Saturday, October 13, 2012

mahal...ang...bacon part 5

Pagdating namen sa Bukidnon syempre hindi mawawala ang picture taking. "Akina, picture-an kita" kinukuha nya saken camera ko. And guess what? hindi ako tumanggi. Para tuloy akong mowdel na hiyang hiya sa kanyang photographer. Ang ending puro pa-demure tuloy ang pose ko. Kainesh nemen kashe eh.

Isa rin sya sa masigasig na nag-convince saken na yung longest zipline na daw ang i-try ko. Takot talaga kasi ako kaya ang tagal kong kumuha ng lakas ng loob. Mga 1 minute siguro. Sige pa i-convince mo pa ko, sabi ko sa kanya pero sa isip ko lang.

Naligaw kami pabalik. Panong hindi, imbes na sa kalsada sya nakatingin habang nagda-drive eh saken sya nakatingin. Wahaha assuming na naman ako. Nalito daw sya sa dinaanan namen kanina. Woooh palusot. Pinipigilan ko na nga sarili ko na wag sumilip sa rearview mirror para focus ka na sa pagda-drive kaya lang nililingon mo naman ako.

Pagdating namen sa Cagayan de Oro kumain lang kami sa Mykarelli's Grill ng napakasarap na chicken inasal tapos deretso na sa Iligan.




Two hours ang byahe. Kwentuhan. Tulog. Kwentuhan. Tulog. Syempre bilang sya ang driver bawal sya matulog pero nakatulog din sya habang naka-stop yung sasakyan kasi traffic. Ginising na lang namen sya after 15 mins joke. Nag-offer na si Albert na sya muna ang magda-drive ayaw naman ni Mikko. Bisita daw kami dapat relax kami. Paano kami makakapagrelax kung inaantok ang driver ng sinasakyan namen? Syempre di ko sinabi yan, kwentuhan na lang ulet para di sya antukin.

Gabi na kami nakarating ng Iligan. Check in sa napakamurang lodge, overnight stay sa halagang 400 pesos. He had to leave us there kasi may aatendan pan syang convention somewhere in Iligan din naman. Babalikan na lang daw nya kami kinabukasan ng 7am para sa 3rd day itinerary namen.

Nagkaroon pala kami ng conflict sa pag-check in. Twin sharing na lang lahat ang available na room and we are 4. Automatic na magkasama yung mag-jowa sa isang room. Takot na ko mag-isa sa room dahil nga sa makapanindig balahibo kong experience sa Bohol. Pero mas kakayanin ko sigurong makatabi ang multo kesa makatabi si Sir Chief hahaha. Unang una wala kaming relasyon, pangalawa ayaw din nya kong makatabi wahaha. Kaya ayun nagtapang-tapangan na naman akong mag-solo ng room. In fairness wala naman akong naramdamang kakaiba. Pero hindi pa rin ako nakatulog ng maayos sa kapraningan.

eto yung naging room ko

Kinabukasan 7am naka-prepare na kami, wala pa rin si Mikko. Nag-breakfast muna kami while waiting. 8:00am wala pa rin. Tapos na kami kumain. Hindi na sya tinitigilan ni Albert na tawagan pero hindi sinasagot. Ano kayang nangyari dun? Kakapusin na kami sa oras dahil babalik pa kami sa Cagayan de Oro for our flight pabalik ng Manila kaya we decided to take a cab na lang papuntang Maria Cristina falls at doon na lang sya pasunurin. Pero bago pa kami makababa ng lodge tumawag na sya. Papunta na daw sya within 30 mins.

Dumating sya at exactly 9am. Nagkayayaan pa daw sila ng mga friends nya na kasama sa convention na mag-inom at 5am na sya nakatulog. So ayun ang nangyari napuyat pala ang lolo.

Maria Cristina falls dapat ang una nameng pupuntahan. Kaya lang nagkaligaw ligaw kami doon. Nakakatawa  lang kasi Maria Cristina falls ang tinatanong nameng direction sa mga locals pero papuntang Tinago falls ang tinuturo nilang daan. Andun na lang din kami sa way ng Tinago falls kaya dun na muna kami nagpunta.

Tinago falls


Pagdating sa falls, syempre picture taking agad. This time, yung mga nag-guide samen ang nag-take ng picture. At habang nagpipictorial ako andyan lang sya nakabantay saken. Puro pa-demure pose na naman tuloy ako.

ang ganda ng falls noh? pero mas maganda ako


Sayang ang bulaklakin kong two piece kung hindi makikita sa picture. Nakita ko na nakatingin pa rin sya saken. Awkward naman ata kung sa harap nya ako maghuhubad. Eh mukang wala syang balak na alisin ang tingin saken so tumalikod na lang ako. Lumabas ng slight ang naughtiness in me kaya dahan dahan kong hinubad ang suot kong red na tank top (dahan dahan talaga). Akala nio kung anong hinubad ko noh? Na-expose ang top ng bulaklakin kong two piece. Hindi ko nakita yung reaksyon nya pero feeling ko nganga sya, ang sexy ko kaya bwahahaha.

After ng pictorial, naligo na kami sa falls. Hindi sya naligo kasi hindi daw sya nakapagdala ng extra na shorts.

Gustuhin ko mang tapusin ito dito pero ang haba na naman. Kaya't pasensya na po may isa pang episode. Promise last part na yun.


To be continued...


57 comments:

  1. Wahahaha.. ang landi mo inday! kaloka ka! E di ikaw na ang laging tinititigan, hahaha!

    E nasan na yun pic ng naka-floral na two-piece? Sayang naman ang kaseksihan mo kung hindi i-promote dito, hehe..

    Sana nag-share na kayo ni Sir Chief ng room! Para nag-selos si Mikko! Chos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. syempre sis ikaw na maging maganda at seksi kung hindi ka titigan hahaha

      sa ibang episode na lang yung promotion..kanino magseselos si Mikko?wahaha...

      Delete
  2. dahan dahan oh. haha. inaakit mo yung mokong! "Kainesh nemen kashe eh." lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oi hindi ko keya sha ineekit kainesh ka lols...

      Delete
  3. I will wait again...by the way, you are so beautiful:)

    ReplyDelete
  4. Ganda ng falls. :) Kala ko Finale na to. DUmadalawa sa isang araw. Nakakatuwa talaga tong story mo :) Si Mikko gimikero pala... Naku baka may sideline :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano kayang sideline nya?lols...

      Delete
    2. baka nagbebenta ng laman? bacon diba? lol
      Abangan sa susunod mong post :)

      Delete
  5. ang haba ng adventure nito .. i mean ang haba ng kalandiang post na to hahahaha :) .. gnda tlga dyan sa tinago .. pero mas magnda ka! agree!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana humaba pa..hehe..syempre mas maganda talaga ako jan bwahaha..

      Delete
  6. Aww...may next pa...ayan malapit nang makita ang itsura ni Mr. Bacon. Bakit walang pic ng bulaklaking two piece??? :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. dont worry..ipo-post ko rin yun..hahaha...

      Delete
  7. parang series lang na pinapanood ko...may episodes...hahaha anyway, you really have a nice trip...:)


    xx1

    ReplyDelete
  8. ay bat walang picture ng naka 2 piece ka? bitin!

    ReplyDelete
  9. haha siguro pagka hubad mo ng red sando, may shake shake pa ng ulo para umayos ang hair. tapos dilat dahal dahan sabay beautiful eyes! style ko din yan! kilig naman ang eksena sa episode na to..sayang at malapit na matapos :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay bakit alam mo yung ginawa ko?hahaha... hindi pa yan matatapos Zai..ayoko syang matapos hahaha...

      Delete
  10. hahahaha. ikaw na ang reyna ng bitin. i therefore conclude again. hahaha. maganda siguro yung bulaklaking two piece swimsuit. pero mas maganda yung naka nganga si sir chief. hahaha


    just me,
    www.phioxee.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. mas maganda pa rin ako sa bulalaking two piece ko wahaha...

      Delete
  11. hahaha! ang sexy mo naman!
    wala ako masabi kundi... ANG SEXY! witwew! LOL.
    NGANGA talaga siya siguro.. hihih

    ReplyDelete
    Replies
    1. syempre sa ganda at seksi kong to ewan ko na lang kung hindi sya mapanganga hahaha...

      Delete
  12. ang dami ng "nganga" sa kwentong eto lol!
    ok lang sanang bitin kung pinakita si bulaklaking 2-pc. daliii!

    ReplyDelete
    Replies
    1. abangan sa mga susunod na post ang bulaklaking 2 pc..hehehe

      Delete
  13. Great work!
    Cheers from Argentina.
    HD

    ReplyDelete
  14. may Part 5 na pala... ngaun ko lang nakita... babalik ako para basahin 'to (paalis na kami to watch 'Pitch perfect" eh)... pero mukhang lumandi ka na ng todo ah... humanda ka skin... haha! laters, baby! ;)

    ReplyDelete
  15. Astig na adventure ^^ Nice post ^^ hangganda ^_^

    ReplyDelete
  16. Kung nandito ka lng sa tabi ko sis masasabunutan kita sa pagka bitin ko sa kuwento mo hehehe. Feeling close sabunut agad?hehehe.
    Grabe sabi ng mga katabi ko dito habang nagbabasa, " oh paara kang timang diyan tumatawa mag isa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti na lang wala ako sa tabi mo sis hehehe...

      Delete
  17. Yan ang hirap na ang kasama sa byahe eh mag-jowa, mahihiya ka tuloy sumama sa room with them. Hirap nga namang maging piping saksi sa mga nagsusumidhing damdamin diba hahaha...

    Maganda naman ang Tinago Falls in fairness, kahit napunta kayo dyan accidentally.

    Alangya parang romance novel lang tong binabasa ko hahaha... At bitin na naman! Oy yung picture nya ipost mo sa last episode ah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga dapat may pic kayo together sa last post mo..ayiiii!

      Delete
    2. korek! mahirap talaga hahaha..
      hindi accidentally sis pupunta talaga kami jan una lang dapat namen pupuntahan ang maria cristina..

      bakit ba gusto nio makita?hindi naman sya gwapo mga sis eh..hehehe

      Delete
  18. hahaha. ang landi!!! pero continue mo lang yan. konti nalang! ahahaha..

    ReplyDelete
  19. kinakardiak ako sa kwento mo, push lang! nyahahaha.

    ReplyDelete
  20. wow daring mode. yung bang feeling na conscious ka kasi alam mo nakatingin xa pero at the same time proud kasi alam mong mapapanganga xa sa kagandahan at kasexyhan mo hehehe ikaw na sis! pretty as always. ^_^

    nakakasabik yung part 6. ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek! kuhang kuha mo sis wahahaha...

      Delete
  21. Solo ka sa room? buti walang nagparamdam...
    anyway, ganda ng falls! Amazing! Sarap magtampisaw!

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti nga wala..hehe..sarap talaga jan bitin nga lang..pero babalikan ko yan for sure :)

      Delete
  22. box-office queen ang bida sa istorya.. excited na ako sa two piece :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. at sa two piece ka talaga na-excite huh?!

      Delete
  23. ituloy na ang kalandian. naimagine ko lang yung two piece moment mo nganga nga sigurado siya. sure ns sure yun! patingin ng picture ah?

    ReplyDelete
    Replies
    1. picture ba na naka-two piece? hahaha...

      Delete
  24. asan na ang karugtong?? ang tagal naman!! (hahaha excited much??))

    ReplyDelete
    Replies
    1. sori naman next week pa ulet..hehehe...

      Delete
  25. ano ba yan, di ko muna binasa 'tong part 5 kahit nakita ko na sya kase akala ko finale na to, inuna ko yun mga previous episodes, ITUTULOY pa rin pala. pang-PHR ba 'to? (haha...wish ko lang alam mo phr. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. pang precious hearts ba?hehehe.. pangarap ko kasing magsulat ng love story talaga eh hahaha..thanks :)

      Delete
  26. hay naku bitinera ka talaga...hahaha... 3 days ka lang sa CDO dami ang dami ng landi mo..hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow bitinera bagong word yan sis ah haha...eh mana ako sau sa kalandian eh bwahaha!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...