Sunday, September 30, 2012

mahal...ang...bacon part 2

Nandito ang simula => part 1

"Sunduin ko kayo dito mamayang 6pm."

Hindi sya sumama sa rafting, may mga kailangan daw syang gawin. 5:30pm nakabalik na kami sa office ng rafting company kung saan nya kami iniwan kanina.

Parang alambre na ang buhok ko. Halos natuyo na rin ng hangin ang suot kong damit. Im five shades darker! Haggardo versoza, for short.

Wala pa si Mikko, pero ayos lang kasi we still have to wait pa rin naman for the soft copy of our pictures and videos ng rafting.

"Andyan na si Mikko." sabi ni Albert. Sabay tingin ko rin naman sa labas ng office para sulyapan lang sana sya. Pero napa-second look ako.

Baket kaya parang nag-slow motion sya sa paglalakad papalapit saken samen. Black shirt, pants, rubber shoes. Ang bango bango nya sa paningin ko. Nakapasok na sya sa office, nakatingin pa rin ako. Buti na lang medyo nahaharangan ako ni Liza kaya hindi halata na nakatingin na ko ng matagal sa kanya.

Ang kanina lang na haggard na lalake na na-meet ko sa airport ngaun...

"Gurl fresh na sya, tayo naman ang haggard" napansin din pala ni Liza. "Oo nga" sabay na-conscious ako sa itsura ko.
"Parang si (insert my ex's name) lang" bulong ni Liza saken.

Noon ko rin lang na-realize parang si ex nga. Hindi naman sila magkamuka pareho lang siguro silang singkit, matangkad at chubby. Attracted ako sa singkit at mas gusto ko rin yung medyo chubby, masarap kasing yakapin. Oo, hindi talaga ako mahilig sa abs.

Oh my gash nako-conscious na ko sa mga kilos ko kainis!

Lumabas na rin kami pagkatapos makuha ang soft copy ng photos. Whoah! Pati yung sasakyan nagta-transform. Ang Tamaraw FX kanina, ngaun KIA Sedona na.

Medyo nagulat lang ako pagbukas ng Sedona may babae na naka-upo sa tabi ng driver's seat. Napa-isip tuloy ako. Sino kaya to, girlfriend nya kaya? Pero sabi ni Albert single daw si Mikko. Nakatalikod, hindi ko makita ang muka.

"Ay guys, si Mommy nga pala."

Ah si mommy naman pala eh. Sinundo nya sa work. Binati namen si tita then gora na kami ulet sa bahay nila.

After namen magbanlaw at mag-dinner. Lumabas pa kami, ipapasyal nya daw kami sa city at konting inom na rin.

Ikot ikot hanggang napadpad kami sa Kyla's Bistro. Napansin lang namen na ang dami nyang kakilala. Bigla bigla na lang tatayo at may lalapitan. May times naman na sya na mismo nilalapitan. Sabi nga ni Albert pwede daw palang kumandidato si Mikko.

Did I already mentioned na panay ang panunukso nung mag-jowa saken? Nasa airport pa lang kami hindi na ko tinantanan. Ang lalakas pang mang-asar. Kaya siguro nila ako gustong gustong isama. Diskartehan ko na daw si Mikko at baka maunahan pa ko ni Sir Chief. Pansin kasi namen na "malambot" si Sir Chief. "Paminta" ang description ni Albert sa kanya. Hindi ko alam kung malisyoso lang ba talaga kami oh talagang type nya si Mikko.

So ako talaga ang didiskarte?! Sa ganda kong to, ako talaga? (walang kokontra blog ko to lols) Syempre hindi naman ako nagpapadala sa tukso nung dalawa. Conservative kaya ako at strict ang parents ko (charotera lang).


To be continued...



45 comments:

  1. hahaha love is in the air..relate much!

    aww bitin ulit.. ikaw na sis! kaabang-abang ang mga kakilig-kilig na kaganapan ayiiiii ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe inlove nga kaso dati pa. haha.

      sis yung part 3 ha? weee.

      Delete
    2. so single ka rin ngaun sis?.. baka magsawa ka kasi hindi lang part 3 ang aabutin ng kwento ko eh hahaha...

      Delete
  2. hehe, natawa naman ako sa kwento mo, parang movie lang eh, may slow motion pa talaga. ;) di na daw uso conservative ngayon gurl kaya sige na, patukso ka na...(joke..hehe!). ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ngek, ibang profile pala login ko.

      ~Tal | ThePinayWanderer

      Delete
    2. hi Tal! namiss kita hehe.. charot lang yung conservative..malapit na nga ako magpadala sa tukso hahaha...

      Delete
  3. again...bitin..but exciting:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha..mas exciting pag bitin mama joy :)

      Delete
  4. nakakabitin naman... looking forward to the next post:-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi wendy..salamat sa pagdaan.. balik ka ah :)

      Delete
  5. Diyan nagsisimula yan hehe...sige looking forward for chapter 3 : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. hanggang simula lang to..walang ending hehe..

      Delete
  6. so... so ganda and so in luv... asusus! ;)

    ReplyDelete
  7. Matagal ko nang gustong itanong kung paminta ba si sir chief? Since nasabi mo na. hehe. Wag nang magpaPBB Teens kainin na si mikko este yung bacon ulit. Lols. nagdadalaga na si pink

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi pwede..hanggang PBB teens lang talaga to..hahaha

      Delete
  8. anlandi mo girl :) jhahahahahah ..... siya na ! siya na! yan!

    ReplyDelete
  9. Wagi! ang bil-bill clinton na ang bagong abs ngayon... go mga tiyabi nyahahaha.

    ReplyDelete
  10. aba aba aba luma-labylayp! asan ang picture nya? pakita mo sa amin!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa last part ko pa ire- reveal :P

      Delete
    2. Sabi mo yan ha, sige abangan ko hehehe...

      Delete
  11. Ang arte! Go na, diskartehan mo na! hahaha.. mahilig ka sa singkit na medyo chubby.. Ligo lang pala kailangan ni kuya para maging fresh e..

    ReplyDelete
    Replies
    1. syempre sis kelangan magpakipot ng konte hihi..ewan ko ba bakit gusto ko singkit..siguro kasi malaki mata ko..hahaha

      Delete
  12. para akong nag babasa ng precious hearts romance! kakilig balls :) asan na ba si sir chief, isang tingin lang maco-confirm ko na kung ano sya :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. pangarap ko kayang makapagsulat ng love story at ipublish sa precious hearts lols.. may pic si sir chief sa rafting post ko...

      Delete
    2. ayan, tapos ang gaganap pag napa teleserye na ay ako at si zanjoe ha? lols! cge matignan ulit pic ni sir chief!

      Delete
    3. kung ano? bakit parang hindi living thing kung ituring yung boylet hahaha...

      Delete
    4. @zai bakit si zanjoe? hahaha

      @marj hindi kasi boylet si sir chief hehe.. naku lagot ako pag nabasa nya to lols...

      Delete
  13. d na uso maria clara ngayon! ahihihi. unahan mo na! ahihihi

    ReplyDelete
  14. Hahaha alam mo bang di ako maka ligo ligo just to catch up this lovelife series. Yung pix nya pink line. Kasi gardo versosa naiisip ko pag ikaw nagsasalita. Sigena.

    Just me
    www.phioxee.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. mare-reveal din ang pic nya sa last part hehe..ligo ka na muna now :)

      Delete
    2. hahaha at binalikan ko talaga tong post mo, sana mabasa mo pa din. hahaha nag rereply ka tagala ha. kala ko kasi di na binabasa yung mga replies ;-)

      Delete
    3. haha salamat sa pagbalik mo.. yap nagrereply ako.. natutuwa kasi ako pag may mga comments ang post ko..one way of expressing my "thank you" is to reply :)

      Delete
  15. Ikaw na ang reyna ng mga bitin!!!!
    Natutuwa ako sa lovelife mo masyadong heysayting:) lovelife naba yan?:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. heysating haha i like that.. tingnan naten kung lovelife na to :)

      Delete
  16. Mwron na palang part 2! Haha. At mukang medyo nagugustuhan mo na siya. Weee ulet. XD

    ReplyDelete
  17. Naintriga na tuloy ako sa itsura niya. Sana may before and after pics. Yung haggard at yung fresh. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko na nagawang kunan sya ng pic nung haggard sya hahaha..

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...