Classic. Pero ito ang katanungang madalas itanong sa mga bata. Wala atang bata ang nakaligtas tanungin nito. Sa pamamagitan ng sagot sa tanong na ito malalaman mo kung ano ang nasa isip ng isang batang paslit na wala pa naman talagang kamuwang muwang sa tunay na mundo. Malalaman mo kung ano ang trip nyang gawin sa mga oras na tinanong mo sya pero eventually paglaki nya eh mababago din naman ang pananaw nya sa buhay lalo na at habang tumatagal pa-hitech na ng pa-hitech ang mundo. At patagal ng patagal na rin ang panahon ng pag-aaral.
Walo sa sampung kakilala ko ang tinanong ko kung ano ang sinagot nila sa tanong na ito nung sila ay bata pa ang nagsabi na gusto nilang maging doktor, pangsyam ako wahaha! Oo, ito ang pangarap ko noong bata pa ko. Hindi ko alam kung bakit ito ang nasagot ko noon, siguro narinig ko lang din sa ibang bata o siguro kakapanood ko dati ng Little Miss Philippines kung saan tinatanong lahat ng contestants kung ano ang gusto nila paglaki nila at ang madalas nilang sagot ay maging doktor, hindi ko na rin matandaan ang dahilan bata pa kasi ako nun eh.
Habang lumilipas ang panahon nagbabago rin ang sagot ko sa tanong na ito. Naging flight stewardess, ang ganda kasi nung suot nila ang seksi at ang angas tingnan tapos nakasakay pa sa airplane.
Naging abogado, nanonood kasi ako noon ng "kapag may katwiran ipaglaban mo" favorite ko yan dati nakakatuwa kasi si Atty. Jose Sison. Anong connect? Wala lang trip ko lang parang astig kasi pakinggan pag may Atty. na naka-prefx sa pangalan mo eh diba?
4th year highschool. Naging dilemma ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Hindi ako galing sa royal family kaya hindi kakayanin maging doktor. Ayoko na ring maging flight stewardess kasi natakot na ko sumakay ng plane mula noong may napanood ako na plane na nag-crash. Ayoko na ring maging abogago este abogado pala. At lalong ayoko na ring maging artista cause I'm a private person.
Napagdesisyunan ko na gusto kong maging accountant. Bakit? Eh yun ang uso noon eh syempre makikiuso ako.. charot!Wala lang trip ko lang maging accountant bakit ba buhay ko to eh. Pero may mga pangyayari na naging hadlang para ako ay maging isang accountant, pangyayaring pinagiisipan ko pa kung ikukwento ko ba o hindi dahil ako'y labis na nahihiya hahaha arte ko. Basta pagiisipan ko muna kung ikkwento ko, inshort ako ay naging isang bangkera, tagasagwan... charot ulet!
Maraming pera sa course mo..hehe ^,^
ReplyDeleteako pangarap ko din dati maging flight stewardess tapos artista, winish ko talaga yun sa falling star ...nyahahaha bata eh..tapos fashion model, bata pa rin eh..pangarap lang naman.... he he
ReplyDeletePinangarap ko talagang maging piloto, pero di yun natupad dahil malabo ang mga mata ko. Nun ako ay nasa hayskul, nakahiligan ko ang mga tv commercials, kaya naisip kong kumuha ng kurso sa advertising o marketing. Pero naging MedRep ako. Ngayong nagtratrabaho na ako, nagbago ang aking pangarap. Nais ko na ngayon, magtayo ng negosyo na maaaring makapagbigay ng trabaho sa mga walang mahanap na trabaho. Gusto kong kumita ng malaki ng makatulong nang mas malaki. :)
ReplyDeletehttp://gusot-mayaman.blogspot.com
Limitations will become bigger if you focus on it. Highlight the blessings that you have and more blessings will be coming.
ReplyDeleteTheir's a saying in sales and in outbound call center: "It's All in The Mind".
I highly recommend you to watch inspirational or motivational movies like "The Secret" - Law of Attraction. "Pursuit of Happiness"
Post Funny, Positive Quotes and Saying on your wall to be inspired. Have you tried to ask yourself, like, "Anong nagpapagising sayo, Nescafe or Your Dreams in Life"?
Yesterday is a History, Tomorrow is a Mystery, Today is a Gift that is why it is called the Present.
Even if we don't have the power to choose where we came from, We still have the power to choose where we are going!
Traffic = $$$