"May naaamoy ka bang kakaiba girl?" tanong ko kay Liza.
"Wala naman, baket?"
"May kakaiba kasi akong naaamoy eh."
Sandaling katahimikan.
"Hindi ganyang amoy!" sabi ko kay Liza na inaamoy ang kili kili nya.
"Eh anu ba kasi yung naaamoy mo?" natatawang tanong niya.
"Wala!" there's no point of arguing kung hindi naman talaga nya naaamoy yung naaamoy ko.
Hay naku dedmahin ko na nga lang baka tinatakot ko lang masyado ang sarili ko. Sige, tuloy ang chikahan.
Padilim na ng padilim ang dinadaanan namen, hindi ko na rin nakikita ang buwan at ang liwanag na lang ay ang ilaw ng tricycle na aming sinasakyan. Hindi pa rin nawawala ng kabog ng dibdib ko lalo at wala akong nakikita ni isa man lang na bahay sa dinadaanan namen pero pinipilit kong wag pansinin at nagko-concentrate na lang ako sa chika ni Liza sa akin.
Ilang beses pa rin akong muling napasulyap sa side mirror, hindi ko napigilan, pero hindi ko na nakita ang nakakatakot na tingin ni kuyang driver.
Mahaba habang minuto pa ang nagdaan bago ako nakakita ng pa-isa isang bahay hanggang sa nakarating na kami sa Panglao. Umabot lang naman ng thirty minutes ang byahe namen ibig sabihin kung medyo binilisan pa ni kuya malamang mga twenty nine minutes lang andun na kami.
Pagkababa namen ng tricycle tiningnan ko si kuyang driver pero hindi ko nakita sa kanya yung tingin na nakapagpatayo ng balahibo ko kanina. Ang weird lang pero parang iba talaga yung lalaking nakikita ko ngayon kesa dun sa lalaking nakatingin sa akin sa side mirror kanina. Hay ayoko ng isipin deadma na lang ulet. Mag-iinom kami!
Candle light drinking by the beach naman ang drama namen ngayon. Sa Dumaluan Beach Resort pwedeng hindi mag-check in, pwedeng swimming lang magbabayad lang ng entrance fee at pwede namang drinking lang pero magbabayad pa rin ng entrance fee sa napakamurang fifty pesos na halaga lang naman.
"Tara swimming tayo!" yaya ko sa mag-jowa.
"Kaw na lang girl papanoorin ka na lang namen."
Ang KJ ng mag-jowa na to gusto ko pa naman maligo kaya lang ayoko namang maligo ng mag-isa sa dagat, kaya walang katapusang kwentuhan na lang ulet.
"Grabe naman yung dinaanan naten kanina ang lakas ng kaba ko." si Albert.
"Waaaaah ako din kaya. Sinisilip ka nga namen kanina baka kasi biglang wala ka na pala sa likod."
"May nadaanan pa tayong sementeryo kanina, nanlamig ako."
"Meron ba?" sabat ko.
"Oo meron." si Liza.
"Hindi ko napansin, ituro mo nga saken mamaya pagbalik naten." sabi ko.
Nagdesisyon akong wag munang i-kwento ang nakita ko sa side mirror. Ayokong magtakutan kami sa mga oras na yon.
Medyo nahihilo na ko, ang dami na rin naming napagkwentuhan, eighty percent dun tungkol sa love story nila, tapos na rin ang pictorial. Alas onse, nagpasya kaming umuwi na.
Katulad ng napagkasunduan hinintay naman kami ni kuyang driver. Shet! eto na naman ako naguumpisa na naman kumabog ang dibdib ko.
Ganon ulet ang pwesto namen pauwi. As usual, chikahan para deadmahin ang takot. Pero aminin ko man o hindi pigil pa rin ang hininga ko at ramdam ko ang takot.
Hanggang...
"girl, yan yung sementeryo oh" turo ni Liza
Lumingon ako sa inituro nyang direksyon, sa kanan ko, may kaba sa dibdib kong inobserbahan ang paligid ng sementeryo at lumingon din ako sa kabilang direksyon, sa kaliwa. Nanlaki ang mga malalaki kong mata! Nagsitayuan na naman ang mga lintek na balahibong audience sa katawan ko at kulang na lang ang nakakahindik na background music sa mga horror movies kapag may biglang nakakatakot na realization ang bida.
Shet! dito yung lugar kanina kung saan nung tumingin ako sa side mirror ay nakita ko yung nanlilisik na tingin ni kuyang driver dito rin yung may kakaibang amoy at naaamoy ko na naman sya ngayon!
May karugtong....
Ang aga aga kinikilabutan ako sa kuwento mo! So ano ang nakita mo? Multo? Lamang Lupa? Sinapian si Koyang driver? Hindi pa tinapos.. Hahaha..
ReplyDeleteAng bagal mag-drive ni koya, sayang, sana 29 mins lang e andun na kayo..
ang totoo hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga yung nakita ko kaya bahala ka na mamili sa nabanggit mo hehe..
ReplyDeletesiguro 29 mins and 50 seconds lang andun na kami hahaha...
Ay bitin na naman! Na possessed yata si kuya driver! Kakatakot nga pag ganyang walang ilaw sa daan at tanging liwanag nyo lang e yung ilaw ng tricycle. Naranasan ko yan sa lucban quezon naman ginabi kasi kami ng uwi galing kaina., Mga refelctors lang ang liwanag at yung ilaw ng tricycle. Sige abangan ko ending ng story na to! Sana naman walang lumabas na momo! hihi!
ReplyDeletebitin ang kuwento hahaha. Aabangan ko ang susunod na mga pangyayari ;)
ReplyDeleteNag-blog hop lang :)
@anney nakakakaba po talaga pag ganong madilim parang hindi ako nakakahinga ng maluwag..buti naman at wala kayong nakitang "something" nung panahong naexperience nio yun hehehe..
ReplyDelete@nortehanon haha sensya na po sa pambibitin medyo mahabang kwento kasi eh.. salamat po ng marami sa pagdaan.. by the way your blog is interesting i included it on my list and followed you na rin po :)
haha, sa halip na matakot eh natatawa ko sa pagkukwento mo, ang galing! Pero ayoko ng ganyang experience, isa din akong matatakutin eh, kaya nga di ko makapagbyahe mag-isa eh. :(
ReplyDelete@tal mula ng maranasan ko to ayoko na mag-travel mag-isa hehe..
ReplyDeletesana at the time na nakita mo s koyang na nag ibag anyo, sinabi mo na agad key liza, para sure mo na hindi kaya namamalikmata lang... beten talaga... hehe
ReplyDeletenga pala, tagay... redhorse sa akin..LOL
ReplyDelete@fallenrhainnes ahihi umurong po kasi dila ko sa takot..sige tagay tayo..red horse din po yung saken jan!lols
ReplyDelete