Saturday, March 23, 2013

Blog Mom

Its been a week na since I came back from our Coron getaway with my family pero parang hindi pa rin ako nakaka-move on. Gusto ko pa ng bakasyon! Sana merong ang trabaho eh magbakasyon lang ng magbakasyon. Yung tipong babayaran ka dahil sa pagbabakasyon mo. Ako na siguro ang may pinakamataas na posisyon dun pag nagkataon.

Ang tagal na rin nung huling post ko, tinamaan na naman ako ng katam. Dagdag pa yung sobrang mainit na panahon, mas lalong nakakatamad. Pero napansin ko na konti lang ang nagu-update sa mga pina-follow ko na blog. In short hindi lang ako ang tinamaan ng katam marami kami o tayo (nangdamay pa!).

Anyways bago ang kwento ko sa super enjoy na Coron getaway gusto ko munang ikwento ang meet and greet with my mom in the blogosphere. None other than mommy Joy! Yey!

Na-excite ako ng malaman ko na uuwi sya from Norway. And then came March 17 at ayun nagkita kami with the other bloggers.

the girls: Kat, me, mommy Joy and sis Joanne

dapat may solo picture kami lahat with mommy Joy
Medyo nalate ako ng slight ahmmm sige na nga more than an hour pala akong late sa usapan, sorry naman. Pagdating ko sa meeting place (SB) nagtayuan na sila. Alisan na chos!

Pagkakita ko kay mommy Joy syempre kiss and hug, at ang sabi nya saken "ang sexy". Ang honest talaga ni mommy Joy hihi. Syempre sabi ko sa kanya mas sexy sya. True naman, lalo na in person. She really looks younger than her age. Speaking of age, happy belated birthday din pala sa kanya.

She treated us for lunch. Thank you po mommy Joy. Then kwentuhan, tawanan, kulitan. Medyo bitin pero we really enjoyed the time with her. Ang sarap lang ng kwentuhan na parang matagal na talaga kaming magkakakilala.

me with mommy Joy
Thank you for the time you spent with us mommy Joy. We're all grateful that we've met and be friends with such an inspirational woman like you. Thank you din po sa walang sawang pagsuporta sa PBO. Until we meet again, kami naman ang susugod sa Norway chos!


♥ ♥ ♥ 

I wanna take this oppurtunity na rin to greet a funny, bubbly and obessy blogger friend a happy happy birthday. I know you're genuinely happy for what you are and what you have right now. So wala na siguro akong mahihiling pa para sayo. Just stay happy. God bless you always. Happy Birthday Christian Paul Dee!

We love you Teriyaki Boy!

32 comments:

  1. wow... kakainggit naman.... sana nakasama din ako.... happy na rin kasi nag enjoy kayong lahat ....


    natuwa naman ako sa pic ni senyor.... astig ang pose hehehe

    Keep smilling ^^ ingat lagi diyan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag-uwi mo rin..kita kits tayo...

      ikaw din ingat lagi ;)

      Delete
  2. walang permission ang pagpost ng pic ko...idedemanda kita! bwahahaha... tnx tnx nmn...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Infringement of copyrights ng beauty ni senyor. Hahahaha!

      Delete
  3. Hi Ms. Pink Line! Long time no comment, hehehe! Mga naggagandahang beauties talaga, pang Miss Universe. Mommy Joy looks younger than I expected. But I really have to say this. Despite the fact na may showbiz value ang kagandahan ninyo eh winner pa rin si Senyor. Sa photoshoot pa lang eh taob na kayo. Hehehe!

    By the way, if I'm not mistaken, nagkaroon ng job offer sa Australia yata or New Zealand ang tourism agency ng government nila. One year contract lang yata yun pero ang job requirements ay kailangan gumala ka ng gumala sa iba't ibang parts ng country nila at mag-post ng mga articles sa isang blog about your adventures.

    I wanted to try it kahit one year lang ang problema dun sa mga adventures na kailangan gawin eh kasali dun yung lumangoy at sumisid sa dagat. Eh yun ang problema ko. HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY! At takot ako sumisid sa dagat!

    Walang problema sakin ang kumain ng kung anu-ano. Kakayanin ko ang lumakad ng ilang kilometro, pumasok sa gubat, mag hiking, o kahit mag mountain climbing kakayanin ko. Wag lang sumisid sa dagat!

    Ironic, given that most palm-readers and diviners tell me that water is my element. Weh!

    Anyway, let's get back to mommy joy. She's really full of positivity kahit dun sa blog niya. It would really be nice kung magkita kami, or better bumisita siya dito sa Florence, Italy!

    And yes, everybody bless the Teriyaki Boy! We love you Senyor!


    ReplyDelete
    Replies
    1. wow! long time no comment Mr. Tripster na-miss kita! haha..

      pareho tayo di rin ako marunong lumangoy pero gustong gusto ko sa dagat..siguro kaya ko naman ang sumisid sa dagat basta kumpleto lang ng equipment para makahinga ako sa ilalim hehehe.. sana pag bumisita si mommy Joy jan sa Florence eh isama nya ko ;)

      Delete
  4. Kenggit talaga pag nasama sama mga bloggers. Di ko pa naranasan to, Im introvert. Haha.

    ReplyDelete
  5. super aliw na aliw talaga ako s apag popost ni Senyor winner na winner talaga...
    Ang saya naman ng meeting ninyo with Mommy J <3

    ReplyDelete
  6. Glad you guys had fun on your meet up with Mommy Joy :))

    Si Senyor talaga oh, walang kupas sa FHM pose nya XD

    ReplyDelete
  7. Happy birthday Senyor! oha, abot dito ang greetings ko. lol

    Sayang di ko nameet si mommy Joy. :3

    sasabihin ko sana nagbolahan pa kayong dalawa, pero hindi yung "bola" kung totoo naman diba ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu naman totoo yun! ikaw naman bukas ang magbbday ;)

      Delete
  8. Feel ma feel kita diyan sister ako din wlang
    Blog updates hehehe.
    Ang taray ng pose ni senyor hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabi ko na hindi ako nagiisa apir sis ;)

      Delete
  9. Sayang ndi ko nameet si ms joy :( .... birthday ni senyor pak! mishew pink! CUPCAKES BILI NA KAYOOOOO!

    ReplyDelete
    Replies
    1. bakit nga ba hindi ka kasama josh?! mishu too hahaha!

      Delete
  10. i love witnessing blogger meet ups. It's amusing how you guys manage to be friends outside the blogging world. new follower here, btw. can't wait for your coron kwentos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana sipagin na kong magkwento haha :)

      thanks for following ;)

      Delete
  11. wow na meet nyo si ma'am joy nice hehehe dapat nag imbita kau malamang maraming chocolates si ma'am joy hahaha joke...

    ReplyDelete
    Replies
    1. huy nag-post kaya si Zai sa PBO group about meeting mommy Joy :p

      Delete
  12. Ang saya lang tingnan ng mga pics sa blogger meet ups niyo! Pang FHM talaga yung posing ni Senyor!

    ReplyDelete
    Replies
    1. dinaig nga ako ni senyor sa mga posing eh haha ;)

      Delete
  13. Naaaliw ako sa mga pics nyo with Joy! Ang saya-saya!

    Parang tinalo ni Senyor yung pose mong "Best in Tingala"? LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek! talbog ang best in tingala ko sa pose ni senyor tsk tsk LOL

      Delete
  14. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  15. in fairview pwede ka pagkamalan na anak ni Mommy joy..

    ganda ng posing a... :)

    ReplyDelete
  16. inspirational nga naman si mommy joy sis. kahit mom sya nagba blog pa rin ano. at lageng updated ;-)

    at xempre speaking of updates sa blog, mejo busy talaga ngayon. at ikaw ang president sa mga taong gala!

    ReplyDelete
  17. Ang saya. Namiss nyo na si Mama Joy *Ingit* Panalo yung tiger look ni senyor. Lalaking lalaki. haha

    ReplyDelete
  18. it was a very short meet up with mami joy, but then thank you po mami joy.. dadalawin namin kayo sa norwway...chos! hehehe...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...