Nagaayos ako ng gamit ko kagabi bigla ko lang nakita ulet yung journal ko na mula August 1, 2011 up to present ay anim na beses pa lang pala akong nagsusulat.
Well, ang totoo kasi nagsimula ako sa pagsusulat sa diary nung first year highschool pa lang ako. So that was some kinda 15 years ago na pala (sa pagttype ko nito nagkamali pa ko ng kwenta ng edad ko akala ko 22 years ago na yun hehe). Pero tumigil ako magsulat dun nung 2nd year college ako kasi puno na yung diary ko. Sa maniwala kayo at sa hindi nagkasya dun yung 7 years ng buhay ko (oh my gash ngayon ko lang din narealize yun ah).
Hindi naman kasi ako everyday nagsusulat, nung bagong bili pa lang yung diary ko (1997-150 pesos) araw araw ako nagsusulat pero makalipas lamang ang isang linggo eh weekly na. Wala din naman kasi akong maisulat na araw araw kundi yun at yun lang din kaya naisip ko ok siguro kung weekly na lang tapos sobrang haba naman ng kwento ko. Minsan maiksi lang pag tinatamad tsaka pag walang exciting na nangyari karamihan naman dun puro tungkol lang kay crush. Naisip ko rin baka nagsasawa na si Dear Diary sa kakakwento ko tungkol kay crush. Habang tumatagal padalang ng padalang ang pagsusulat ko hanggang sa naging isa o dalawang beses na lang sa isang buwan ko sinusulatan si Dear Diary. At yung isang linya ginagawa kong dalawa sa sobrang pagtitipid ko para tumagal sya, kaya din siguro sya tumagal ng 7 years.
Nung naubos na ang pahina ng Dear Diary ko tinamad na kong magsulat at bumili ng bago kaya pansamantala nakalimutan ko na sya. Hanggang isang araw ng taong 2011 naisipan kong bumili ng journal(sosyal na at hindi na bagay sa edad ko ang Dear Diary), siguro namiss ko ang pagkukumpisal at pagbubuhos ng mga kadramahan ko sa buhay sa pagsusulat. Ilang buwan din ang lumipas mula nung nabili ko sya bago ko nasulatan.
August 1, 2011 13:00
New life..new month..moving on..
So many things to do. So many dreams to follow, by God's help I know I can do this...
things I wanna do:
1. learn how to bake
2. join bazaars
Kelangan kong makaisip ng new ideas. Kelangan may X factor ang product ko.
haaaaaaay..think...think...think...
Nung binasa ko ulet, nagawa ko naman yung una kaya lang tinamad na naman ako kaya hindi ko nagawa yung pangalawa sa things i wanna do. Sana someday magawa ko rin to (someday pa talaga?).
Ilang buwan na ko sa negosyo ko ng magkaroon ako ng internet connection na pre-paid (broadband) kaya ayun maghapon at magdamag na ata ako nasa mundo ng internet hanggang nagsawa na rin ako kapi-facebook, kati-tweet, kaka-youtube at kung anu ano pang kaka na ginagawa ko sa internet habang ako ay nagbabantay sa aking munting negosyo. Hanggang sa isang boring na morning may nabasa akong tweet ng isang artista na pina-follow ko sa tweeter, sabi "hey twitter friends check out my new blog" pagkatapos ay nalagay yung link nung blog nya, eh ako naman bilang curious binuksan ko at bumulaga sa akin ang mundo ng blogging. Agad agad gumawa na rin ako ng sarili kong account. Inggitera lang.
Nung simula hindi ko talaga alam kung pano, baguhan at walang alam, pero dahil nga ako ay curious na bata ayun natutunan ko din pano gamitin at pano magblog. Natuwa ako sa una kong post. Parang ang sarap ng feeling na nakikita ko yung mga post ko sa internet.
Medyo tamad ako magpost noon, at nitong huli na lang din ako sinipag. Noong una, travel blog sana ang gagawin ko pero naisip ko ang dami kong nararamdaman na gustong ibahagi kaya naisipan kong gawin personal blog ito. Nitong huli na lang din ako nagsimulang mag-blog hopping. May mga ilan na ring nagbabasa ng blog ko bukod sa mga kaibigan kong "silent reader". Maraming salamat sa inyo. Nawa'y dumami pa kayo at nawa'y dumami pa rin ang maibahagi ko.
Khanto Update 2024
4 days ago
0 comments:
Post a Comment