Thursday, August 16, 2012

weekend family bonding

Nag-aya mag-malling ang mga utol ko last Friday.

Bukod sa shopping, madalas na sa movie, foodtrip at gadgets lang ang bonding namen sa mall. Pero noong panahon na sad ako tingin tingin bagong gadgets at foodtrip lang ang ginawa namen.

Lugi ako pag foodtrip, mahina akong kumain compare sa mga utol kong halimaw sa mesa chos! Well, ganon naman ata talaga ang mga lalake, malakas kumain. Kaya madalas sila ang taya pagdating sa kainan. Wala kaming picture, busy-busyhan sa pagkain ang mga lolo eh.

Then came Saturday nag-aya naman si mudra na dalawin ang mga apo nya sa Cavite. Namiss ko na rin ang pamangkin kong madaldal at makulet.


Mahilig sa gadget si Shanen. The two photos above were the proof. Isang taon pa lang sya jan.



And now she's three, gadgets pa rin ang madalas nyang hawak.
Naalala ko tuloy ang kwento ng papa (my brother) nya sa amen. Nakita nya daw na nakalagay na sa isang folder yung mga games sa phone ni sister-in-law. Eh kahit sila daw mag-asawa di nila alam pano gawin haha. And then one time daw, he's looking for the Plants versus Zombies game apps which he's having a hard time looking for, he asked my niece 
"nak asan yung Plants versus Zombies dito?" 
Shanen grabbed the phone and in just a bit "eto lang papa oh". She found the game app na mukang sya ang nagtago hehe.


Nagpunta rin kami sa mall that day. On our way kulitan kami syempre dahil namiss ko sya ng bongga talaga! Bigla na lang sya bumanat ng "Tita Nang tae ng daga ka ba?" Asar! sa lahat naman ng ikukumpara tae ng daga pa. "Pick-up line ba yan? Bakit naman tae ng daga? O sige, baket?"
"kaya pala ang baho mo eh"
"ah ganun?! hoy hindi ako mabaho ah" natawa na lang kami sabay tawa rin sya.


Syempre hindi ako papayag bumawi rin ako sa pick-up line.
"Shanen, suka ka ba?"
"suka?baket?"
"eh kasi ang asim mo eh" sabay kiniss ko sya sa pisngi
"hihihi wag mo ko kiss"
"baket?"
"nakikiliti ako eh" ang arte lang ni pamangkin.

Hindi pa jan natapos,
"Tita Nang bato ka ba?"
"baket?"
"eh kasi love na love kita eh"
ang layo lang diba? hehe pero na-touch ako kasi love na love daw ako ni pamangkin at love na love ko din sya.

Idol nya si Dora kaya nag-pa bangs sya, pero ngayon naiinis na daw sya sa bangs nya. Ako nga pala ang gumupit ng bangs nya na gustong gusto naman nya dati kaya wag magtaka kung hindi pantay. When she learned to speak she's calling me Tita but I told her to call me Tita Ninang, coz she's my god daughter at the same time. Pero hindi pa nagtatagal Tita Nang na tawag nya saken ang haba daw kasi pag Tita Ninang nahihirapan daw sya sabihin. Pag sobrang tinatamad sya minsan Ta Nang na lang.


Syempre bonding din kasama ang newest addition to the family. Ang bago kong pamangkin.

Dati ako lang ang girl sa family bukod kay mudra, pero ngayon tatlo na kami!
Mudra, Althea, Me and Shanen

They are my inspiration and happiness. Kaya kahit wala akong lovelife hindi ko napi-feel na kulang dahil busog na busog ako sa pagmamahal ng aking family. Ang aking kayamanan, I love them so much!




28 comments:

  1. ang baho mo pala eh... haha! :p

    ang cute ng pamangkin mo and very smart ha... ipad b ung isang hawak nya? inggit much! gusto ko un...

    ReplyDelete
  2. and very cute naman ng mga pamangkin mo. Mana sa yo:) Lovely family:)

    ReplyDelete
  3. hi tech ng mga chikiting... kainggit. ang cu cute heheh

    ReplyDelete
  4. Aww, only girl ka pala sis! Spoiled brat ka siguro, hehe! Saka ang baho mo, hahaha!

    Ang cute ng mga pamangkin mo. Naku, mga bata ngayon, ang gagaling sa gadgets!!


    ReplyDelete
  5. noong bata ako, ang bangsak na ang pinakamasayang laro.

    ReplyDelete
  6. lam mo sis... tama si shanen eh... ang baho mo...hahahaha... joke lang... namiss ko na ang kakulitan ni shanen, grabe parang kelan lang she's so tiny... mana pala sa knya si chloe... mahilig sa gadgets hehehehe

    ReplyDelete
  7. I love your black swim wear girl, bonggang bongga ang sexy mo:))

    ReplyDelete
  8. hong cu-cute naman ng mga pamangkin mo!

    ReplyDelete
  9. @Anne ako na mabaho..haha..uu ipad yun :)

    @ate joy salamat po :)

    @kulapitot anung klaseng future?hehe..

    ReplyDelete
  10. @jessica uu cute talaga kami haha..

    @joanne brat lang sis hindi spoiled haha! hindi pa kasi ako naliligo nun eh charot! ganyan din ako ka-cute dati eh :P

    @amphie anu yung bangsak??

    ReplyDelete
  11. @pretty hash kasi nga hindi pa ko naliligo chos! tiny pa rin naman si shanen ngayon eh sobrang payat nga eh..ganun na ata new generation puro gadgets na ang hilig...

    @sherene yay! thank you naman hehe..

    @richie mana saken hehe...

    ReplyDelete
  12. ang mga lalaki talaga ay malakas kumain dahil di naman kami masyadong conscious sa aming figure lol at laging aktibo rin *daw*

    cute ni pamangkin :) na-miss ko rin tuloy ang mga pamangkin ko :) ang mga bata talaga ngayon ay digital babies na, di ko na nga alam kung panung natututo na lang sila bigla gumamit ng isang gadget :)

    at paghuli, taray ng outfit sa beach :) kaw na:)

    ReplyDelete
  13. Ang baho mo? You know, ang mga bata di nagsisinungaling. hehehehehe

    bathing suit at corn rows? kala ko si beyonce or si rihanna.

    ReplyDelete
  14. Nang tae ng daga ka ba? hahaha! Natawa namn talaga ako dun!Galing namn sa gadget ng pamangkin mo! 1 year old pa lang nag ko computer na!

    ReplyDelete
  15. @jep natural na nga ata sa mga lalake yun.. agree sa digital babies.. uu ako na!hehe...

    @Lili minsan marunong sila magsinungaling haha.. haha tama beyonce/rihanna lang ang peg :)

    @anney natawa din ako na naasar eh hehe.. trip lang nya magpipipindot jan sa laptop..ayaw paawat hehe...

    ReplyDelete
  16. ang cute cute ng pamangkin mo! super aliw ako sa kanya :) kahit na tinawag ka nyang tae ng daga, bumawi naman sa paglalambing :)

    ReplyDelete
  17. buti pa si Shanen kung anu ano ng gadget nahawakan at napaglaruan....ang ibang iba hindi pa....

    ReplyDelete
  18. @zaizai tama! bawing bawi sa paglalambing hahaha..

    @arvin ako nga hindi pa rin nakakahawak nyan eh hehehe...

    ReplyDelete
  19. bangsak = pambatang kalyeng laro na di kailangan ng anu mang gadget hehe! parehas lang sa taguan. baril ang gamit ng taya, at kutsilyo ang mga nagtatago. Kailangang ma saksak mo ang taya, bago ka nya ma baril. Ang unang mababaril, ang magiging taya kung nahuli na lahat. bang-sak!!

    Ang sarap maging bata..

    ReplyDelete
  20. @amphie aaahhh from the word "bang" at "saksak"..may aliw factor pero bakit hindi ko talaga to alam? at hindi ko sya nalaro nung bata pa ako..

    ReplyDelete
  21. haha hanep..batang bata pa yan na hawak..ibang ibang sa dating generation haha..

    anyway thanks pala sa pagfollow :)

    ReplyDelete
  22. @jake hindi ko pa rin ipagpapalit ang mga laro ko noong bata pa ako hehe..

    thanks din sa pag-follow :)

    ReplyDelete
  23. Ang cute niya. Naalala ko tuloy yung bulilit kong pinsan. Dito sila sa amin nagcecelebrate ng Christmas at New Year ever since pinanganak siya. Siya pinakafavorite kong pinsan. Haay... nakakamiss. I was reading a lot of your previous posts and I really like that story of the beggar posted on facebook. Yun yung mga taong masarap tulungan. HIndi naman tamad, just a victim of circumstance. Haay. Pasensya na kung mahaba to. medyo madaldal ako pag busog. hehe

    ReplyDelete
  24. @mr. nightcrawler naku walang problema kahit gaano kahaba ang comment sana palagi kang busog hehe..salamat sa pagdaan :)

    @olivr wow talaga?hehe..mejo lang naman :)

    ReplyDelete
  25. What a happy family! Ganyan talaga..bonding time lagi... kaya lang lugi ka sa pagkain with your brothers? Di bale idaan mo na lang sa kwento..joke! Anyway, mukhang techie na mga pamangkin mo..Aware na agad sila sa mga gadgets! That's good!

    ReplyDelete
    Replies
    1. lugi nga talaga ako..hindi ako makahabol sa kanila sa kainan hehe..

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...