Ayoko talagang uma-attend ng mga family gatherings simula ng maging single ako. Hindi dahil maiinggit lang ako sa mga cousins ko na may kanya kanya ng pamilya at sa mga PBB teens kong pamangkin (sa pinsan) na isang decade ang tanda ko pero may mga jowawa. Hindi talaga ako naiinggit, hinding hindi. Kundi dahil nape-pressure ako at ayokong ma-pressure, ayoko talaga!
Sino ba naman ang hindi mape-pressure kung everytime na nasa family gatherings ka, ang walang kamatayang tanong na "kelan ka magpapakasal?" ang maririnig mo at kelangan mong sagutin. Mahirap po para saken na sagutin yan dahil single ang status ko ngayon.
Ok lang naman sana kung isang beses lang itatanong sayo kaso sa dami ng kamag-anak ko eh ang dami rin nilang nagtatanong. Kulang na lang mag-announce ako "relatives, attention please..sa mga magtatanong po kung kelan ako magpapakasal makinig po kayo eto ang sagot ko..." pak!
Kanina lang sa pinuntahan nameng birthday bash ni tito...
Cousin 1: kumusta couz may bf ka na?
Ako: wala pa eh...
Cousin 2: ay wala pa rin
Cousin 3: eh asan na yung dati mong bf? (nakakasawang sagutin)
Ako: wala na yun..matagal na..
Cousin 3: anong bang nangyari dun? (haaaay eto na naman)
Ako: (nagkwento ulet ng summary ng mga pangyayari)
Tita: malay mo naman kayo pa rin sa huli
Mudra: oo nga (aba talagang uma-agree si mudra) ang tagal din nila eh mahigit 7 years at yun lang naman pati ang naging bf nya (sya lang kasi ang ipinakilala ko sa kanila hehehe)
Tita: tingnan mo si ate Ces mo naka-2 pang bf after pero nagkabalikan pa rin sila nung napangasawa nya ngayon
Ako: (ngiti lang)
Cousin 1: eh yung kinuwento mo nung huling nagkita tayo na dumalaw sayo anu nangyari?
Ako: wala na rin..
Cousin 2: bakit?akala ko ba ok yun?
Ako: akala ko rin eh..hehe.. ang layo nya kasi eh ayoko ng long distance..
Cousin 2: wala bang nanliligaw sayo ngayon?
Ako: wala na eh..
Mudra: may nanliligaw jan eh ewan ko anu nangyari
Ako: ayoko eh..
Tita: pili ng pili ang napili bungi (idiomatic expression)
Ako: hindi naman po ako mapili.. di ko lang talaga sila type
Cousin: yaan mo darating din yan..bata ka pa naman eh..
Hindi pa sila tumigil sa pangungulit kung di ko pa sinabing "tama na..wag na nateng pagusapan lovelife ko". Akala ko tapos na pero sa panibagong set ng kausap saken na naman napunta ang topic.
Bagong panganak ang isa kong pinsan sa first baby nya:
Ako: wow may baby na sya..
Cousin 4: gusto mo na ring magkababy no?
Ako: haha matagal na
Cousin 5: madali lang naman gumawa
Ako: madali lang pero kung magisa lang ako mahirap yun hahaha
Cousin 4: kumusta naba lovelife mo?
...at naulet na naman ang usapan sa lovelife ko haaaay.
Bago umuwi..
Tita: mag-asawa ka na rin di ka ba naiinggit kay ate Belle mo may baby na rin sya
Ako: teka lang naman tita pwede bang humanap muna ako ng boyfriend bago ako mag-asawa?
Tita: sige maghanap ka!
Cousin 2: ihahanap kita (ayan na naman sila)
Ako: sige ate gow!
Cousin 2: anu bang qualifications mo?
Ako: itetext ko na lang sayo mejo marami..hahaha
...oh ha paalis na lang ako eh may pahabol pa talaga!
Naisip ko na rin gumawa ng blog post para sa sagot ko sa mga tanong nila eh para kapag nagtanong ulet sila bigay ko na lang url ko.
P.S.
Nagkita kita nga pala kami ng mga blogger friends na sina Joanne (Joanne's blog), Zaicy (Zai moonchild), Empi (Kol me eMPi) at Hash (Hash Coffee Table Book) nung Saturday. Nag- unlimited coffee and cakes kami sa TCB. I had so much fun with them. Sa sobrang enjoy ko naka- 3 cups ako ng kape. Nakakahilo pala pag naka-3 cups of coffee parang alak lang na nakakalasing haha seriously pagbaba ko ng bus muntik ako matumba. At dahil sa unli coffee maliwanag na ng makatulog ako. Para sa mga pictures at iba pang happenings daan kayo sa blog ni Zai.
I really really enjoyed your company, Joanne and Zai at si Empi na rin (na tahimik pala or that time lang hehe, si Hash naman barkada ko since college kaya sawa na ko sa kanya charot! Love you sis!). Ang saya nio kasama. Sa uulitin. Im looking forward for more, more and more! :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Naka-relate ako sayo sis, everytime na may magtatanong saken kung kelan ako ikakasal, plain and simple lang lagi ang sagot ko, "matagal pa" tas smile at walk out..
ReplyDeleteBet ko na din magka-baby, haha, asawa na lang kulang, charot!
P.S. Had so much fun din, hope for more bonding! mwah!
sis Joanne kung pwede nga lang magwalkout eh..haha.. at kung pwede nga lang din mag-baby magisa wahahaha..
Deleteyah more bonding to come..namiss ko na nga agad kayo eh :)
@manong unyol...ikaw talaga ang nagreply sa comment ah haha!
@sis - ay true, kung keri siguro e may 1 boy at 1 girl na ko, haha..
Delete@manong - bakit, mag-aapply ka ba?lol
oh sis pwede daw bang magapply tanong ni manong? hehe..
Delete@ manong...naku manong sana sumama ka para naman magkakilala kau ni pinkline... i've ready set of questions na eh... hehehe... teka! di kba nadadapa nung araw na un??!..hehehe
Delete@sis - ang tanong ni manong ay parang directed naman sayo, wahaha!
Deletewahaha..parang hindi naman sis :P
Deletehmmmm... bakit kya nakapa-insensitive ng mga kamag-anak sa mga ganyang usapan. grrr....
ReplyDeletekorek! akala siguro nila napakadaling humanap ng mapapangasawa grrrrr...
Deletemagannounce na ng pa-audition sa mga manliligaw. XD
ReplyDeletehaha magpa-advertise sa tv..
Deletekaka pressure nga ang ganyan...kaya yung isa ko friend eto lagi ang dialog "change the topic" kasi nananawa na din siyang mag explain ;)
ReplyDeletehahaha..naku yung mga kamag-anak ko makukulet sobra hindi sila nadadaan sa change topic hehe...
Deletenapapa smile nmn ako sa pagbabasa hehehe, ganyan din ang hipag ko 33 na siya wlang bf kaya siya din nag tampulan ng tukso kpag may gathering. ang sinasagot niya kpag banas na," kung pagdating nang panahon at meron eh di go, pero sa ngyon career muna ako " sabay irap at walk out. wla ng magtatanong hahaha.
ReplyDeletewaaaah..wag naman sana akong umabot ng 33 na single pa din.. hehehe..
Deleteahahahah pressure! yan ang pressure! eh ano ba kaseng mga qualifications mo nga? i-post mo, nang mahanapan ka. hahaha remember, pakonte na sila ng pakonte. hahaha :)
ReplyDeletebakit nga pala di kayo nag yayaya ng EB? sayang, sasama sana ako. haha echos! :)
sabi ko naman kasi sayo eh..ipakilala mo ko dun sa mga kakilala mong "endangered specie" eh..
Deleteechosero ka talaga eh..pag ikaw niyaya namen at di ka sumama kukutusan talaga kita charot!..next time sama tapos isama mo na rin yung ipapakilala mo saken hahaha!...
trending ang topic mo na to. mag post ka na ng "wanted: PAPA!" hahahahah :)
Deletedepende kung may free time ako. pag meron, bakit hindi naman. hehehe. hahaha busy ang mga "endangered species".
;)
haha..sabi mo yan ah ;)
DeleteHuwag kang mag-alala darating din yan... malay mo nasa tabi mo lang...
ReplyDeleteat lumingon talaga ako sa tabi ko haha..wala sa tabi ko eh :P
Deletehaha natawa ako dito, dapat kasi pag may gathering nagsusuot ka ng tag na "wala pa po akong bf" para di na tanong ng tanong or agree ako dun na mag-announce ka muna sa mikropono :)
ReplyDeletewhy not?.. magpapagawa ako ng statement shirt na ganyan tapos pag may gatherings isusuot ko..hehehe
DeleteMas mabuti ngang gumawa ka ng blog post para pag may nagtanong gibsung na lang ang URL! hahaha! O kaya bago mag simula ang gathering e i announce mo na kuha ka megaphone para lahat sila marinig na single ka at di pa mag aasawa wag kamo makulet wala ng magtatanong. hehe!
ReplyDeletetama! wala na dapat follow up question.. yun na yun :)
Deleteang laki talaga ng problemang dulot ng mga reunion. haha!
ReplyDeletesinabi mo pa!haha
Deletehaha buti na lang sa amin di uso ang reunion. haha pero nakakainis nga yung ganyan. dapat ata talaga gawa ka na alng ng blog post tapos ibigay mo na alng sa knila yung url haha
ReplyDeletebuti pa sa inyo..samen required umattend kahit bday, binyag at kung anu ano pa haaaay :)
Deleteok lang yan. nakarelate naman ang marami diyan. maraming mga nagmamarunong at judgemental na mga kamag-anak... haay. :)
ReplyDeleterelate ka rin ba?hehehe...
Deleteay naq ako rin ganyan, pag ako ang nasa hotseat tpos love life ang usapan ayoko na, haha
ReplyDeleteoh diba nakakatuyo sila ng matres chos!
Deletedapat ate sinabi mo lang s knla, bakit malutong ba ang lovelife ko.. mala boy Abunda Lang hehe!chowking:) manalig k lang darating na rin c mr right, magmasidmasid ka lang bka stalker na pla yan d na c mr.right.
ReplyDeletesige next time sabihin ko sa kanila hindi malutong ang lovelife ko haha...
DeleteI can feel you ate. Hahaha!
ReplyDeleteOk lang naman maging concerned sila eh. Pero hindi naman malungkot ang maging single or maging committed sa isang tao. Kung single ka hindi ibig sabihin malungkot ang buhay mo.
Ever since I became single three years ago (tagal na rin no?) I never have hassles saving up money, going to places I've never been before, going out and being friendly/flirty with other people, at kung anu-ano pang trip! It's easier to be myself now. hehehe! I'm just a bad lover who happened to have bad romances.
Anyway, madalas din akong tanungin ng ganyan. Especially if you're in a Christian community na ultimate goal nila sa buhay lamang ay ang magkaroon ng asawa agad at mag-anak, puputaktehin ka ng mga ganyang tanong.
My usual answers sa tanong "Kelan ka magpapakasal?":
1. May deadline ba?
2. Excited? Hindi ka makahintay?
3. Get a life first, then I'll get married.
4. Kapag na-legalise na ang gay marriage (this will really irritate the religious and the culturally orthodox people, iiwan ka nila sa isang sulok. Effective to, promise!)
5. Kapag hiniwalayan ka na ng asawa/syota mo. (Hehehe! Too dark yata ito)
tama!..hindi naman talaga ako nalulungkot..ang saya nga maging single eh walang stress..kung di nga lang nagti-tic tac ang matres eh i wont be worried and pressured haha..
Deletekulet ng mga answers mo adopt ko nga yung iba jan hehe..
hehehe.. ang kulit lang nila ano ate??? hehe! bago magstrat gathering, announce mo na teh,, to the maximum level ng volume, para wala ng magtatanong ^___^
ReplyDeletemakulit talaga sila..pag nainis ako gagawin ko na talaga yan..
Deletethanks for sharing your lovelife without a partner. sori, di ako mangulit. nakakatawa at nakakainis talaga mga kamaganak ng makukulit. hi hi
ReplyDeletenatawa naman ako sa lovelife without a partner ate joy hehe..
Deletehahahah ... sabhin mo darating din yan ... ako nga pinipressure ako ng tatay ko na kung kelan daw ako magkakaroon ng beybi at mag aasawa .. natawa na lng me kasi wala namang matres ang partner ko hahahahaha
ReplyDeletehaha natawa din ako sa dahil walang matres si partner..
DeleteHaha. Mga pamilya talaga, minsan excited masyado. Haha. :)
ReplyDeleteItawa mo na lang yan. Wag ka magmadali, mas mahirap naman na mag asawa agad tapos bandang huli marealize mo ayaw mo pala. Mas okay ng mag intay. Yun na lang sabihin mo sa kanila. Hehe. :>
i know right haha..nakukulitan lang talaga ako sa kanila at nakakapressure sila..buti na lang hindi kami palagi nagkikita ng mga relatives ko hehe..
Deletehahaha.. sana sinabi mo. pauli-ulit? Unli? hehehe.
ReplyDeletekamusta na pala lovelife mo? kelan kana ikakasal?
nakikitanong lang. ;)
paulit ulit? unlimited? lols gagawa na nga ako ng post tungkol sa status ko charot!
DeleteSobrang naka-relate ako. Mahirap maging single dito sa pinas eh, lahat na lang nakekelam sa lovelife mo. Para bang isang malaking kasalanan maging single sa mga panahong ito (galit? hehehe...) Pero promise minsan nababara ko na yung mga nagtatanong, I can't help it!
ReplyDeleteNabasa ko din yung blog post ni Joanne about your reunion. Nainggit ako sa unlimited coffee and cakes, mapuntahan nga din yun.
isang malaking check!
Deletetry mu din yung unli coffee and cakes girl..pero hinay hinay lang sa coffee ah..hehe
sis kahit kami hoping na kau pa rin in the end eh... hehehe...tsaka sis di ka pa puedeng magpakasal ha, magwowork hard pa ko para sa wedding dress mo eh... hanap ka muna ng matinong bf... hehehe
ReplyDeletehave fun din last saturday... nakakaloka ang unlimited coffee at cake... at si manager... hehehe
hay naku sis magmove on na nga kau..kasi ako nakamove on na eh..hehehe.. yun nga rin iniisip ko eh kelangan mo pang magwork hard kaya hindi ako dapat magpa-pressure sa kanila..ayoko na humanap sis hayaan ko na lang sila humanap saken haha!
Deletekakalowka talaga si manager..
Bakit lahat sila ay hoping na kayo pa rin ni ex sa huli? minsan, chika tayo about lovelife, hahaha.. uulitin mo nga lang ang mga kwento mo sa kamag-anak? wag na nga lang, baka mabatukan mo pa ko!
Deletenaku twin sis kelangan ng unlimited coffee sa kwentuhan na yan hahaha...isasama ko na lang ulet si hash para sya ang magkwento lols
DeleteJoanne, bulong mo sa akin kung ano ang napagkwentuhan ninyo. Sabi ko nga sayo, I want "cheesemac"!
Deletekelangan talaga ako ang magkwento.. kaw na baka may idagdag ako eh... hehehe...
DeleteNakita ko nga sa isang blog...kay Joanne yata pagkikita kita niyo pati pictures.....ito ang quotes na siguro maganda rin para sa iyo..
ReplyDelete"Single is not a status. It is a word that describes a person who is strong enough to live and enjoy life without depending on others."
thanks for the quote kuya arvs :)
Deletevery nice post good work i like it .
ReplyDeletehttp://jobsoftypingnewin2012.blogspot.com/
this is my blog follow and comment on this blog friend. ok
no prob rameez :)
DeleteNakakasawa talagang magpaliwanag at ulit-ulitin...Kung pwede lang i-record na lang at saka i-play pag may magtatanong uli. O kaya isulat mo then ipabasa na lang sa magtatanong hehe. joke lang! pero hayaan mo sila...basta appreciate your blessings and stay happy!
ReplyDeletehaha korek! kung pwede lang talaga..but im happy naman thanks ric :)
Deletehay naku, ayaw ko din ng mga ganyang tanong, laging kelan ka mag aasawa? minsan gusto ko ng sagutin na "hindi pa kasi pwede dito ang same sex marriage!" kaya lang baka mapatumbling :) kaya dedmahin mo na lang, pag may kakausap sayo, mag excuse ka at kunwari kukuha ng food :)
ReplyDeletedadating din naman ang mga mapapangasawa natin, in due time :)
super enjoy din meeting you and Hash! sa uulitin ha?! :)
haha relate ka rin Zai? kalowka sila noh akala siguro nila hindi tayo masaya ng single hehe..
Deletesure..sa uulitin! you're more good looking in person ;)
Relate much sa post mo haha! Nakakapressure nga pag tinatanong ka tungkol sa pag aasawa haha kaya ayoko din umattend ng reunion hehe...
ReplyDeletekainis lang diba? nanahimik ka at masaya sa buhay single tapos sila ipe-pressure ka..kalowka hehe..
DeleteTry mong magrecord then i-play mo na lang din pag may magtanong uli kung ano nangyari. hehehe. Madalas nga ito nangyayari lalo sa mga girls. Bakit pag kaming mga lalake di naman tinatanong kadalasan pagdating sa ganyan? hehehehe.
ReplyDelete- Rogie
uu nga..unfair yun! kami na lang laging mga babae ang pinagdidiskitahan hehe..
Deletehaha kulit naman mega interview sila sayo. Ayoko din natatanong ng ganyan para bang ang hirap sagutin hehehe.
ReplyDeleteNice pics nga pala sis, saw at Zai's blog. nakakatakam yun mga cakes favorite ko pa naman yun.
ok na pala sis yung link nun Marian Exhibit, naidraft ko pala kaya nagkaganun.
kaya naman pala kahit anung click ko walang lumalabas hehe..
Deletenext time sis sama ka sa EB ah :)
korek! super unli..awkward pa naman kapag matatanda na nagtatanong hahaha
ReplyDeleteYaan mo na sila teh,meron talagang para sa yo, but in the meantime, iwas na nga lang muna sa mga family reunion :)
ReplyDeletei'll try harder para makaiwas sa family gatherings :)
DeleteHaroooo 7 years,, oh sige na nga teh,,di na ako magtatanong tungkol sa love life mo.. hahaha.. hindi ko rin alam paano magrereact sa post na toh.. hahaha
ReplyDeleteay goodluck talagang pressured yan.. pag nagka asawa ka naman dapat may baby ka agad kasi pressure din ang mga tanung na kelan. wlang katapusang pressure.. lol
ReplyDeletekalowka ang pamily! hhahahaha! naka unli sa question na yan! hahahaha!
ReplyDeleteay gurl, pareho tayo, kaloka ang mga relatives noh? nung bata pa ko, panay sabi wag mag-bf/asawa, ngayon naman tanong lagi, kelan, hays..kalokah! ang sagot ko lagi, di ako mag-aasawa, period! tameme na sila...hehe!
ReplyDeleteBakit naman hindi tal merong parating for you andyan na sya!
Deletehehhe nakakarelate ako. keep on blogging
ReplyDelete