Hello Philippines and hello world! Toni G. on PBB lang ang peg. Busy busy-han ako this past few days medyo maraming inaasikaso sa negosyo tapos month end pa at swelday kaya ayun panggap na naman ako. Buti na lang after busy days merong "ganap" na pangbalanse at iyon ang bet kong ikwento.
Ang ganap ngaung first day of September ay ang birthday blowout ng isang ka-tropa na si Kiko, hubby ni bff Nahnah of Hash Coffee Table Book. Kahit nasa ibang continent sya dapat may celebration pa rin kami, required yun, ganyan kami magmahalan sa tropa.
Nauna kami nagkita nina Ash and Nahnah. Sinamahan muna kasi namen si Ash sa first fitting ng wedding gown nya. After the fitting gora na kami sa Trinoma at ayun sa Kamay Kainan kami dinala ng aming mga gutom na sikmura.
Kamay Kainan was a buffet restaurant serving Filipino foods. Yung tipong parang nasa fiestahan ka lang or sa handaan sa bahay, pwede ring sa carenderia lang ang peg. Sa halagang 289.16 pesos, lafang-all-you-can na!
Gutom na ko pero mukang matatagalan pa dumating yung ibang ka-tropa plus kahit saan ako tumingin pagkain lang ang nakikita ko kaya we decided to have an appetizer muna habang naghihintay sa iba.
Ito ang desserts nila pero ginawa nameng appetizer. |
Pero, dahil nga nagwawala na ang tummy ko, ito ang ginawa kong appetizer. Sa pancit at longganisa lang ako nasarapan, medyo matabang yung ginataang langka. Pero naubos ko rin syempre, walang choosy choosy sa gutom na tummy.
After 2 years, dumating na yung dalawa pero mukang after another 2 years pa dadating yung dalawa pa kaya nauna na kami kumain.
Rihelle, Ernie, Ashell, Me and Nah |
this is my main course plate.. remember, appetizer lang yung nauna :P |
this is my favorite! cheese and mango flavor sarap... |
Busog na kami lahat nung dumating yung dalawa pa kaya habang lumalafang sila nakabantay na lang kami. Pinalipat din pala kami ng table kasi almost 3pm na, nagsasara na sila ng ibang section ng resto.
That guy in white is Dave, our new adopted tropa, he's with Arnold (across him). |
Saktong 3pm sila natapos kumain at habang papalabas na kami ng resto, this thing caught my attention. A two-sided electric fan. First time kong makakita nito kaya ayan I took a photo at naaliw din talaga akong tingnan sya, parang bata lang na nakakita ng toy.
We headed to Centerstage Timog after ng lafang. Medyo matagal tagal na rin ang huling concert namen at namiss ko na ring kumanta. Something wrong? No there isnt, talagang past 3pm pa lang magko-concert na kami. Bakit? Kasi may kasama kaming nanay na, we have to adjust din naman paminsan minsan.
Madalas na kami sa Centerstage Timog, hindi ko na mabilang kung ilang beses. Aside from out-of-town trips and travels, singing is our tropa's ultimate bonding. Yung tipong magrerent ng videoke machine tapos kakanta hanggang madaling araw kahit na feeling namen eh tatawag na ng barangay ang mga kapitbahay gow pa rin. Lahat kami mahihilig kumanta kahit na parang tumutula lang, umiiyak, umuungol o sumisigaw ang kinalalabasan ng kanta hindi pa rin papaawat. One of my frustration is to be a famous singer. Sobrang hilig ko talagang kumanta kahit na wala namang kahilig hilig saken ang kanta. Natatanggal ang stress ko kapag kumakanta ako eh. And good thing is lahat naman kami hindi kagandahan ang boses kaya hindi ako nahihiya sa kanila bwahaha!
After 3 hours ng kantahan, sayawan, tawanan at kulitan, we decided to end the night at as early as 7pm. Kumbaga sa iba nagsisimula pa lang, kami tapos na. I remember one of the staff asked us "what time po kayo dumating?", "past 3(pm)" we answered, "ah kaya pala, mga family oriented" and we all laughed.
Happy Birthday Kiks! Sana napasaya ka namen sa birthday mo kahit na malayo ka. Thank you sa blow out. We missed you so much. Lapit na December yehey dont forget my pasalubong ok na saken ang Samsung Galaxy S3 kakahiyan naman kung i-phone pa eh. We love you!
P.S.
September na mga blogger friends! Start na ng ber months at dahil dyan gusto ko kayong batiin ng "Merry Christmas!". Ako ang unang bumati sa inyo noh? At dahil dyan, dont forget my gift sa Pasko ah. *wink*
saya ah! kamiss yung ganyang sessions!
ReplyDelete1st tym ko din makakita ng 2-sided electric fan. hahaha.
saya talaga gord kaya gow yayain na ang mga tropa!
DeleteHAHA. ang saya ate..
ReplyDeleteto the max ang birit mo teh sa pagkanta huh?? hehe. may talent.
ako din first time ng 2 sided fan
san kaya makakabili niya? hmm.. hehe
naku bebe sis sa picture lang ako may talent pero pag narinig mo ng actual naku baka magwalk out ka ;)
Deletehindi ko rin alam kung san makakabili nyan eh.. pero siguro sa mga appliance center meron :)
Kakatuwa talaga cenratipn ng mga pinoy . Kdin and kantahan. Ganon din kami dito:)
ReplyDeletewow nice to know that ate joy...enjoy enjoy din sa kantahan :)
Deletesaya ng tropa.
ReplyDeletemasaya talaga pag kainan at kantahan :)
Deletewow! ang saya naman... ang bait naman ng hubby ni hash... kahit wala nanlilibre... pde ko din ba syang i-friend at magpapasalubong ng IPAD kahit ung IPAD 2 lang... nakakahiya naman kase kung IPAD 3 na agad... new palang ang aming friendship.. hahaha!
ReplyDeletehahahaha... ang mahal mo naman maging friend..kelangan may ipad kagad...hehehehe... napasubo lang ang hubby ko, tumawag kasi nya eh, sakto magkakasama kaming tropa kaya ayun napa-oo nya sa trit... hehehe
Deleteon ayan Lori sinagot na ni Hash haha..
DeleteNa amaze naman ako sa two sided electric fan, san kaya makakbili niyan.
ReplyDeleteAng kulit ng mga pictures niyo, ganyang ganyan din kami ng mga friendships ko kpag nagkita.
Happy Birthday naman sa asawa ni Hash, ok na sakin ang iphone5 tutal punta nmn yta sila sa ilocos december hehehe.
basta ba trit mo kami pagpunta namin ng ilocos eh... hehehehe...
Deletepost ka din ng mga pics nio sherene :)
DeleteSiguro, mas maganda kung may video ng kantahan. Para marinig naman namin ang singing voice mo :D
ReplyDeletenaku hindi mo talaga gugustuhing marining ang boses ko..lols!
Deletemukhang masarap mag food trip ngayon!! ahihihi.. (PG lang..)nakakain na ata ako sa kamay kainan. kaso d ko na maalala... >_<
ReplyDeletetara foodtrip..samahan kita basta libre mo ko hehe..
DeleteYum Yum Yum.nakkagutom. at two-sided electric fan..ang kulit astig.
ReplyDeletenagutom ka ba? ako din nagutom na naman lalo na sa ice cream haha..
Deletehapi bday sa knya .. eto pinkadabest oh kainan din inuman .......
ReplyDeletekaen lng ng kaen! nu pla business mo?
kainan at kantahan lang..di kami uminom props lang yan chos!
Deletebakery po :)
Wow! Mura ng buffet ha! Gusto ko bumili nung electric fan na yun! haha!
ReplyDeletemura talaga..at masusulit mo pa :)
Deletegow bili na ng abnormal na e-fan hehe
Sobrang tagal ko na di nakakakain sa Kamay Kainan, di ko na nga matandaan ang lasa ng food, ganun na katagal hahaha... Mukhang nag-enjoy ang group nyo ah, that's nice. Wala nang mas swak pang group bonding than chibog with videoke.
ReplyDeletebalik ka ulet para maalala mo ang lasa hehe..pak na pak ang chibog at videoke :)
Deleteang saya nyo naman. ang ganda nung isa nyong pic sa centerstage yung duet pic. sobrang kuhang kuha yung happiness nyo =D
ReplyDeleteung halos nakapikit na ung mata at kita na ang litid namin sa leeg sa sobrang taas ng kinakanta namin... heheheh
Deletemuka ba talaga kaming happy dun?haha..hirap na hirap kaya kami jan sa pagabot ng mataas na nota ng "listen"..
Deletethanks din daw sis,.. napasaya nio sya kahit wala siya dito,... loves nya kau...
ReplyDeletei know right! haha..sana paguwi nya meron ulet ;)
DeleteWow ang saya nga ng tropa! hehe...pero mas napa-wow ako sa pagkain hehe. alas-yes na, ginutom uli ako..hehe : )
ReplyDeletehaha..kain ka na lang ulet ric :)
Deletei mean alas diyes (10 pm) wrong spelling pa hehe
ReplyDeleteAng saya niyo naman. Ikaw na. ANg daming pagkain nun ah. hinay-hinay lang baka sumakit ang tiyan. hehe.
ReplyDeletekonti lang kaya yun..akala mo lang madami pero konti konti konti :P
Deletehello sis, ginutom mo na ko kagabi, nagutom ulet ako ngayon!haha.. na-curious ako sa icecream, kahit hindi ako fan ng cheese at mango flavor, bet kong i-try yan..
ReplyDeleteNakakita din ako nun electric fan na ganyan sa ace hardware dati, naaliw din ako, hehe..
Ang saya! namiss ko din mag-videoke, pero walang wala rin akong talent, kumakanta lang ako pag kasama ko si zai at yun isa pa naming frend na beki, puro kasi kami walang future sa singing, hehe..
@sis hash, natawa naman ako sa pagrereply mo sa comments, manang mana ka loanne, haha! Happy birthday kay hubby mo! at i like your dress, kabog!
hindi rin naman ako maxadong fan ng cheese and mango nasarapan lang talaga ako sa ice cream na yan..ewan ko ba hehe.. try mo rin sis :)
Deleteay pareho naman tau sis!..wala rin akong talent jan kunwari lang meron para masaya haha..
minsan nga sabihin ko sa kanya sya magreply sa lahat ng comments..anu sa tingin mo sis nah?
and oh you like the dress?..kami ni ash ang bumili nyan twin sis and guess what? meron din kami nyan iba iba lang ang color haha!
What a way to celebrate a friend's birthday, at nasa malayo pa siya. I'm sure super na-aapreciate niya ang ginawa ninyong celebration in honor of his birthday. He is lucky to have such kind and thoughtful friends.
ReplyDeleteyeah dapat talaga maging happy sya effort kami jan hehehe..thanks nortehanon sa muling pagbisita :)
DeleteKala ko sa Kamay Kainan nagkakamay kumain don. There is tinidor at kutsara pala.
ReplyDeleteyung kutsara at tinidor kasi ang pinagbabasehan nila ng bilang ng kumain..pero pwede pa rin naman magkamay if you want :)
Deletealin ang masarap? :P
ReplyDeletenatawa ako dun sa electric fan haha
ReplyDeleteoh EB na sa 15!!!
:))
funny fan hehe..go for the EB :)
DeleteAyus talaga ang kamay kainan a,at mukhang mas maganda ang ambiance ng KK dyan sa trinoma kesa sa taguig, answeet naman ng pagcelebrate ng birthday kahit malayo sya, sana dumami pa ang tulad nyo!
ReplyDeleteuu nga mas maganda ambiance dito parang luma na kasi yung nasa taguig eh.. thanks kuya Mcrich :)
Deleteang saya naman....ganyan di kami nang mga friends ko...nag bibyoke...hehehe baka maka punta kang Bohol, i try mo yung Malunggay ice cream ng Bohol Bee Farm...it's to die for!...tapos, maka pasyal ka sa Cebu or somewhere na may Gelatisimo....hehehe...masarap din yun...hehehe...i like to taste the ice cream above din...hehehe...na curious lang...ai, just dropping by lang din...nakikisali lang po...hehe
ReplyDeletexx,
www.chickturistanextdoor.blogspot.com
2 times na ko nakapunta sa bohol pero never ko pa natikman ang malunggay ice cream..next time mapunta ako dun hahanapin ko talaga yan at titikman
Deletethanks for dropping by xoxo_grah :)
nice saya naman sis.. sarap ng mga food.. at super like ko outfit mo.. ^_^
ReplyDeleteKami pag nagpaplan ng barkada laging d natutuloy pero yung mga biglaan yun pa yung madalas natutuloy. hehe. madalas naman trip namin swimming/foodtrip/kantahan din.
thanks sis maria hehe.. uu nga pag planado madalas talaga hindi matuloy bakit kaya?
Deletekasi siguro mahaba-haba yung time para magback-out. hehehe!
Deletenagutom ako ;)
ReplyDeletekain tau ate rubhie :)
DeleteAy kakaiba nga yung bentilador. ang saya nya. electric fun!
ReplyDeleteyeah! its more fun sa electric fan hehe...
Deleteang saya, food, friends and videoke! cute ng outfit mo! :)
ReplyDeletefave ko ang sinabi mo na "walang choosy choosy sa gutom na tummy" yan na ang susulat ko sa slumbook sa what is your motto :)
thanks zai..oh ayan ah may nakuha kang motto saken haha..
Deleteoo yan na ang motto ko! dati kasi birds of the same feather are the same birds hehe :)
Deletewow barkada, food, trip, completo rekados sa saya ;-D
ReplyDeletejust me,
www.phioxee.com
http://phioxeeAwareness.blogspot.com
korek!
Deletethanks for dropping by phioxee :)