Monday, June 18, 2012

single and self-employed

Ang bilis talaga ng panahon.

Akalain mong mag-iisang taon na pala akong self-employed at mag-iisang taon na rin akong walang love life.

Tatlong company na ang napagtrabahuhan ko. Akalain mo bang tatlo na rin ang naging boyfriend ko.
Yung huling company na pinasukan ko dun ako pinakamatagal nagtrabaho, yung huling boyfriend ko sya rin ang pinakamatagal na relasyon ko.

And then I realized, connected yung career ko sa lovelife ko?

Pag self-employed ba self-support rin ang lovelife? Saklap naman. Why cant I have the best of the both worlds? (arte lang)
Mag-apply na lang kaya ulet ako sa isang company para magka-lovelife ulet ako one time lang oh. Wala lang hahanap lang lovelife tapos reresign na pag nakahanap pwede kaya yun? Kaso baka magresign din yung lovelife pag nagresign ako sa company. Hay ewan ang gulo!

Nakakatakot.

Old maid.
"Pagpasensyahan mo na yan sa kasungitan nyan ganyan talaga pag matandang dalaga." Ouch! Aray naman. Na-hurt ako dun ah doble doble pa sukat ba namang kay mudra ko pa marinig to. Kakasama ng loob. Sabay sasabihin "biro lang yun nak alam ko naman magkakaroon pa ako ng maraming apo sayo". Wala na nasaktan na ko. Damage has been done (drama lang).

Di ko matanggap pati mga insan at friendships ko old maid na ang tawag saken. Syeteng malagkit naman oh ibang level na ang old maid ngaun. Pag 27 ang edad, walang jowa old maid agad di ba pwedeng choosy muna?

Choosy.
Meron namang mangilan-ngilan na gustong maging lovelife nila ako eh ang problema ayoko silang maging lovelife ko. Ang choosy ko daw, bakit kamo?

gustong maging lovelife ako candidate #1
+Cute
-may asawa at anak
=kerida pala labas ko dito..kapal ng muka ng mokong na yun ah

gustong maging lovelife ako candidate #2
+Gwapo. maputi. may 6 na pandesal at may kasama pang monay
-boring kausap, may gf na nga may anak pa (anak sa pagkabinata)
=gagawin lang pala akong pampalipas oras nito. labo mo tsong!

gustong maging lovelife ako candidate #3
+ matangkad, gwapo din, sweet, thoughtful, makulet at hindi boring kausap, in fairness kinikilig ako sa mga banat nya
-nampucha naman oh ayoko naman ng 10 years ang agwat ng edad namen ang masaklap dun mas bata pa sya saken hindi pa nga pasok sa R18 eh..
=eh mas matanda pa ko sa ate nito ah, ma-phidophile pa ko

gustong maging lovelife ako candidate #4-10 (and counting)
+piling pili sa pinagpilian, potential prospect (anu daw?)
-tikiman lang ang bet nila, jerks..
=walang pag-asa.. nga nga!

I wont give up.
Hinding hindi ako mawawalan ng pagasa na mahahanap din ako ng tamang lalake na inilaan ni Lord para saken (huwaw punong puno talaga ng pagasa). Siguro naligaw lang. Alam nio naman ang daming stop overs at detour tsaka siguro yung map nya kinuha ni Dora kaya medyo nahihirapan syang hanapin ako.

"Lord bigyan niyo na po ako lovelife." -Majoy in the movie Every Breath You Take

2 comments:

  1. Ay teh, tama yan na maging choosy tayo! Wag na wag papayag na maging kabit, sasampalin talaga kita friend, ng magising ka sa katotohanan, haha..

    Tong ganda nateng to, magiging matandang dalaga?? No way!

    In God's perfect time, darating din ang tamang lalaki for us.. No need to rush, enjoy tayo!!

    ReplyDelete
  2. hindi na ko matatakot i-try kasi may sasampal naman saken eh haha echos lang! syempre naman hindi pang mistress ang byuti ko pang-no other woman lang haha..
    naniniwala naman ako jan sa "in God's perfect time"..at naniniwala din akong hindi pang-old maid ang ganda nateng to!..hehehe...
    tama! enjoy enjoy lang...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...