Monday, August 27, 2012


Ayoko talagang uma-attend ng mga family gatherings simula ng maging single ako. Hindi dahil maiinggit lang ako sa mga cousins ko na may kanya kanya ng pamilya at sa mga PBB teens kong pamangkin (sa pinsan) na isang decade ang tanda ko pero may mga jowawa. Hindi talaga ako naiinggit, hinding hindi. Kundi dahil nape-pressure ako at ayokong ma-pressure, ayoko talaga!

Sino ba naman ang hindi mape-pressure kung everytime na nasa family gatherings ka, ang walang kamatayang tanong na "kelan ka magpapakasal?" ang maririnig mo at kelangan mong sagutin. Mahirap po para saken na sagutin yan dahil single ang status ko ngayon.

Ok lang naman sana kung isang beses lang itatanong sayo kaso sa dami ng kamag-anak ko eh ang dami rin nilang nagtatanong. Kulang na lang mag-announce ako "relatives, attention mga magtatanong po kung kelan ako magpapakasal makinig po kayo eto ang sagot ko..." pak!

Kanina lang sa pinuntahan nameng birthday bash ni tito...

Cousin 1: kumusta couz may bf ka na?
Ako: wala pa eh...
Cousin 2: ay wala pa rin
Cousin 3: eh asan na yung dati mong bf? (nakakasawang sagutin)
Ako: wala na yun..matagal na..
Cousin 3: anong bang nangyari dun? (haaaay eto na naman)
Ako: (nagkwento ulet ng summary ng mga pangyayari)
Tita: malay mo naman kayo pa rin sa huli
Mudra: oo nga (aba talagang uma-agree si mudra) ang tagal din nila eh mahigit 7 years at yun lang naman pati ang naging bf nya (sya lang kasi ang ipinakilala ko sa kanila hehehe)
Tita: tingnan mo si ate Ces mo naka-2 pang bf after pero nagkabalikan pa rin sila nung napangasawa nya ngayon
Ako: (ngiti lang)
Cousin 1: eh yung kinuwento mo nung huling nagkita tayo na dumalaw sayo anu nangyari?
Ako: wala na rin..
Cousin 2: bakit?akala ko ba ok yun?
Ako: akala ko rin eh..hehe.. ang layo nya kasi eh ayoko ng long distance..
Cousin 2: wala bang nanliligaw sayo ngayon?
Ako: wala na eh.. 
Mudra: may nanliligaw jan eh ewan ko anu nangyari
Ako: ayoko eh..
Tita: pili ng pili ang napili bungi (idiomatic expression)
Ako: hindi naman po ako mapili.. di ko lang talaga sila type
Cousin: yaan mo darating din yan..bata ka pa naman eh.. 

Hindi pa sila tumigil sa pangungulit kung di ko pa sinabing "tama na..wag na nateng pagusapan lovelife ko". Akala ko tapos na pero sa panibagong set ng kausap saken na naman napunta ang topic.

Bagong panganak ang isa kong pinsan sa first baby nya:
Ako: wow may baby na sya..
Cousin 4: gusto mo na ring magkababy no?
Ako: haha matagal na
Cousin 5: madali lang naman gumawa
Ako: madali lang pero kung magisa lang ako mahirap yun hahaha
Cousin 4: kumusta naba lovelife mo? naulet na naman ang usapan sa lovelife ko haaaay.

Bago umuwi..
Tita: mag-asawa ka na rin di ka ba naiinggit kay ate Belle mo may baby na rin sya
Ako: teka lang naman tita pwede bang humanap muna ako ng boyfriend bago ako mag-asawa?
Tita: sige maghanap ka!
Cousin 2: ihahanap kita (ayan na naman sila)
Ako: sige ate gow!
Cousin 2: anu bang qualifications mo?
Ako: itetext ko na lang sayo mejo marami..hahaha
...oh ha paalis na lang ako eh may pahabol pa talaga!

Naisip ko na rin gumawa ng blog post para sa sagot ko sa mga tanong nila eh para kapag nagtanong ulet sila bigay ko na lang url ko.

Nagkita kita nga pala kami ng mga blogger friends na sina Joanne (Joanne's blog), Zaicy (Zai moonchild), Empi (Kol me eMPi) at Hash (Hash Coffee Table Book) nung Saturday. Nag- unlimited coffee and cakes kami sa TCB. I had so much fun with them. Sa sobrang enjoy ko naka- 3 cups ako ng kape. Nakakahilo pala pag naka-3 cups of coffee parang alak lang na nakakalasing haha seriously pagbaba ko ng bus muntik ako matumba. At dahil sa unli coffee maliwanag na ng makatulog ako. Para sa mga pictures at iba pang happenings daan kayo sa blog ni Zai.

I really really enjoyed your company, Joanne and Zai at si Empi na rin (na tahimik pala or that time lang hehe, si Hash naman barkada ko since college kaya sawa na ko sa kanya charot! Love you sis!). Ang saya nio kasama. Sa uulitin. Im looking forward for more, more and more! :)

Friday, August 24, 2012


Im so glad that finally he came out. My estranged guy friend who used to be so close to me when we were in college finally broke the shell.

On our early year in college, he was literally one of the girls. Until on our third year he hastily changed! He became firm. He was not eyeing for good looking boys anymore. He even courted a girl and to my astonishment they became official. We didnt questioned him for his abrupt decision instead we became reassuring.

Time went by, we tried to ignore the questions we wanted to ask him and go on with our lives. We graduated and find our respective jobs but still have the time to see each other often. When we were together we talked about his consecutive affiliation with some girls. We yakked about his failed relationships. We counselled about him being a martyr.

Then it came to a state that he seldom come with us on our gimiks and out-of-towns. We rarely see him. He has always a reason not to come with us. Until gaps were built.

Among our "tropa", Im the one whom he deserted the most. Our distance from each other went an extra mile. He talked to me on the odd occasion. When he wanted to ask something from me he always needed a representative. My ill feelings for him dug deeper. I cant take it anymore, I messaged him about what I feel and told him how upset I am. He ignored me and I've had enough. If he doesnt want to be friends with us then fine thats it!

A situation came that made me think and realized that he was carrying a baggage, a heavy one, all by himself. I tried to talk to him again but this time Im impatient to know what were his hang ups. He told me that I shouldnt be upset and there were really circumstances that he cant go with us. He said that he doesnt want to be hostile towards me, towards us. I told him that I understand and somewhat Im eased. But still I know that there was something more.

Morning of the other day Ive read a text message from him. He said he was hurting, wanted to move on and he needed our help. I enforced him that we should meet. Afternoon of that same day, we've met, together with the two of our friends.

After connecting the dots, the situation that Im talking about is him having a relationship with the same sex. We found out through his inconsistent excuses and some photos. The text message that he sent me was about his partner wanted to break up with him because he's too possessive.

At first, he was uncertain to tell us but we are definite, he was caught off guard and he cannot escape his "CIA" friends. He confessed everything, he was crying and expressing regret that he never told us. He said that he's afraid that we might not accept him or worst judge him. He tried to change because he doesnt want to be discriminated. He said that he even tried to repulse us. He didnt thought that we are his FRIENDS.

To end it all he confessed that he wanted the old person back. The one we've met in college. We are just so glad that he finally came out to us. No more pretending and by the time that you were reading this he and his partner had fixed things up and were back together.

Im glad to know that after all, we still have each other. We still have the friendship that once been tested and now made us even stronger.

"Im so happy for you friend. You know that we will accept you no matter who you are or who you wanted to be as long as it will make you happy we will be happy as well. We love you and we'll always be here."

Monday, August 20, 2012

Top 10 Favorite Shots in Bohol

Since I havent posted much photos when I wrote my Bohol goosebumps story and I only featured photos of Bohol Plaza Hotel, I would like to share in this post my top 10 favorite shots in Bohol.

10. Reflection. I took this photo inside the air conditioned restroom located in Loboc after our relaxing and fun Loboc river cruise. Nothing's special in this photo, I just love the outcome of this shot.

9. Stare. This was taken in a souvenir shop where the python named Pony was located. I wanted to take home all this cute tarsier ref magnet.

8. Birhen. This was located on the way up the Chocolate Hills' view deck.

7. Green. The first time I've been here, we were guided by our driver-slash-tour guide and he told us that when the Chocolate hills were green, Loboc river would be green and when the hills were brown, the river was brown as well.

6. Static. This is my second favorite spot in Bohol. It felt like any moment a werewolf and a vampire would appear. I would love to run through that trees or maybe would love someone to carry me to the top of the trees. So much of the Twilight peg.

5. Light. I love the clouds, the mountain and the sea.

4. Young, wild and free. With my eagerness to took a mid-air shot, I forgot to zoom the camera. That is why I almost cannot see the three boys on this photo, one on the coconut tree, one on mid air and one on the river.

3. Unrestricted. A wharf near Baclayon Church where a small lighthouse is also located.

2. Mysterious. This was taken almost 400 feet above while we were on a 420-meter distance cable car.

1. Shy. Whenever I hear "Bohol", tarsier was the first thing that comes in my mind. I so love this cute little primates. They were camera shy and you can hardly ever get a good shot of them.

Thursday, August 16, 2012

weekend family bonding

Nag-aya mag-malling ang mga utol ko last Friday.

Bukod sa shopping, madalas na sa movie, foodtrip at gadgets lang ang bonding namen sa mall. Pero noong panahon na sad ako tingin tingin bagong gadgets at foodtrip lang ang ginawa namen.

Lugi ako pag foodtrip, mahina akong kumain compare sa mga utol kong halimaw sa mesa chos! Well, ganon naman ata talaga ang mga lalake, malakas kumain. Kaya madalas sila ang taya pagdating sa kainan. Wala kaming picture, busy-busyhan sa pagkain ang mga lolo eh.

Then came Saturday nag-aya naman si mudra na dalawin ang mga apo nya sa Cavite. Namiss ko na rin ang pamangkin kong madaldal at makulet.

Mahilig sa gadget si Shanen. The two photos above were the proof. Isang taon pa lang sya jan.

And now she's three, gadgets pa rin ang madalas nyang hawak.
Naalala ko tuloy ang kwento ng papa (my brother) nya sa amen. Nakita nya daw na nakalagay na sa isang folder yung mga games sa phone ni sister-in-law. Eh kahit sila daw mag-asawa di nila alam pano gawin haha. And then one time daw, he's looking for the Plants versus Zombies game apps which he's having a hard time looking for, he asked my niece 
"nak asan yung Plants versus Zombies dito?" 
Shanen grabbed the phone and in just a bit "eto lang papa oh". She found the game app na mukang sya ang nagtago hehe.

Nagpunta rin kami sa mall that day. On our way kulitan kami syempre dahil namiss ko sya ng bongga talaga! Bigla na lang sya bumanat ng "Tita Nang tae ng daga ka ba?" Asar! sa lahat naman ng ikukumpara tae ng daga pa. "Pick-up line ba yan? Bakit naman tae ng daga? O sige, baket?"
"kaya pala ang baho mo eh"
"ah ganun?! hoy hindi ako mabaho ah" natawa na lang kami sabay tawa rin sya.

Syempre hindi ako papayag bumawi rin ako sa pick-up line.
"Shanen, suka ka ba?"
"eh kasi ang asim mo eh" sabay kiniss ko sya sa pisngi
"hihihi wag mo ko kiss"
"nakikiliti ako eh" ang arte lang ni pamangkin.

Hindi pa jan natapos,
"Tita Nang bato ka ba?"
"eh kasi love na love kita eh"
ang layo lang diba? hehe pero na-touch ako kasi love na love daw ako ni pamangkin at love na love ko din sya.

Idol nya si Dora kaya nag-pa bangs sya, pero ngayon naiinis na daw sya sa bangs nya. Ako nga pala ang gumupit ng bangs nya na gustong gusto naman nya dati kaya wag magtaka kung hindi pantay. When she learned to speak she's calling me Tita but I told her to call me Tita Ninang, coz she's my god daughter at the same time. Pero hindi pa nagtatagal Tita Nang na tawag nya saken ang haba daw kasi pag Tita Ninang nahihirapan daw sya sabihin. Pag sobrang tinatamad sya minsan Ta Nang na lang.

Syempre bonding din kasama ang newest addition to the family. Ang bago kong pamangkin.

Dati ako lang ang girl sa family bukod kay mudra, pero ngayon tatlo na kami!
Mudra, Althea, Me and Shanen

They are my inspiration and happiness. Kaya kahit wala akong lovelife hindi ko napi-feel na kulang dahil busog na busog ako sa pagmamahal ng aking family. Ang aking kayamanan, I love them so much!

Tuesday, August 14, 2012

Top 10 Reasons to be Happy

Sobrang lungkot ko nitong nagdaang week. Yung feeling na broken hearted ka kahit hindi ka naman in-love, ganon yung feeling. Tapos buong week pang nagpakitang gilas si Habagat na nag-feeling bagyo. Eh kapag umuulan pa naman napaka-emo ko. I hate being sad and hurt at the same time. Sabagay, sino ba naman ang may gusto noon? Eh mas gusto ko pa ang feeling ng stress kesa ganito. Kaya kahit nilalamon ako ng kalungkutan hindi ako nagpatalo, dahil mas maraming dahilan para maging masaya.

10. Music. This one never fails to change my mood. I'll just have to listen to my favorite songs and then ayun na, sumasaya na ulet ako. Sa mga panahong ito, "Payphone" cover ng Jayesslee ang paulet-ulet-ulet-ulet kong pinapakinggan.

9. Vice Ganda. Napapatawa lang nya talaga ako. Kabaklaan, kakulitan at mga pang-ookray. Ang bigat ng pakiramdam ko noong Sunday as in sobrang sad pero napanood ko lang sya sumaya na ko.

8. Video. This video really made my Sunday night.

7. Watching movie. Medyo mababaw lang naman ang kaligayahan ko eh kaya kahit makapanood lang ako ng movie sumasaya na ako after. Lalo na yung mga romantic-comedy at action adventure na movie. And then napanood ko ang "The Pacifier" ng ex kong si Vin Diesel noong Sunday night pa rin sa Kapamilya Blockbuster (ba yun?). Solve na ko!

6. Shopping. Part na siguro ng pagiging babae ang shopping at sumasaya talaga ako kapag nakakapag-shopping ako kahit window lang (ano daw?). At dahil malungkot ako at nakita ko na sale sa Robinsons Imus noong Saturday ayun nakabili ako ng blouse, pants at syempre shoes.

5. Reading. Ang mga nabasa kong inspiring na blogpost this week somehow made me happy.

4. Family bonding. Kwentuhan, asaran, tawanan and malling with my brothers noong Friday at nagkita kami ng sobrang kulet kong pamangkin nong Saturday.

3. Mom's hug. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag niyayakap ako ni mudra. Feeling ko ako pa rin ang baby nya. Sunday, after attending a mass, ni-hug ko si mudra para mabawasan pa lalo ang sadness.

2. Friends. Gusto ko sana i-meet ang mga superfriends (tropang Adik) nong Sunday kaya lang hindi sila available kaya kanina lang kami nagkita kita. Kwentuhan over a cup of coffee lang with them masaya na ko. Plus ang trip na trip nameng gawen pag nasa mall, fitting! Narealize ko pa na pumayat na talaga ako hehe.

1. Talking with God. For me, there's nothing more uplifting than talking to our Lord. After the mass last Sunday, I feel lighter.

Ilan lang yan sa mga dahilan ng pagkawala ang lungkot ko this past week. Sana itong week na to hindi ko na maramdaman pa yung sadness na yun. Totoong maraming dahilan ng kalungkutan pero di hamak na mas napakaraming dahilan para maging masaya. Kaya be happy, be budoy!

Monday, August 6, 2012

a real good samaritan

I was scrolling on my facebook wall when I see this picture. Out of curiosity I opened it and read the content. Suddenly the monitor went blurred and I realized my tears were starting to fall from my eyes. This story touched the softest part of me. And I thought I just have to share this.

I am just sharing this picture of a very humble guy named ROLDAN JIMENEZ PINEDA, 63yrs old, from Isabela. You don’t need to read everything if you are lazy, but all I need to ask you is pray for his safety. I am not a writer, but I will try to tell you the story.

Here's what happened: 
Just this windy and rainy morning, I was in my friend's canteen. It is just beside the subdivision where I live.

 I was chatting with my friend's dad about some business. This humble guy came in front caught my attention. He was not asking for money nor anything. Instead, he ordered P5 worth of rice. He cannot even look directly because he feels so shy.He said, "Maaari po bang bumili ng limang pisong kanin?" His hair is so wet that's why he covered it with a small towel. His clothes are kinda wet too. When I heard his shaking voice, I can feel that he is tired, cold, and starving. He has a green backpack and a sack with old boxes and plastic bottles. I suddenly felt sorry about him, that my heart was telling me that I need to do something. Instead of me just sitting on my chair, I decided to stand up and tried talking to him. I asked him if that small amount of rice would satisfy him. He said that he was planning to eat some of it and save some, then continue walking til he reach Nueva Ecija which is more than a hundred miles I think. His destination would be Isabela, where he lives. He asked if he can fill his bottle with some water. I said, sure. While I was putting water in his used old bottle, I told him to order some more food so he can eat. Told him not to worry because I will pay it for him. Mang Roldan never asks for money. He earns his own by selling bottles at the junk shops. His eyes turned red, while he was trying to hold his tears. He said that he can’t thank me enough.

MANG ROLDAN: Nahihiya po ako kasi ganito lang suot ko.
ME: Akong bahala po sainyo. Ano pong gusto nyong kainin?
MANG ROLDAN: Wala po ako sa posisyon para pumili. Kahit gulay lang po o yung pinakamura.
ME: Kailangan nyo pong kumain. Order po kayo kahit ano, yung siguradong mabubusog kayo.

I took his hand so he can walk beside the stand where he can choose. While they were giving him his food, I told him that I need to go home and get some money so I can pay his bill. At home, I grabbed my old camouflage jacket which I gave him.
We talked about his tragic story and his plans. Years ago, he needed to sell their house and lot because his wife had a bone disease. Sadly, everything was spent but his wife didn’t make it. He had 3 children. The first born were twins, died because of bronchopneumonia. While the youngest was ran over by a bus. He tried putting a small business by selling fishballs in Manila, but in the time of Bayani Fernando, MMDA took his carts and destroyed them. Mang Roldan and his family are church people. You can tell with the way he speaks. He visited Pampanga to see his sister/brother. Too bad he wasn’t able to meet the only family that he knows. Hearing his story broke my heart.

I also noticed that he cannot walk straight because of his swollen left leg. “Lumipad yung bato na nadaanan nung gulong ng jeep, tumama sa paa ko” he said. He thanked me for the food and jacket. I handed him some money so he can ride the bus and buy food. He said that he cannot give me anything in return. Seeing him wipe his tears made me feel super sad that it made me cry too. I was speechless. I shaked his hand and told him that his story was enough for me to learn things, and I was happy that I was able to help him. I gave him my umbrella so he will not get wet on his journey. He didn’t want to take it, but I insisted. (I hope my mom won’t notice that her umbrella is missing)

While Mang Roldan was crossing the street I was looking at him. I noticed that he was walking towards a corner. He saw a beggar on the side. You know what he did? He did not share the food that he had, HE GAVE EVERYTHING! Rice, bread, and water. That’s it! That was priceless! I knew that this man is special. He touched my heart. I realized that what I gave him is not even enough. Salt water fell from my eyes. (even while I’m typing now). I decided to go to him when I noticed that busses and jeepneys were not stopping because of discrimination. So we waited for a bus and I took his picture. He smiled and said, “half-body lang ha, nakakahiya may dala akong sako. Hehehe!” What a guy! He can still smile after all the things that he went through. Finally, a bus stopped. I told him to act as if he is my uncle. Before he stepped on the bus, he thanked me again. I waved goodbye and said “Ingat Tito, text mo ko kaagad.” I said it loud so the conductor will hear me.

I don’t know, but he was like an angel that was sent to teach me and realize lots of things. That is why I decided to put it on FB, hoping that you will learn from it. If only I am wealthy enough, I would love to do more things just to help more needy, homeless, poor, deserving people. I have been planning to create my own Foundation since I was young. Well, God has plans for all of us. Maybe someday I will. I also hope I could meet Mang Roldan again, and give him a fishball business or have him help me helping others.

I remember a book written by Father Jerry Orbos, that we should not be just good Samaritans but we need to be Better Samaritans.

You can share this if you want. If not, just please pray that God bless the people like Mang Roldan. 

ligaw ngayon

Matapos mag-flashback sa ligaw noon, ano naman kaya ang meron sa ligawan ngayon?

Pick-up Line.
Sino ba naman ang hindi kikiligin sa pick-up line?

Boy: Parang wala ako sa sarili ko
Girl: Bakit?
Boy: Kasi nasa sa'yo na ko
Girl: (smile with rolling eyes)

Boy: Alcohol ka ba?
Girl: bakit?
Boy: germs kasi ako eh at 99.9% akong patay na patay sayo
Girl: (kilig-to-the-bones)

Boy: Kutsara ka ba?
Girl: bakit?
Boy: Kasi habang papalapit ka lalo ako napapanganga (sabay nganga)
Girl: ...

Minsan din akong pinakilig ng mga pick-up line na to. Kilig lang pero hindi naman ako nagpadala masyado, slight lang. May mga girls din naman na harapan ang pagpapakita ng kilig kaya naman lalong lumalakas ang loob ng mga boys. Girls, hindi bawal magpakipot. Boys, hindi lahat ng girls nadadaan sa pick-up line umeffort ka naman, itext mo rin o kaya pasahan mo ng load.

Well, pwede rin naman sa text ang pick-up line. Magastos nga lang sa load kasi magrereply pa si girl ng sandamakmak na "bakit?" sa sandamakmak na pick-up line. Pero sabi nga ni Bart pwede na ang pasaload at uso na ang unli.

Texting is very convenient nowadays, fun and cheap. Pero ang pag-declare ng love through text wouldnt be any different as "pare san tayo inom maya?". Any guy guilty of this doesnt deserve a girlfriend nor a cellphone.

Walang ka-effort effort ang panliligaw sa text. Ang mga torpe nagkakalakas ng loob, ang mga panget gumagwapo, ang tahimik sa personal nagiging makulet sa text.

Girls, wag na wag nyong sasagutin ang mga guys na sa text lang nanliligaw. Kapag tumawag, sige pwede na. Boys, more effort please. Texting can be an extension of your feelings but hey! go grab your balls, texting isnt just enough. Pwede mo naman syang i-add sa facebook oh i-follow sa twitter.

Pag na-add na sa facebook at nafollow na sa twitter, madalas ng magka-chat yan at magka-tweet. Mas malala ito sa texting. Mas walang effort, pwede lang isabay sa online games. Wala na kong masasabi pa dito. Yun na yun!

Boys, kung extension lang ang mga ito ng declaration of love eh ayos lang. But if its your only way, oh common guys you can do better than that! Kung talagang gustong gusto mo yung nililigawan mo at nakikita mo na ang sarili mong tumanda kasama sya (agad agad), isang word lang naman ang kailangan mo, EFFORT!

Girls, kung walang effort isa lang ang ibig sabihin nyan hindi sya ganon ka-interesado sayo. Diba mas ok naman na kahit papano eh naghihirap din naman ng konti yung guy para mas ite-treasure nila yung realationship nyo? Diba?diba?diba?

Boys, eto lang naman yun eh, be friends with her first. Mas mabuti na kilalanin mo muna ang isang babae sa panahon na magkaibigan kayo at kapag narealized mo na kaya mo naman pala ang amoy ng utot nya oh ang lakas ng dighay nya saka mo sya dalhin sa langit next level, ang panliligaw. At utang na loob ipakita ang tunay na ugali sa nililigawan hindi yung kapag kayo na saka mo lang ipapakita ang tunay mong anyo. Sabagay, sino ba naman ang lalaking nanliligaw na nagpapakita ng tunay na ugali, ipinapakita na lang talaga nila yan kapag boyfriend na sila. Kaya girls, ingat ingat din kilatisin mabuti, himay himayin kung kinakailangan.

Boys, effective pa rin ang flowers and chocolates. O sige wag ng chocolates, flowers na lang, hindi ako mahilig sa chocolate eh nakakataba yun. Hindi naman kelangang bonggang bonggang boquet kahit yung napitas lang sa hardin ng kapitbahay pwede na ang mahalaga may EFFORT!

Puntahan sa bahay, magpakilala sa parents ng babae. Again sasabihin ko, go grab your balls guys, mas gusto na ngayon ng mga magulang na kilala man lang nila yung nanliligaw sa anak nila better yet, ask them permission to court their daughter. I'll tell you 1000 pogi points yan. Hindi naman kelangan na pati magulang ay ligawan ang mahalaga lang maipakita ang malinis na intention, yun eh kung malinis nga ba.

Ayun lang! Wala na kong ibang maisip, dagdagan niyo na lang kung meron pa.

Ang alam ko dapat comparison lang gagawin ko sa ligawan noon at ngayon pero bakit kaya parang naging ligawan 101 to?

Narealize ko lang ang laki ng pagkakaiba ng paraan ng panliligaw noon kesa ngayon. At alam kong hinding hindi na maibabalik yung noon. Well, unless maging senador ako chos!

Thursday, August 2, 2012

ligaw noon

"Ano ba ang ligaw?" totoong may nagtanong saken nyan kelan lang. Kaya naisip kong gawan ng post.

"Ligaw. Yan yung kapag gusto mo ang isang babae ipapakita at ipaparamdam mo sa kanya na gusto mo sya." at sumagot talaga ako ayon sa pagkakaintindi ko sa ligaw.

Ano nga ba ang ligaw at paano ba dapat nanliligaw?

Flashback nga muna tayo sa panahon ni Maria Clara.

Noong unang panahon kapag napusuan ng isang lalake ang isang babae, mangyayari ang ligawan. Hihingi pa ng pahintulot si lalake na makadalaw kay babae at kapag pumayag ibig sabihin hmmm pwede, may pagasa.

Sa pag-akyat ng ligaw ni lalake kakausapin muna sya ng mga kapamilya ni babae. Lahat ng pwedeng itanong, angkan na pinagmulan, sino ang mga kaibigan, anong trabaho, favorite colors, who's your crush, what is love, motto in life, mga dalawang oras yun swerte na ni lalake kung dati na syang kakilala magiging isang oras na lang. Pagkatapos i-hot seat saka pa lang tatawagan si babae.

Ang oras ng pag-akyat ng ligaw noon ay sa hapon o sa gabi. Pagkatapos ng siesta o bago maghapunan at sa gabi pagkatapos ng hapunan. At kapag dumating si manliligaw ng wala sa oras ay sasabihan sya na ugaling Chinese dahil daw hindi nakakaintindi ng kaugaliang Pinoy. 

Ang mga oras na ito ay itinakda sa ligawan dahil sa ilang kadahilanan. Una, tapos na ang gawaing bahay. Ikalawa, kung gusto ng dinadalaw na umalis na ang bisita ay maglalabas at ilalatag lang ang banig sa sala madaling sabihin na pasensya na kailangan ng matulog o pasensya na kailangan ng maghanda para sa hapunan. At ikatlo, sa mga oras na ito ay nakaayos na si babae at malayong madatnan ng manliligaw na mukang mangkukulam.

Ang malupet sa ligawan noon ay ang paninilbihan.

Si lalake ay nagtatrabaho sa bahay ni babae habang kinikilatis ng magulang kung mahusay na tao nga sya. Mag-igib ng tubig, magsibak ng kahoy, magtanim, maglinis ng bakuran ang ilan sa mga ginagawa ng lalake bilang paninilbihan. Pagkatapos ay uuwi sya at magpapahinga at magpe-freshen up at dadalaw sa bahay ni babae.

Maghaharap na si lalake at babae sa balkonahe o kaya ay sa sala. Dapat ay palagi silang natatanaw ng mga nakatatanda o di kaya naman ay may bantay na nakababatang kapatid ng babae.

Syempre hindi mawawala ang unkabogable na harana, kung saan aawit si lalake ng kundiman para sa kanyang iniirog. Pwera buhos ihi na galing sa arinola.

May pagkakataon din na mag-aayang lumabas si lalake. Naka-first base na sya kapag pumayag na si babae na lumabas pero hindi pwedeng walang chaperon. Madalas ay kaibigan, kapatid o pinsan ng babae ang mga dakilang chaperon. Home run na si lalake kapag tinanggap ni babae ang kanyang pag-ibig at sila ay naging magkasintahan na.

manyakis magnet

In my last post I told the story of my latest encounter with a stranger. Ang totoo hindi lang isa o dalawang beses nangyari saken yun. Marami akong hindi magandang karanasan sa mga strangers particularly sa lalake at kadalasan manyakis. Naisip ko lang i-share ang ilan para kung sino man ang makabasa maging aware din sila palagi sa paligid nila lalo na ang mga girls.

First year college. Nagaabang ako ng bus sa may Crossing sa Pasig. May lumapit sa aking lalake nagtanong ng oras sabi ko obvious ba wala akong relo. Tinanong nya kung saan ako nakatira, nakakapagduda kaya nagsabi ako ng maling lugar. Sabi nya ihahatid na nya daw ako at hinawakan ako sa kamay as in holding hands. Ang lakas ng loob ng manyakis na yun!Nauna pa syang naka-holding hands ko kesa sa naging first boyfriend ko. Marami namang ibang tao na nagaabang din. Tinanggal ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa aken. Napatingin ang ilan sa nag-aabang. Sabi nya sya na raw magdadala ng bitbit kong paper bag. Sabi ko wag na. Hinawakan na naman ako sa kamay, mahigpit. Pilit kong tinatanggal, kinakabahan na ko. Gusto ko ng sumigaw ng Ding ang bato at humingi ng tulong. Naisip ko na lang na sumakay ng bus kasehodang ibang byahe ang nasakyan ko bababa na lang ako pag nakalayo na ko sa lugar kung nasaan yung manyakis na lalake. Buti na lang hindi sya sumunod.

Second year college. Dahil sa naranasan ko sa Crossing nag-iba ako ng madadaanan pauwi sa Cavite. Sa Manila kasi ako nag-aaral at umuuwi ako sa Cavite every weekend. Sa Lawton na ko sumasakay. Isang beses na pauwi ako. May lalakeng tumabi saken sa bus. 3rd from the last row ako nakaupo, sa tatluhan. Nasa tabi ako ng bintana, dikit na dikit saken yung lalake kahit na wala pa namang nakaupo sa kanan nya. Napansin ko na ikinikiskis nya ang kanyang braso sa braso ko kaya nilagay ko yung bag ko sa pagitan namen. Di nagtagal may umupo na rin sa kanan nya tatlo na kaming magkakatabi. Nakatingin ako sa labas ng bintana at paglingon ko nakita ko nakalabas ang naghuhumindig nyang ari. Shocks! hindi na virgin ang mata ko. Halatang saken lang nya gustong i-show ang kanyang mala-talong na sandata ika nga ni Ella Masahista, dahil itinakip nya sa kanan ang dala nyang bag na halatang walang laman kundi mga x-rated na pirated dvds kaya hindi nakikita ng katabi nyang lalake sa kanan. Hindi sa ganong paraan ko gustong makakita nun at hindi pa ko ready chos! Nung may mga bumaba ng nakaupo sa unahan lumipat na lang ako ng upuan.

Nagta-trabaho na ko. Sa Pasay ako pumapasok at sa Cavite umuuwi. Isang beses sa bus, lalake na naman ang nakatabi ko. Muka naman syang desente dahil naka-office attire. Napansin kong pilit nyang idinidikit ang kanyang siko sa dibdib ko. Imagine-in nyo na lang kung pano. To-the-rescue na naman si bag na kalong ko at pinaupo ko sa gitna namen nung lalake. Nakahalata siguro kaya nag-behave na sya. Nakatulog na ako. Nagising na lang ako ng maramdaman ko na may sikong dumidiin diin sa may gilid ng boobs ko sabay tumayo na yung lalake at bumaba. Leche naka-dalawa sya saken!

Sumakay ako ng bus papasok sa trabaho. Isa na lang ang bakanteng upuan, sa tabi ng lalakeng naka-office attire, mukang desente at gwapo. Hindi ka magiisip ng kung anong masama sa kanya dahil sa itsura pa lang nya mukang hindi gagawa ng masama. Medyo natuwa pa ako at kinilig ng slight dahil sa gwapo kong nakatabi. Hanggang sa nakatulog na naman ako. At bigla akong nagising dahil naramdaman kong may nakahawak sa boobs ko! Pag mulat ko wala na kong naabutang kamay sa boobs ko. Hindi agad ako naka-react dahil iniisip ko pa kung nananagnip ba ko oh ano. Tiningnan ko yung gwapong katabi ko deadma lang sya at hindi tumitingin saken, parang walang nangyari. Pero anak naman ng tokwa sya lang ang katabi ko sino pa bang hahawak sa boobs ko. Hindi ko na sya nagawang komprontahin dahil bukod sa iniisip ko pa rin kung nanaginip lang ba ako ay malapit na rin akong bumaba. Pagbaba ko tiningnan ko sya at tinitingnan din nya ko mula sa binabaan kong bus na halos mabali na ang leeg at kulang na lang ay ilabas ang dila sabay sasabihing "yummy". Noon ko naisip na hindi ako nanaginip.

Ilan lang to sa mga manyakis na na-encounter ko. Marami pang mga pa-simpleng kiskis at dikit ng braso sa katawan ang naranasan ko. Meron pang isang naglabas ng ari sa jeep at exclusive na namang ipinakikita sa aken. Mayroon pa akong isang nakatabi sa bus na kinukunan ako ng picture at video. May isa rin na nagkunwari pang kakilala ko at pilit nakikipagusap saken kahit na pinapahalata ko ng ayokong makipagusap. Lagi ko na lang sinasabi "i dont talk to stangers".

Lessons learned. Hindi lahat ng manyakis ay mukang manyakis kadalasan sila ay naka-office attire. Girls, trust your instinct, mas madalas na tama yan. At higit sa lahat iwasang matulog sa bus.

Question in my mind that is still left unanswered. Hindi naman malaki ang boobs ko pero bakit kaya trip na trip ng mga manyakis? Ayoko sanang isipin pero manyakis magnet nga kaya ako?

Wednesday, August 1, 2012


Galing ako ng Trinoma kanina. 10pm sumakay ako ng bus going to Monumento. As usual tumambay na naman si manong driver sa SM North. Napansin ko ang isang lalakeng sumakay. Sinusuyod nya ng tingin ang bawat sakay ng bus na para bang naghahanap ng prospect at syempre pati ako ay hindi nakaligtas sa panunuyod.

Officeboy ang itsura nya. Naka-long sleeves na dark blue na nakatupi hanggang siko, naka-slacks na black at may buddy bag na black din. Naka-eyeglasses sya at sa tantya ko nasa 5'5 ang height.

Nasa pangatlong row lang ako nakaupo at may katabi akong babae. Sa pang-apat na row umupo yung lalake in short sa likod ko lang.

Nung bumaba yung katabi ko sa may bandang Munoz lumipat sa tabi ko yung lalake. May itsura naman sya. Kung ire-rate ko from 1-10 at 10 ang highest, isa syang 8. Pero parang biglang gumana ang radar ko at nakaramdam ako ng kaba. Well hindi sya yung kaba na parang mag-soulmate na nagkita, kundi kaba na may halong takot. Malakas ang radar ko dahil na rin siguro sa dami ko ng na-experience na hindi maganda sa bus na ikkwento ko sa susunod na post. Balik muna tayo sa lalakeng katabi ko.

Nasa tabi ako ng bintana at nakatingin kunwari sa labas pero nakikita ko sya through glass window na nakatingin sa aken na parang sinusuri ang katawan ko. Humaygash sabi ko na nga ba! Buti na lang mabilis lang ang byahe at walang traffic.

Bumaba ako sa tapat ng MCU. Nag-excuse ako sa kanya para makalabas at pinadaan naman nya ko. Nakababa na ko ng bus at sumakay naman ng jeep na byaheng Divisoria, pero nagulat ako dahil pagsakay ko kasunod ko na sya.

Nakita kong gusto nyang umupo sa tabi ko pero wala ng bakante so sa tapat ko na lang sya umupo. Hindi ko sya tinitingnan pero alam kong tinitingnan nya ko. Barya ang ibinayad ko para hindi nya malaman kung saan ako bababa. Maya-maya nagbayad sya, Divisoria daw. Sa Divisoria naman pala sya pupunta akala ko sinusundan ako.

Pagdating ng 10th Ave pumara ako. Kalmado na kong nakababa ng bigla syang sumulpot sa tabi ko habang naghihintay naman ako ng panibagong jeep sa kanto ng 10th Ave.

"Miss kasabay mo ko sa bus kanina, nang makita kita sabi ko gusto kitang makilala kaya sinundan kita." sabi nya na nakangiti.

Hanep sa mga banat pero hinding hindi mo ko maloloko at hindi mo ko madadala sa ngiti mo. "Sorry ah pero I dont talk to strangers eh." Sabay sakay ng jeep. At itong si jeep hindi agad umalis naghintay pa ng ibang sasakay. Lumingon ako at tiningnan kung andun pa yung lalake, haaaay buti na lang wala na sya.

Umandar na ang jeep at iniisip ko pa rin yung lalake hanggang sa lumampas ako sa dapat kong bababaan. Shet! badtrip naglakad pa tuloy ako pabalik.

Naisip ko lang, meron bang matinong lalake na susundan ang isang babae para makipagkilala lang. Diba nakakaduda? Lalo na sa panahon ngayon nagkalat ang mga manyakis at rapist.

Tama naman yung ginawa ko diba? Hindi naman ako mean.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...