Friday, September 28, 2012

mahal...ang...bacon

Wala namang special na nangyari sa love life ko when I went to CdO. I think it's better to say wala naman talagang nangyari at "assuming" lang talaga ako. Gusto ko lang din i-kwento kasi nakaramdam ako ng konting kilig, take note "konti" lang. Kaya wag kayong mag-expect pang-PBB Teens lang to.

Before pa ako nai-booked for our Cagayan de Oro trip, sinabi na saken ni Albert na "ipapakilala" nya saken yung friend nya na taga-CdO. Single din daw yun. Sya talaga ang ipapakilala saken, hindi ba pwedeng ako ang ipakilala sa kanya?

Itago na lang muna naten sya sa pangalang Mahal ko este Mikko. Bilang sa bahay nila kami magi-stay sya rin ang sumundo samen sa airport. Hong tagal nya dumating, 8 years na wala pa rin. First meeting namen pinaghintay na agad ako hmp! Ayoko pa naman ng pinaghihintay ako.

Nagtext na daw si Mikko, parating na. Syempre mega re-touch naman ako, na-haggard na ng konti sa pag-iintay sa kanya ang beauty ko, ang init pa naman. We saw a starex van that parked outside the airport. Kaya lumabas na kami. Akala namen sya na yung nasa starex hindi pala. Sayang na-inlove na ko sa starex. Pero dumating na talaga sya nasa kabilang parking pala at Tamaraw FX ang sasakyan na dala nya. Sayang talaga yung starex charot!

Oh my gash! nawala excitement ko, iba ang itsura nya in person kesa sa picture nya na pinakita saken ni Albert nung nasa Manila pa kami. Ang cute nya dun sa picture eh. Anong nangyari at ang aga aga eh haggard na haggard ang itsura nya. Ano ba naman?!

Albert introduced him to us. Kwentuhan on the way sa house nila. Nagbago daw ang itinerary namen, mauuna na ang rafting. Gulat kami, we're not emotionally prepared. Pero wala na kaming magagawa kasi naka-booked na.

We travelled 20 minutes from the airport to their house. When we arrived, sa labas pa lang ng bahay naamoy na namen ang bacon. Yes, bacon nga! Yun ang business nya. They processed bacon and supplies it around CdO. Sa katunayan, along the way to their house may mga stop overs kami kasi may mga sinabay syang deliviries ng bacon sa mga patrons nya. Now I know why he looks haggard.

After eating our brunch, which is, of course bacon, gora na kami sa water rafting. On the way, naisip namen bumili ng merienda. Habang bumibili ng merienda si Albert at Sir Chief, he asked me

"bakit di mo kasama boyfriend mo?".

 Ano ba? Di ba talaga kapani-paniwala na wala akong bf? eh di ako na! Hmmmm talagang in-assume nya na may bf ako ah. Natameme ako ng konti parang nahiya akong sabihin na sa ganda kong to wala akong boyfriend (walang kokontra blog ko to! lols). To the rescue naman agad si Liza na nasa tabi ko pala hehe.

"Wala yang boyfriend, searching yan." 

Wala lang bf searching na agad agad?! Hindi ko alam kung anong naging reaction nya pero in-assume ko na lang din na natuwa sya dahil wala akong bf. Eh assuming din ako eh.



To be continued....

37 comments:

  1. Nung sinabi ni Mr. Bacon na "bakit di mo kasama boyfriend mo?", lumalandi na yan. Gusto niyang malaman kung available ka talaga. Weeee. XD

    ReplyDelete
  2. Sana Kevin na lang name ni Mikko para Kevin Bacon na lang siya.

    ReplyDelete
  3. wow..nabitin na naman si lola. kinikilig na sana ako. hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. dont worry mama joy mas nakakakilig ang susunod...

      Delete
  4. Bitin na naman? hmmmm mukhang magkaka bacon ka na ah! I mean magkaka lovelife! hihihi!

    ReplyDelete
  5. bitin!!!! anu ba yan?

    asus... dalagingding na si pink line... blushing to the max ang beauty nyan... hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. di naman mashado konting blush lang hehe

      Delete
  6. hahahahaha ang landi mo jahahahahha...gora mo na yan si mikko baka kaw na maging reyna ng cdo na bacon hahahhaa

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay gusto ko yan..reyna ng cdo na bacon hahaha!

      Delete
  7. natuwa ako sa pagiging kikay mo. Tirahin na si mikko este yung bacon. wag nang choosy! masarap yan sa beach. lol sila may-ari ng CDO hotdog bayun? mga ganun. yaman! photogenic pala sya. lol

    ReplyDelete
  8. To be continued pala, hehe
    Anyway, masarap yang bacon at medyo may kamahalan nga lang..
    Sabagay posible namang maging free, hehe..
    Sige let us know...

    ReplyDelete
    Replies
    1. inaabangan ko rin kung magiging free eh..

      Delete
  9. ang taray ng humor mo te sobrang tawa ko lng hehehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay natawa ka hindi ka ba kinilig? hahaha

      Delete
  10. I know that kind of feeling sis hehe kaso bitin! tomorrow un kasunod ah.. hehe ^_^

    ReplyDelete
  11. Replies
    1. sige na nga naniniwala na ko.. tatlo na kaung nag-agree eh..

      Delete
  12. Nilagay pala kita sa blogroll ko :)

    ReplyDelete
  13. bakit nahaggard si Mikko? baka hindi nag retouch! o baka nagprito muna ng bacon bago kayo sinundo?!

    part 2 na :)

    ReplyDelete
  14. Hahaha.. ang landi!!! wala lang, kinilig din ako ng slight sis! Kunwari ka pang itago sa name na Mikko, e Mikko naman ata talaga name nun..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha nickname lang nia sis yung Mikko..may mash nakakakilig pa jan shis hahaha ang landi ko...

      Delete
  15. Hahaha may lablife naman pala. May bacon pa. Aye aye hahahaha post mo yung pix. Or hanapin ko nalang dun sa.rafting post mo. Tapos mamili ako kung sinong mikko don describe ko dito???

    Just me
    www.phioxee.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi sya kasama sa rafting eh..hehehe..ipopost ko pix nya sa last part :)

      Delete
  16. "bakit di mo kasama boyfriend mo?" - fishing for information lang, nakakahiya naman siguro sa part niya kung itatanong niya directly kung may bf ka...yihee...

    nakikitambay lang. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe..feeling ko nga..salamat sa pagtambay Cris :)

      Delete
  17. ikaw na ang na si Ms. assuming...hehehe

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...