Sila ang "Laser Squadron Maskman".
Nakakamiss silang panoorin. Namimiss ko na ring i-portray si Pink Mask. Mas magaling na siguro ang acting ko ngayon.
Naalala ko lang noon madalas nameng gayahin ng mga kalaro ko ang Maskman. Pero bago kami makapagsimula maglaro mahaba mahabang diskusyon muna kung sino ang gaganap na Maskmen at sino ang mga kontrabida.
In fairness hindi pa ko gumanap na kontrabida. Its either si Yellow Mask ako o si Pink Mask. Pero mas feel ko si Pink Mask. Masama loob ko noon pag hindi ako si Pink Mask. Ewan ko ba, wala akong ganang makipaglaban pag hindi ako si Pink Mask eh. Pero ayoko naman maging kalaban kaya pinagbibigyan ko na lang yung iba pag sinabi nilang "ikaw na si Pink Mask kahapon ako naman ngayon".
Balita ko kasi 25th anniversary na nila ngayong 2012. At dahil 25 years na sila may ilan akong mga nakalap na trivia.
1. Ang Maskman ay ipinalabas sa Japan noong February 28, 1987 hanggang February 20, 1988 na may 51 episode. Umere naman ito sa Pilipinas noong 1989 hanggang 1991 sa IBC 13.
2. Hindi lang pala mga kabataang Pinoy ang naadik dito noon pati pala sa France, Brazil, Indonesia at Thailand ay ipinalabas din ito.
3. Kung hindi nyo na maalala, ang mga pangalan nila in Tagalog series ay Michael Joe (Red), Leonard (Blue), Adrian (Black), Eloisa (Yellow), at Mary Rose (Pink).
4. Ang mentor nilang si Professor Sugata ay si General Lee pala sa sikat na reality game show sa Japan na Takeshi's Castle.
5. Ang Tagalog-dubbed na boses ni Michael Joe (Red Mask) ay walang iba kundi si Matanglawin Kuya Kim Atienza.
6. Ang gumanap bilang si Michael Joe (Red Mask), Ryousuke Kaizu sa tunay na buhay, ay nakapangasawa ng Pilipina at mayroon silang anak na lalaki.
7. At ang kumanta pala ng Tagalog version ng opening at closing theme ay si Tito Sotto.
Maskman Opening Song (Tagalog)
Humanda na kayo
Kampon ng kadiliman
Oras na ng pagtutuos
Kasamaan nyo dapat matapos
Narito na sila
Bayaning tagapagtanggol
Sama sama'y lilipol
Maskuman kayo lang ang pagasa
Iligtas kami sa marahas na kadiliman
Kami'y inyong ipaglaban
Sige sige laban maskuman
Ipagtanggol ang kapayapaan
Sugod sugod laban maskuman
pagsanggalan ninyo ang katarungan
Buong mundo'y magpupuri
magpupugay, mabuhay
Laser Squadron Maskuman
Maskman Closing Song (Tagalog)
Ito ang mga bayaning magiting
Walang takot
Sa bangis ng kalaba'y di umuurong
Matatag, tagapagtanggol ng inaapi
Mga huwaran
Sa tungkuli'y tapat
Na handang mag-alay ng buhay
Maskuman
Tanod ng kapayapaan
Maskuman
Laging maaasahan
Dapat nating tularan ang kagitingan
Laser Squadron Maskuman
Maskuman
Patay na bata ata ako dati dahil tamad talaga ako manuod ng tv at hindi ko naalala ang maskman! At di tulad mo, wala akong mga kalarong bata sa amin, sa loob lang ako ng bahay lagi at naglalaro ng barbie mag-isa, kaya autistic ako e, hihi!
ReplyDeleteWow, new look ang blog mo ah! I like!! Anyways, alam mo namang fav color ko rin ang pink!
Galing.... Ang tgal ko to hinanap ikaw lng pala ang mkakapag post. Umiiyak tlga ako non pg d ako nkakapanood ng episode nito every sat 5PM. haha! tama ba ako sa schedule? hehe! sna ipalabas to ulit... i miss blue. super crush ko tlga xa.
ReplyDeletewaaahhh... fave ko din 'to... gusto ko din si Pink Mask... pero wala din akong kalaro nun kc nsa bahay lang din ako lagi... kabisado ko pa pala ung ending theme song nila... nice tlg! ^_^
ReplyDeletedi ko to napanood. power rangers ang sikat nung kabataan ko. haha
ReplyDelete@Joanne haha may pagka-boyish kasi ako noon eh.. sayang naman hindi mo sila napanood.. mabuhay ang mga pink lovers hehehe..
ReplyDelete@dona hindi ko na tanda yung oras pero every sat and sun nga sya.. si red ang crush ko hihi..
@Anne nakakabuhay ng dugo ang theme song nila :)
@Olivr ibig sabihin mas bata ka samen hehe..pero fan din ako ng power rangers :)
naabutan ko pa to :) mga 6 years old siguro, tapus sumunod na nga ang power rangers :)dati akala ko power rangers din ang maskman :)
ReplyDelete@jep may sumunod pa sa power rangers..yung jetman.. gusto ko rin yun kasi may love story hihi..
ReplyDeleteHaha favorite ko 'to dati!!! Napakanta ako dun!!! At ngayon ko lang nalaman si Tito Sotto pala may kanta nun. Si General Lee at ang Takeshi's Castle favorite ko rin!!! :D Si Yellow Mask favorite ko!!! Hahaha nakakatuwa naman!!! :D
ReplyDelete@cris hehe mga batang 90's..ang saya ng childhood naten dahil dito :)
ReplyDeleteang saya panoorin nyan grabe nakakamiss...
ReplyDeletehanggang ngaun
si norman caraan po ang kumanta ng maskman tagalog themes..
ReplyDeletehttp://www.youtube.com/watch?v=N_qgXYgGmEA
sobra nkakamiz ung mskman,,,qng pwd nga lng new version gwn nla ngaun,,,,,mas ok p ung mga dting rangers kesa ngaun,,,,korny n lahat,,,,hahah
ReplyDelete