Tuesday, December 4, 2012

Bloggers EB: meeting new and newer friends

I never knew that I would find really nice friends here in blogosphere. Nakikita ko man sila in person oh hindi. I just love the fact that blogging and reading other blogs would give me so much emotion. Nalulungkot, natatakot, nagugulat, na-eexcite, napapatili, nai-inlove, kinikilig (hindi lang pala ako sa pag-ihi kinikilig), napapatawa at sumasaya.

Oh ang arte lang ng intro ko noh? Wala lang, overwhelmed lang siguro ako dahil sa pagkikita kita ulet namen nila twin sis Joanne at Zai. I really miss these two beautiful and nice person and I love them so much na! Im telling you, they are really nice and fun to be with. (Zai and Jo, pili na lang kayo sa wishlist ko ah hehehe.) Kidding aside they are easy to get along.

Matagal na yung huling kita namen nila Joanne at Zai. October pa, oh diba ang tagal na. So dapat magme-meet kami ng November kaya lang nagka-sore eyes nga ako, ayun postponed. Nung gumaling na eyes ko, schedule agad agad ng meeting, then came December 3.

But before that I asked Zai kung sino ang mga kasama. Na-excite ako sa mga names na tinext nya including, Marge of CoffehanKulapitot and Lori of Here You'll Find Me. Gustong gusto ko na talaga kasi sila ma-meet in person but sadly hindi sila nakarating. Why kaya? Paki-explain sa comment box kung bakit, required yan hmp!

I also texted Maria of Super Wander Girl to join unfortunately she has work at medyo malayo ang place hindi na rin kakayaning humabol pa. Anyway. I hope next time makasama na sila

4pm ang usapan sa Mega. Una kaming dumating ni bff Hash, may ginawa pa kasi kami regarding our tropa's Christmas party. Habang busy kami sa foodcourt dumating si Theo of Theo's Casanova na muntik ko ng di nakilala dahil wala syang suot na eye glasses. Pangalawang beses ko ng ma-meet si Theo, the first time was when I claimed my prize in his blog contest. Ilang minutes lang dumating na rin sina Joanne and Zai at lumipat na kami sa Pepper Lunch para dun na lang hintayin yung iba. Gutom na kami, hindi kasi kami kumain ni Hash sa World Chicken at hindi rin kami kumain ng cupcake (haha! alam nio na yan).

Zai also got his prize (a planner with freebie coupons) from Theo.
me, Hash and Joanne
After namen umorder ng food dumating na si Mr. Smiling Face. Si kuya Mar of Unplog. He's always smiling kasi kahit stolen shot naka-smile pa rin. He's mabait din at ayaw nyang sabihin kung ilang taon na sya. Ok lang kuya Mar kung ayaw mo sabihin basta yung hinihiram ko na book ah!

kuya Mar, Zai and Theo

After namen maubos yung food dumating naman si Superjaid na galing pa sa kanyang OJT (kaya dont worry sis hindi ka late..maaga lang talaga kami hehe). Napag-alaman namen na classmates pala sila ni Theo nung college. Nagulat kami, akala namen magpapatayan na sila haha chos lang. Na-miss lang pala nila ang isa't isa. First time ko rin ma-meet ang batang ito. Nakakatuwa sya, parang ang sarap nyang maging younger sister. Napaka-jolly ng arrive!

Superjaid, kuya Mar and Theo
Halos magkasunod lang sila ni Empi na dumating. We concluded na nag-date muna sila pinauna lang si Jaid ni Empi para hindi halata hehehe. Hindi na kumain si Empi kasi busog pa daw sya. Pangatlong beses ko na ma-meet si Empi. Nung una tahimik lang pero ngayon nakikisalamuha na sya hehe at si Joanne ang gusto nya laging katabi hmmmmm.

After madaliin ni Theo si Jaid na ubusin na ang umuusok pang food from Pepper Lunch lipat naman kami sa kapihan, saan pa eh di sa Starbucks.

At dun dumating ang isa sa mga idol ko na Pinoy blogger, si Bino of Damuhan. Gusto ko sanang makipag-kwentuhan sa kanya kaya lang hiya ako eh. But he's nice at kinilig ako ng slight ng i-shake hands nya ko hehe.

(left-right) Theo, Joanne, Empi, Zai, Hash, me, Jaid, Bino
Jaid, Theo and Bino.


Naisipan namen magpapa-picture sa Christmas tree. Naalala ko si Archieviner dahil sa hinihiling nyang Christmas greeting. Na-haggard ako sa mga notifications ko dahil si Archie, ni-like lahat ng picture namen, na-inggit haha! Wag ka na mainggit eto para sayo.

Merry Cristmas Archieviner! he he he
Pictures overload!

Stolen pero naka-smile pa rin si kuya Mar

stolen ulet..pigil ang smile ni kuya Mar
stolen.. photowalk?
Ang mga first time kong na-meet.

with Superjaid

with Bino

with kuya Mar

Salamat kay McDonald Donald Duck na nagsilbing tripod namen at natupad ang kumpletong group picture.

yung gift na hawak ni Donald ang ginawa nameng tripod


But wait there's more! Dahil sa picture taking may mga bagong nabuong love team. Janjarajan...Heto na sila!

MarJo loveteam
by request ni sis Jo ang name kaya pinalitan ko ang JoMar

ZaiLin loveteam
bagay ba kami?
Nung pinost ko sa fb ang picture namen ni Zai ang dami nag-PM saken tinatanong kung bagong bf ko daw ba sya haha! Kaya tumabi tabi na ang ZaiJo love team eto na ang bago...go ZaiLin!


It's really fun and nice meeting and knowing these people na dati ay sa blog ko lang nakakasalamuha. Hope to see them again at sana next time makasama din kayo ;)

wacky! 


98 comments:

  1. wow! ang saya!!! sayang namiss ko to huhuhu. -_-

    ang cute nio talaga ni zai sis! nakakatuwa, zailin loveteam talaga hehe weee

    ang cute ng group pic nio sa christmas tree!

    Hello hello to other bloggers its nice to meet you here sa blog ni sis Arline hihi.. ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. dapat talaga next time kasama ka na ah!

      suportahan mo love team namen ni Zai sis hahaha...

      Delete
  2. Natuwa naman ako may mcdonald! I hope someday mameet ko rin po kayong lahat! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe..uu naman..magme-meet din tayo ;)

      Delete
  3. Iniisip ko na halos lahat kayo na nag blogger's meet up ay may kanya kanyang post. Una unahan lang yan kumbaga. Kung sinong may spare time makakapag post agad. hehehe..Nice to see you bond guys!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..syempre kanya kanyang feelings yan eh..

      Delete
  4. Ehem ehem.. Eto na po mag-eexplain na. Nagkataon kasing taghirap na ko sa mga panahong ito dahil wala pa yung sweldo. Nanghinayang nga din ako eh 'cuz I was really looking forward to seeing you guys. Kaso ganun talaga, alangan namang first time pa lang tayo magkita eh magpapalibre na ko sa inyo diba, baka imbis na matuwa kayong makita ako eh bigla nyo na kong i-block hahaha... Di bale there is always a next time naman eh.

    Dahil dyan inggit naman ako at nanghihinayang na di ako nakasama. Mukhang ang saya nyo lang sa pics.

    So ginawa talagang tripod si Donald Duck? Hahaha... Balita ko inaagaw mo daw ang ka-loveteam ni Joanne ah. Oo bagay din kayo ni Zai hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha nag-explain talaga...hmmm..o sige basta next time kami naman libre mo hehe..

      at hindi ko inaagaw si Zai kay Joanne..may bago na rin naman sya ka-love team eh..haha!

      next time dapat kasama ka na ah :)

      Delete
  5. At dahil sinabi mo, ngayon ko lang na-realize, kaya pala may iba kay Theo, yung glasses pala ang wala, haha!

    Na-miss lang ako ni Empi kaya saken lagi nakatabi! Na-miss ko din naman siya ee.. Ayiii.. haha!

    Pwede bang yung JoMar e gawing MarJo, wala lang, parang mas cute! Mas bagay pa din kami ni Zaicy!!!!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya naman pala sweet nyo ni Empi kahapon..hehehe...

      may Empi ka na, may Mar pa..

      "pahiram kay Zai kahit isang gabi lang" one more try lang ang peg

      ayan pinalitan ko na..by request eh.. MarJo!

      Delete
    2. Jonario nga para mas sosyal :P

      Delete
    3. sige idaan na lang naten sa botohan!

      Delete
  6. kakatuwa talaga ang mga pics.... ^__^ sana oneday makasama din ako hehehe!

    ReplyDelete
  7. sa susunod.. magsama naman kayo!!! hahaha.one step away lang ako sa mega.sayang!:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay sayang nga..twit twit tau para masabihan next time ;)

      Delete
  8. may ganitong meeting meeting?? walang invite na naganap? CHE! hahaha. charots lang :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..sige next time pag ininvite ka namen sama ka ah!

      Delete
  9. ZAIJO!!!! love team!! shet! kinikilig ako sa inyong dalawa. bibigay ko na blessing ko sa inyong dalawa.

    sana one day makasama din ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay kainis ka naman..dun mu yan i-post sa blog ni Joanne.. ZaiLin kami ni Zai... ZaiLin! hahaha...

      ayan..marami na kasama next time :)

      Delete
    2. Thanks Cyron! ZaiJo forever... woohooo!

      Delete
    3. LinZaiJo na lang HAHAHA...XD THREESOME!!!

      Delete
    4. ay di ko bet ang threesome..madamot ako eh!

      Delete
    5. This comment has been removed by the author.

      Delete
  10. Go ZaiLin!! Gagawa na ba ako ng poster? lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ui gord wag kang bumuto sa zailin. dyuk! Taga sira daw ako. lol

      Delete
    2. konta-bulate ka talaga Archie!

      Delete
  11. Haha andaming love triangles dito!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi lang triangles..rectangles pa!

      Delete
  12. Talo kami lahat kay Zai, nabeso-beso nya mga girls! tsk, tsk!

    Why o why? Mabango naman daw kami sabi nong cashier sa Starbucks! O amoy Pepper Lunch lang haha

    Sa uulitin guys!

    ReplyDelete
    Replies
    1. amoy pepper lang walang lunch hehe..

      see you next time :)

      Delete
  13. hay nako ang dami talagang bulag bulagan sa mundo. ayaw tangapin ang katotohanan! bahala kayo bumula ang bibig hahaha :)

    infernes natuwa ako sa Zailin, para lang nagbebenta ng siopao at siomai no? :)


    tawa ako ng tawa ng makita ko si McDonald. Whole name ba nya ay Ronald McDonald Duck? :)


    Anyways, really had fun with you guys, super saya at magkaka sundo talaga tayo. Love you sis Arline, kita kits ulit tayo soon ha!! Mwahs! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay uu nga noh?! tapos gawin nateng term of endearment yan.. ikaw si siopao at si siomai hehehe...

      ang totoo nyang name ay Ronald Duffy McDonald Duck!

      Love you too Zai..yah kita kits soon! :)

      Delete
  14. ininggit niyo talaga si ser archieviner. haha

    ReplyDelete
  15. nice ang saya... pang PBB teens ang love team... hehehe

    ReplyDelete
  16. Hindi mo ba talaga ako iniingit? dyuk! haha. Ang saya ng EB nyo T.T Die hard fan parin ako ng Jonario. Pero dahil blog mo to. plus one sa zailin. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti naman..sige go tau sa Marjo at Zailin!

      Delete
  17. galing, galing naman ng EB niyo! kainggit! :D

    ReplyDelete
  18. Happiness, happiness!! Kainggit ang EB niyo. Sana next time ay makasama din ako. Andaming labteam :D PBB Teens n the air! :D I want to meet bloggers. Mukhang masasaya at mababait ang lahat. Love, love, love!

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu naman sama ka next time... dami na tayo

      Delete
  19. wow! pwede mang invite kayo pag mag EEB? hahahahahahah :)
    baka makakuha din ako ng ka-love team ehhh :D

    ReplyDelete
  20. pasali din ako next time. pwede ba kong magpa contact? hihihihi kaso papano? :) mukang ansaya saya ng pictures ehhh

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh yun nga eh..gustuhin ka naman nameng invite di namen alam pano ka kontakin.. may twitter ka ba? follow kita.. @pinkline21 yung saken..oh kung wala send mo saken contact # mo..gamitin mo yung Ask Me page ko sa taas...

      Delete
    2. hahahahaah wlang twitter. kabababa lang sa bundok ng tralala ehh :) cge, check ko muna :)

      Delete
    3. okay na, paki-check nalang po yung contact na naisend ko. hihihi.. thanks po!! :)

      Delete
  21. ang saya saya talaga ninyu pinkline. nainggit ako. pwede magtanong? ano yung EB? super no clue ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. EyeBall sis..hehe.. ang layo nio kasi eh..pero kung dito lang kayo im sure lagi kayo kasama..yaan mo magkikita kita in tayo!

      Delete
    2. hahahah eyeball pala. akala ko ano. gudness. ang no brains me.

      Delete
  22. wuy ang saya naman niyan ate ^^
    boto ako sa MarJo at ZaiLin love team, kelan ipapalabas pelikula? tiyak patok sa takilya hehhehe

    haha.. SUPER bagay kayo ni ZAI :) hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. coming soon ang movie hehe..thanks bebe sis :)

      Delete
  23. Wow...supernice ung get together nyo...na inggit kami bigla ni Phioxee...hahaha Sana maka meet din kami ng mga super fun bloggers..:)

    In all fairness pwede kayo ni zai....hahahaha


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu naman magme-meet din tayo soon :)

      Delete
  24. Parang nakita ko na yung same group awhile ago, hehe.. dun sa blog ni joanne... pero nas nauna akong magcomment dito kasi nag-eerror sa blog nya sa ngayon.. anyway, copy-paste ko na lang ang comment ko sa kanya (joke)... happy for you! ansaya ng gathering nyo ah...mukhang enjoy na enjoy kayong lahat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nauna nag-post si joanne..haha natawa naman ako sa copy paste comment :)

      Delete
  25. It would be really fun to meet you guys. Sige EB tayo, punta kayo dito sa Italy! It's December and hot chocolate is simply divine in this time of season in Italy. Hehehehe!

    I'm really happy for you Ms. Pink Line upon discovering na hindi ka lang sa pag-ihi kinikilig. May puso ka teh! hahaha!

    Matindi rin si Theo, ang daming pakulo. Siya na yata ang Willie Revillame ng blogosphere.

    Kung iisipin talaga no, blogosphere lang ang nag-unite sa ating lahat. Perhaps its true what they say, part of our soul is in our writing, and when we share and read each other's posts and comments, it's like we're sharing part of our soul, and soon our souls are closely knit together, and all bloggers become soul-mates, and eventually, a good company of friends.

    Wish i can meet you all!

    ReplyDelete
    Replies
    1. uy nagbabalik si Tripster Guy..na-miss kita!

      ay gusto ko yang EB sa Italy basta all expense paid ah gow!

      grabe naman..may puso naman talaga ako eh...di lang sya tumitibok sa ngaun..hehe..

      very well said ang last 2 sentences mo..tamang tama ka jan!

      Delete
    2. Ikina-inggit ko ang comment na ito ni Mr. Tripster, haha! Namiss ko ang mahahabang comment nya, hihi

      Delete
  26. isang karangalan ang mameet ang kapwa bloggers..

    ReplyDelete
  27. Kpag nadadaan yng bus n cnaskyan q pauwe s megamall, naaalala q tong arw n toh, hehe sana maulit muli! :))

    ReplyDelete
  28. Bago pa lang ako sa blogosphere, pero kahit na busy ang lahat sa pagawa ng nakakabaliw na article at pagiisip na nakaka ewan na post.. The best prize is the meet wonderful people, an acquiantance become friends then friends become sis and bro. Love, like this post.
    [thekidwanderer.blogspot.com]

    ReplyDelete
  29. Saya naman dami nyo nag EB! Mabuhay ang bagong magkaka loveteam! hehe! Mukha nga kayo mag jowa ni Zai sa picture! Ang sweet ng posing nyo!hihihi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kinilig nga ako sa picture namen na yan eh..hihihi..

      Delete
  30. Sweet! How cool is that :) Grand EB thanks for sharing some photos. Bakit di kasama si Phioxee? i think u , joanne and Phioxee are the pretty faces of bloggers :D pansin ko mas marami ang guys?

    ReplyDelete
    Replies
    1. kasi malayo si Phioxee..nasa Dumaguete pa xa eh.. ganyan si Joanne at Phioxee lang talaga hindi man lang ako sinaman hahaha charot.. uu nga agree naman ako jan :)

      Delete
    2. Ikaw nga una eh oh, sabi ko U , joanne and Phioxee :)

      Delete
    3. ay uu nga noh..hindi ko napansin yung "U" hehehe sori naman po.. wow kami palang tatlo yun..thanks po ate Leah..naki-ate na ko ;)

      Delete
  31. nakup, may kaagaw pala si zaijo. eto pala si zailin. lols. hampoge naman ni zai pinag aagawan. :)

    ReplyDelete
  32. Like seeing you guys having fun:) young ones!
    Have fun reading your post. Cute nyo:)

    ReplyDelete
  33. ay type ko yang love na yan...hehehe... go ZaiLin & JoMar ako president ng fans club nio ha... hehehe...

    sana next na EB mas marami na ang makarating para long table na tau...

    ReplyDelete
    Replies
    1. malamang sa food court na lang tayo hehe..

      Delete
  34. inggit ako! next time pasali naman dyn:)

    But I agree with you...this one thing I love about blog I start having friends and nowdays I love twitting with them:) hahahaha!

    ReplyDelete
  35. pangatlong entry na 'to na nabasa ko re the EB, isang pangyayari, tatlong kwento, iba-ibang istilo, kakatuwa basahin. :) naiba na naman ang loveteam na susuportahan ko, MarJo na ngayon! at ZaiLin, bagay! ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Tal for supporting ZaiLin..hehehe...

      Delete
  36. woowww...ang galing naman! buti kayo may date na ganyan, you all looked very happy in those pictures. :)

    ReplyDelete
  37. I soo love this post! Ang saya-saya nyo. Like ko yung pics mo with each blogger - ang saya! At syempre yung group pic din :) At may mga nabubuo (at nababasag) na mga new love team ;) ha ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks po ;)

      madadagdagan pa yang mga love team na yan sa susunod hehehe...

      Delete
  38. nakaka miss naman ang pinas! inggit ako

    http://delightfulideas.com/

    xo lala

    ReplyDelete
  39. andaming bloggers! hehehe ..

    Happy EB :)

    ReplyDelete
  40. ang saya naman...kainggit....sana makilala ko rin kayo....

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...