Friday, October 26, 2012

mahal...ang...bacon part 6 season ender

Unfortunately hindi na kami nakapunta sa Maria Cristina falls. So sad. Sobrang gagahulin na kasi kami sa oras. Two hours ang byahe pabalik ng CdO. Past 12nn na kami nakaalis sa Tinago falls. 3:55pm ang flight namen pabalik ng Manila, so goodluck to us.

Hindi na kakayanin kung magi-stop over pa kami para kumain. Pero hindi pwede na hindi namen matikman ang famous lechon ng Iligan. Masarap daw kasi talaga yun sabi ni Mikko. Kaya bumili na lang kami ng famous lechon at sa car na lang kami kumain. Papak pala kasi wala kaming kanin.

Nagda-drive sya habang kami kumakain na ng masarap na lechon. Hindi pa sya nagbe-breakfast at wala syang kinakain. Kaya hindi na nya din napigilan na humingi ng lechon. Eto namang si Liza bigla akong siniko sabay bulong, "gurl subuan mo". At hindi pa nakuntento sa pagbulong saken ang napakabait kong kaibigan. "Gurl, subuan mo na si Mahal." 
"Oo nga kain ka ng kain dyan hindi mo man lang inaalok si Mahal" pag-second the motion ni Albert. Di ko alam kung ano naisip nung mag-jowa pero nagpadala na rin ako sa trip nila kaya, "Mahal oh, lechon" sabay subo ko sa kanya at si Mahal ngumanga naman. Kilig na kilig yung mag-jowa habang si Sir Chief tahimik lang na kumakain, nagseselos na ata at naunahan ko sya na subuan ni Mikko bwahaha!

"Mahal eto pa oh" sabay abot sa lechon. Hindi ko na sinubuan ulet inaabutan ko na lang sya ng lechon with my bare hands. "Salamat Mahal." Aba at nakiki-mahal na rin ang mokong. Oo na, kinilig na ko. Ganyan ang naging eksena hanggang sa maubos ang lechon at mabusog kami.

2:30pm and we're still somewhere down the road far from the airport. Nawawalan na kami ng pag-asa na makaabot sa flight. So we're thinking some options. Hindi kami pwedeng kinabukasan pa umuwi. First, may mga business kami na naiwan specially si Sir Chief, second, binyag ng pamangkin ko at kasal ng friend ko kinabukasan and lastly, last piece of clean clothes na yung suot namen, even underwears.

"Lin, may mga underwears naman sa bahay kung wala ka na talagang gagamitin." He heard us talking and I dont know kung nagbibiro ba sya oh seryoso sa sinabi nya. Seriously? He's offering me an underwear? I assumed he's joking kaya tawa na lang ang naisagot ko.

Unfortunately na naman, kahit pinapalipad na ni Mahal ang sasakyan hindi na rin kami aabot sa flight namen. May mga series of traffic din kasi sa daan dahil sa mga ginagawang kalsada. In short, naiwan kami ng plane! Saklap.

Mikko was talking to his connections if they can do something about our situation. But still ended us booking the next flight back to Manila. Ang ticket na nakuha namen pabalik ng Manila cost a bit higher than our roundtrip ticket to CdO. Sayang, naka-isang rountrip na sana ulet kami. Wala na kaming cash oh hand kung meron man kulang na to pay the tickets. Buti na lang friend ni Mikko yung may-ari ng travel agency and agreed to deposit the payment the next banking day.

After the stress that we have gone trough we decided to eat before heading to the airport besides, we still have enough time not to be late again for our flight.

On the way to the airport, "Mikko, kunin ko number mo para kung sakali mapag-isipan mo yung (business) proposal ko sayo" sabi ni Sir Chief. Mikko dictated his number.
"Sandali lang, hindi nakuha ni Arline" sabay siniko na naman ako ni Liza. Sumusobra na tong friend ko na to sa kasisiko saken ah. Bibigwasan ko na to charot!
"Ah ganon ba?" and he dictated it again. Gosh hindi ako makapaniwala na ako talaga ang kukuha ng number nya, kainis! I still didnt type his number on my phone.
"Gurl, i-save mo na." pero nakabantay si Liza.
"Wait lang may tinetext pa ko" palusot ko.
"At ako talaga kukuha ng number nya?" bulong ko kay Liza. Ayoko talaga hindi ko matanggap. Sya! sya dapat ang kumuha ng number ko.
"Eh nagda-drive sya pano nya kukunin number mo? Ok lang yan, sige na." May point naman si friend.
"Sige na gurl kunin mo na." Haaay sige na nga, ang kulit!
"Ano ulet? pakiulet naman" tanong ko kay Mikko.
"Ok, save number, Mahal." Sinasabi ko yan habang gingawa ko. At natawa naman sya ng marinig nya. So ayun Mahal ang name nya sa phone ko.

Pagdating sa airport medyo nalungkot ako kasi nagsisimula pa lang sana yung love team namen pero matatapos na agad. Time to say goodbye.

He said goodbye to Albert first and did the usual dapping up, aslo with Sir Chief. He hugged Liza and lastly me. Save the best for last ang peg. A three-second blissful hug. OA sa description ng hug. Yes, he hugged and kissed me. Charot lang po yung kiss hanggang hug lang talaga, promise hehe.

Bye Mahal, bye CdO.

Dahil sa mga pangyayari nakalimutan na namen yung bacon na dapat iuuwi namen sa Manila. Sayang, ang sarap pa naman.

Pagdating ko sa bahay, I received a text from Liza, "gurl sabi ni mahal itext mo daw sya..seryoso..nakausap namen sya.." Sa sobrang pagod at antok I just replied "ok i'll text him". Dahil busy busyhan ako, after a couple of days ko pa sya nai-text. And it seems he's really waiting for my text. "Hello mahal tagal ko hinintay text mo". Oh yes, Mahal pa rin ang tawag nya saken, until now.

Up to this date, madalas pa rin kami naguusap. Madalas sya tumatawag and we really talk a lot about anything. Makulet sya kausap at ibang level ang humor nya kaya lagi nya kong napapangiti at napapatawa. At wala ditong romance, we're just really good friends (showbiz?) at hanggang dun na lang siguro yun. Hindi ko ata kaya ang LDR.

Niyaya nya ko mag-Camiguin, syempre kasama pa rin yung mag-jowa at si Sir Chief. I answered maybe next year, well lets see kung matuloy.

I dont know exactly why, but whenever I heard this specific song, I remember him. Kaya in-assign ko syang caller ringtone ni Mahal. Kahit nakapikit ako oh kaya naman malayo yung phone ko saken, basta marinig ko tong song na to I know it's him, calling.



videokeman mp3
Jet Lag – Simple Plan Song Lyrics

Oh by the way, before I forgot. Sa mga nagrequest ng picture nya, eto sya.


Galing sa fb nya yang mga pictures. Take note hindi kami friends sa fb. hahaha!

May mga kasama kami sa picture na yan. Ni-crop ko lang hehe. Bagay ba kami? Kumusta naman ang ab ko?



70 comments:

  1. Ang pakipot mo paminsan, manang mana ka rin saken, haha! Mahal pala ang terms of endearment nyo ah, hihi! Landeee mo! Pero sexy naman sa floral 2pc (bakit naka-shorts?) kaya may karapatang lumandi! Cutie naman pala si mahal e, mukhang ang bata pa, child abuse ka ata sis e?Chos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hiya kasi ako ke mahal kaya naka-shorts charot! bebe face lang sya sis..pero mas matanda sya saken ng 2 years!

      Delete
    2. Awww.. pasok naman pala! diskartehan mo na, palipatin mo dito sa Manila, hehe!

      Delete
    3. Ang gwapo ning bagay kayo parang leading man sa mga korean novela sa tv (he he) , at ang lola mo ha ang taray- abs palang ulam na he he... kamusta nman mga baby fats ko lol

      Delete
    4. haha natawa naman ako sa abs pa lang ulam na!..chinesenobela siguro..kasi half chinese sya eh hehehe...

      Delete
  2. Finally! May friend akong kamukha ni Mahal, hmm...Mikko ba talaga name niya? Kamukha kasi talaga, pero sa Manila naman naka-base yun kaya baka kamukha lang talaga. Kayang-kaya ng LDR yan, sus! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. oh my gash may kamuka si Mahal sa manila?!hehehe..nickname lang nya yan..pag minahal nya ko baka kayanin ko ang LDR chos!

      Delete
  3. honlandi! charots. hahahaha. infur kay mahal ha, may feslak siya! hehehe.

    ReplyDelete
  4. Yihiii... kayo na kasi ni Mahal!! ayiiii...

    at kamusta naman si Sir Chief? Sir Chief = forever alone? lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. siguro makakahanap rin si sir chief ng para sa kanya hehehe...

      Delete
  5. hehehe ang cute ng pagkaka kwento mo.... sa una na miss ko tuloy kumain ng lechon...

    napapaisip tuloy ako... sana kayo na hehehe.... bagay kayo....

    Goodluck hehehe malay mo.... hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku wag kang ganyan..iniisip ko pa lang na magiging kami kinikilig na ko wahahaha..honglande lang...

      Delete
  6. Oo bagay kayo! :) And ang sexy mo! Inggit ako!

    Please join my Cetaphil giveaway if you haven't yet:
    http://wonderwomanrises.blogspot.com/2012/10/the-power-of-cetaphil-giveaway-alert.html

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks wonder woman..i might check your giveaway :)

      Delete
  7. hmmm may future! hoy ha~ infairview kayo pero nxt time mag two piece para medyo seductive yug dating girl!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi na kelangan..kahit may saplot nakaka-seduce na ko charot!

      Delete
  8. wow naman sa kilig moments nyo sa lechon. mukhang may chemistry naman kayo lalo pa't nagpakita ka ng abs. update mo na lang kami

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay true! feeling ko nga crush nya na ko eh :P

      Delete
  9. Ay ang guwapo pala. may hawig kayo. Baka kayo na. hi hi

    ReplyDelete
  10. Ahng pogi nmn pla ni mahal hehehe,, at ang seksi mo girl kumusta nmn ang abs tlga hehehe.
    Hay salamat natapos din ang telenobela mong pinakaaabangan namin hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi pa yan tapos..may season 2 pa..haha..im sexy and i know it lols!

      Delete
  11. sayang naiwan mo yung bacon un tlga ung pinuna hahaha! uy nakakakilig promise at ur so sexy ;) at dont worry s xmas cya dw ung gift n marereceive mo ayiy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag nangyari yun..ako na pinakamasaya sa pasko haha!

      Delete
  12. Eto na ang inaabangan ko. Nagcomment muna ako bago magbasa. Wait lng!

    ReplyDelete
  13. Nakangiti ako habang nagbabasa to. At yung pinlay ko yung song na LSS ako. Ok naman si Mahal. Boto ako sa kanya for u :P Makipagkita kana kay mahal baka si sir chief ay nakikipagkita na sa kanya. lol

    PS: Ang sexy mo. bhe! :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa boto i really appreciate it..lols
      uu nga noh baka maunahan na ko si sir chief tsk tsk!

      PS: i know right?! haha :P

      Delete
  14. wahhhh may picture na si mikko yehey! na crop ata yung picture ni sir chief dito pinkline. kasi may kamay sa gilid mo hahaha. joke lang.

    ReplyDelete
  15. Ayii! hanep sa season ender! with faces and abs! ha ha ha
    kayo na! kaya lang I agree... medyo mahirap ang LDR :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. abangan ang season 2! kaya nga nagpapakipot ako eh nagdadalawang isip ako sa LDR chos!

      Delete
  16. Naks naman! Nanliligaw na ba si mahal?

    Wew. Iba ang abs! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi sya nanliligaw..ako ang nanliligaw sa kanya charot!

      iba talaga yan kasi ab lang yan hindi abs haha

      Delete
  17. ay teh!!!! di ka ba nasaktan natapakan ko ata buhok mo ahahaha... go girl!

    ReplyDelete
  18. aaaahhh... sya si Mahal... nice ha... instant! yan ang gusto ko sau eh... pakipot pero landi naman... hahae! LDR? malay mo naman isng araw nandito na pala sya sa Manila at dadalhin ung bacon na nakalimutan mo... hehe! :)

    so happy for you! kilig much! ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. anong instant?! ang tagal nga eh..dapat kasi ganon malandi pero pakipot..hahaha

      Delete
    2. oo nga pala... ilang araw kau dun sa bandang huli na nagtawagan ng "Mahal".. ang bagal mo nga... dapat first day palang ganun na! haha!

      Delete
  19. interesting blog :)

    Connect:

    Website: www.fashiondesignsblog.wordpress.com
    Blog: http://agro-turisme-fishpond.blogspot.com
    Facebook: www.facebook.com/JournalistOnDuty
    Twitter: www.twitter.com/utomosetyo

    ReplyDelete
  20. Nahiya ang tyan ko sa abs mo, ang sexy mo dai! ヅ

    ReplyDelete
  21. ang cute cute naman pala ni mahal. kami friends na sa facebook (naunahan pa kita no? haha charing lang) sayang, feeling ko bagay pa naman kayo. anyways, enjoy nyo muna what you have now..maybe..who knows.. :)


    di ko maalis sa isip ko na si Mahal, ung maliit na babae ang nasa eksena tuwing sasabihin mo ang mahal haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek! enjoy enjoy lang...

      minsan nga pag magkatext kami mura tawag ko sa kanya eh haha!

      Delete
  22. nays! hehe! silent reader lang ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayun oh..suma-silent reader si idol :)

      Delete
  23. haba ng hair kumulot hanggang dito sa baguio hehehe... kinikilig ako! at ummm... super bagay to the max kayo... wala na makakatalo dun. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana umabot rin hanggang cagayan de oro hahaha... uy ang dami ng nagsabi na bagay kami ah..

      Delete
  24. bagay na bagay kayo ni mahal dear...hihi...you look good together..pwede talaga...relate na relate ako sa mga ganyang feeling...hahahah


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. aaaaw thanks dear..kinikilig ako haha! relate ka? uuuuuy haha apir!

      Delete
  25. pinipigilan kong kiligin ng bongga feeling ko nagbabasa akong ng romance novel sa lechon moment nyo kaloka! dyusko. haha anyway..bagay kayo sis! mataray ang bebe fez nya bagay sa floral 2 bikini top mo =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga kainis ang pagka-bebe fez..buti na lang chubby sya hehe...

      Delete
  26. at natapos din ang 6 episode ni mahal.. hahaha.. kahit pala nakwento muna sakin to, kinilig pa rin ako... hehehe... in fairness naman sis diba may kinalabasan naman ang konting advise ko diba.. hehehe..

    well, enjoy this moment na ganyan kau... and i hoping may patunguhan tong love story na to.. gudluck sis....

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu naman..eh galing sau ang advice eh..ang landi mo kaya! haha

      ano beh friends lang keya kame :P

      Delete
  27. naks, sexy!
    at cute naman pala si 'mahal' mo kaya keri na yang unting kerenkeng, go na sa ldr, keri mo yan gurl! ;P

    ReplyDelete
    Replies
    1. aw thanks hehe..pagiisipan ko muna ang ldr hihi :)

      Delete
  28. Wagas ang ending kilig to the bones! With matching ab and mahal ayieee! Bagay sana kayo pero diba unfair kung ikaw may ab siya ay puro abs? hehe joke. Sshhh!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ab lang din ang kanya pag magkasama kaming 2 abs na hahaha!

      Delete
  29. ang ending hangang friends lang?? HIndi!! hindi pwede ang ganung ending!! hahaha. *nagdedemand na reader*

    wla ba syang balak bisitahin ka dito sa manila?? :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. wag ka magalala may season 2 pa hahaha!

      Delete
  30. Wow ang sweet naman ng Lechon moments calling "mahal" while making subo the lechon hehe parang kulang na lang maging officially kayo na. Super kilig!!!

    The best relationship always starts with being sweet good friends. Hehehe! kaya Wait namin ang season 2 ha! ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. kumo-quotes ka pa jan sis ah..hehehe.. ako din wait ko pa ang season 2!

      Delete
  31. Hay salamat umabot din sa ending! Hanep may subuan pang naganap hahaha... At may term na endearment agad! Kayo na ang mabilis!

    Wow naman at magkatext mate pala kayo ngayon. In short may kinapuntahan naman palang maganda ang trip na ito hahaha..

    Sa question mo sis, oo bagay na bagay kayo! Totohanin na yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tamad nga sya magtext eh..pero lagi naman syang tumatawag kaya keri na hehehe...

      Delete
  32. Hindi kayo tao, hindi kayo hayop, Bagay kayo! bagay talagaaaaaa! Sige na try na ang LDR!

    ReplyDelete
    Replies
    1. yieee ang dami ng nagsabi na bagay kami haha tuwang tuwa ako..mahirap ata ang LDR...

      Delete
  33. Nice, sinubuan naman si Mahal.. hehe
    Resourceful! nakakuha ng pictures sa FB! Nice ab!
    Sige looking forward sa Mahal ang... Lechon series, hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha..uu nga noh..you just gave me an idea..next season mahal ang lechon naman ang title chos!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...