Galing ako ng Trinoma kanina. 10pm sumakay ako ng bus going to Monumento. As usual tumambay na naman si manong driver sa SM North. Napansin ko ang isang lalakeng sumakay. Sinusuyod nya ng tingin ang bawat sakay ng bus na para bang naghahanap ng prospect at syempre pati ako ay hindi nakaligtas sa panunuyod.
Officeboy ang itsura nya. Naka-long sleeves na dark blue na nakatupi hanggang siko, naka-slacks na black at may buddy bag na black din. Naka-eyeglasses sya at sa tantya ko nasa 5'5 ang height.
Nasa pangatlong row lang ako nakaupo at may katabi akong babae. Sa pang-apat na row umupo yung lalake in short sa likod ko lang.
Nung bumaba yung katabi ko sa may bandang Munoz lumipat sa tabi ko yung lalake. May itsura naman sya. Kung ire-rate ko from 1-10 at 10 ang highest, isa syang 8. Pero parang biglang gumana ang radar ko at nakaramdam ako ng kaba. Well hindi sya yung kaba na parang mag-soulmate na nagkita, kundi kaba na may halong takot. Malakas ang radar ko dahil na rin siguro sa dami ko ng na-experience na hindi maganda sa bus na ikkwento ko sa susunod na post. Balik muna tayo sa lalakeng katabi ko.
Nasa tabi ako ng bintana at nakatingin kunwari sa labas pero nakikita ko sya through glass window na nakatingin sa aken na parang sinusuri ang katawan ko. Humaygash sabi ko na nga ba! Buti na lang mabilis lang ang byahe at walang traffic.
Bumaba ako sa tapat ng MCU. Nag-excuse ako sa kanya para makalabas at pinadaan naman nya ko. Nakababa na ko ng bus at sumakay naman ng jeep na byaheng Divisoria, pero nagulat ako dahil pagsakay ko kasunod ko na sya.
Nakita kong gusto nyang umupo sa tabi ko pero wala ng bakante so sa tapat ko na lang sya umupo. Hindi ko sya tinitingnan pero alam kong tinitingnan nya ko. Barya ang ibinayad ko para hindi nya malaman kung saan ako bababa. Maya-maya nagbayad sya, Divisoria daw. Sa Divisoria naman pala sya pupunta akala ko sinusundan ako.
Pagdating ng 10th Ave pumara ako. Kalmado na kong nakababa ng bigla syang sumulpot sa tabi ko habang naghihintay naman ako ng panibagong jeep sa kanto ng 10th Ave.
"Miss kasabay mo ko sa bus kanina, nang makita kita sabi ko gusto kitang makilala kaya sinundan kita." sabi nya na nakangiti.
Hanep sa mga banat pero hinding hindi mo ko maloloko at hindi mo ko madadala sa ngiti mo. "Sorry ah pero I dont talk to strangers eh." Sabay sakay ng jeep. At itong si jeep hindi agad umalis naghintay pa ng ibang sasakay. Lumingon ako at tiningnan kung andun pa yung lalake, haaaay buti na lang wala na sya.
Umandar na ang jeep at iniisip ko pa rin yung lalake hanggang sa lumampas ako sa dapat kong bababaan. Shet! badtrip naglakad pa tuloy ako pabalik.
Naisip ko lang, meron bang matinong lalake na susundan ang isang babae para makipagkilala lang. Diba nakakaduda? Lalo na sa panahon ngayon nagkalat ang mga manyakis at rapist.
Tama naman yung ginawa ko diba? Hindi naman ako mean.
Khanto Update 2024
4 days ago
kung siya na ang para sa'yo, makikita mo parin uli siya. XD. parang serendipity lang. pero parang mas gusto kong isiping na-paranoid ka lang. pero tama ka parin naman, safety first.
ReplyDeletenakakakilig nmn... hahaha. pero tama lang naman ang ginawa mo girl. hmm.. may naalala akong kwentong stranger na happy ending. tanungin mo si lori ng here you'll find me. ^_^
ReplyDeletehahahahaha pbbteens? hahahahahaha .. baka siay na yun! siya na ang para sayo pero tama din yung ginawa mo ..
ReplyDeleteTrust your instincts sa mga ganyang pagkakataon.. Kung hindi maganda ang vibes, iwasan.. Pero kung sakaling naging 10 ang rating mo e baka ako ang nakipagkilala, charot!! Saka creepy nga ginawa nya, sinundan ka talaga!
ReplyDeleteexciting :) parang esksenang teleserye lang :) tama naman ang ginawa mo eh, pero ewan ko ba, parang naramdaman kong nanghinayang ka rin sa ginawa mo haha :)ingat lage and God bless :) kung sya na nga ang para sayo... kitakits na lang ulit kayo... soon :)
ReplyDeleteIkaw pala yung, magandang babaeng gusto kong makilala kahapon...
ReplyDeletegusto ko lang namang makipag kilala, malinis ang intensyon ko, papatayain lang kita sa jueteng..
(:
ingat,
kung 1st time lang kayo nagkita at sinundan sundan ka agad, wa da hel ... hindi normal yon
kung yung kaba mo eh takot... malamang sa malamang creep nga iyon. You can never be too careful.
ReplyDelete@olivr naisip ko rin yun..madalas talaga paranoid ako eh..pero nakakatakot pa rin..
ReplyDelete@arnica nakakakilig ba yun?haha..sige nga tanungin ko nga sya..
@kulapitot kung sa pick-up line nya ko idinaan baka maniwala pako hahaha...
@joanne hindi talaga ako kinilig sa ginawa mas natakot ako hehe..kung 10 sya malamang sumama na ko sa kanya chos!
ReplyDelete@jep mejo nanghinayang nga ako kasi isa syang 8 chos! naisip ko lang kasi baka naging mean ako sa kanya hehe..
@pangetdinako sorry ah pero hindi ako tumataya ng jueteng sa stranger haha!
@romz hindi talaga maganda yung vibes ko sa kanya..
Sana pinagbayad mo muna sa sasakyan bago mo tinakbuhan para madala.. pero teka bakit naman kasi sa panahong binabagyo ng malakas ang pilipinas eh namamasyal ka sa trinoma? Hmmmm..
ReplyDeleteayan kc naglalakwatsa ka di na nangsasama hehehe... well, tama lang ginawa mo sis.. safety first... pero malay mo sis magkita kau ulit nun.. hehehe... destiny?.. panibagong prospect?.. hmmmm.... hehehehe
ReplyDelete@bart masaya kaya mamasyal pag bumabagyo lols
ReplyDelete@hash ako ang ginawang prospect!hehe..
May masamang balak yan! Sa bus pa lang kita mo na na sinusuyod ang tao at parang namimili ng kaya nya lokohin. Sorry nagkamali sya! Mararamdaman mo namn talaga kung good o bad ang intention e.
ReplyDeleteBaka naman type ka niya talaga kaso dapat una pa lang lumapit na siya para makipagkilala or hingin yun number mo pero yun maging stalker eh parang rapist/maniac/holdaper/snatcher ang dating niya nun. Katakot naman un, ingat lagi! ^_^
ReplyDelete@anney sa bus pa lang talaga iba ang tingin nya eh tingin ng manyak..
ReplyDelete@maria type nga nya siguro akong biktimahin kung anuman ang maitim nyang balak..katakot talaga..ingat din :)
@manong unyol hahaha!buti sana kung maganda ang intensyon eh...
ReplyDelete