Saturday, July 14, 2012

makapanindig balahibo 3 (sequel)

Sa mga oras na yun hiniling ko na sana magtransform yung tricycle na sinasakyan namen at maging katulad ng sasakyan ni Batman sa bilis. Gusto ko na lang makaalis kaagad kami sa lugar na yun.

Hindi na ko makapagkwento. Hinayaan ko na lang si Liza ang magkwento ng magkwento dahil umurong na ata ang dila ko sa takot. Tapos yung tricycle pa parang nangaasar sa sobrang bagal ng takbo.

Sa wakas, after 20 years ay nakarating na rin kami sa city medyo nabawasan ang takot ko. Medyo kumalma na rin ang dibdib ko at mas nakakahinga na ko ng maayos.

Pagdating sa lodge na tinutuluyan namen, naalala ko, shet ako nga lang pala mag-isa sa room. Pangalawang gabi ko na matutulog mag-isa. Nung unang gabi palang nahirapan na kong makatulog pano pa kaya ngayon.

"Eto na naman, ako na naman mag-isa sa kwarto" sabi ko habang paakyat sa second floor ng lodge.
"Dun ka na lang kaya matulog sa kwarto namen" alok ni Albert.
"Wag na, kakahiya naman saken, gawin nyo pa kong scorer, kaya ko naman eh". 
Tapang tapangan ako kahit na gustong gusto ko na talagang pumayag sa offer nya, nangibabaw lang talaga ang hiya ko baka nga maging scorer ako.

"Sigurado ka?"
"Oo." hindi..hindi talaga!
"O sige dito na kami goodnight see you tom." paalam ni Albert at Liza.
Sa second floor ang room nila at sa hindi ko na nalamang dahilan, ang room ko ay sa third floor pa.

Pagakyat ko ng hagdan yung unang unang kwarto na bumungad saken nagko-close open! Syeteng malagket! Nagbubukas-sara ng mahinahon. Walang namang hangin dahil hindi naman open ang building.

Alam kong walang tao dun sa kwarto na yun dahil habang nagko-close open sya dilim lang ang nakikita ko at tahimik sa loob. Tahimik sa buong third floor! Parang mayroon ng bumabayo sa dibdib ko sa lakas ng kaba ko. Feeling ko nagtayuan pati ang buhok ko sa ulo.

Kulang na lang ay tumakbo ako papunta sa kwarto ko na nasa dulo pa ng lintek na third floor ng lodge na to! Baka kasi mapalingon ako at paglingon ko may nasa likod ko na pala at hinahabol na ko.

Shet ang susi ko hinalungkat ko pa sa bag ko. Anak naman ng teteng talaga oh! Hindi na ko makahinga!

May karugtong...


10 comments:

  1. hahahaha.. naalala ko nanaman ang kwento mo..

    ReplyDelete
  2. Bitin na naman? Kala ko dito na mag e end ang kwento mo meron pa palang kasunod. hehehe!

    ReplyDelete
  3. Pink malakas ka siguro sa kape.. hehehe.. pero nakakabitin nga...

    ReplyDelete
  4. Hay naku kang babae ka, pangatlong beses mo na binitin ang kwentong ito! Malapit na kita saktan, haha! Happy Sunday!

    ReplyDelete
  5. @anney hehe meron pa po

    @bartolome haha tama ka mahilig nga ako sa kape

    @joanne waaaaah wag po!

    ReplyDelete
  6. hahaha, natatawa pa rin talaga ko sa pagkwento mo. ;) kelan naman ang ending nito, bitin! pero ang galing talaga ha, nag-enjoy ako magbasa kahit horror pa ito.

    salamat pala sa pag-follow ng blog ko, na-follow na rin kita at na-add sa blogroll ko. :)

    ReplyDelete
  7. @tal salamat naman at nag-enjoy ka at natawa kahit horror ang kwento ko hahaha...

    at thanks din for following back :)

    ReplyDelete
  8. Ito na yung part na patay-bukas na yung ilaw tapos may parang hologram na image ng spirit. Gusto mong sumigaw pero walang boses na lumalabas.. Wah! nakakatakot..pero enjoy basahin ang kwento mo. Sana climax na kasunod..

    ReplyDelete
  9. @littleyana abangan ang susunod ka kabanata hehehe

    thanks po for dropping by :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...