It started when I became pregnant. Super emotional ko. Well dati na ako emotional but it seems like its heightened. So imagine emotional na nga ako dati nadagdagan pa nung nabuntis ako. Dramarama mga bes!
May mabasa lang ako sa facebook or mapanood sa TV na nakaka-touch tutulo na lang bigla ang luha ko. Parang tanga lang haha!
I remember when I was still on my first trimester. Napakaselan ko maglihi at super throw up talaga ako the whole day na halos bumaba ng 7 lbs yung weight ko. Mind you it was super traumatic for me na halos wala na ako maisuka pero sige pa rin. Yung feeling na suko na ko ayoko na talaga. Pero syempre wala rin naman ako magagawa kundi kayanin para na rin sa baby ko.
Pili lang yung mga nata-take kong kainin na ulam. Dahil hindi ko talaga kaya yung amoy nila minsan. One time naubusan ako ng ulam. It was ginisang ampalaya with egg. Hindi naman ako kumakain ng ampalaya yung egg lang ang kinakain ko talaga. Pero gutom na gutom na ko noon. Palaging gutom ang buntis.
When our kasambahay told me na wala ng ulam, nasabi ko lang "ha bakit nio ko inubusan?". Then bigla na lang tumulo luha ko. As in hindi ko mapigilan, umiyak ako na parang bata. To the rescue naman agad si mother at nagpaluto ng same na ulam. Di nya alam na naubos ung ulam. Wala rin yung asawa ko nun, nasa work.
Then later on nung kumalma na ko, tinatawanan na ako ni mother. Nakakahiya tuloy haha!
Yung asawa ko dati ng masungit. Pag nagsusungit yun hindi ko lang papansinin tapos mamaya ok na. Nung mabuntis ako naiiyak ako kapag sinusungitan nya ako. Oh kaya kapag hindi nya nabibili yung gusto ko umiiyak talaga ako. Kahit ayokong umiyak kasi napakababaw ng dahilan. Pero hindi ko talaga sya kayang pigilan.
Nakakainis na nakakatawa yung ganitong pakiramdam. Im currrently on my third trimester but Im still so emotional.
Monday, March 13, 2017
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
It's nice to read an update from you! :) *ingles yan bes :)
ReplyDeleteCongrats! Nakakatuwa naman ang iyong experience, I get so emotional na rin hehehe
Ganyan din nararamdaman ko pero sure ako na hindi naman ako preggy. Should I worry?
ReplyDeletetiyak magiging mabuti kang magulang..
ReplyDeletewow, tagal ko rin hnd nakadaan sa blog mo. Good luck sayo and sa family mo!
ReplyDeletekumusta ka na ngayon..
ReplyDelete