Ayoko talagang uma-attend ng mga family gatherings simula ng maging single ako. Hindi dahil maiinggit lang ako sa mga cousins ko na may kanya kanya ng pamilya at sa mga PBB teens kong pamangkin (sa pinsan) na isang decade ang tanda ko pero may mga jowawa. Hindi talaga ako naiinggit, hinding hindi. Kundi dahil nape-pressure ako at ayokong ma-pressure, ayoko talaga!
Sino ba naman ang hindi mape-pressure kung everytime na nasa family gatherings ka, ang walang kamatayang tanong na "kelan ka magpapakasal?" ang maririnig mo at kelangan mong sagutin. Mahirap po para saken na sagutin yan dahil single ang status ko ngayon.
Ok lang naman sana kung isang beses lang itatanong sayo kaso sa dami ng kamag-anak ko eh ang dami rin nilang nagtatanong. Kulang na lang mag-announce ako "relatives, attention please..sa mga magtatanong po kung kelan ako magpapakasal makinig po kayo eto ang sagot ko..." pak!
Kanina lang sa pinuntahan nameng birthday bash ni tito...
Cousin 1: kumusta couz may bf ka na?
Ako: wala pa eh...
Cousin 2: ay wala pa rin
Cousin 3: eh asan na yung dati mong bf? (nakakasawang sagutin)
Ako: wala na yun..matagal na..
Cousin 3: anong bang nangyari dun? (haaaay eto na naman)
Ako: (nagkwento ulet ng summary ng mga pangyayari)
Tita: malay mo naman kayo pa rin sa huli
Mudra: oo nga (aba talagang uma-agree si mudra) ang tagal din nila eh mahigit 7 years at yun lang naman pati ang naging bf nya (sya lang kasi ang ipinakilala ko sa kanila hehehe)
Tita: tingnan mo si ate Ces mo naka-2 pang bf after pero nagkabalikan pa rin sila nung napangasawa nya ngayon
Ako: (ngiti lang)
Cousin 1: eh yung kinuwento mo nung huling nagkita tayo na dumalaw sayo anu nangyari?
Ako: wala na rin..
Cousin 2: bakit?akala ko ba ok yun?
Ako: akala ko rin eh..hehe.. ang layo nya kasi eh ayoko ng long distance..
Cousin 2: wala bang nanliligaw sayo ngayon?
Ako: wala na eh..
Mudra: may nanliligaw jan eh ewan ko anu nangyari
Ako: ayoko eh..
Tita: pili ng pili ang napili bungi (idiomatic expression)
Ako: hindi naman po ako mapili.. di ko lang talaga sila type
Cousin: yaan mo darating din yan..bata ka pa naman eh..
Hindi pa sila tumigil sa pangungulit kung di ko pa sinabing "tama na..wag na nateng pagusapan lovelife ko". Akala ko tapos na pero sa panibagong set ng kausap saken na naman napunta ang topic.
Bagong panganak ang isa kong pinsan sa first baby nya:
Ako: wow may baby na sya..
Cousin 4: gusto mo na ring magkababy no?
Ako: haha matagal na
Cousin 5: madali lang naman gumawa
Ako: madali lang pero kung magisa lang ako mahirap yun hahaha
Cousin 4: kumusta naba lovelife mo?
...at naulet na naman ang usapan sa lovelife ko haaaay.
Bago umuwi..
Tita: mag-asawa ka na rin di ka ba naiinggit kay ate Belle mo may baby na rin sya
Ako: teka lang naman tita pwede bang humanap muna ako ng boyfriend bago ako mag-asawa?
Tita: sige maghanap ka!
Cousin 2: ihahanap kita (ayan na naman sila)
Ako: sige ate gow!
Cousin 2: anu bang qualifications mo?
Ako: itetext ko na lang sayo mejo marami..hahaha
...oh ha paalis na lang ako eh may pahabol pa talaga!
Naisip ko na rin gumawa ng blog post para sa sagot ko sa mga tanong nila eh para kapag nagtanong ulet sila bigay ko na lang url ko.
P.S.
Nagkita kita nga pala kami ng mga blogger friends na sina Joanne (Joanne's blog), Zaicy (Zai moonchild), Empi (Kol me eMPi) at Hash (Hash Coffee Table Book) nung Saturday. Nag- unlimited coffee and cakes kami sa TCB. I had so much fun with them. Sa sobrang enjoy ko naka- 3 cups ako ng kape. Nakakahilo pala pag naka-3 cups of coffee parang alak lang na nakakalasing haha seriously pagbaba ko ng bus muntik ako matumba. At dahil sa unli coffee maliwanag na ng makatulog ako. Para sa mga pictures at iba pang happenings daan kayo sa blog ni Zai.
I really really enjoyed your company, Joanne and Zai at si Empi na rin (na tahimik pala or that time lang hehe, si Hash naman barkada ko since college kaya sawa na ko sa kanya charot! Love you sis!). Ang saya nio kasama. Sa uulitin. Im looking forward for more, more and more! :)
Khanto Update 2024
4 days ago