Saturday, October 13, 2012

mahal...ang...bacon part 4

Kinabukasan tinanghali na kami ng gising. Ang usapan, 7am kami aalis papuntang Bukidnon. Kaso past seven na kami nagising. Ang eksena nagmamadali tuloy sa pagligo. Ayoko pa naman ng nagmamadali sa pagligo. Pano ko pagkakasyahin ang mga seremonyas sa loob lang ng 15 minutes?

I did my best naman para matapos ng mabilis. Paglabas ko ng banyo nakahain na sa mesa ang breakfast. The dining table was across our room. Nakapagbihis na ko nang binuksan ni Liza ang pinto. Napalingon ako sa labas at sya kagad ang nakita ko. Naka-upo sa dining. Nakatingin sya saken at nakangiti ng wagas. Bakit ganun ang impact ng ngiti nya ngayon? Anong meron? Bakit parang gustong lumundag ng puso ko ng konti? At bakit habang tumatagal nagiging gwapo sya sa paningin ko? Ang dami kong tanong noh?

Hindi ko alam kung baket hindi agad ako naka-pagreact sa ngiti nya (nganga moment). I was about to smile back but someone closed the door (suplada effect).

"Breakfast na daw muna" si Albert na kumakatok sa pinto. So habang naliligo pa si Liza eh nauna na kaming kumain kasi nga tanghali na. Aabutin na daw kami ng traffic. Uso din pala dun ang traffic. Sa mesa, nagawa ko ng ngumiti sa kanya.

Busy na ko sa paglasap ng sarap ng bacon ng biglang, "gusto mo ng kape?" Napatingin ako sa kanya at nakatingin din sya saken ibig sabihin ako ang tinatanong nya. Pero ewan ko ba kung baket tinanong ko pa kung ako ba ang tinatanong nya. Buti na lang di ata nya kilala si Vice Ganda kung hindi ang aga kong nabasag. Shet naman kasi naiilang ako. Bakit kasi pinapansin pa nya ko? May naalala tuloy ako, sinabi ko kasi kay Liza nung gabi na gusto kong magakape bukas ng umaga, narinig nya siguro. At ayan inalok ako ng kape, ang sweet noh? What a nice start of the day, and off to Bukidnon.

There's an awkward moment or should I say tension inside the car. May LQ ang mag-jowa. Hindi kasi hinintay ng lolo si lola na kumain ng breakfast kaya ayun deadmahan ang drama. Tulog mode si Albert sa likod, kwentuhan mode naman kami ni Liza sa gitna at tahimik mode naman si Mikko while driving at si Sir Chief na inunahan ako sa tabi ng drivers seat. Ako dapat ang katabi ni Mikko, eh hiya ako (arte lang) kaya ayun naunahan na naman ako ni Sir Chief.

"Ok ka lang Lin?" bigla nyang tanong. Close na kami? Nickname basis?
"Ok lang ba kayo dyan?" tanong nya ulet. Akala ko saken lang talaga concern. Kikiligin na sana ako eh.
"Ok na ok kami" si Liza, hindi na naman kasi ako nakapag-react. Muka lang akong tanga na laging nganga pag kinakausap nya diba? (nagra-rhyme)

On the way may mga nadaanan kaming pineapple farm. Kung mas maaga daw sana kami, nakapag-unlimited pineapple juice kami sa Del Monte plantation. Bumaba kami ng sasakyan para magpa-picture sa mga pinya.



After ng photo op sa mga pinya tuloy ang byahe. Hindi ko alam pero, pag nasa private vehicle ako ugali ko ng tumingin sa rearview mirror para manalamin at tingnan kung fresh pa rin itsura ko. While he's driving, I caught his eyes on the rearview mirror looking at me. Nagkatitigan kami, mga 3 seconds (naorasan ko pa talaga?) and then switched his eyes again on the road. Napalingon ako sa labas ng car at napangiti.


To be continued...

11 comments:

  1. May HD ba si Sir Chief kay Mikko? O sadyang bet nya lang sumungay sa love story mo? haha..

    Ano ba yan sis! Puro ka nganga dyan, ang bagal mo dumiskarte, hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. both?...hahaha.. ay sensya naman sis hindi kasi sanay na ako ang dumidiskarte eh hahaha...

      Delete
  2. nganga ka ng nganga... mabobokya ka nyan... pasukan ka pa ng langaw... kung lalandi dapat bonggang landi... haha!

    ReplyDelete
  3. "Nakapagbihis na ko nang binuksan ni Liza ang pinto. Napalingon ako sa labas at sya kagad ang nakita ko. Naka-upo sa dining. Nakatingin sya saken at nakangiti ng wagas. " Nagkatitigan at nahulog ang aklat... Sarap dugtungan. PumiPBB Teen. Ang kontrabida ni Ser Chief... Love triangle yata to :P

    ReplyDelete
  4. Hihihi...tignan ko na nga yung part 5 tutal nakapost naman na. :D

    ReplyDelete
  5. mamaya na ang comment ko sa naka-post na ngang part 5...
    (bakit? hindi ba comment din eto? hi hi hi)

    ReplyDelete
  6. eto hinahanap ko sa previous post mo. patikim ng "pinya". hehe. ;)

    ReplyDelete
  7. Sarap magkape sa umaga.. lalo na't iba ang nagtimpla.. (joke!)

    ReplyDelete
  8. katuwa naman 'tong series na 'to, nangingiti daw ako habang nagbabasa (kinikilig sa love...ay bacon story pala). hehe!!! ;)

    ReplyDelete
  9. isa lang ang masasabi ko sis... ang landi mo...bwahahahahaha

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...