Wednesday, October 31, 2012

fun and fruitful October

Puro na kasi katatakutan ang nababasa kong post ngayon kaya eto magpopost naman ako ng masaya. Pero kung gusto nyo pa rin mangilabot ng konti ngayong Undas try nyong basahin ang makapanindig balahibo kong kwento. Just click the pink link ;)

October 14 was Chloe's birthday. Sino si Chloe? She is the third baby of our tropa and my bff Hash's first born. The celebration was held in Jollibee somewhere in Cainta. Nag-enjoy lahat ng bata at ang mga feeling bata. Hindi lang naman kasi pambata ang mga games may pang-feeling bata rin.

That's me on the right side helping out the little girl's team to win the longest line game.
Kulang ang tropa.
with the birthday girl
Chloe and mommy Hash
feeling bata with Jollibee.

Hindi pwedeng walang gift at bilang inaanak ko si Chloe, nagrequest si mommy ng gift. In fairness na-haggard ako ng bongga sa ni-request ni mommy.

eto ang requested gift ni mommy for Chloe
Hash requested me to make a cupcake tower as a gift for Chloe. Bilang bakery naman ang business ko at para naman sa inaanak ko kaya sige na nga. First time kong gumawa ng cupcake on a tower at mukang nagustuhan naman nila. When I posted the pictures on my timeline madaming nag-like at may mga nag-inquire na agad at gustong um-order.

My former officemate saw the pictures and ordered 2 boxes of cupcakes. Mukang nagustuhan din ng officemate nya cause she ordered another tower for the birthday of her brother's friend.

A simple Barbie-and-Ken-themed cupcake tower.


May um-order na rin ng cupcakes for Christmas giveaway and hopefully matuloy yung sa wedding souvernirs *fingers crossed*

And just recently my pretty and supersweet blogger friend Maria of Super Wander Girl, ordered a box of cupcake and custard cake.

I call this mushroom cake.

custard cake

chocolate cupcake

So ayan, bukod sa business eh na-meet ko na rin finally si Super Wander Girl.


She suggested na gumawa na raw ako ng facebook page oh kaya ay site for my cakes and pastry business. Thank you naman sis Maria sa support and sa feedback like what i've told you kapag naayos ko na siguro ang product line i'll take your advice. It was so nice to meet you. Sayang at konti lang time naten hindi na tayo nakapagkwentuhan, pero sabi mo nga next time ulet. At aasahan ko yan ah.

Magpo-promote na rin ako dito, habang wala pa kong facebook page charot! Kung type nyo yung cupcakes ko, you can contact me here for inquiries. Thanks!

So much for the business balik tayo sa fun. This time fun run naman. Last October 21, me and bff Hash together with two more friends joined the PUP Alumni fun run 2012: Takbo para sa Kalikasan at Karunungan. This is my 3rd fun run this year.


It was held on the CCP grounds. Sobrang aga namen dumating dun. 4am kasi ang announced starting time but we run almost 6am na. Ang dami kong pawis dito ang saya!

Kunwari tumatakbo sa picture halata namang hindi.

picture picture pang-alis ng pagod

At ang dami rin nameng kulet!



did you see the rainbow?

Finally, we finished 3k! Hindi man lang kami napagod. Next time 5k na. I saw a post of blogger runner Light/Balut of Run and Keep Running kaya nalaman ko na nandun din sya. Sayang lang at hindi kami nagkita.
muka ba silang pagod?

eh kumusta naman ako?muka ba kong napagod?

This October pa rin, I joined Gracie's Network blog contest and Im so lucky to win. The prize was a blogger shirt. Bago nakarating saken yung shirt ay mejo na-stress muna ng konti si Gracie. Medyo mahabang kwento but what's important ay nakarating na saken ang shirt. I promised to post a picture of it and here it is.




I love the shirts! Thanks again Gracie.

Last Saturday, another friend of mine got married. Oh yeah, kasalan na naman and as usual bridesmaid na naman ako. They were the subject on My Top 10 Favorite Shots- Pre-nup Edition. I'll be doing a separate post about the wedding. Ang saya lang dahil nag- Gangnam Style dance kami sa reception together with the newlyweds.

I also want to take this oppurtunity (naks!) to greet my bff and a pretty mommy Hash of Hash Coffee Table Book a happy happy birthday on November 1.

Nalulungkot ako kapag naiisip ko na malapit ka na ring umalis at malayo samen. Paano na ko? Sino na yayain ko manood ng sine na agad agad pwede? Sino na yayayain ko mag-kape kapag may problema ako at masama ang loob ko? Sino na magpapayo saken ng mga kalandian? At sino na mapagkukwentuhan ko ng mga kalandian na ginawa ko na tinuro mo saken? Pero alam ko naman na para yan sa family mo kaya kahit malungkot hindi ako kumokontra. Basta dont forget to work hard for my wedding alam mo na yan. Bilisan mo lang ah kasi nararamdaman ko malapit ko ng makilala yung mapapangasawa ko. Thanks for everything and you know how much I love you sis. I am so blessed that I have you and tropang Adik.

May kasabay nga pala syang mag-birthday na blogger din. Happy birthday din sayo Kulapitot! Isabay mo na yung treat mo saken sa treat ni Zai para bonggang bonggang masaya.


Ayan muna kwento ko sa ngayon. I will be spending the holiday in my hometown at bibisitahin ang puntod ng mga namayapa ng mahal sa buhay. How about you? Saan kayo sa Undas? Dont forget to visit and pray for our deceased relatives. Huwag na naten hintayin na sila ang dumalaw saten. Happy Halloween!


54 comments:

  1. Ang cute pala talaga ng blogger shirts! Sis bagay na bagay sayo, nice ang fitting at medyo okay naman pala ang tela. Ito ni-link kita, check mo under contest category.

    http://www.graciesnetwork.com/

    ReplyDelete
    Replies
    1. huwaw! i've seen it..thank you so much sis.. the blogger shirts were my new favorite :)

      Delete
  2. okay ah... mukhang masarap ang cupcake.... okay na business yan... sana tuloy tuloy na yan ^^

    ganda pala ng blogger shirt... bagay na bagay sayo... ^_^ sana mag pa contest ulit hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Jon! uu nga sana may pa-contest ulet tapos ako ulet mananalo chos!

      Delete
  3. Wow! Ngayon ko lang nalaman na may business ka palang cakes and pastries. Galing naman. I am proud of you.
    And I love all the pictures. And happy birthday to all the friends:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya nga sobrang hanga ako sayo mama joy kasi parang wala lang sau ang pagbabake samantalang ako nahihirapan hahaha! thanks mama joy :)

      Delete
  4. Ang dami palang may birthday ngayong Nov. 1. Happy birth day Ms. Hash & Kulapitot. ikaw nagbaked ng cup cake. Galing! Ganda ng shirt :) Bakit di ko alam yung Alumni fun run nayan? Buti kayo updated :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ka nag iisa di ko rin alam nyahaha. oi mag pabake tayo kasi pinky sa meet-up hihihi

      Delete
    2. @Archieviner
      kasi hindi ka nagba blog hop dito http://www.bloggerrunner.com/ - kaya hindi mo alam ang mga fun runs ha ha ha

      @Pink Line
      dito na ako naki-comment. THANK YOU sa special mention sa running blog ko - appreciate it much. Hindi ko pa ginagawa yung "post race piece" ko about the PUP fun run dahil sayo ha ha. Medyo negative kasi yung review ko hiya naman ako sayo kaya "nagpapalamig" pa ako ng wordings before posting ha ha ha

      Delete
    3. at nakalimutan ko yung comment about blogger shirts - inggit much ako :(

      Happy Birthday sa lahat ng celebrants!

      Delete
    4. @archie uu ako nagbake nyan..tama si Balut bloghop ka sa running blog nya hehehe...

      @rix sana pala sinabihan kita para nakasama ka samen tumakbo!

      @Balut ay ayusin mo review nyan magko-comment ako charot! naku keber lang! wag mo kong isipin noh kasi kahit kami naguluhan din dun..hehehe... ganda nga nung blogger shirts super like ko talaga :)

      Delete
  5. newly married pala yung si hash? gusto ko yung recent post nya. about sa exes nya. paturo kapa ng maraming moves pinkline. hahaha

    san bah province nyO happy undas pinkline.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay hindi po.. hindi si hash ang ikinasal yung isa pa nameng friend..si hash magt-two years ng married..

      sya nga nagtuturo saken ng mga da-moves kay mahal eh hahaha!

      sa batangas yung province namen :)

      Delete
    2. parang naka uwi kana ahh. nasan na pasalubong? aheheheeh

      Delete
    3. yap im back! andyan na yung pasalubong ko napadala ko na hehehe...

      Delete
  6. dami ganap ah... hehe! gusto ko ung Jollibee bday party... bago kase yang Barbie theme nila... sana next year meron pa para sa bday ni Sophie... at sana may cupcake din from u si Sophie... (haha! pwersahan... ninang ka na rin ng anak ko... hahaha!)

    gusto ko din nung shirt... ang gaganda... at gusto ko din makaexperience ng fun run... (inggitera much lang ako...)

    pde bang sumama sa bday treat ni Zai at Kulapitot at isama na din natin si Hash? para bonggang bday treat for all of us! hehe! ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. cupcake ba for sophie? sure..mura lang yan may discount pag ikaw hehehe..

      tara fun run tayo!

      ay true bongga talaga yan! masaya sana halloween party with costume hehe

      Delete
  7. nagutom nman ako sa cupcake mo xD

    ReplyDelete
  8. Sis, wala ba free taste ng cupcakes mo??

    Kelan kaya ako makasama ng fun run! Kailangan ko pala muna ng running shoes, hehe..

    Ang ganda nun blogger shirts mo! I'm soo inggit!

    At san naman patungo (lalim?) si sis Hash? Hindi pa tayo nagkita ulet ah?!

    Happy birthday Hash and Kulapitot!


    ReplyDelete
    Replies
    1. free taste?!parang choppy ka sis hahaha!

      tara bili ka na running shoes at magfun run na tayo!

      favorite ko na nga yung mga shirts na suotin eh..si hash ay magtutungo sa ibayong dagat haha mas malalim...

      Delete
  9. shet gusto ko yung mushroom cupcake!!!

    ReplyDelete
  10. pansin ko lang na ang daming nag bibirthday nang november 1....inggit ako sa blogger shirts...:)


    xx!

    ReplyDelete
  11. hay, salamat naman at happy post eto, kakaloka mga scary posts eh.
    at nagbi-bake ka pala, ganda ng cupcake tower mo, at mukhang masarap din, no wonder daming order. good luck sa business gurl.
    at happy birthday sa mga may birthday... :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. masarap talaga yan ako ang nag-bake eh haha..taas ng confidence level.. thanks :)

      Delete
  12. hoy zai manlibre ka nmn daw grbe ka tlga zai antipid mo hahahaha ( parinig kay zai)

    - oi salamt nmn dito at natouched ako sobra ... hay grbe ! himatay mode! hahaha

    - oi magkano yung mga cupcakes mo gusto ko bumuli para sa anniversary namin ng mahal ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. grabe may himatay mode pa di ko kinaya haha! mura lang yan..message mo ko sa fb :)

      Delete
  13. San Jollibee to sa Cainta sis? sana pala nakiparty ako hehe. Gusto ko din magkacupcaketower sa bday ko waaah!

    Thank you ulit sa cupcakes sis. The best lahat! next time ulit ha.

    Ang saya naman ng fun run sayang i wasnt able to join. Ganda ng tshirt sana meron din ako hehe.

    Bridesmaid ka ulit sis?! Next time ikaw na yun bride at ako naman amkikibridesmaid ha.

    HAppy Birthday Hash, Zai and Kulapitot! More blessings to all of you..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko na sis matandaan kung saan sa cainta eh hehe..pwede ka um-order ng shirt may website sila eh..bloggershirts.com.. ay uu sis bridesmaid ka pag alam na hmmm..hehe..

      Delete
    2. Jollibee san mateo un sis.. hehehe...

      Delete
    3. ah san mateo ba yun?! i thought cainta hahaha! sorry naman...

      Delete
  14. More ganap ang saya! Ang cute cute ni Chloe..aalis pala si Hash. Di able andito naman kami ni Marseng Joanne pwede mo kami yayain pag wala ka ng choice :)

    Ang saya ng cupcake business, sana mga boom ng bonggang bongga! :)

    At ang saya mag run, sana ma experience ko din. Pag may Takbo para sa Kagandahan, go tayo ha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga naisip ko rin yun..anjan naman kayo pag umalis na si hash alam ko naman na pasasayahin nio ko eh... uu naman gow tayo sa takbo para sa kagandahan at saseksihan ;)

      Delete
  15. Ang saya naman! :> More blessings sa mga susunod na buwan!

    ReplyDelete
  16. Ang porma nung cake! XD

    Porma din nung story sa hotel. Hehe. Magdala ka na lang ng bible sa susunod.

    ReplyDelete
    Replies
    1. at binasa mo talaga yung makapanindig balahibo ah..hehe thanks :)

      Delete
  17. thank you sis... im so touch sa message... mejo bumaha nga ng luha dito sa kwarto ko eh... -hikbi-..

    ganda ng blogger shirt, puede pahiram??? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. che! hehe may hikbi pang kasama.. ayoko magpahiram madamot ako :P love you sis...

      Delete
  18. wow! makapanindig balahibong mga okasyon!
    makapanindig balahibong kasayahan!
    at makapanindig-balahibong pagkain (sweets!) Sarap!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa makapanindig balahibong comment hehehe...

      Delete
  19. You made the cupcakes! Grabe that's so sweet of you, pwede bang maging ninang na din kita, char! Hahaha...

    Magkano nga ba ang cupcakes mo kasi favorite ko kaya yan!

    So nagmamarathon ka pala? Naku sa jogging nga lang dumidilim na paningin ko eh.

    Happy birthday kina Zai, Hash, and Kulapitot!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ninang talaga?haha! mura lang yang cupcakes ko at masarap pa...160 per box...

      fun run lang sis hindi marathon hindi pa keri yun..sa umpisa lang yan pag nagtagal hindi na magdidilim paningin mo magcocollapse ka na charot!

      Delete
  20. Wow! The best and gift mo kay Chloe! Made with love talaga at pinaghirapan! Naway bumongga pa ang business mo na yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti na lang talaga at mahal ko si chloe kaya ako nakagawa nyan hehe.. thanks :)

      Delete
  21. Ang sweet nman I love how you decorate your pancakes Go girl sa business good yan! Ang ganda naman ng T-Shirt ni gracie bagay sau :)

    ReplyDelete
  22. gusto ko yang tower cake.
    gusto ko ding matutong mag bake at ng magamit na ang oven na nabili pa noong 2006, akalain mo hmp.
    gusto ko ding mag fun run ulit.
    gusto ko ring batiin ng happy birthday si hash at kulapitot, dito nlng ang hirap mag load ng internet ko kc hehehe.
    gusto ko itong post na ito kc hindi katakot takot hehe.
    gusto niyong mag ilocos diba?gora na hhehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto ko ang comment mo.. hehe

      yes gusto namen mag-ilocos..jan kami stay sa inyo chos!...

      Delete
  23. another great baker! how come you guys got all the talents in baking and left none for me?? heheh! cheers :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...