Monday, December 17, 2012

Versatile, Cool and Popular

Yap, that's me! Im claiming it dahil sa mga natanggap kong award at dahil blog ko naman to, pagbigyan na. Hindi ko na patatagalin pa ang intro, eto na!

Versatile

It's been a couple of months na ata ng ma-recieve ko ang Versatile Blogger Award from one of my blogger idols, Ms. Balut of The Lucky Blog. I want to thank you Mamalut (nakigaya na ko kay ate Gracie) with all my hypothalamus. Sorry naman medyo natagalan ang reply ko dito. Ang dami ko lang po talagang tamad ginagawa. Medyo busy po talaga ako, please maniwala na kayo.


The Rules: 
  1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog.
  2. Post seven random things about you
  3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.

I already did the thanking part up there but of course I wouldnt mind doing it again. Thank you again dearest Mamalut. I appreciate this so much!

7 random things about me

1. Nung bata pa ko, mga 5 years old, tuwing makikita ako ng mga relatives at kapitbahay namen palagi akong pinapasayaw ng "Ice Ice Baby". Yun nga ba title nun di ko na matandaan. Naging trade mark ko na sya. As in pag nakikita nila ko they were like "sayaw ka naman ng ice ice baby". Ako naman si uto uto sumasayaw naman. Nakakatawa na nakakainis pag naalala ko yun. Hindi po ako dancer, singer ako.

2. Super mahilig ako sa baby. Ang sarap sarap nila pagmasdan, laruin, panggigilan, kagatin, ihagis hagis ganyan. Kidding aside lumalambot talaga ang puso ko pag nakakakita ako ng baby. Madalas nga akong gawing yaya ng mga friends ko pag magkakasama kami at kasama nila ang baby nila. Gustong gusto ko naman dahil love ko ang mga babies nila. Kung pwede nga lang gumawa ng  baby mag-isa eh. Ang dami ko na sigurong nagawa pero hanggang 5 years old lang pag 6 na sila ipamimigay ko na charots! Basta gusto ko ng baby.

3. Bossy ako, mahilig akong mang-utos. Im also a dominant when it comes to relationship. Gusto ko ako ang nasusunod.

4. I dont eat bangus and kare-kare.

5. Super hate ko pag kinakalabit ako as in! Lalo na yung sunod sunod na kalabit. Nakakairita talaga ng bongga. Ang sarap lang manapak pag ganun gggrrrrrrrr!

6. Sa sobrang mahal at hassle magpa-rebond nagpakulot ako ng hair ko dati. Pero dahil na-broken hearted ako and I thought of the need to reinvent myself ayun pa-straight at pa-short hair and drama ko. Na-miss ko tuloy ang long curls ko na hindi na kailangang suklayin mula pagkagising hanggang sa pagligo. Piga piga lang ayos na. Bunos fact, ang TABA ko dati! Ayan kita sa picture bilugan at malaki ang muka at braso ko.



7. I know how to play "Crazy for You" by Madonna, "Bakit ba?" by Siakol, "Story of Us" by Taylor Swift on guitar. Selected songs lang talaga alam kong tugtugin, hindi ko kasi memorize lahat ng chords lalo na yung mahihirap, hanggang basics lang ako. May mga nagawa na kong cover ng mga kanta na yan kaya lang baka pagkaguluhan at maging talk of the town ako sa kahihiyan pag in-upload ko.

And Im giving this award to:
1. Maria of Super Wander Girl
2. Ric of Life N Canvas
3. Phioxee of Wanderer
4. Xoxo Grah of Chicturista
5. Rogie of The Ignored Genius
6. Pao Kun of To infinity and beyond! Pangkalawakan
7. Anthony of Free to Play
8. Fiel-kun's Thoughts
9. Cheenee of Kwentong Palaka
10. Cyron of ikwento
11. Mga Kwento ni Nyabachoi
12. Adventures of Manong Unyol
13. Kwentong baliw ng isang Rixophrenic
14. 5-12-4-14-33-44's Farm
15. Chateau de Archieviner

Cool

I want to thank Fiel of Fiel-kun's Thoughts  who gave me the Cool Blogger Award. Nilamig ako sa award na to. Seriously, this is so much appreciated.

As for the tagging part, alam kong cool kayong lahat that's why Im tagging you ALL for this award.



Popular

Ang lastly but not the least, thank you to my sweet, pretty and talented friend Maria of Super Wander Girl, for this another award called SMP Blog Award (Samahan ng Magaganda't Pogi chos!). It's called the Super Ms. Popular Blog Award. Thank you din kay ate Gracie of Gracie's Network, Rix of Kwentong Baliw ng Isang Rixophrenic and Anthony of Free to Play for tagging me as well. I love you all with all my heart.

The rules are:
1. Answer the questions below.
2. Choose your Super Mr. Popular and Super Miss Popular who you want to give this award. (Maximum of 15 people)
3. Copy the provided question below or you may create a new question you want to ask them. 
4. Don't forget to send me the link of your post so i can see it too.

Your life is going to become a script for a movie. Whose local/foreign celebrity would you want to play you?
Since naunahan na ko ni sis Joanne kay Anne Curtis at ni Lori kay Angelina Jolie so ang choice ko ay si Angel Locsin sa local at Keira Knightley sa foreign, simply because they're both hot like me chos! Gusto kong maging leading man syempre si JLC at si Orlando Bloom.




You get to become a villain for a day from a Disney movie. Which villain are you?
Wala akong matandaang villain ng Disney movies eh. Tinatamad naman ako mag-google hehe. Sorry naman.

Aside from family, what's your greatest accomplishment in life?
Aside from the 3 consecutive years of being an awardee on my previous job,
my 2nd awardee's plaque

I think it's when I decided to resign as an employee and invest on our family's business and doing it well so far.

In your own views, what's the spirit of Christmas?
Family, giving, loving and remembering the birthday of our dear saviour, Jesus Christ.

And the award goes to:

Super Mr. Popular
Overthinker Palaboy of afterthoughts
Gord of Crumpled Papel
Olivr of the Beat Box

Super Ms. Popular
Sherene of Our Journey
Lizzie of Pretty Ugly
Marge of Coffeehan

Sa mga hindi ko nai-tag nakita oh nabasa ko na kasi na may ganito na rin kayong award or post.

Thanks ulet sa mga nagbigay ng award and congrats sa mga awardees. Sorry for the long post.

Merry Christmas my friends!



76 comments:

  1. ai parehas tayo, ayoko sa bangus, pero kare-kare... pwede na. sige, susundutin na lang kita sa susunod. hindi na kalabit. hahaha... XD pero alam mo mas gusto ko yung hair style mo ngayon. simple and looks nerdy. maraming salamat nga pala sa award. at type kita. joke!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Landi ni pareng cyron! hahaha! ang pbb teens niyo naman!

      Delete
    2. pwede na basta wag lang kalabit! haha.. i look nerdy sa hairstyle ko ngaun? parang gusto kong magpakulot na lang ulet!

      your welcome..ay parang keyboard lang..type din kita dyuk!

      @mr. tripster hmmmm selos ka lang eh hahaha...dyuk!

      Delete
  2. Ikaw na ang Versatile, Cool and Popular! he he. Ok lang kung medyo delayed Pink Line, kasi ako ganun din mas delayed pa yata ha ha.

    I like your curly hair siguro kasi yung sakin naman stubborn straight to the max. Nakaktuwa lang yung mga award na ganito we get to know more about sa isa't-isa :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. stubborn straight din ako dati nagsawa lang ako kakapa-rebond kaya pakulot naman tapos ngaun stubborn straight ulet..hehe..

      agree..its really nice to know each other more :)

      Delete
  3. At ako talag ang miss popular sayo?hehehe
    Panoyan diko na nmn alam mag tag, boboness lng ang peg ko. Sagutin ko nlng yan ha pero walang tag hahahaha.
    Gusto ko ng bagus!!!favorite koyan, kare kare? Yoko din:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ili-link mo lang sa post mo kung sino at kaninong blog mo sya gustong ipasa :)

      Delete
  4. The awards you got really describes you lil' sis, grattis!

    Lam ko na ipapatugtog ko as background music pagnameet kita hahaha, biglang sasayaw ka ng ice, ice baby! Ako naman ay pinapakanta nun ng telephone (torture!) yung long, long distance love affair, woooh, I call you on the.. yeah! ;D haha di nila alam dancer ako, hehe biro lang. Nice knowing you more, sana more awards para more about you.. love it!

    ReplyDelete
    Replies
    1. akala ko yung telephone ni lady gaga.. long long distance love affair..call you on the telephone (napakanta ako)..alam ko rin ata sayawin yan haha..masaya yan pag nagkita tayo kakanta ako at ikaw ang sasayaw ;)

      Delete
  5. 1. Frustrated dancer ka pala. hahaha! Sino nga naman ang hindi pinasayaw ng ice ice baby nung maliit pa. By the way, don't mention old songs too often. Napaghahalata ang age. hahaha! Just kidding. 90's kids tayo. We should be proud. We are the last generation with common sense.

    2. When you said na mahilig ka sa baby, I just hope that no pervert read this na alam ang address ng bahay mo. Baka tuparin niya ang hinihingi mo. hahahaha! I love kids too. I'm already an uncle of two beautiful little girls. Yung isa eh favorite ko pa. hahaha! It's fun playing with them and taking them out for a walk. Nakakapagod silang pakainin, ang hirap disiplinahin, at nakaka frustrate paliguan. But that's part of the whole picture of loving these beautiful wonders. Sigh, I'm so ready to become a dad!

    3. Uy, dominatrix. Hey, I'm a submissive. I'll be your baby tonight. Weh! hahaha! Binabasa ko kasi ang 50 shades of grey eh, kaya medyo may kalandiang taglay ang kaisipan ko ngayon. hahaha!

    4. Hay nako, sarap sana ng bangus SOBRANG DAMI NGA LANG NG TINIK. Kakabagin ka lang. Kaya hindi din ako nakain ng bangus, o kahit hipon! babalatan pa kasi. kaya minsan kapag nasa ibang bahay sinasabi ko na lang na hindi ako kumakain ng mga ganyan dahil may allergy ako. Kakatamad kasi eh.

    5. Mas nakakainis naman yung sutsot. Parang aso ang dating mo.

    6. Ok naman pala ang long curly hair sayo. It adds more charm.

    7. Uy marunong ka pala mag gitara. Nice. Ako din. Maybe we should do some jamming session. Hindi naman ako pro, basic chords lang din, compensated by a decent voice. naks! Puro ako na naman, when it's supposed to be about you. come one, sample naman diyan! SAMPOL! SAMPOL! SAMPOL!

    Congratulations for the awards!

    And thanks for giving me the SMP award. I don't remember being popular especially when I was in highschool in the Philippines. But anyway, salamat na rin!

    I'll see you around!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakaaliw talaga ang mga comment mo..namiss ko to ng bonggang bongga..ang dami ko ring nalalaman tungkol sau hehe..

      sige jamming tayo ako tutugtog ikaw ang kumanta kasi hindi decent ang voice ko eh..eskandalosa sya! hahaha..

      Delete
  6. ahaha parang Goldilocks lang sa kulot... asan ang bears? hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. diba ikaw yung isa sa bears hahaha! dyuk

      Delete
  7. makahakot ng maraming award??? bongga teh! hehe...

    bakit ayaw mo naman ate sa kare-kare??? hehe

    ReplyDelete
  8. HAHAH! Sige, ibigay mo sakin ang mga magagawa mong baby pag 6 years old na. yan yung mga tipong pwede ko nang utus-utosan kung saan saan! HAHAH! Ayaw ko ng baby. Hindi ko sila maintindihan, puro iyak iyak lang. Iyak tawa iyak tawa. HAHAH!

    Hakot awards ka ati! :)) Thanks sa pag tag! HAHAH!

    At... yung cover mo ng kanta... iupload na yan! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hang kyut kaya ng mga baby..magugustuhan mo rin sila pag nagka-baby ka na! kaya humanda ka..

      Delete
  9. ay exact opposite tayo, di ako mahilig sa baby, pero I owned two boys hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayan..hindi ka mahilig ah pero nakadalawa ka hahaha!

      Delete
  10. Wow, ang daming naka tag as Versatile Blogger Award..hehehe..had this award months back too. Mahilig ako sa bangus, fave ko yan..hehehe...mahilig din ako sa baby..kaya I'm having fun with my first born baby boy Caleb. Wahaha..ayaw mo pala ng kinakalabi huh? sige pagnagkita tayo sa pinas for a blogger's meet up kakalabitin kita...I will see how you will react..LoLs..

    ReplyDelete
  11. sumagot ako "somehow" sa tag mo :) may napost ako. hahaha XD

    ReplyDelete
  12. Yan nabasa ko na. Mas bagay sayo yung kulot ka at medyo mataba. Hala magbaby kana. Nakakatuwa ang may baby. I like kare kare and bangus. Ang ayoko lang sa bangus ay yung matinik. Salamat sa awards after a month ko rin eto sagutin. dyuk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sige magbe-baby na ko kelangan ko lang ng donors yung kasing gwapo ni JLC or Orlando Bloom para siguradong maganda ang kalabasan tyaros!

      Delete
  13. Marimar na Marimar lang ang peg dun sa Mt. Tapyas photo. Love it! :)

    ReplyDelete
  14. Maraming maraming salamat Ms. Arline sa tag na itey. Siguro a week or two ko pa magagawa ang mga command ng award na itey. :))

    --VERSATILE--
    1. Sampol, sampol! :D Anluma na nung Ice, Ice Baby pero naabutan ko rin yun :P
    2. Ahaha, taga alaga ka rin pala. Ako ang hilig ng mga pamangkin ko na pumunta sa bahay namin tapos sasampa sa likod. -__-
    3. Find a guy na hindi ka mamimis-interpret kasi bossy ka.
    4. Masarap ang bangus :)) lalo kapag nirelyeno. Mahirap lang or matagal kainin kasi matinik kapag hindi na de-bone. Sa kare-kare, minsan may hindi masarap ang pagkakaluto, minsan meron naman na superb!
    5. Your wish is our command. No more kalabit-penge :D
    6. Saan ang mataba? Wala naman ah.. (mas bagay ang curly)
    7. I play guitar din kapag nasa mood or kapag umuulan. Pang yamot lang para lalong umulan.

    --COOL--
    Ako wala pa akong award na itey :((

    --POPULAR--
    1. Crush ko si Angel kaya ang swerte 'nun guy na hinalikan niya kagabi sa Gandang Gabi Vice. Pwede ng mamatay sa mundo yung guy.
    2. Ano pong family business niyo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. welcome Anthony..take your time lang..ako nga 2 months eh hehehe..

      mas bagay curly? sige papakulot na ulet ako hahaha..

      naka-tag ka rin jan sa cool blogger kaya gawin mo rin yan..

      bakery po ang business namen :)

      Delete
  15. naks! congrats sa mga awards hehehe thanks sa pag tag sa akin ^^

    Ganda mo sa pic hehehe ^^

    Sarap ng bangus.... sayang di mo like... at kawawa naman si mister bawal mangalabit hehehe

    Advance Merry Christmas ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. aw nagsasabi ka ng totoo haha..

      pag kalabit yun agad nasa isip? haha tsaka wala pa kong mister noh!

      Merry Christmas din sayo Jon :)

      Delete
  16. Wow blog award galore! Thanks for the tag sis.

    So nagpakulot ka pala ng buhok before. Bakit nga ba karamihan sa ating mga babae pinagtitripan ang buhok pag nakipagbreak. Pero ako nung nabroken heart I didn't touch my hair. Walang sinumang lalaking makakapagpabago ng buhok ko! Choz!

    I also love babies pero wala akong tyagang alagaan sila hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu kulot kulutan ang lola mo dati..naalala ko yung sabi nung ex ko nung nagpakulot ako nagmuka daw akong malandi hahaha kainis lang..

      mahirap talaga alagaan ang mga baby pero keri lang wag lang iiyak ng bonggang bongga baka umiyak din ako haha!

      Delete
  17. Mukang busy ka nga at isahang bagsak yung awards. Kung mahilig ka sa baby, mabuting gumawa ka na ng paraan para makuha yan. Hahaha. Masarap naman ang kare-kare ah! Eniwey, tsalamats sa pagbigay ng SMP award. Alam mo talaga kung sino mga pugeh! Lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha parang gusto ko ngang gayahin yung ginawa ni Jlo sa movie nya na The Back Up Plan eh..kelangan ko ng donors hahaha!

      ay uu naman alam kong pugeh ka..teka ano ba yung pugeh? chos!

      Delete
  18. Congrats sa award Miss Pink! :)

    Naku, mahilig ka pala talaga sa babies. baka lamugin mo baby ko pag nakita mo. hahahaha. Thanks din pala sa pagbigay mo ng award. May recent post na nga pala ako dito kaya sensya na po, di ko na maduduplicate. hehehehe. Salamat ng marami Miss Pink! Nice photos by the way. kulot nga. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay uu lagot saken yang baby mo.. haha joke lang baka hindi mo na ipahiram saken si Mik..

      Delete
  19. natawa ako sa number 3 and 5 mo ateh! hahahaha new ako dito sa blog mo, will follow u and my pleasure to hear more updates sa inyo.

    ReplyDelete
  20. ang daming award mo sis. grabeh! ikawnah! congrats super! anyways, diko alam yung ice ice baby na kanta (joke! yan kaya tawag sakin ng mga kababata ko. super kainis)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. we something in common pala sis!

      Delete
    2. ay ayokong maalala yung pinkline. hahaha

      Delete
  21. Ilang taon ko nang nakikita yang Versatile Blogger award in fairness may staying power hehe. Congrats!

    ReplyDelete
    Replies
    1. feeling ko hanggat may bagong nagbo-blog anjan lang si versatile :)

      Delete
  22. Wow! Congratulation. You deserved all the awards. Remind me pag nagkita tayo na hindi kita kalabitin:)
    Dami mo palang accomplishments kahit na you are still young. I am happy for you. And I hope patikimin mo ako ng cupcakes mo one day:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sure mama joy ikaw pa!..basta ba patikim din ng mga cakes mo eh hehe..

      Delete
  23. Galing! Ang dami mong award ha? Di lang sa blog...pati din sa work...good job sis! Sorry na busy din ako sa mga bagay bagay....thanks nga pala for tagging me dun sa ice ice baby...ai dun sa versatile award...hihi...Merry Christmas sis! God bless u!


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha thanks din sis and merry christmas..God bless you too :)

      Delete
  24. Huwaw Miss Pink, humakot ka talaga ng mga awards ahahaha. ikaw nah!!! :D

    Glad you liked my Cool Blogger Award :)

    Uy kasali din ako sa Versatile Blogger Award, cge cge, will find time to repost this. Salamat ulet and congrats!

    ReplyDelete
  25. umulan ng award kinarir mo naman ang pagsalo lahat. hahahaha.
    ang selan selan ayaw ng karekare! pang mahirap na ulam kasi. charots! alam na natin pareho ang hatred natin sa kalabit portion. ang kinaloka ko ay yung fact na pinapasayaw ka ng ice ice baby. iniisip ko kung ano ang dance step nun. hindi ko maimagine kung ano ang ginagawa mong dance step. haha.

    salamat sa versatile award. sasagutan ko yan ngayon na (or bukas?).

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako rin eh di ko maimagine kung pano ko sinayaw yun lols...

      Delete
  26. Mahilig din ako sa mga baby pati na rin mga bata. Nung wala pa akong mga pamangkin naghihiram ako sa kapitbahay namin ng bata para alagaan. haha! Bagay pala sayo ang kulot! Advance Merry Christmas! Baka di na ako makabati at busy na sa mga susunod na araw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha..ako rin nung wala pang pamangkin nanghihiram ng baby sa kapitbahay para paglaruan pag umiyak soli ko na hehehe...

      Merry Christmas din Anney and happy new year na rin :)

      Delete
  27. Amazing!! :)
    Would you like to follow each other? :)

    http://www.facebook.com/estilohedonico
    http://estilohedonico.blogspot.pt/

    xoxo

    ReplyDelete
  28. Sis ang bongga mo naman with long and curly hair! Akala ko si Mariang Makiling lang, lalo na at nature ang background :)

    Pag nagkita nga tayo rerequest ako ng Ice Ice baby1 Pag di ka sumayaw, kakalabitin kita pa ulit ulit :)


    Pareho tayo ayaw ko din ng kare kare. Parang kaderder kasi may peanut butter no?! Amishu sis1 May gift ako sayo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. si marimar ang peg ko jan hindi si mariang makiling hehehe..

      sige subukan mo hindi ko alam kung saan ka pupulutin dyuk!

      ayoko ng lasa at kulay ng kare-kare eeeewwwwrrrr haha..

      amishu too zai.. kinilig ako sa gift ;P

      Delete
  29. uy thanks ma'am d ko talga nakita yung name ng blog ko kaya d ako gumawa hahaha pasenxa na ikaw pa nagsabi kakahiya nman... malabo talga mata ko hahaha pero nabasa ko nman to...

    ReplyDelete
  30. naaliw ako sa 7 random things......

    sample nga ng ice ice beybe dyan.

    ReplyDelete
  31. Nakikibasa lang ako sa mga ganitong award-giving posts, nang matatapos na ang pagbabasa ko sa post mo, hala nandun pala name ko hehe.. salamat! may mga na-received na din ako dati pero di ko magawan ng post (in short tamad). anyway, good thing to know more about you... parang hindi ikaw yung curly hair, hehe... teka masarap naman ang bangus at kare-kare ah?... ok sige, kakalabitin na lang kita, joke!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sige kalabitin mo ko kung gusto mo kong makitang magalit..hehe joke!
      gawan mo na rin ng post :)

      Delete
  32. Very versatile nga ang may ari ng site na ito a.k.a Pinkline.
    Congrats sa awards at sa darating pang awards.

    ReplyDelete
  33. congrats to your award, dear! you deserve this... nakakatuwa ung way mo sa pag-ba blog and it's cute! i love the background, too, it's pink kc, i really love pink! and nakita ko d2 c angel locsi, idol ko yan! haha!

    Anyway, I followed your blog, hope you can follow back, too!
    Thanks!

    It’s a GIRL Thing

    ReplyDelete
  34. ang ganda mo.....deserve ka para sa award..

    ReplyDelete
  35. Advance Merry Christmas and a Happy New Year! Bati na ako at busy na simula bukas. May mga nephews ako pero malayo nakatira subic, antipolo, baliwag, palawan. Kaya lagi mga girls lang na pi feature ko sa blog ko kasi malapit lang sila nakatira samin. Yung 3 mismo sa bahay namin nakatira.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ah..kaya pala hehe..nakakatuwa mga pamangkin mo..pwede silang commercial and print models..ayaw ba nila mag-audition sa mga commercials?

      Delete
  36. made a pic greeting for you, di ko kasi alam san ko isesend hehehe check mo nalang blogsite ko. merry christmas!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakita ko na! i love it...thanks dear Lala :)

      Delete
  37. Ay twin sis, kering keri mo ang curls! Bagay sayo! Guess what, ayoko rin ng kinakalabit ako, kakainis nga talaga! Mahilig din ako sa mga babies kaya kamusta naman ang 11 na pamangkin ko di ba? Haha, spoiled silang lahat saken, kaya naghirap ako ngayong pasko e! Congrats sa napakaraming award! At Merry Christmas!!!

    ReplyDelete
  38. Uy ms. Pink, salamat po sa award. :)

    May nagawa na kong post nito before. Sorry po ha. :( maduduplicate na kasi. pero I really appreciate to be part of your awardees.

    More power Ms. Pink! :) God bless.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...