Monday, August 6, 2012

ligaw ngayon

Matapos mag-flashback sa ligaw noon, ano naman kaya ang meron sa ligawan ngayon?

Pick-up Line.
Sino ba naman ang hindi kikiligin sa pick-up line?

Boy: Parang wala ako sa sarili ko
Girl: Bakit?
Boy: Kasi nasa sa'yo na ko
Girl: (smile with rolling eyes)

Boy: Alcohol ka ba?
Girl: bakit?
Boy: germs kasi ako eh at 99.9% akong patay na patay sayo
Girl: (kilig-to-the-bones)

Boy: Kutsara ka ba?
Girl: bakit?
Boy: Kasi habang papalapit ka lalo ako napapanganga (sabay nganga)
Girl: ...

Minsan din akong pinakilig ng mga pick-up line na to. Kilig lang pero hindi naman ako nagpadala masyado, slight lang. May mga girls din naman na harapan ang pagpapakita ng kilig kaya naman lalong lumalakas ang loob ng mga boys. Girls, hindi bawal magpakipot. Boys, hindi lahat ng girls nadadaan sa pick-up line umeffort ka naman, itext mo rin o kaya pasahan mo ng load.

Text.
Well, pwede rin naman sa text ang pick-up line. Magastos nga lang sa load kasi magrereply pa si girl ng sandamakmak na "bakit?" sa sandamakmak na pick-up line. Pero sabi nga ni Bart pwede na ang pasaload at uso na ang unli.

Texting is very convenient nowadays, fun and cheap. Pero ang pag-declare ng love through text wouldnt be any different as "pare san tayo inom maya?". Any guy guilty of this doesnt deserve a girlfriend nor a cellphone.

Walang ka-effort effort ang panliligaw sa text. Ang mga torpe nagkakalakas ng loob, ang mga panget gumagwapo, ang tahimik sa personal nagiging makulet sa text.

Girls, wag na wag nyong sasagutin ang mga guys na sa text lang nanliligaw. Kapag tumawag, sige pwede na. Boys, more effort please. Texting can be an extension of your feelings but hey! go grab your balls, texting isnt just enough. Pwede mo naman syang i-add sa facebook oh i-follow sa twitter.

Chat.
Pag na-add na sa facebook at nafollow na sa twitter, madalas ng magka-chat yan at magka-tweet. Mas malala ito sa texting. Mas walang effort, pwede lang isabay sa online games. Wala na kong masasabi pa dito. Yun na yun!

Boys, kung extension lang ang mga ito ng declaration of love eh ayos lang. But if its your only way, oh common guys you can do better than that! Kung talagang gustong gusto mo yung nililigawan mo at nakikita mo na ang sarili mong tumanda kasama sya (agad agad), isang word lang naman ang kailangan mo, EFFORT!

Girls, kung walang effort isa lang ang ibig sabihin nyan hindi sya ganon ka-interesado sayo. Diba mas ok naman na kahit papano eh naghihirap din naman ng konti yung guy para mas ite-treasure nila yung realationship nyo? Diba?diba?diba?

Boys, eto lang naman yun eh, be friends with her first. Mas mabuti na kilalanin mo muna ang isang babae sa panahon na magkaibigan kayo at kapag narealized mo na kaya mo naman pala ang amoy ng utot nya oh ang lakas ng dighay nya saka mo sya dalhin sa langit next level, ang panliligaw. At utang na loob ipakita ang tunay na ugali sa nililigawan hindi yung kapag kayo na saka mo lang ipapakita ang tunay mong anyo. Sabagay, sino ba naman ang lalaking nanliligaw na nagpapakita ng tunay na ugali, ipinapakita na lang talaga nila yan kapag boyfriend na sila. Kaya girls, ingat ingat din kilatisin mabuti, himay himayin kung kinakailangan.

Boys, effective pa rin ang flowers and chocolates. O sige wag ng chocolates, flowers na lang, hindi ako mahilig sa chocolate eh nakakataba yun. Hindi naman kelangang bonggang bonggang boquet kahit yung napitas lang sa hardin ng kapitbahay pwede na ang mahalaga may EFFORT!

Puntahan sa bahay, magpakilala sa parents ng babae. Again sasabihin ko, go grab your balls guys, mas gusto na ngayon ng mga magulang na kilala man lang nila yung nanliligaw sa anak nila better yet, ask them permission to court their daughter. I'll tell you 1000 pogi points yan. Hindi naman kelangan na pati magulang ay ligawan ang mahalaga lang maipakita ang malinis na intention, yun eh kung malinis nga ba.

Ayun lang! Wala na kong ibang maisip, dagdagan niyo na lang kung meron pa.

Ang alam ko dapat comparison lang gagawin ko sa ligawan noon at ngayon pero bakit kaya parang naging ligawan 101 to?

Narealize ko lang ang laki ng pagkakaiba ng paraan ng panliligaw noon kesa ngayon. At alam kong hinding hindi na maibabalik yung noon. Well, unless maging senador ako chos!


7 comments:

  1. Mukhang expert na expert ka sa love sistar!hahaha.. oo nga, boys naman, a for effort naman pls, hahaha.. at tama, wag sasagot kung ang panliligaw e thru text or chat lang, che! hahaha..

    ReplyDelete
  2. hahaha! pwede na bang love doctor sistah? :D

    ReplyDelete
  3. Bakit parang may pinaghuhugutan ka pag pinagagalitan mo ang boys? hehehehe... pero panalo ka sa mga payo mo...

    ReplyDelete
  4. hahaha ang kulit.. pero natatawa naman ako.. actually me and my boyfriend.. sinagot ko siya tru text.. hahaha I mean seriously.. hindi pa kame nagkikita noon time na yun, kame na.. but I'm proud of it.. kase now, we're on our 7th year together.. hahaha :)

    anyway..ako naman ayuko ng flower.. alam naman niya yun.. pero go ako sa chocolates.. hahahah :)

    ibang iba na nga panliligaw ngayon.. and I can say..madami ng malandi sa panahon ngayon hahahaha//

    ReplyDelete
  5. Iba na kasi panahon ngayon, chat at text generation na... kaso hindi matatag ang foundation ng relationships. Mas advisable pa rin ang dating pamamaraan. Sige I'll vote for you for senator! (joke).. napadaan lang uli : )

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...