng sister ko magpa IPL masakit pala. Pero mas effective daw ang diode. Sa deals ka ba kumuha?
ReplyDeleteyap sa metrodeal..mukang ako naman ang mapapa-google sa diode hehe..sige nga checheck ko yan...
Deleteyou are well within your right to be emo... dami mong pinagdadaanan... ul get better... IPL? hmmnnn.... papapitik na lang ako sa goma... pero pareho tayong mababa tolerance sa pain kasi sa injection lang takot na ako... cheer up na...
ReplyDeletehaha..ang arte ko lang noh?.. anyway thanks senyor!
DeleteI hope everything is going well with you..cheer up! life is good!
ReplyDeleteyeah i know..umaarte lang hehe.. thanks :)
DeleteAt ni-google ko talaga ang IPL, hmmm, tiis ganda nga! ;) naku, ang kuko parang naramdaman ko yun sakit, awww, naranasan ko na rin kase yan, ang sakit nga talaga! :(
ReplyDeletesakit diba? sana tumubo na sya ng mabilis..
DeleteYes, I have to agree with tiis-ganda. Haha. Ganun talaga. Pero smile ha, you'll get better. :)
ReplyDeleteAnyways, I'm inviting you to join my first ever blog giveaway. Check it out here!
http://itsevamarie.blogspot.com/2012/12/blog-anniversary-giveaway-part-1.html
thanks..sure I will :)
DeleteAnd I thought this was an emo post. LOL. Dysmennorhea is a bitch.
ReplyDeleteang arte lang noh? lol.. yeah Dysme's a bitch but I am super bitch wahaha kidding!
Deleteay! sakitin ka na ngayon nag dedecember nah ha. hehehe
ReplyDelete