Sunday, July 29, 2012

umuulan

Umuulan na naman, nalulungkot ako kaya idadaan ko na lang sa blog post. Blog ko naman to eh.

May namimiss ako, marami akong namimiss. Namimiss kita. Namimiss ko ang mga kaibigan ko, ang tropang Adik. Ang tagal ko na rin pala silang hindi nakikita, mga one week na. Namimiss kong manood ng sine mag-isa pero di ko gustong manood ng The Healing mag-isa.

Namimiss ko na yung crush kong blogger hindi na sya nagpopost, matagal na..haaaay asan na kaya sya miss ko na magbasa ng mga nakakatawang kwento nya.

Haaay ang lakas talaga maka-emo ng ulan! Gusto at ayaw ko na umuulan. Gusto ko kasi malamig, sarap mag-cuddle sa bed at mabenta ang tinapay. Minsan trip ko rin maligo sa ulan ng naked chos! Ayoko sa ulan lalo na sa mga panahong ito wala akong maka-cuddle sa bed at kahit iniiwasan kong maging emo di ko mapigil nangaakit ang ulan na para bang sinasabing "halika sumayaw tayo at mag-emo ka...mag-emo ka..mag-emo ka" until fade.

Nakakatamad lumabas pag umuulan, pero Sunday ngayon magsisimba ako. Sana makatabi ko ulet yung cute na nakatabi ko nung nakaraang linggo sa simbahan. Sorry po Lord, nakikinig naman po ako sa misa hindi ko lang talaga maiwasang hindi kiligin sa katabi ko noon at mapaisip kung sya na kaya yung hinihiling ko sa inyo, pero promise nakikinig po talaga ako :)

Ano kayang problema ng blogger.com? Pag nagpa-follow ako ng blog hindi lumalabas yung links sa profile. Akala ko URL ko may problema pero may nag-follow saken hindi ko malaman kung sino kasi walang lumalabas na name, picture at links. Kainis! kelan kaya maaayos to?! Sana mabasa to nung nagfollow saken at magcomment para makilala ko naman sya.

Gusto kong magsulat pero naglulugaw ang utak kong plain. Hmp feeling ko naman writer ako!

Gusto kong magsulat ng love story. Bakit love story? Hindi nga sabi ako in-love eh. Kahit man lang sa isusulat ko ay maging in-love ako.

Ay! hapon na pala kelangan ko nang maligo may date pa nga pala ako. Date with the Lord :)

13 comments:

  1. haha nakaka emo talaga ang ulan :) ganyan din ang tama sa kin ng rain :) kamusta naman ang pagsimba? nakatabi mo ba sya? (usi lang)

    ReplyDelete
  2. pdeng magprisinta sa pag cuddle habang umuulan? chos! :)

    ReplyDelete
  3. Gusto ko ng ulan kase malamig, masarap matulog o kahit mahiga lang sa kama. Pero musta naman ang cute sa simbahan, nakita mo ba ulit? hehe...nakiki-usi lang din. ;)

    ReplyDelete
  4. @jep haha hindi nga eh..

    @richie pwedeng pwede chos! ;)

    @pinaywanderer sarap talaga matulog pag umuulan lalo na pag may kayakap hihi..hindi ko sya nakita eh baka next week ulet magpapakita hehe..

    ReplyDelete
  5. Pink magagalt sayo si lord hindi ka nakafocus sa church...

    ReplyDelete
  6. hello... oo nakaka-emo.. pero ngayon more like scary.. lakas eh..nagkakalampagan yung bubong namin.. lol..

    anyway.. yeah cuddle weather.. hmmm.. sino kaya mayakap.. hehe.. akala ko ako lang may problem sa pag-follow..meron din ako kase finollow tapos ayaw lumabas./.akal ko may probem dahil wordpress yung in-add ko. lol..

    anyway.. ako na lang yayakap sayo.. para di ka masyado malungkot..kaso magiging weird yun kase di naman tayo close..

    p.s. kung di mo ma-try na maligo sa ulan ng nakahubad.. try mo matulog ng nakahubad.. hahaha :)

    ReplyDelete
  7. ako nag follow kagabi. na-curious ako sa blog mo, lalo na sa color pink hehe! nagtataka din ako bakit wala akong mukha haha!

    anyway highway, basahin ko muna lahat ng nilalaman kasi may namataan akong series e! :D

    keep writing!

    ReplyDelete
  8. @bart Nagsorry naman na ko eh..

    @kamilkshake aaaaaw ok lang pwede naman sa yakapan magsimula para maging close eh..hehe na-try ko na rin matulog ng naked ;)

    @Amphie ayun naman oh si idol pala..kaya naman pala gustong gusto ko malaman kung sino yun eh..ok na sya ngayon na-follow na kita eh ;)
    at wala masyadong laman tong blog ko nagpi-feeling writer lang haha..thanks po *kilig*

    ReplyDelete
  9. wow may something in common na tayo.. feeling writer din ako. hehe!

    ReplyDelete
  10. Nakakalungkot talaga pag umuulan.... :( awwwwwh... dibale, sisikat din ang araw. PRAMIZ. Wag ka na po malungkot.

    Gusto ko po yan, Date with GOD (kilig) ^_*

    ReplyDelete
  11. @Amphie ang pinagkaiba lang ako walang talent ikaw umaapaw ang talent :)

    @jessica thanks *hugs*

    ReplyDelete
  12. Sister!! Namiss kita, nahuli ako ngayon sa post mo, haha.. Not feeling well today..

    Omaygas, akala ko ako lang may problem sa pag-follow, nun Sat pa to, nagpatumbling tumbling na ko e! Yun gumawa na lang ako ng gfc profile at inadd ang pic at link sa blog ko, do the same na lang if you haven't pa..

    For some odd reasons, my emo rin na dala saken ang ulan, haha.. Pero gusto ko masaksihan ang pagsasayaw mo ng naked.. tas pagtatawanan kita, hahaha..

    Sino yun crush mong blogger? Bulong mo saken! DM!!!! haha..

    ReplyDelete
  13. @Joanne namiss din kita!..

    ok na yung blogger ngaun nakakapagfollow na ulet ako..naginarte lang ata hehe..

    cge ibubulong ko sau basta wag ka maingay ha hehe..

    get well sis..miss you..hinihintay ko sunod mong post :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...