Kinabukasan, Good Friday, nagpunta kami sa bayan ng Sorsogon para magwithdraw sa ATM at inabutan kami ng tinatawag nilang "libing" kung saan nakikipaglibing daw yung mga tao sa pagkamatay ni Jesus Christ.
At eto na naman naabutan na talaga kami ng last trip, haaay buti na lang yung mga tricycle dun kaya namang bumiyahe ng 30 minutes mula bayan ng Sorsogon hanggang Juban, yun nga lang 200 pesos ang bayad pero ok na rin kesa naman kinabukasan pa kami makauwi hehe.
Black Saturday. Hindi daw makukumpleto ang bakasyon mo kung hindi ka lalangoy kasabay ng mga butanding at yun talaga ang exciting sa Sorsogon.
Mahigit dalawang oras din kami nagbyahe mula Juban papuntang Donsol. Dumating kami sa Donsol ng 8am at nang kinausap namen yung organizer ng Whaleshark Adventure and Tours na si ate Ruby, sinabi nya na puno na yung first batch which is 10am ang alis at second batch na 12nn naman ang alis. Sayang hindi kami nakapag-confirm ng booking peak season pa naman, kaya ayun 3rd batch na kami na 1pm naman ang alis. Wala na kaming magagawa andun na kami kaya hinintay na lang namen.
Dumating na ang 1pm hindi pa rin kami nakakalis, di pa daw kasi nakakabalik yung bangka na sasakyan namen. 2pm na wala pa rin, nagkaproblema daw kasi yung bangka na ayaw naman sabihin samen kung anung problema. Nakakawala ng excitement. Yung level ng excitement ko nasa level 9 na eh biglang bumaba ng level 4 haaaay, pero syempre ano pa nga bang magagawa namen andun na kami eh kaya maghintay na lang kesa naman magbackout pa kami eh ang layo rin naman ng pinanggalingan namen. Hanggang sa mag-3pm, ayun sa wakas dumating na yung bangka na sasakyan namen at umalis na kami papuntang laot.
1200 pesos ang binayaran namen para sa 3 hours encounter with the butanding na may kasamang snacks (lemon square cheesecake at mineral water) at gadget. Habang papaalis ang bangka bumalik na yung excitement ko nag-level 9 na ulet sya. Magta-tatlong oras na nameng nililibot yung dagat, inabot na kami ng sunset pero wala pa ring nagpapakitang butanding. Hanggang sa nawala na yung excitement ko at napu-frustrate na ko. Di na ko nakatiis at tinanong ko na si manong BIO (butanding interaction officer) kung meron pa ba talagang nagpapakitang butanding ng ganong oras at ang sagot nya "madalang". Haaaay gumuho ang mundo ko at tuluyan na kong nabalot ng frustration. Tapos na ang 3 hours namen kaya kelangan na nameng bumalik na wala man lang nakitang butanding kahit anino. Ang sakit sa kalooban na nagbyahe kami ng malayo, naghintay ng matagal at nagbayad ng ganon kamahal para lang sa wala. My most frustrating trip ever. Sabi nila ganun daw talaga nature daw kasi ang butanding kaya hindi nila kontrolado kung kelan magpapakita at kung kelan hindi. Pero alam nila kung anung oras madalas at madalang magpakita sana kahit yun man lang ikino-consider nila. Sana hindi na sila nagpapaalis kung alam nila na maliit ang chance na magpakita ang butanding sa ganong oras. Pero asusual wala na rin namang mangyayari kahit ano pa ang sabihin at gawin namen dun sa pagkakataong yun inisip na lang namen na hindi pa meant to be na magkita kami ni Daniel (pinangalanan na namen yung butanding). Atleast sa susunod alam na namen.
Easter Sunday. Swimming naman, pero sa hotspring. Nagpunta naman kami sa Bulan. Papuntang Bulan jeep sinakyan namen eh uso dun yung may mga sakay sa bubong gusto namen maexperience kaya yun sa bubong kami sumakay hahaha ang saya lang.
First time kong makakita ng natural hotspring na umaagos pa talaga galing daw ng Mt. Bulusan. Nakakarelax. Nakakatanggal ng frustration hehehe.
Sana may ganitong lugar na malapit lang sa Manila para pag sobra na ang stress sa buhay pwedeng mapuntahan agad para makapag-relax.
"God made everything out of nothing, but the nothingness shows through".
Hi how are you?
ReplyDeleteI was looking through your blog, and I found it interesting, and inspiring to me, so I thought why not post a comment.
I have blogs also obviously, and would like to invite you to become my blog friend.
I mostly post about the California experience through the perspective of personal writings, and my art.
Maybe you can become my friend, and follow, and I can also follow you, if that is okay.
Well I hope to hear from you soon… :)
Jesse Noe Mendez
Meron din namang mga lugar na ganyan na malapit lang sa Manila. I have recently gone to Manila and visited the 7 lakes of San Pablo in a day. Baka gusto mo i-try. Nice siya, malapit sa Manila at hindi naman gaano ang gastos.
ReplyDeleteIlagay ko na dito ang link sa post ko, just in case maging intested ka na mag-adventure na bisitahin ang pitong lawa sa loob lang ng isang araw hehehe. I included also an itinerary sa post ko, baka sakaling makatulong.
Heto ang link, paki-copy paste na lang: http://nortehanon.com/?cat=85
Ang ganda naman ng hot spring na yan. Gusto ko na tuloy makarating sa Sorsogon.:)
ReplyDelete