Tuesday, September 25, 2012

frustrated and happy

Spell frustrated, that's ME!

Ano ba kasing nangyari na sa shit na LOI na yan hanggang ngayon wala pa ring result? Sabihin nyo na lang kung approve o hindi para hindi na kami umaasa, makapag-move on na at makahanap kami ng ibang location grrrrrrrrrr!

Dahil nga may mga aberya ang plano sa business na gusto ko naisipan kong humanap ng alternative extra income. Magpa-pasko na naman kasi ayoko ng ma-empty pocket. Pero pati yung alternative hindi rin pwede. Hay ka-frustrate talaga!

Oh syempre ayokong sumuko. May naisip pa rin ako na pwede kong gawin na sideline. Saka ko na sasabihin kung ano yun.

Nakikisabay pa ang lovelife, pinu-frustrate din ako. Sinabi na ngang hindi pwede ang kulit. Tigilan na, utang na loob! (Sinasabi ko yan sa sarili ko.)

So much for the frustration. Gusto ko masaya naman. Ang bilis magbago ng mood ko noh?

Another blogger's eyeball happened last Saturday.

I won kasi on Theo's mini contest sa blog nya na Theo's Casanova. So we were supposed to meet to claim my price pero sabi ni Theo gawin na rin nameng blogger's EB at isama ko daw yung mga na-meet ko last time and then I informed Joanne about it.

At ayun na nga nagkita kita kami sa Rob Galle. Ang masasabi ko lang, ang tahimik ni Theo pero may explanation naman sya kung baket on his blog. Asusual laughtrip na naman with Zai, Joanne, Empi, Hash at Theo. Ang saya lang na parang ang tagal ko na silang friend dahil napaka-wagas ng tawa ko kahit na second time ko pa lang sila nakasama. Pati yung pink shorts ko natuwa. Wala na naman akong picture kaya papapuntahin ko ulet kayo sa blog ni Zai.

Thanks again Theo, sana sa susunod ako ulet manalo haha selfish lang.

Syempre thanks din kay sis Joanne, Zai at Empi. Pasensya na kayo sa kaingayan ni Hash (love you sis). Looking forward for more gala with you guys.

And Im also looking forward to meet more bloggers. May mga nakalista na nga sa isip ko na gusto kong ma-meet eh. Sana ma-meet ko rin kayo sa ayaw at sa gusto nyo. Sapilitan ito!


40 comments:

  1. Life's ups and downs? Anyway, that is what makes our life more exciting. Learning through difficult times .
    But of course i wish you more good times:)

    ReplyDelete
  2. lahat naman may reason ... at siguro may reason kung bakit ngyayari yan sayo .... kaya mo yan girl!

    ReplyDelete
  3. Ayun oh lumalablyp :P I meet nyo ko dito. Good Vibes :) Congrats

    ReplyDelete
    Replies
    1. sige meet tayo jan..libre mo airfare ha..hehe..

      Delete
    2. gwad! ang mahal ng airfare dito. pag uwi ko nalang. lol

      Delete
    3. ayoko! gusto ko jan tau magmeet libre mo airfare..haha joke lang.. sige paguwi mo :)

      Delete
  4. Sa Ilocos Lng ako, meet tayo!hehehhe

    ReplyDelete
    Replies
    1. baka sa december mag-meet tayo jan sa ilocos :)

      Delete
  5. ang saya saya nga parang ang tagal na nating friends no? ganun ata talaga pag magaganda, nag bobond talaga, parang magnet. haha! looking forward to more time with you Arline..ano ba kasing business yan, patahian ng pink shorts? :)

    okay lang mafrustrate basta find a way para maging happy ulit :) I am here for you always...(may ganun haha)

    ReplyDelete
    Replies
    1. aaaaaw touch ako..pinapasaya mo talaga ako Zai..uu patahian ng pink na shorts haha!

      Delete
    2. saang parte ka na touch? sa likod yung touch ko ha, baka ma misinterpret mo haha :) yey sosyo ako dyan, pink shorts with tastas ang sa akin :)

      Delete
    3. sa likod? ayoko sa likod!hahaha..go for the pink shorts with tastas :)

      Delete
  6. wag mong pigilan ang lovelife pink.. puwede yan.. gawan mo lang ng LOI yung special someone mo para mabilis.. peace! Pero sa totoo, hindi halatang frustrated ka kasi laging masaya ang puso mo..

    ReplyDelete
    Replies
    1. aaaw thanks sa support Bart haha.. ayoko nga munang isipan ang lovelife na yan eh..bata pa ko hehehe...

      Delete
  7. Sapilitan ba? Paano kung malalayo? Nasa dulo ng Pinas. hehe..
    Wag daw pilitin ang lovelife, hayaan mong magsawa. Darating din yan kung dadating! Be happy na lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. san bang dulo ng Pinas ka nandun?..malay mo makarating ako jan...korek! dadating din sila..keber lang!

      Delete
  8. Aliw na aliw kaya ako kay Hash, hehe.. Sana next time na kasama naten si Theo, makulet na din siya!

    Darating din yang business kembot at ang lovelife sa tamang oras, so ngayon e enjoy enjoy lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek sis!...kembot lang talaga ang sagot ko jan haha.. uu nga sana makulet na rin si Theo next time...

      Delete
  9. saya siguro mag outing kasama bloggers....:) cool lang palagi...it will be cool soon...:)


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. mukang masaya nga yun...yeah stay cool thanks :)

      Delete
  10. sana maging ok na yang plano mo para magkaroon ng extra income. anyway..next time sama din ako sa lakad nyo. hihihi gusto ko rin kayong mameet eh. =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks jaid..sige meet din tayo next time..gusto din kita ma-meet :)

      Delete
  11. ba't nasama sa frustrations ang lablife! hahaha. ayaw mo dun sa guy? lol.

    kasama ba ako sa listahan sa utak mo? nyahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayaw nya saken..haha! uu naman kasama ka..ikaw pa..gusto kong makita kung pink talaga ang lips mo hehehe..

      Delete
  12. nakasama ba ako sa listahan mo hehehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi! charot haha.. syempre kasama ka rin :)

      Delete
  13. Kung ano man yang kinapu-frustrate mo, daanin mo lang yan sa inom nyahahaha... Kidding aside, sana maayos na yan para happy ka ulit.

    Kailan mo naman ise-share ang lovelife mo? Dapat parang si Zai, magkwento ka din ng dating scenes mo hehehe...

    ReplyDelete
  14. kalma lang sa mga frustrations! it is what makes us alive daw! love your blog :) following you now.

    ReplyDelete
  15. hang saya saya saya saya naman niyan ate! wagas ever.. hehe
    bayaan mo yang frustrations, hihi... happy happy nalang!
    (napansin ko ulit ulit ng comment ko) hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga bebe sis paulet ulet ulet unlimited?hehe..

      Delete
  16. I'm not sure if you're deeply upset that's why you have quick mood swings or you're simply that kind of person. Hehehe...

    Pero bilib din ako sa mga taong mahilig mag dive in sa business world. That means you've got balls. But I advice you to keep yourself away from lovelife in the meantime lalu na kung nasa early stages ka ng investment project mo (kala mo businessman kung payo no?). Lalu na kung yung tao ay hindi open sa mga ideas na pinapasok mo o yung walang intention na unawain ang mga bagay na ginagawa mo. It would end devastatingly and it could affect your business.

    Anyway, at least na relieve ka naman mula sa stress diyan sa EB niyo. IT's a good thing naman. Sayang nga lang nasa ibang bansa ako. Kung hindi eh uunahan ko talaga kayo mag claim ng mga prizes na yan! Hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. maybe Im really that kind of person hehe..hindi ko kasi binibigyan masyado ng time yung mga bagay na nakaka-upset saken.. gusto ko happy lagi..kaya ayoko rin muna ng lovelife isa pa kasing nakakastress yun eh hehehe...

      Delete
  17. Frustrating bah talaga yung lablife? Ang saya nga ng singleness life pink line. Meet ka lanv ng meet. Malay mo blogger din maka pa uu sayu ;-)

    just me,
    www.phioxee.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. frustrating eh..pero ok na ko ngaun tanggap ko na hindi talaga pwede..hahaha ang drama ko lang.. thanks phioxee sana mameet din kita :)

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...