Tuesday, October 2, 2012

Halina't maglayag sa ilog ng saya




Lulan ng malaking bangkilas sa ikalawang pagkakataon ay muli kong nasilayan ang ganda at saya ng ilog Loboc. Masarap ang pananghalian kasabay ang mga kaibigan at iba pang turista habang nakikinig sa banayad na awitin. Dito ay makikita rin ang mga katutubong maipagmamalaki na umiindak sa saliw ng masayang musika. At ang higit na nagpahanga sa akin ay ang mga batang masiglang nagpapakitang gilas sa paglangoy sa kahabaan ng luntiang ilog. Kaya't ano pa ang inyong hinihintay? Halina't maglayag sa ilog ng saya.


Ang larawan ay kuha sa Loboc River, Bohol noong Abril ng kasalukuyang taon. Ito ang aking lahok sa Saranggola Blog Awards 4 sa kategoryang Larawan.












63 comments:

  1. Galing naman . Parang makata:)

    ReplyDelete
  2. Good luck sa entry sis! Na experience ko na ang Loboc river..maganda sya, pero mas maganda pa din tayo syempre.

    ReplyDelete
    Replies
    1. i know right! wala ng mas gaganda pa saten noh..thanks Zai :)

      Delete
  3. Ikaw na ang panalo sa balagtasan hehehe.
    Ganda ng river sarap lumangoy sana:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha..salamat sis..testing lang yan kung marunong ako..sarap nga sana lumangoy sa river kaso hindi ako marunong hehe..

      Delete
  4. wow goodluck ...may votation ba yan para matulungan kita hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. aww thanks..meron ata eh through likes sa fb pero di ko pa alam yung details hehe..

      Delete
  5. good luck ate :)
    napaka-paraiso naman jan...
    at ang kwento ng larawan napanganga ako sa lalim...
    GALING! hehe

    ReplyDelete
  6. Parang lahat ng post na nabasa ko ngayon para sa Saranggola ah.

    Goodluck din sayo! XD

    ReplyDelete
  7. Nakakapanabik tuloy magbalik sa Loboc. Kay sarap managhalian habang naglalayag at may umaawit at tumutugtog pa.:)

    ReplyDelete
  8. Ganda ng ilog! Pangarap ko makarating sa Bohol. Goodluck sis, hope you win!

    ReplyDelete
  9. Saranggola mode mga tao. goodluck! next year, makasali nga. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. malapit na kasi ang deadline hehe..sali ka na now..may time pa!

      Delete
  10. it's a beautiful scene. Good Luck Girl!

    ReplyDelete
  11. Shet! Nosebleed ako sa matinding tagalog! hahaha!

    nawa naman ay maging matagumpay ka sa iyong paglahok sa Saranggola. Kay ganda talaga pagmasdan ang mga larawan na ito. Lalu na ang masilayan ang ilog ng Loboc. Ang tahanan ko'y malapit din sa ilog subalit hindi nito kayang pantayan ang kagilagilalas na kagandahan ng ilog na ito.

    Natutuwa din ako para sa iyo, at may kaunting inggit din sapagkat madalas kong nakikita sa birtual na pahayagang ito na madalas kang maglakbay sa iba't-ibang sulok ng bansa.

    Maaari kayang bigyan ng gantimpala ang mga puna na isinulat sa Pilipino? Makikilahok din ako kung may ganoong uri ng paligsahan. Ahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung may ganoon mang mangyayaring paligsahan nakasisiguro akong ikaw ang magwawagi..ikaw at ikaw lamang..

      maraming maraming salamat bow :)

      Delete
  12. ganda naman ng ilog. nice shot. at ang lalim ng mga talata na iyong tinuran. hehehehe :)

    ReplyDelete
  13. nice shot.. naexperience ko na din un Loboc River cruise, it was really a wonder of nature. ^_^

    p.s
    adik na yata ako sa bacon story wala pa yun part 3..hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Loboc River cruise is my favorite in Bohol :)

      aw next week ko pa balak ipost yung kasunod eh..hehehe...

      Delete
    2. hehe sige sige sis nakakasabik ang part 3. ^_^

      Delete
  14. dami kong nakikitang blogger friends na sumali... best of luck sa entry mo...

    ReplyDelete
  15. Wow! ang sarap ng bacon 3,.. eh,lumangoy pala sa ilog!
    Nice shot!, sarap ngang maglayag!

    ReplyDelete
  16. may naalala tuloy ako... masaya talaga maligo sa ilog ^^ Goodluck sa entry ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. anu ang iyong naalala maari mo bang ibahagi? salamat sa iyong pagdaan :)

      Delete
  17. biglang nag commercial.. ok lang next week back to regular programing na nyahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha! parang tv network lang...

      Delete
    2. nemen! at dahil dyan nagkaroon din ng commercial sa akin ahahahahaha.

      Delete
  18. nakakatuwa yung mga expression ng mga bata. nice picture. good luck!

    ReplyDelete
  19. Ai anganda talaga sa loboc gudlak sa mga entries natin :)

    ReplyDelete
  20. actually, diko masyadong na appreciate punta ko dito. kasi nga field trip lang.parang 20 mins lang kami nagstay tapos go lets bagets na kami ng class. hmmppp

    just me,
    www.phioxee.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. balik ka..kasi masaya talaga jan sa Loboc River :)

      Delete
  21. nakakatangay naman ang iyong pagsasalarawan sa Ilog Loboc na iyan.. nawa'y akin ding mapuntahan :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sulong na at iyong puntahan ang ilog ng saya :)

      Delete
  22. Ang lalim sis.. nun ilog.. ay hindi, nun tagalog mo.. hindi pa ko nakapuntaa dyan, hmp! Good luck sa entry!

    ReplyDelete
  23. Good luck!

    Here's an advance award for you ;)
    http://www.theluckyblog.info/2012/10/versatile-blogger-award.html

    ReplyDelete
  24. nakakarelax ang picture... Goodluck sa entry ..^^

    ReplyDelete
  25. ang ganda naman ng larawang lahok mo, kasingganda ng iyong paglalarawan sa sayang iyong naramdaman ng iyong masilayan ang ilog na iyan ng Loboc, good luck sa entry mo gurl! :)

    ReplyDelete
  26. Sana ay pumasok ang entry mo :D :D :D

    ReplyDelete
  27. parang gusto kung tumalon dito!
    ang sarap mglangoy

    ReplyDelete
  28. natuwa ako sa pagka-green ng photo kahit hindi ako mahilig sa green. parang kulay ng buhay kasi tapos may mga bata pa.

    Good luck sa iyong entry!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...