Friday, June 29, 2012

Namimiss lang kita

Hindi na kita naaalala, hindi na kita naiisip. May mga pagkakataon man na nasasagi ka sa alaala ko pero wala ng sakit, kahit konting kirot wala na kong maramdaman. Pero aaminin ko na may pagkakataon na kapag may mga bagay na nakakapagpaalala saken sayo, lalo na yung mga magandang mga alaala hindi ko pa rin maiwasan na mamiss ka. Yung mga tawanan at kulitan, mga masasayang moments together. Halos hindi ko na nga naiisip yung mga hindi mgandang nangyari o siguro ayoko na lang talagang alalahanin yun. 

Kapag naalala ko ang mga masasayang panahon na magkasama tayo hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti. Yung mga panahon na naging knight in shining armour kita. Yung mga panahon na ikaw lang ang nakakapagpasaya sa akin. Yung mga panahon kung papano tanggalin ng mga yakap mo ang pagod ko. Yung mga panahon na binibigyan mo ko ng mga words of encouragement kapag gusto ko ng sumuko sa mga pagsubok sa buhay.

Siguro nga tama yung sinabi mo na natural lang na mamiss naten ang isa't isa sa tagal ba naman nateng naging magkasama. Pero alam ko sa sarili ko na wala na.

It's been a year but there's still a very tiny part of my heart that misses you. 

Tuesday, June 26, 2012

A pair of shoes can change your life

One of my favorite cousin graduated in college as Cum Laude. Lahi talaga kami ng matatalino... chos! Kaya naman nung humiling sya saken ng regalo eh hindi na ko nagdalawang isip na bigyan sya. Shoes daw ang gusto ni cousin. So we set a date at ayun gora kami sa mall na hinintay ko talaga na mag-sale para naman kahit pano maka-discount...kunwari. Pero ang ending hindi din naman sale yung nabili namen. Sabi ko na nga ba echos lang yung sale eh.

Ikot ikot..hanap hanap..sukat sukat..
Hanggang sa napadpad kami sa isang botique at dun namen nakita ang itinitibok ng aming mga paa. Tama..namen.. dahil pati ako ay napabili din. Hindi ko naman talaga sya masyadong pinapansin nung una, tinutulungan ko lang humanap si cousin ng tamang sapatos para sa kanyang mga paa. Pero nagpapapansin talaga sya saken at para bang sinasabi nya na "isukat mo ko" ng paulit ulit. Hanggang hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagpadala na ko sa tukso.


A pair of Primadonna shoes worth P1, 499.75

The moment I've tried it on my feet, I immediately felt that we were meant to be together. Tumalon ang puso ko sa tuwa at napangiti ako sa kilig. Kumikislap sya sa aking paningin. Ang sarap sa paa. Unang suot ko pa lang sa kanya kumportableng kumportable na yung mga paa ko at nung ipinanglakad ko na...swabeng swabe. Naglakad ng naglakad sa loob ng botique na parang model at halos ayaw ko na syang tanggalin sa mga paa ko. Tiningnan ng paulit ulit sa salamin at kahit anong anggulo ko tingnan tila ginawa talaga ang sapatos na to para lang sa mga paa ko.




Saturday, June 23, 2012

gusto kong maging...

"Ano ang gusto mong maging paglaki mo?"

Classic. Pero ito ang katanungang madalas itanong sa mga bata. Wala atang bata ang nakaligtas tanungin nito. Sa pamamagitan ng sagot sa tanong na ito malalaman mo kung ano ang nasa isip ng isang batang paslit na wala pa naman talagang kamuwang muwang sa tunay na mundo. Malalaman mo kung ano ang trip nyang gawin sa mga oras na tinanong mo sya pero eventually paglaki nya eh mababago din naman ang pananaw nya sa buhay lalo na at habang tumatagal pa-hitech na ng pa-hitech ang mundo. At patagal ng patagal na rin ang panahon ng pag-aaral.

Walo sa sampung kakilala ko ang tinanong ko kung ano ang sinagot nila sa tanong na ito nung sila ay bata pa ang nagsabi na gusto nilang maging doktor, pangsyam ako wahaha! Oo, ito ang pangarap ko noong bata pa ko. Hindi ko alam kung bakit ito ang nasagot ko noon, siguro narinig ko lang din sa ibang bata o siguro kakapanood ko dati ng Little Miss Philippines kung saan tinatanong lahat ng contestants kung ano ang gusto nila paglaki nila at ang madalas nilang sagot ay maging doktor, hindi ko na rin matandaan ang dahilan bata pa kasi ako nun eh.

Habang lumilipas ang panahon nagbabago rin ang sagot ko sa tanong na ito. Naging flight stewardess, ang ganda kasi nung suot nila ang seksi at ang angas tingnan tapos nakasakay pa sa airplane.

Naging abogado, nanonood kasi ako noon ng "kapag may katwiran ipaglaban mo" favorite ko yan dati nakakatuwa kasi si Atty. Jose Sison. Anong connect? Wala lang trip ko lang parang astig kasi pakinggan pag may Atty. na naka-prefx sa pangalan mo eh diba?

Pinangarap ko ring maging artista, walang pakialamanan kanya kanyang pangarap to kung naiinggit ka mangarap ka ring maging artista woooo walang basagan ng trip. Parang ang cool kasi pag may fans ka tapos may fans club  ka na babatiin mo sa tv pag may shows ka o kaya may magpapa-autograph sayo, magpapapicture, may malaking billboard sa EDSA, may ka-love team tapos marami ka pang pera wahaha yun yun eh. Pero syempre pangarap ko lang yun di ko naman binalak na tuparin yun dahil hindi naman pang-artista ang karakas ko pang-model lang haha! Kaya picture ko talaga dapat ang nandyan.

4th year highschool. Naging dilemma ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Hindi ako galing sa royal family kaya hindi kakayanin maging doktor. Ayoko na ring maging flight stewardess kasi natakot na ko sumakay ng plane mula noong may napanood ako na plane na nag-crash. Ayoko na ring maging abogago este abogado pala. At lalong ayoko na ring maging artista cause I'm a private person.

Napagdesisyunan ko na gusto kong maging accountant. Bakit? Eh yun ang uso noon eh syempre makikiuso ako.. charot!Wala lang trip ko lang maging accountant bakit ba buhay ko to eh. Pero may mga pangyayari na naging hadlang para ako ay maging isang accountant, pangyayaring pinagiisipan ko pa kung ikukwento ko ba o hindi dahil ako'y labis na nahihiya hahaha arte ko. Basta pagiisipan ko muna kung ikkwento ko, inshort ako ay naging isang bangkera, tagasagwan... charot ulet!

Bachelor in Banking and Finance. Oha oha! totyal na totyal pakinggan. Parang ang yaman yaman ko dito noh? Yun ang akala nyo!

Friday, June 22, 2012

its a holiday

Oh! tomorrow is a holiday :P



Thursday, June 21, 2012

world's biggest penis

Meet Jonah Falcon, the Man With the World's Biggest Penis:



Plenty of men brag about the size of their penis, and most of them are probably lying. But there's one man who can settle any bet just by unzipping his pants: Jonah Falcon, owner of the world's biggest human penis.


Falcon's 13.5 inch member has been measured for a TV special, making him one of the few guys who can back up his bodily boasts.

quotes for Singles

Bilang single ako ngayon at mukang matatagalan pa akong maging double eh nanamnamin ko muna ang mga quotable quotes na ito. Pampalubag loob.


Being with no one is better than being with the wrong one. Sometimes those who fly solo have the strongest wings.

Don't worry if you're single. God is looking at you right now, saying, "I'm saving this one for someone special".

Being single doesn't mean your weak, It means your strong enough to wait for what you deserve.

S.I.N.G.L.E = (S)tress (I)s (N)ow (G)one (L)ife's (E)asier. 

Just like a shoe, if someone is meant for you, they will just fit perfectly; no forcing, no struggling, no pain.

A lot of men & women would rather stay single because they're tired of giving their everything and ending up with nothing.

"You're too pretty to be single." "You're too ugly to not be single."

You're single. Make the best of it. It doesn't mean you're not good enough for anyone, it means no one's good enough for you.

If you were happy before you knew someone, you can be happy after they're gone.

I'm not single & I'm not taken. I'm simply on reserve for the one who deserves my heart because they say good things take time.

The longer you are single, the longer you become a public temptation.

WARNING: Unhealthy relationships may cause headaches, stress and a waste of your time. The cure for this is to be single.

Single by choice daw kapag maganda at pag panget force to be single

Staying single is not about having no one rather it's an opportunity to taste everyone.

SAWI = Single At Walang Iniintindi.

Don't ask me why I'm single, just give me a reason why I should need a partner.

"Hndi sa lahat ng oras kailangan mo ng relasyon minsan kailangan mo din mapag-isa para hanapin ulit yung dating ikaw na nawala nung nagmahal ka."

Tuesday, June 19, 2012

flower power


Monday, June 18, 2012

single and self-employed

Ang bilis talaga ng panahon.

Akalain mong mag-iisang taon na pala akong self-employed at mag-iisang taon na rin akong walang love life.

Tatlong company na ang napagtrabahuhan ko. Akalain mo bang tatlo na rin ang naging boyfriend ko.
Yung huling company na pinasukan ko dun ako pinakamatagal nagtrabaho, yung huling boyfriend ko sya rin ang pinakamatagal na relasyon ko.

And then I realized, connected yung career ko sa lovelife ko?

Pag self-employed ba self-support rin ang lovelife? Saklap naman. Why cant I have the best of the both worlds? (arte lang)
Mag-apply na lang kaya ulet ako sa isang company para magka-lovelife ulet ako one time lang oh. Wala lang hahanap lang lovelife tapos reresign na pag nakahanap pwede kaya yun? Kaso baka magresign din yung lovelife pag nagresign ako sa company. Hay ewan ang gulo!

Nakakatakot.

Old maid.
"Pagpasensyahan mo na yan sa kasungitan nyan ganyan talaga pag matandang dalaga." Ouch! Aray naman. Na-hurt ako dun ah doble doble pa sukat ba namang kay mudra ko pa marinig to. Kakasama ng loob. Sabay sasabihin "biro lang yun nak alam ko naman magkakaroon pa ako ng maraming apo sayo". Wala na nasaktan na ko. Damage has been done (drama lang).

Di ko matanggap pati mga insan at friendships ko old maid na ang tawag saken. Syeteng malagkit naman oh ibang level na ang old maid ngaun. Pag 27 ang edad, walang jowa old maid agad di ba pwedeng choosy muna?

Choosy.
Meron namang mangilan-ngilan na gustong maging lovelife nila ako eh ang problema ayoko silang maging lovelife ko. Ang choosy ko daw, bakit kamo?

gustong maging lovelife ako candidate #1
+Cute
-may asawa at anak
=kerida pala labas ko dito..kapal ng muka ng mokong na yun ah

gustong maging lovelife ako candidate #2
+Gwapo. maputi. may 6 na pandesal at may kasama pang monay
-boring kausap, may gf na nga may anak pa (anak sa pagkabinata)
=gagawin lang pala akong pampalipas oras nito. labo mo tsong!

gustong maging lovelife ako candidate #3
+ matangkad, gwapo din, sweet, thoughtful, makulet at hindi boring kausap, in fairness kinikilig ako sa mga banat nya
-nampucha naman oh ayoko naman ng 10 years ang agwat ng edad namen ang masaklap dun mas bata pa sya saken hindi pa nga pasok sa R18 eh..
=eh mas matanda pa ko sa ate nito ah, ma-phidophile pa ko

gustong maging lovelife ako candidate #4-10 (and counting)
+piling pili sa pinagpilian, potential prospect (anu daw?)
-tikiman lang ang bet nila, jerks..
=walang pag-asa.. nga nga!

I wont give up.
Hinding hindi ako mawawalan ng pagasa na mahahanap din ako ng tamang lalake na inilaan ni Lord para saken (huwaw punong puno talaga ng pagasa). Siguro naligaw lang. Alam nio naman ang daming stop overs at detour tsaka siguro yung map nya kinuha ni Dora kaya medyo nahihirapan syang hanapin ako.

"Lord bigyan niyo na po ako lovelife." -Majoy in the movie Every Breath You Take

Sunday, June 17, 2012

a strong man and the right person

I just happened to see this pictures while scrolling my facebook home page posted by coffeeticks.
Nothing special I just love the message :)




"You dont need to be better than others. Just be the best for the right person."




"The strongest man in the universe is afraid of his wife."

Saturday, June 16, 2012

ang diary, ang journal at ang blog

Nagaayos ako ng gamit ko kagabi bigla ko lang nakita ulet yung journal ko na mula August 1, 2011 up to present ay anim na beses pa lang pala akong nagsusulat.

Well, ang totoo kasi nagsimula ako sa pagsusulat sa diary nung first year highschool pa lang ako. So that was some kinda 15 years ago na pala (sa pagttype ko nito nagkamali pa ko ng kwenta ng edad ko akala ko 22 years ago na yun hehe). Pero tumigil ako magsulat dun nung 2nd year college ako kasi puno na yung diary ko. Sa maniwala kayo at sa hindi nagkasya dun yung 7 years ng buhay ko (oh my gash ngayon ko lang din narealize yun ah).

Hindi naman kasi ako everyday nagsusulat, nung bagong bili pa lang yung diary ko (1997-150 pesos) araw araw ako nagsusulat pero makalipas lamang ang isang linggo eh weekly na. Wala din naman kasi akong maisulat na araw araw kundi yun at yun lang din kaya naisip ko ok siguro kung weekly na lang tapos sobrang haba naman ng kwento ko. Minsan maiksi lang pag tinatamad tsaka pag walang exciting na nangyari karamihan naman dun puro tungkol lang kay crush. Naisip ko rin baka nagsasawa na si Dear Diary sa kakakwento ko tungkol kay crush. Habang tumatagal padalang ng padalang ang pagsusulat ko hanggang sa naging isa o dalawang beses na lang sa isang buwan ko sinusulatan si Dear Diary. At yung isang linya ginagawa kong dalawa sa sobrang pagtitipid ko para tumagal sya, kaya din siguro sya tumagal ng 7 years.

Nung naubos na ang pahina ng Dear Diary ko tinamad na kong magsulat at bumili ng bago kaya pansamantala nakalimutan ko na sya. Hanggang isang araw ng taong 2011 naisipan kong bumili ng journal(sosyal na at hindi na bagay sa edad ko ang Dear Diary), siguro namiss ko ang pagkukumpisal at pagbubuhos ng mga kadramahan ko sa buhay sa pagsusulat. Ilang buwan din ang lumipas mula nung nabili ko sya bago ko nasulatan.

August 1, 2011 13:00
New life..new month..moving on..
So many things to do. So many dreams to follow, by God's help I know I can do this...
things I wanna do:
1. learn how to bake
2. join bazaars
Kelangan kong makaisip ng new ideas. Kelangan may X factor ang product ko.
haaaaaaay..think...think...think...

Nung binasa ko ulet, nagawa ko naman yung una kaya lang tinamad na naman ako kaya hindi ko nagawa yung pangalawa sa things i wanna do. Sana someday magawa ko rin to (someday pa talaga?).

Ilang buwan na ko sa negosyo ko ng magkaroon ako ng internet connection na pre-paid (broadband) kaya ayun maghapon at magdamag na ata ako nasa mundo ng internet hanggang nagsawa na rin ako kapi-facebook, kati-tweet, kaka-youtube at kung anu ano pang kaka na ginagawa ko sa internet habang ako ay nagbabantay sa aking munting negosyo. Hanggang sa isang boring na morning may nabasa akong tweet ng isang artista na pina-follow ko sa tweeter, sabi "hey twitter friends check out my new blog" pagkatapos ay nalagay yung link nung blog nya, eh ako naman bilang curious binuksan ko at bumulaga sa akin ang mundo ng blogging. Agad agad gumawa na rin ako ng sarili kong account. Inggitera lang.

Nung simula hindi ko talaga alam kung pano, baguhan at walang alam, pero dahil nga ako ay curious na bata ayun natutunan ko din pano gamitin at pano magblog. Natuwa ako sa una kong post. Parang ang sarap ng feeling na nakikita ko yung mga post ko sa internet.

Medyo tamad ako magpost noon, at nitong huli na lang din ako sinipag. Noong una, travel blog sana ang gagawin ko pero naisip ko ang dami kong nararamdaman na gustong ibahagi kaya naisipan kong gawin personal blog ito. Nitong huli na lang din ako nagsimulang mag-blog hopping. May mga ilan na ring nagbabasa ng blog ko bukod sa mga kaibigan kong "silent reader". Maraming salamat sa inyo. Nawa'y dumami pa kayo at nawa'y dumami pa rin ang maibahagi ko.




Sunday, June 10, 2012

isang linggo

Isang linggo pa lang naman ang nakararaan mula nung una kong marinig ang iyong tinig
ngunit palagi ko na itong inaasam asam na marinig. Hinahanap hanap ng aking puso ang boses mong
wari'y palaging nagsusumamo.

Isang linggo pa lang ngunit nasanay na ako na pangalan mo ang mababasa ko na nagmensahe sa celfon ko. At sa umaga ang una kong binabasa ang "good morning" mo.

Isang linggo pa lang ngunit sa pakiramdam ko'y hindi kumpleto ang araw ko na hindi ka nakakausap o wala akong nababasang mensahe mula sayo.

Isang linggo pa lang pero kinikilig na ko sa mga sinasabi mo na kahit wala namang kwenta o kaya ay simpleng "ingat ka", "kumain ka na" o "miss kita".

Isang linggo pa lang naman pero baket palagi ka ng tumatakbo sa isipan ko?

Isang linggo pa lang pero pakiramdam ko loyal na ako sayo kahit hindi naman kita nobyo.

Isang linggo pa lang ngunit agad ay nagbago ka na?
Wala ng "good morning", wala ng "kumain ka na", wala ng "miss kita".

Isang linggo pa lang naman pero bakit nalulungkot na ang puso ko sa iyong pagbabago. Para sayo ba ano ito? Isang linggong panloloko?



Saturday, June 9, 2012

pasok ka na sa puso ko

M: Nag-dinner ka na?
A: Ok na ko sa merienda ko kanina..bukas na ulet ako kakain..ikaw nag-dinner ka na ba?
M: Hindi pa. Baka bukas na din ang kain..lumulobo na ko eh hehe
A: Haha..uu nga baka hindi ka na magkasya nyan sa puso ko :-)
M: Haha..baket pinapapasok mo na ba ko sa puso mo?
A: Baket kumatok ka na ba?
M: kumakatok na
A: bubuksan ko na
M: pwede na ko pumasok? tinatanggap mo na ba?
A: tinatanggap ang?
M: ako. para pumasok sa puso mo
A: hmmmm..masyado ka namang mabilis..pwede bang sa terrace muna tayo..hahaha
M: ayaw mo pala akong pumasok? :(
A: may sinabi ba akong ayaw ko?
M: wala ka naman din kasing sinabi na gusto mo..hehe
A: hehehe..naninigurado lang..pag pinapasok kasi kita, wala nang labasan eh..bawal na lumabas
M: di naman ako lalabas pag di mo ko palalabasin eh
A: hmmmm..pano pag pinapasok na kita tapos gusto mo lumabas?
M: bakit ako lalabas pa? eh nakapasok na nga ako eh
A: hmmmm..pano kung ako pala ang hindi nakapasok sa puso mo syempre iisipin mo lumabas
M: di mo ba napansin? HINILA NA KITA PAPASOK DITO SA PUSO KO....

Wednesday, June 6, 2012

concert ng mga Adik

May naiwan pang voucher ng Centerstage samen si Lora na ngayon any nasa Al Khobar na kasama ang kanyang asawa at anak. 2 hours free may kasama pang iced tea, eh mageexpire na  ng May 31 kaya ayun ginamit namen nung 31 sayang eh free yun (all the best things are free).

Kulang kami kasi hindi nakasama si Hasnah, ganon daw talaga pag nanay na hindi na lumalabas pag gabi. Wala rin si Arnold, ewan kung ano nangyari walang reply sa text ko. Kaya ayun pinilit na lang nameng maging masaya pero parang hindi pilit wala akong nakitang effort hehehe. Syempre kantaa kanta anu pa nga ba, sayaw sayaw din at inom inom pa. Oh first time ko palang natikman yung San Mig Light apple flavor, sarap lasang apple.


Kahit apat lang kami nakapagpicture picture pa rin. Anung silbi ng timer ng digital camera 10 shots ng 10 shots para makarami.








Hanggang sa muli tropang Adik.

Sunday, June 3, 2012

Mature and Immature Person in Love

Immature people falling in love destroy each other’s freedom, create a bondage, make a prison. Mature persons in love help each other to be free; they help each other to destroy all sorts of bondages. And when love flows with freedom there is beauty. When love flows with dependence there is ugliness. A mature person does not fall in love, he or she rises in love. Only immature people fall; they stumble and fall down in love. Somehow they were managing and standing. Now they cannot manage and they cannot stand. They were always ready to fall on the ground and to creep. They don’t have the backbone, the spine; they don’t have the integrity to stand alone. A mature person has the integrity to stand alone. And when a mature person gives love, he or she gives without any strings attached to it. When two mature persons are in love, one of the great paradoxes of life happens, one of the most beautiful phenomena: they are together and yet tremendously alone. They are together so much that they are almost one. Two mature persons in love help each other to become more free. There is no politics involved, no diplomacy, no effort to dominate. Only freedom and love.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...