Tuesday, July 17, 2012

Diary ni Ella

This is not a review. Hindi naman kasi ako marunong mag-review kahit noong nagaaral pa ko (charotera lang). Teka, bakit nga ba review ang usapan?

I scoured NBS last week. Naghahanap ng interesting boys books and then I found...


Cover pa lang naintriga na ko. When I've read the synopsis, aba lalo akong naintriga, so I opened it and read the last page. Automatic na saken na kapag nagbabasa ng book or magazine or even newspaper sa huli talaga ako nag-uumpisa. Akalain mong nakapag-singit pa ko ng trivia about me. Anyways, isa pala itong blog book at si Ella ay isa rin palang blogger.

Interested and intrigued, I bought the book. Kahit na mukang na-rape na yung libro at wala na raw ibang stock sa branch na yun ng NBS, binili ko pa rin. I asked for a discount kasi nga mukang luma na yung book, hay naku nginitian lang ako ni ateng saleslady. Pero ayos lang worth namang bilhin at hindi naman kamahalan ang presyo nya.

"18 years old ako nang makapasok bilang masahista...Ika nga ng boss kong nagmamantika ang mga labi, inosente at sariwa..."

It's about Ella's experiences being a masseuse. Pagkatapos kong mabasa I cant help but admire her. She's a very strong woman. At her age, nakayanan nyang makipagsabayan at mabuhay sa isang "dog-eat-dog world". Galing sa kanya ang term na yan.

"Entertaining...witty...funny. I love Ella for what she is." -Ka Uro, blogger

Gustong gusto ko ang paraan nya ng pagkukwento. Tawang tawa ako habang binabasa ang mga confessions ni Ella. Her wit is very natural. At marami rin akong natutunan dahil sa talong at itlog 101. Nalaman ko rin kung ano ang yunihong, ang etymology ng salitang bakla at mayron palang lalaking tatlo ang paa! Lahat ng yan at marami pa sa librong "Diary ni Ella: Confessions ng Isang Masahista".

I've searched for her blog and yes, nasa blogosphere pa rin sya, sabi nga sa libro "iba na talaga ang adik sa blogging, walang rehab", and I agree adik rin kasi ako eh. You can check her blog here.

Ang verdict ko, it's worth reading and I recommend this book. Four thumbs up!


10 comments:

  1. Mukha ngang interesting ang book na yan ah! I-pasa book mo na saken, bilis! haha..

    Yun book parang natapos ng basahin ng kung sinu-sino sa hitsura ah, haha!

    P.S. Sis, na-vote na kita as my fav blog din sa BNP! Mwah!

    ReplyDelete
  2. @joanne pinarerentahan ko sis fifty pesos a day charot!

    haha thanks sa pag-vote..i voted you too already mwah mwah!

    ReplyDelete
  3. Kapana-panabik naman ang libro....

    ReplyDelete
  4. gusto ko ding basahin .. peram ..haaha :)

    ReplyDelete
  5. borrow ko sis... dalhin mo pag nagkita tau... cge na!!!

    ReplyDelete
  6. malamang dina aabot sa akin yan pag sinabi kong peram din.. he he, madalaw na nga lang ang blog ni ella... :wink:

    ReplyDelete
  7. @bangkero exciting po talaga!

    @bagotilyo @hash @jep pinarerentahan ko po yan.. charot lang!...sige pag nagkita tayo papahiram ko sa inyo ;)

    @fallenrhainnes aabot pa po yan hehehe...

    ReplyDelete
  8. Nakikita ko na tong book na to sa NBS, medyo nakaka-curious nga siya. Hindi ko nga lang naisip bilhin hehe... Since sabi mo maganda naman, baka nga bumili na ko nito next time.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...