"Boss anong pwede nameng sakyan papuntang Panglao?" tanong ni Albert sa driver ng van na nakapark sa tapat ng lodge ng tinutuluyan namen.
"Pwede kayong sumakay ng taxi."
"Eh magkano naman po kaya?"
"Mga eight hundred to one thousand pesos yun" sagot ni manong driver ng van.
"huh?! ang mahal pala girl.." sabi ko kay Liza
"waaaah oo nga! dito na lang kaya tayo mag-inom sa bar nila.." sagot ni Liza sa akin
"Eh manong gano po ba kalayo yun, mga ilang minuto po bago kami makarating?" si Albert ulet na mukang gusto talagang dumayo ng inom sa Panglao.
"Mga twenty to thirty minutes."
Ang totoo eh gusto ko din talaga makabalik sa Panglao. Nung unang punta ko dun eh nabitin ako sa konting panahon na nag-stay kami dahil halos isang buong araw na island hopping ang ginawa namen kaya hindi ko masyadong na-enjoy si Panglao.
"Manong, taxi lang ba ang pwede nameng sakyan hindi ba pwede ang tricycle?" bigla ko naisip na kung hindi taxi eh tricycle ang means of transportaion sa Tagbilaran.
"Pwede din naman kaso kapag tricycle aabutin kayo ng forty five minutes to one hour na byahe. Tsaka hindi advisable na tricycle ang sakyan papunta sa Panglao wala kasing mga reserba ang mga yan kapag na-flat-an."
"ah ganun po ba? eh sige salamat na lang ho"
Tumango na lang din si manong driver at tumalikod na pabalik sa kayang van.
Dapat ay sumuko na kami sa sinabi ni manong driver ng van dahil sa mahal ang taxi at hindi naman daw safe ang mag-tricycle. Pero nakita ko na lang na pumapara na ng tricycle si Albert.
"Kuya magkano po papuntang Panglao?" dinig kong tanong ni Albert sa tricycle driver na medyo malayo sa kinatatayuan namen ni Liza ng ilang hakbang. Sumagot ang driver na hindi ko na narinig.
Ilang tanong at sagot pa ang naganap hanggang sa lumapit sa amin si Albert,
"three hundred daw, hihintayin na nya tayo so six hundred yun balikan na..ano? tara?"
"sige tara na!" halos sabay pa nameng sagot ni Liza. Hindi talaga nagpapigil gora kami sa Panglao. Alas otso na ng gabi pero keber, byahe pa rin papuntang Panglao.
Medyo mabagal magdrive si kuya kaya malamang abutin talaga kami ng ten years sa byahe.
Sa loob kami ni Liza at si Albert ay backride ni kuya. Habang byahe walang tigil ang bunganga namen ni Liza sa kwentuhan dahil matagal din kaming hindi nagkita at nagulat din ako na may kasama syang jowa (si Albert), kaya kailangan nyang ikwento yun.
Napansin ko na parang aligaga si kuyang driver. Tingin ng tingin sa kaliwa, mamaya sa kanan, sa side mirror, di mapakali. Nang bigla akong mapatingin sa side mirror nakatingin din sa akin si kuya, mali kayo hindi ito potential love story dahil si kuya ay nanlilisik ang mga mata.
Humaygash! ang tingin ni kuyang driver nakakatakot talaga. Nagsitayuan lahat ng balahibong audience na pwedeng tumayo sa katawan ko. Kumabog ang dibdib ko. Para syang naging isang serial killer sa pelikula. Matalim na matalim na tingin at kahit medyo may kadiliman napansin kong namumula ang kanyang mga mata. Shet adik pa ata itong driver ng tricycle na nasakyan namen.
Ibinaling ko sa iba ang tingin ko at ilang sandali pa akong natigagal bago ko ulet unti unting narinig ang boses ng katabi ko na tuloy pa rin ang kwento at walang kamalay malay sa nakita ko. Magkadikit kami ng braso pero hindi ata naramdaman ng mga balahibo nya na nagsitayuan ang mga balahibo ko.
May karugtong...
Ano ba teh?! takot na ko e, bakit binitin mo pa?
ReplyDeleteExcited nako sa ending bitin pala. hehehe!
ReplyDelete@joanne parang horror movie lang..may bitin factor hehehe..mejo mahaba pa kasi to kaya bitin muna.. kinikilabutan pa rin kasi ako pag naalala ko eh..hehe
ReplyDelete@anney mga dalawa pang bitin ending ang kasunod nito hehehe..thanks for droppping by :)
Salamat sa pag follow ng blog ko. I followed u back na din para maki tsika tsika dito sa blog mo. Inadd na din kita sa blogroll ko.
ReplyDelete@anney so much appreciated..thanks a lot po :)
ReplyDeleteMore kwento! #excited
ReplyDelete@arnica coming soon po hehe...
ReplyDeleteNgayon lang nakadalaw, part 3 na ng kwento kaya binalikan 'tong una, kahiya magtanong kung totoong kwento eh, back read na lang. ;)
ReplyDelete@tal salamat sa pagdalaw.. totoong nangyari yan saken when we went to bohol last april pa..nagdalawang isip pa kasi ako noon kung ikkwento ko hehe..
ReplyDeleteending na ang una kong na basa, super beten to ha, pati ako kenelabutan ke mamang driver... hehe
ReplyDeletenabasa ko post mo sa isang blogger na horror tong bohol experience mo. kaya go ako sa finding nemo. buti nalang me TOPICS galor ka dito sa blog, so madali ko nakita. at di ko talaga inuna yung nasa last part ha.
ReplyDeletepero kahit nakakatakot na tawa ako ng tawa. hahaha ang bakla mong magsalit. nakaka tawa
just me,
www.phioxee.com
salamat ng marami at nag-effort ka pa talaga na hanapin at basahin tong makapanindig balahibo kong kwento :)
Deletesana ay natakot kita at mukang napatawa pa hehehe...