Walang internet connection at wala ring signal doon ang phone service provider ko. Hulaan nyo kung anong network. Madali lang naman hulaan hindi na kailangan ng araw.
Ayoko pa sanang bumalik sa Manila dahil sobrang nag-eenjoy pa ko dun pero kailangan na. May mga naiwan din akong mga kailangan gawin at hindi pwedeng ipagpaliban ng matagal. Im happy na gumaling na rin ang mata ko. Thanks to this Top 10 things that make me want to stay longer in the province.
10. I bought a book, "Fifty Shades of Grey" and finally had the chance to read it. Pero hindi ko pa rin sya natapos basahin. Nakaka-dala kasi ang mga eksena sa book tapos ang lamig pa ng weather. Haaaays erase erase erase!
9. May mga alagang animals ang parents ko doon. Muka na ngang maliit na farm sa gubat ang palibot ng bahay namen sa dami ng animals. Aso, pusa, baboy, kambing, itik, manok, pati kuneho. Isama na rin ang mga dambuhalang salagubang at mga kuliglig na kumakanta sa gabi.
Katrina, Daniel and Tomas |
Cheeky |
8. Hindi lang animals ang marami sa palibot ng bahay namen pati mga gulay at prutas. Yung tipong pag kelangan mo ng kalamansi or sili pupunta ka lang sa gilid ng bahay at pipitas. Kapag gusto mo ng gulay pwede kang mag-laing oh kaya yung sinabawan na gulay na may malunggay, kalabasa, patani at sitaw. Kung gusto mo ng merienda pwede kang maghukay ng ube, gabi, kamote at pumitas ng saging meron ka ng ginataang halo halo.
7. I've got to visit relatives. Yung mga kamag-anak na medyo matagal tagal ng hindi nakita.
6. Pinanood ko ang "The Walking Dead Season 1". Ive heard so much about this series and Im so intrigued. Nung napanood ko alam ko na kung bakit. When I came back I immediately grab a copy of Season 2 and 3. Im so hooked up. I super like the series and Im lovin Glenn!
5. Loming Batangas, gotong Batangas, puto, kutsinta, suman sa latik. Sobrang na-miss ko kumain nyan.
4. Ive missed a laidback life. Yung tipong bukod sa pakikipaglaro ng tagu-taguan, langit at lupa, piko, tumbang preso, chinese garter, luksong tinik ay TV lang ang mapaglilibangan.
3. Kapeng barako at pandesal sa umaga. Its heaven!
2. Sobrang lamig ng weather parang nasa Baguio lang. Its already 11am but im still on my PJs and still wearing my hooded jacket. Hindi rin ako naliligo na hindi nagpapainit ng tubig para ihalo sa sobrang lamig na tubig kahit tanghaling tapat. Our kubo is literally on the foot of Mt. Maculot, kaya siguro malamig dahil napapalibutan kami ng maraming puno. I super love the morning breeze!
1. Kain, tulog. Buhay prinsesa! Most of the time Im just sitting on the sofa reading a book, playing on my phone or watching TV. Si mudra mismo ang nag-alaga saken. She's serving me my food, water and medicines. I so love my mom. It may sound maarte pero gustong gusto ko pag tinatrato ako ni mommy na prinsesa. Lalo na pag sinasabi nyang "syempre prinsesa ko yan eh". Maybe that's also one of the reasons why I never longed for a sister. Iba yung tuwa na nabibigay saken at feeling ko tuloy prinsesa talaga ako. Prince Charming na lang ang kulang. Yeah I know may pagka-ilusyunada ako minsan. Pero minsan lang naman to at nilulubos ko lang ang
Thanks Mom. You're the best!
that's my Mom over there |
wow! nakakatuwa naman yan... nakakainggit tuloy... sabagay masarap tumira sa province... maliban sa sariwa ang hangin... tahimik at maraming masustansyang pagkain...
ReplyDeleteNa miss ko ung pagpitas lang ng mga bunga o gulay....
Buti gumaling na ang sore eyes mo... parang ilang araw din yan....
Masarap matulog sa province.. kasi malamig hehehe.... kaso aanhin mo ang kagandahan ng paligid kung wala kang kayakap hahaha peace....
Happy to hear na na enjoy mo yan....
Smile always...
thanks..uu nga eh..2 weeks din tumagal yung sore eyes ko..naimpeksyon ata..
Deletemarami namang unan para yakapin hehehe...
Buti ka pa may province na inuuwian. Ako probinsya ko na ang Manila (since I live in Makati now).
ReplyDeleteHate na hate ko yang Fifty Shades of Grey, sa sobrang inis ko nga di ko na binasa yung dalawang sumunod na libro and I had to practically force myself to finish the first book. At least kahit hate ko siya, meron naman akong rason unlike other people who hate it without reading it. Sumasabay lang sa hype.
Ang cute naman ng mga baboy! Oo nga naman, hindi kumpleto ang probinsya pag walang animals and veggies.
Glad you liked The Walking Dead, isa yan sa mga fave shows ko. May secret wish kasi akong magka-zombie apocalypse, joke!
Kainggit naman kayo ng mom mo :)
actually kaya siguro hindi ko sya matapos basahin eh..mejo nawalan nga ako ng gana nung nasa gitna na ko..pero i wont say more until hindi ko pa natatapos basahin yung book..i have already its 2nd and 3rd installment pa naman na..hehe..
Deletesobrang like ko kaya yung the walking dead..galing ng kwento..ako naman iniisip ko ano nga kaya kung magka-zombie apocalypse yung tipong virus din na walang gamot..nakakaexcite na nakakatakot!
Ang saya naman ng vacation / pagaling time mo sis. Ang saya nga ng buhay sa province, very laid back at halos stress free.
ReplyDeleteAng cute ng pigs! Bongga ang names, wala bang Donya Margaret? :) Cute ng bunny! :)
Buti di ka natakot sa zombies sa Walking Dead, kung ako yun na-aning na akong baka may mga zombieng sumugod sa kubo!
stress free talaga..gusto ko talagang mag-extend hehe..
Deletehaha! uu nga noh..ang tapang ko pala..pero ang totoo marami akong kasama na nanood kaya di ako afraid..
Diko feel ang fifty shades of grey, prang puro lng lust and feeling ko walang lalakeng ganun na hindi nagsasawa hehehe.opinion ko lng naman:)
ReplyDeleteAng sarap tumira sa probinsiya, may mga gulay, nagwawalis ka sa labas ng bahay na hindi sementado like na like ko yan:)
Kawayang sala set ang lamig sa likod.
Im glad okay na mata mo sis:)
uu nga eh..puro lust..kaya nga siguro hindi ko matapos basahin eh..
Deletesarap talaga sa probinsya nakakamiss pag matagal ka hindi nakauwi...
naiirita ako sa 50 shades kemerloo. hindi ko bet yan. oo nga maganda tumira sa probinsya. kasi parang kalmahan portion lang. kaso ang ayoko sa probinsya yung mga gamugamo na umaatake sa tao at mga lamok lamok. hahaha.
ReplyDeletehahaha..uu nga pala may mga dragon lamok din samen..
DeleteI so love the house!!! very province! And yes, it's great to just relax and be away from the the busy life at the city. :)
ReplyDeleteIm a great TWD fan too.
Kung meron mang akong di masyadong gusto sa probinsya ay ang ang maagang pagtulog ng karamihan..hahahaha
i so love the house too! hehe.. sana hanggang season 100 yung TWD noh?
Deletepwede ka naman matulog ng late ah..ikaw na nga lang mag-isa kasi yung mga kasama mo tulog na..hehehe..
haha, ang cute ng mga pigs, at may pangalan pa talaga. ;) masarap tumira sa probinsya kaya lang kaka-miss din ang ingay ng lungsod lalo na kapag nasanay na. halos pareho ang mga lugar natin, may mga hayop at halaman sa paligid, may maingay na kuliglig sa gabi at gigisingin ka ng tilaok ng manok sa madaling-araw, di na kelangan ng alarm clock. ang aga ko tuloy magising kapag nasa amin ako. hehe...
ReplyDeletesi mommy nagpangalan sa kanila..pati nga yung mga kambing may pangalan eh..
Deletekorek 1am pa lang nagtitilaok na ang mga manok..sobrang agang alarm clock!
Welcome back sa cyberlization!
ReplyDeleteI miss the province too. Nice rin na nag home farming ang mom mo. Sabi nga nila, "Don't grow lawn. Grow food!"
may tama ka jan and yes Im very back ;)
DeleteNakaingit naman. Puede ba bisitahin nanay mo? Hi hi. Sarap tumira sa province. Mabisita ko din ang mother ko by january sa Laguna. She treats me also as a princess:)
ReplyDeleteBy the way iI am waiting for my 50 shades of grey which i ordered from amazon, pero si marjorie ay hate daw ang book. Ano kaya ma feel ko?
Anyway, happy your back:)
sure mama joy! wow ibig sabihin uuwi ka sa january.. nice to know that maybe we can meet kung maisisingit sa sked mo hehe..
Deletebasahin mu muna mama joy..kasi yung ibang friends ko gustong gusto sya kaya naintriga din ako..sana matapos ko na rin para malaman ko ang verdict :)
na homesick naman ako sa post mo na to sis. =.=" kamusta naman yung hindi ko pag-uwi sa probinsya namin for 10 years dba? probinsyano akong tao pero sa sobrang layo ko hindi ko makuhang umuwi. Namimiss ko ang lahat sa probinsya. </3
ReplyDelete10 years?! ang tagal na..super mega over homesick ka na siguro..pasasaan ba at makakauwi ka rin :)
Deletemiss ka na rin daw ng probinsya nyo...
:((((( kung akoy papipiliin mas pipiliin kong tumira sa province kaya pangako ko sa magulang ko na pagtumanda na sila ibabalik ko sila sa province n my farm kasi pagd2 ka sa manila parang mapapadali buhay mo hehe!
ReplyDeleteim sure magagawa mo yan at magiging masaya ang parents mo dun :)
DeleteNumber five and Number 1, dun ako pinaka nakakarelate. Hope you're feeling better now. And btw, first time ko dito and for sure, I'll be back.
ReplyDeleteaaw..thanks and welcome :)
DeleteKasama pala si Mudra, kala ko mag-isa ka lang. hehe. Ang sarap naman sa probinsya nyo. Samin parang city na kasi ang probinsya. Gusto ko rin ng 50 shades at walking dead. Loser ko lang wala pa ako nababasa at napapanood dyan. Wala rin kasing time at wala dito nyan :) Cute ng Pig at koneho :P
ReplyDeleteuu kasama si mudra..hindi pwedeng hindi...
Deletemeron atang pwedeng i-download na the walking dead.. ako kasi DVD binili ko tamad ako mag-DL eh..hehe..
Masaya talaga sa probinsiya ng Batangas! :)
ReplyDeleteay true! :)
Deletekorek..great distressing..
ReplyDeleteLove your post sis, na-relax ako need ko to dahil sobrang stress sa work. Namiss ko ang buhay probinsya, ang farm ni lolo pero gaya ng sayo mas okay yung di kayo marami para peaceful pa rin. hay dream ko magkaroon nyan someday..
ReplyDeletemagkakaroon ka nyan for sure :)
DeleteOh my! Nainggit ako to the highest level dahil wala akong probinsiyang pwedeng uwian! Ay province pa rin pala ang Rizal no? Pero kahit na! Ang sarap ng simpleng buhay!
ReplyDeleteAnsarap nga ng unica hija ah! Buti bunso ako, at nabe-baby din ako ni mudra kaya hindi ako nainggit sa part na yun! Hehe..
Mt. Maculot ba kamo? Isama mo naman kami dyan, maka-akyat! Ng matanggal na yun sa 30 ko, haha!
uu naman..anytime nyo gusto..sabihan nyo lang ako.. pero yung sa akyat ahmmm pagiisipan ko pa..hehehe...
Deleteahaha kaya pala medyo tahimik ka lately... pero ok yan minsan sa probinsya ka talaga makakapar-recharge :)
ReplyDeletebaket maingay na ko?
Deletemejo! nararamdaman ka na namin ulit ni archie sa chewetter :)
Deleteang sarap naman. nakakainggit. although nakakapagbakasyon din naman ako sa "probinsya" ko nung bata ako lalo tuwing summer. Dun kami ng brother ko pag bakasyon kasama ng mga pinsan ko.
ReplyDeleteAng "probinsya" namin by the way ay Manila. Lol. Dun kasi lumaki ang aming mga magulang pati mga lolo't lola namin. Dun mga relatives namin kaya pag reunion, kaming galing sa probinsya ang nagpupunta sa Manila. Baligtad. :P
Ikaw na ang may farm Miss Pinkline. hehehehe
haha baliktad pala!.. farm sa gubat hehe..
Deletehehe.. ang sarap ng buhay pag may nag-aalaga seyo! buhay prinsesa nga, ang payapa naman sa province nyo :D
ReplyDeletegusto ko rin sa baguio ;)
Deletesarap naman ng buhay prinsesa!!! gusto ko rin magbakasyon!!! hehehe.
ReplyDeletegow girl! bakasyon ka na rin sa probinsya..
Deletekelan kaya kami makakapunta sa kubo ninyo..hehehe... lagi nalang nauudlot..
ReplyDeleteit's good at di ako bumili ng book ng fifty shades, naloka ako sa eksena eh,..hehehe.. cant imagine kung panu un...
sarap tlaga sis maging prinsesa lalo na pag dumating na si prince charming mo..=)
Sarap talaga ng ambiance sa province.. kakaiba, kahit madalas ay katahimikan at kuliglig ang naririnig. Mas trip ko din ang ganun. Thumbs up sa inyong house, mga alaga at mga kakaning sa probinsya lang malalasahan : )
ReplyDelete