Thursday, August 2, 2012

ligaw noon


"Ano ba ang ligaw?" totoong may nagtanong saken nyan kelan lang. Kaya naisip kong gawan ng post.

"Ligaw. Yan yung kapag gusto mo ang isang babae ipapakita at ipaparamdam mo sa kanya na gusto mo sya." at sumagot talaga ako ayon sa pagkakaintindi ko sa ligaw.

Ano nga ba ang ligaw at paano ba dapat nanliligaw?

Flashback nga muna tayo sa panahon ni Maria Clara.

Noong unang panahon kapag napusuan ng isang lalake ang isang babae, mangyayari ang ligawan. Hihingi pa ng pahintulot si lalake na makadalaw kay babae at kapag pumayag ibig sabihin hmmm pwede, may pagasa.

Sa pag-akyat ng ligaw ni lalake kakausapin muna sya ng mga kapamilya ni babae. Lahat ng pwedeng itanong, angkan na pinagmulan, sino ang mga kaibigan, anong trabaho, favorite colors, who's your crush, what is love, motto in life, mga dalawang oras yun swerte na ni lalake kung dati na syang kakilala magiging isang oras na lang. Pagkatapos i-hot seat saka pa lang tatawagan si babae.

Ang oras ng pag-akyat ng ligaw noon ay sa hapon o sa gabi. Pagkatapos ng siesta o bago maghapunan at sa gabi pagkatapos ng hapunan. At kapag dumating si manliligaw ng wala sa oras ay sasabihan sya na ugaling Chinese dahil daw hindi nakakaintindi ng kaugaliang Pinoy. 

Ang mga oras na ito ay itinakda sa ligawan dahil sa ilang kadahilanan. Una, tapos na ang gawaing bahay. Ikalawa, kung gusto ng dinadalaw na umalis na ang bisita ay maglalabas at ilalatag lang ang banig sa sala madaling sabihin na pasensya na kailangan ng matulog o pasensya na kailangan ng maghanda para sa hapunan. At ikatlo, sa mga oras na ito ay nakaayos na si babae at malayong madatnan ng manliligaw na mukang mangkukulam.

Ang malupet sa ligawan noon ay ang paninilbihan.

Si lalake ay nagtatrabaho sa bahay ni babae habang kinikilatis ng magulang kung mahusay na tao nga sya. Mag-igib ng tubig, magsibak ng kahoy, magtanim, maglinis ng bakuran ang ilan sa mga ginagawa ng lalake bilang paninilbihan. Pagkatapos ay uuwi sya at magpapahinga at magpe-freshen up at dadalaw sa bahay ni babae.

Maghaharap na si lalake at babae sa balkonahe o kaya ay sa sala. Dapat ay palagi silang natatanaw ng mga nakatatanda o di kaya naman ay may bantay na nakababatang kapatid ng babae.

Syempre hindi mawawala ang unkabogable na harana, kung saan aawit si lalake ng kundiman para sa kanyang iniirog. Pwera buhos ihi na galing sa arinola.

May pagkakataon din na mag-aayang lumabas si lalake. Naka-first base na sya kapag pumayag na si babae na lumabas pero hindi pwedeng walang chaperon. Madalas ay kaibigan, kapatid o pinsan ng babae ang mga dakilang chaperon. Home run na si lalake kapag tinanggap ni babae ang kanyang pag-ibig at sila ay naging magkasintahan na.

10 comments:

  1. Akala ko iku-kumpara mo ang panliligaw noon sa ngayon.

    ReplyDelete
  2. At bakit alam mong lahat yan? Charot! Oo nga, bakit wala yun ligawan ngayon..

    ReplyDelete
  3. @shenanigans may 2nd part po :)

    @joanne parang di mo naman ako kilala sis..wait lang may part 2 yan..on process pa..hehe..

    ReplyDelete
  4. akala ko "ligaw".. ung naliligaw, nawawala... heheheh joke...

    eh gawan na ng part 2 para ma-compare na ung ligaw na yan... hehehe...

    infairness naman sis may mga lalake pa naman gumagawa nya, sa ibang paraan nga lang...

    ReplyDelete
  5. hirap pala nuon manligaw.. ngayon pas load lang okay na eh hehehehe...

    ReplyDelete
  6. Ow may gas! Naalala ko tuloy noong 14 pa ako at may nagharana sa akin doon sa barrio but sorry na lang ang himbing ng tulog ko. Hahaha. Kinabukasan pinagalitan ng tiyahin ko yong lalaki kasi nabulabog ang tulog ng matanda. I think hindi kagandahan ang boses.

    ReplyDelete
  7. @hash wala! wala ng gumagawa nyan!kung meron asan sya? lols

    @bart haha papasaload nga chos!

    @Lili whoah 14 years old ka pa lang may nagharana na sayo..hahaha wawa naman yung lalake buti hindi nabuhusan ng ihi hehe..

    ReplyDelete
  8. Naalala k tuloy ang nakaraan ko hi hi. Cant wait sa susunod ma kabanata. Dito, ma shock ka talaga kung pano na mga kabataan ngayon. Hays.

    ReplyDelete
  9. wow.. na-freshan naman ang utak ko sa panliligaw dati..lalo na dun sa bakit hapon at gabi.. ngayon ko lang nalaman yun.. hahahahah..

    ReplyDelete
  10. @joy buti pa kayo naexperience nyo yan kainggit hehe

    @kamilkshake reasonable naman kung bakit hapon at gabi :)

    @wrey and robby ako din gusto ko ma-experience yun..thanks and i already added you on my link list :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...