Thursday, May 9, 2013

update update din pag may time

Hello hello hello! Kumusta naman kayo? Ako? Eto almost a month ng walang blog update. As if may nagaabang ng update ko. Ang tagal ko na ring hindi nakakabisita sa mga blog nyo tsk. Ewan ko ba  tinatamad busy busy-han na naman ang peg ko. Sa sobrang busy nakalimutan hindi ko pa rin nagagawa ang statement of account ng PBO for the last project, sorry naman. Eto na isusunod ko na dito. At talagang nauna pa ang blog update. Nagsunod sunod lang ang alis ko plus events and activities plus business and lovelife pa. Oh yes may lovelife na ang lola nyo ngaun.

Naalala nio ba si best man sa Maid of Honor post ko? Yes, korek, tama, palangak, walang duda sya yun! Eh hindi na nya daw kasi nakalimutan ang aking kagandahan mula ng makita nya ko sa wedding ng common friend namen. He courted me since then at ayun nung April 21 ibinigay ko na ang matamis kong OO.

Nung una hindi ko sya gusto. Although kinikilig ako sa mga effort na ginagawa nya. Pero syempre iba pa rin kapag may romantic feelings. I almost told him to stop na but still I give myself a chance. Hindi rin naman kasi dapat madaliin ang mga ganung bagay. Dumating din yung time na Im starting to fall na kaya ayun na nga. Kapag sinipag ako ipopost ko dito ang buong kwento. Syanga pala binabasa nya tong blog ko kaya hi my Love (kilig much!).

I thougt it was wrong timing kasi I have a friend who's currently hurting because her partner cheated on her. Medyo natakot ako at naisip ko pano kung mangyari din yun saken. Pano kung sobrang mahal ko na sya tapos biglang malalaman ko na may minamahal na syang iba? Ang dami kong naisip nun pero yung friend ko mismo nagsabi saken. Wag daw akong matakot kasi magkaibang tao naman sila at oras na para sumaya naman daw ako. Oha may ganong factor si friend.

Naisip ko rin naman kung palagi tayong matatakot magmahal eh wala talagang mangyayari. Nakita ko rin naman kung gano ka-sincere si best man. Sabi nga nila ang true love minsan lang dumating kaya kapag anjan na wag mo ng pakawalan, ikaw rin. At kung sakali man na magloko sya hindi ko kawalan. Magloloko pa ba sya eh neseken ne keye eng lehet charot!

Samantala sa ibang mga balita (segue segue din pag may time) natuloy na rin ang pizza making bonding namen nina Pao at Carlo. Andito ang kwento. Naaliw ako sa ginawa namen kahit mahirap pala mag-knead ng dough. In fairness nabusog kami ng bonga sa pizza at nagenjoy sa kwentuhan kahit medyo bitin. Salamat Pao and Carlo until next bonding time.

Ang dami ko pang gusto ikwento katulad nung Camsur vacation namen ni mudra at funfest ng suking grocery sa Enchanted Kingdom pero next time na lang tinatamad may gagawin pa kasi ako.

Nga pala may Feeding Program ang PBO sa Friday, May 10, 2013, 8am at TM Kalaw Taft. Kung hindi kayo busy sama kayo ah. For more details or questions and suggestions click nio lang ito Pinoy Bloggers Outreach or email me at pinkline_21@yahoo.com. Maraming salamat. Hope to see you there.

Na-miss ko kayo!

21 comments:

  1. Nice to read updates from you. Talaga ganon pag busy. Anyway, Congratulation sa yong lovelife:)

    ReplyDelete
  2. Happy For You! hahaha.. When I saw the two of you naman, I can tell that you can be a couple, for one kasi, hindi ka papayag na magpasundo and second, matyaga si sir...

    Inggit ako sa pizza bonding..

    ReplyDelete
  3. o ikaw na may lovelife ate arline.. cute naman at nag ka bonding kau nina Pao.. kaingit

    ReplyDelete
  4. Oo nga ate Arline, wag isipin ang breakups. Masamang pag usapan yan. ;)

    Thanks sa pizza bonding time. See you soon!

    ReplyDelete
  5. congrats tuloy tuloy na yan antyin namin ang kwento paano nagsimula ang lahat hahaha.... "kilig much" ika ni vice ganda wahahaha

    ReplyDelete
  6. congrats. kilig kilig din dahil may time

    ReplyDelete
  7. ayy kilig much naman a post na to! kaw na ate arline! haha
    ala breakup agad at cheating ang iniisip di healthy yan! haha
    tiwala lang sa ganda mong yan walang magbabalak magcheat haha
    nambola pa ee

    ReplyDelete
  8. Havent posted on my page too.. busy-busy-han din.. ahihihi..

    Glad you already found the man! Burger! Burger! hehehehe

    ReplyDelete
  9. hontorooooooooooooooooyyyyy!!!! lumalablayp ang peg ni ate Arline oh!!!
    congrats teh.....

    ibulong mo nga sa akin ang sikreto ng mahiwagang pookey-pookey-skimpet-short-shorts mo teh?

    ReplyDelete
  10. Wheee! ang galing naman at kayo ni Kuya best man ang naging mag-on :)) so ano na ang sunod na plans? engagement party then wedding? ;D

    #kiligmuch

    ReplyDelete
  11. wala na pala si Mahal? hehehe.. an taray talaga nang lola!! Inlove!!! ahihihihi..Best Wishes!!!

    ReplyDelete
  12. hi, congratulations to your love life. yes, you shouldn't be afraid of what love could bring into your life. it should always be your love is greatest than your fears. i can feel what you feel now. hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. sorry for that bad grammar, greater than your fears po pala. :)

      Delete
  13. hongtogol kung inintay ang update na itey ha!
    Congrats congrats naman ng madami sa bago mong lablyf!
    Sana mag tagal yan at umabot sa "I Do"
    Turuan mo naman kami kung paano gumawa ng pizza na yan.

    ReplyDelete
  14. char char :) that's a good news. ako na ang kinilig sa lovelife mo. hihi. go lang ng go ^_^

    ReplyDelete
  15. hehe kilig kilig din pag may time, hehe! congrats sa bagong lavlayf ate! :)

    ReplyDelete
  16. Mas masarap kiligin sa love kesa magblog nang magblog... ano daw?? hahaha

    ikaw na ang inlove :)

    ReplyDelete
  17. Ayiiii! Ikaw na may lovelife!

    Wow! May bonding....at gumawa ng pizza!

    ReplyDelete
  18. wow at may lovelife na! im so happy for you sis sana siya na nga, take ur time and enjoy every moment.
    ako na ang mag aabang ng mga kilig post:)

    ReplyDelete
  19. Nagsunod sunod lang ang alis ko plus events and activities plus business and lovelife pa.

    'Wag na magpaliwanag ate pinktot! Haha. Pag-ibig lang yan eh. Wala ng iba. :)

    Congrats ulet!

    ReplyDelete
  20. Ang pinakamagandang update dito syempre eh yung may lovelife ka na! Yan eh! Ganda ng 2013 natin ah hahaha...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...