Wednesday, July 18, 2012
makapanindig balahibo 4 (sequel)
Pagpasok ko sa kwarto binuksan ko agad ang TV at nilaksan ang volume. Umupo muna ako sandali sa kama at kinalma ang nagda-drums kong dibdib.
Akala ko sa mga horror movies lang merong ganon pero ngayon, naranasan ko na! Sobrang classic na sa horror movies yung close-open na pinto na umiingit pa ang sounds kaya kung makakapanood ka ng ganon ngayon hindi na nakakatakot pero punyeta pag ikaw pala ang nakaranas, matatakot ka talaga ng major major!
Pagod ako at alam kong antok na rin pero hindi ako makatulog. Dalawang pelikula na ata ang natapos ko sa HBO pero mulat pa rin ako. Muka akong patay sa pagkakahiga ko. Tuwid na tuwid at lapat na lapat ang likod ko sa kama. Hindi ako makapag-side view dahil pakiramdam ko pag lumingon ako may katabi na ako.
Madaling araw na, nakakatulog, magigising, nakakatulog, magigising, hindi peaceful ang tulog ko.
Alas singko nagising ako, brownout! Buti na lang maliwanag na ng konti sa labas. Dinampot ko ang telepono para tumawag sa room nina Liza, walang dialtone. Bubuksan ko sana ang pinto para lumabas at magtanong tanong kung baket brownout. Pero tinamad ako at antok na antok pa ko. O sige na nga, ang totoo natatakot pa rin ako. Kaya bumalik na lang ulet ako sa kama at natulog.
Alas otso ng umaga nagising ulet ako, naligo at nagbihis. Pangatlong araw, yes uwian na! Sa twing nagbabakasyon ako nalulungkot ako pag uwian na pero sa oras na yun masaya ako na uwian na.
Alas tres pa ng hapon ang flight namen. Namili muna kami ng mga pasalubong pagkatapos ay bumalik muna sa lodge para dun muna tumambay total ay alas dose pa ang check out at malapit lang naman ang airport. Pero dinala ko na ang mga gamit ko sa kwarto nung mag-jowa at dun kami nagpalipas ng oras.
Hindi ko na napigil ang sarili ko na ikwento sa kanila ang naranasan ko kagabi. Hindi lang pala ako ang may naramdamang kakaiba pati pala si Albert. Sabi nya ay may nakita daw syang figure sa may tabi ng cabinet sa loob ng kwarto nila. Nakaputi. Hindi lang daw nya pinansin at ayaw nyang matakot.
Atleast dalawa sila sa kwarto eh paano kaya kung ako ang nakakita? Pano kaya kung yung nakita kong nagko-close open na door ay may biglang nag-appear na figure na nakaputi mahaba ang buhok na nakatakip sa muka at unti- unting lumalapit saken ng pagapang? Aaaaarrrrrghhhh...erase erase erase!
Unang araw pa lang namen sa lodge na yun may something creepy na kong naramdaman. May nakita pa kong bible sa room ko sa loob ng cabinet. Hindi ko alam pero kinabahan ako ng slight nung makita ko yung bible. Sa lahat kasi ng hotel at lodge na napuntahan ko na, ito lang ang may bible sa bawat kwarto.
Kinuwento ni Albert na may kaibigan daw sya na nagtatrabaho sa isang sikat pero lumang hotel sa Manila. May nagpakamatay daw sa isang kwarto nito kaya nilagyan nila ng bible. Kaya nung makita rin daw nya yung bible nasabi na lang nya sa sarili na may iba sa lugar na yun. At napatunayan nya naman.
At ito may pahabol pa! Habang nagkukwentuhan kami tungkol sa mga nakakatakot na experience sa lugar na yun, bigla na lang bumagsak yung plastic na may lamang pasalubong na pinamili namen. Nilagay yun ni Liza sa ibabaw nung cabinet. Natahimik kami, nagkatinginan, at kinilabutan na naman!
Ipinatong daw nya ng mabuti yung plastic sa ibabaw ng cabinet. Nakita ko rin naman na maayos ang pagkakalagay nya nung itinuro ni Albert yung cabinet at ikinukwento kung saan nya nakita yung figure na nakaputi.
Nagbiruan na lang kami na nag-agree lang yung figure na nakaputi sa mga kwento namen. Nag-pasya kami na magcheck-out na kahit wala pang alas dose at sa airport na lang magpalipas ng oras bago pa may mas nakaka-panindig balahibo na mangyari.
May karugtong....
.
.
.
.
Echos lang! wala ng karugtong at baka saktan na talaga ako ni Joanne.
Salamat ng marami kina Arnica, Bart at sayo sis Hash na naki-chismiss sa kwento kong ito. Maraming thank you kay Joanne at Anney, pasensya na po sa pambibitin. Humabol din pala si The Pinay Wanderer na nag-back read at natawa sa horror story ko hehe, salamat. Sa mga silent reader, salamat din alam nyo na kung sino kayo. At sa magbabasa pa ng sequel (feeling horror movie lang) na ito, kung meron man, salamat na rin in advance. Teka, nanalo ba ako ng award at may "thank you" speech ako?
Labels:
MY JOURNAL
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hay salamat, natapos din ang katatakutan! Nag-iisa pa naman ako dito sa kwarto, tinatakot mo ko, hmp! Pero hindi rin naten nalaman kung ano ngyari kay koyang driver dun sa unang sequel, dapat tinanong mo kasi kung may nagparamdam sa kanya, haha.. Mababaliw ako pag may ngyaring ganyan sa akin, duwag ako e, haha..
ReplyDelete@joanne duwag rin kaya ako..hindi ko nga alam kung pano ako nakasurvive eh..haha!
ReplyDeleteIN FAIRNESS PINK..PANG PELIKULA TALAGA ANG EXPERIENCE NYO... GRABE SA DAMI NG NANGYARI.. SANA MAY KASUNOD PA... JOKE.. HAHAHA.. TWO THUMBS UP!
ReplyDeletehalaka. tindig balahibo ko dito. -_-
ReplyDelete@bart naku po utang na loob ayoko na po magkaroon ng kasunod to hehehe...
ReplyDelete@orange pulps makapanindig balahibo talaga hehe..
back read nga din muna ako at naku bakit sa mga pangungusap pa lang naninindig na balahibo ko..madalang na madalang mangyari sa akin to, kapag meron lang akong nararamdamang something creepy...slightly open pa naman ang 3rd eye ko... yay!
ReplyDelete@fallenrhainnes ayokong ma-open 3rd eye ko kahit slight lang lols..enjoy reading po :)
ReplyDeletehello.. ngayon lang ako nakadalaw sa blog na toh..napansin ko kase na finofollow mo blog ko.. anyway.. sorry ah.. sabihin ko sayo na hindi ko binasa ang post na toh kase..honestly matatakutin ako.. hahahahaha :)
ReplyDelete@kamilkshake salamat sa pagdalaw..ang totoo matatakutin din ako eh hahaha!
ReplyDeleteo my gali! Kinilabutan naman ako sa kwento mo! Ngayun ko naintindihan kung bakit iba yung pakiramdam ko sa kwarto na tinuluyan namin sa grand villa.(latest blog entry ko)May nakita nga akong bible sa loob ng cabinet. Taka pa nga ako bat meron nun. Shocks! Tumatayo balahibo ko! Duwag din ako. hihihi!
ReplyDeleteO my gulay, nakakatakot talaga, at iyon pala yun, kapag may bible sa isang hotel room, me something talaga. Eehhh, matatakutin din ako, pano pa kaya ko makakapag-solo travel nito?! :(
ReplyDeleteMatagal di nakadalaw pero binalikan ko talaga 'tong series na to, hehe. Salamat sa mention PL! :)
ReplyDelete@anney hindi ata talaga mawawala sa mga mahihilig magtravel ang mga ganitong experience
ReplyDelete@pinaywanderer trip ko rin magtravel ng solo pero nung maexperience ko to di ko alam kung kakayanin ko pa hehe..salamat :)
Binasa ko daw talaga tong makapanindig balahibo series mo oh. Mahilig kasi ako sa ghost stories. Anong name ba ng hotel na yan nang hindi na mapuntahan, kasi baka balang araw mapadpad ako dyan, at least alam ko nang may mumu sa hotel na yun at di na ko mag-aattempt pang mag-stay dun.
ReplyDeleteAng hirap naman makaranas ng katatakutan while on the road tapos tricycle lang ang sasakyan tapos madilim pa ang daan. Kung ako siguro nasa lugar mo baka bigla na kong nagbalik loob sa Maykapal hahaha...
Nice series!
its a small pension house in tagbilaran..bulong ko sau ang exact name hehe..
Deletepuro dasal na nga ginagawa ko eh.. thanks for reading :)
o sige paki-email na lang sa akin hehehe....
Deletenakiki sawsaw. anong name? sigena please
Deleteei nakakatakot palan. i swear ayoko mangyari sa akin to. di bale maging scorer. diko carry mo. kahit marami tao sa paligid ko ngayun nanayu balhibo. xet! buti nalang masaya yung bohol escapade ko nuon. at itetake note ko yung bible echos mo ha
ReplyDeletejust me,
www.phioxee.com
hehe..ayoko na rin maulet to..i swear..pangarap ko pa naman makapagtravel mag-isa pero ngaun takot na ko.. i followed you on twitter.. tweet ko na lang sau kung anong name :)
DeleteGood thing. Hindi ako matakutin. Kahit kids ko if I tell them stories about witches and not-like-ours sa Bohol, they just laugh at me.
ReplyDeleteIn all the hotels and villas I've checked in to especially here sa US, may mga Bible lahat. Share ko lang. Nothing to be scared about that. :)
ganun ba? siguro nga nagkataon lang.. it's really a good thing na hindi ka matatakutin at ang mga kids..hindi katulad ko hehehe..but I always pray naman :)
Delete