Sunday, July 29, 2012

umuulan

Umuulan na naman, nalulungkot ako kaya idadaan ko na lang sa blog post. Blog ko naman to eh.

May namimiss ako, marami akong namimiss. Namimiss kita. Namimiss ko ang mga kaibigan ko, ang tropang Adik. Ang tagal ko na rin pala silang hindi nakikita, mga one week na. Namimiss kong manood ng sine mag-isa pero di ko gustong manood ng The Healing mag-isa.

Namimiss ko na yung crush kong blogger hindi na sya nagpopost, matagal na..haaaay asan na kaya sya miss ko na magbasa ng mga nakakatawang kwento nya.

Haaay ang lakas talaga maka-emo ng ulan! Gusto at ayaw ko na umuulan. Gusto ko kasi malamig, sarap mag-cuddle sa bed at mabenta ang tinapay. Minsan trip ko rin maligo sa ulan ng naked chos! Ayoko sa ulan lalo na sa mga panahong ito wala akong maka-cuddle sa bed at kahit iniiwasan kong maging emo di ko mapigil nangaakit ang ulan na para bang sinasabing "halika sumayaw tayo at mag-emo ka...mag-emo ka..mag-emo ka" until fade.

Nakakatamad lumabas pag umuulan, pero Sunday ngayon magsisimba ako. Sana makatabi ko ulet yung cute na nakatabi ko nung nakaraang linggo sa simbahan. Sorry po Lord, nakikinig naman po ako sa misa hindi ko lang talaga maiwasang hindi kiligin sa katabi ko noon at mapaisip kung sya na kaya yung hinihiling ko sa inyo, pero promise nakikinig po talaga ako :)

Ano kayang problema ng blogger.com? Pag nagpa-follow ako ng blog hindi lumalabas yung links sa profile. Akala ko URL ko may problema pero may nag-follow saken hindi ko malaman kung sino kasi walang lumalabas na name, picture at links. Kainis! kelan kaya maaayos to?! Sana mabasa to nung nagfollow saken at magcomment para makilala ko naman sya.

Gusto kong magsulat pero naglulugaw ang utak kong plain. Hmp feeling ko naman writer ako!

Gusto kong magsulat ng love story. Bakit love story? Hindi nga sabi ako in-love eh. Kahit man lang sa isusulat ko ay maging in-love ako.

Ay! hapon na pala kelangan ko nang maligo may date pa nga pala ako. Date with the Lord :)

Friday, July 27, 2012

July journal

July 18, 2012
My sister-in-law gave birth to a cute little angel, Althea Louise at East Avenue Medical Center. My second pamangkin! Sa side na namen nakuha ang ka-cute-an.


Ang dami ko ng practice sa baby sitting. Mahilig ako sa baby, I love babies. Kung pwede nga lang gumawa ng baby mag-isa eh dami ko na siguro nagawa. Wag lang silang maggo-grow up hanggang mga 5 years old lang.

July 19, 2012
Someone visited me and we watched "Ice Age 4: Continental Drift". That's my pick among Amazing Spiderman and Dark Knight Rises. Di ko feel panoorin ang Amazing Spiderman. Feeling ko hindi ko naman magegets ang story ng Dark Knight kasi hindi ko napanood yung mga naunang sequel. Dami kong dahilan, pero ang totoo favorite ko talaga ang Ice Age movies lalo na yung una.

Diego: "I don't know what's wrong with me. I can't eat, I can't sleep..."
Manny: "Oh, I know what you've got. The L word."
Sid: "Yeah, leprosy."
Manny: "No, its four letters, starts with L -- ends with E..."
Sid: "Oh yeah, lice!"
Manny: "No!"


Sid: "My mother once told me that even though things look bad, there's a rainbow around every corner."
Diego: "Is this before she abandoned you?"
Sid: "Yes, it was."


July 20, 2012
It's Ashell's birthday! We went to the biggest mall in Asia and treated her for lunch. Eat-all-you-can sana ang lunch namen kaya lang ang usapang 10am naging 1pm sinabayan pa ni Ferdie. Hindi pa naman ako nagbreakfast kasi lafang to the max ang iniisip ko ang ending nagutom ako ng bongga sa byahe muntik ko ng kainin yung katabi ko yummy pa naman.


July 21, 2012
I had mixed emotions. Masaya, malungkot, excited. 7 and 21 ang favorite numbers ko.

July 22, 2012
We went to our hometown, Cuenca, Batangas, kahit na hindi pa rin tumitigil si Ferdie.

It's my Dad's birthday celebration. July 23 talaga ang birthday niya at ka-birthday nya si Apolinario Mabini. Walang pasok sa buong Batangas kapag birthday ni pudra. Ginawa lang nyang July 22 ang celebration kasi Sunday mas marami daw makakaatend ng party nya. I doubted na marami makakaatend kasi nga hindi pa rin umaalis si Ferdie, pero akalain mo yun marami pa rin ang nakapunta.

Happy birthday dad! (here with my mom in our bahay kubo)


Isinabay na rin pala sa birthday celebration ni pudra ang blessing ng kubo na ipinagawa nya sa tabi ng bahay namen. I thought kubo lang na maliit, yung tipong tambayan lang ang ipapagawa nya. Nagulat ako ng bongga when I saw it. Bahay kubo pala na may kwarto, sala, banyo at may mini bar pa.

Lahat ng ginamit na kahoy at kawayan sa pagpapatayo ng kubong ito ay galing din mismo sa  hacienda na pagmamay-ari ni Don Apolinario chos!

the mini bar inside the kubo






Wednesday, July 25, 2012

how come?

I dont believe in love at first sight. If there's something you feel on the first time you saw him I think its admiration at hindi love. Humahanga ka lang dahil gwapo sya, magaling pumorma o maganda ngumiti. You cant just say you love a person simply by seeing him for the first time, you must be with him everyday to realize that.

-In denial.

"I dont like him!" oo, pwede mong sabihin yan sa unang beses na magkita kayo, dahil hindi sya gwapo, jologs sya at baduy pumorma, hindi sya sexy or hot. Pero later on, pag matagal na kayong nagkakasama at naguusap marerealize mo na "ay gwapo rin pala sya pag nakangiti" o kaya "ang bait naman nya, generous at gentleman pa", pwede ring "hmmmm, gusto ko na sya".

-I hate these butterflies in my stomach, go away!





Wednesday, July 18, 2012

makapanindig balahibo 4 (sequel)


Pagpasok ko sa kwarto binuksan ko agad ang TV at nilaksan ang volume. Umupo muna ako sandali sa kama at kinalma ang nagda-drums kong dibdib.

Akala ko sa mga horror movies lang merong ganon pero ngayon, naranasan ko na! Sobrang classic na sa horror movies yung close-open na pinto na umiingit pa ang sounds kaya kung makakapanood ka ng ganon ngayon hindi na nakakatakot pero punyeta pag ikaw pala ang nakaranas, matatakot ka talaga ng major major!

Pagod ako at alam kong antok na rin pero hindi ako makatulog. Dalawang pelikula na ata ang natapos ko sa HBO pero mulat pa rin ako. Muka akong patay sa pagkakahiga ko. Tuwid na tuwid at lapat na lapat ang likod ko sa kama. Hindi ako makapag-side view dahil pakiramdam ko pag lumingon ako may katabi na ako.

Madaling araw na, nakakatulog, magigising, nakakatulog, magigising, hindi peaceful ang tulog ko.

Alas singko nagising ako, brownout! Buti na lang maliwanag na ng konti sa labas. Dinampot ko ang telepono para tumawag sa room nina Liza, walang dialtone. Bubuksan ko sana ang pinto para lumabas at magtanong tanong kung baket brownout. Pero tinamad ako at antok na antok pa ko. O sige na nga, ang totoo natatakot pa rin ako. Kaya bumalik na lang ulet ako sa kama at natulog.

Alas otso ng umaga nagising ulet ako, naligo at nagbihis. Pangatlong araw, yes uwian na! Sa twing nagbabakasyon ako nalulungkot ako pag uwian na pero sa oras na yun masaya ako na uwian na.

Alas tres pa ng hapon ang flight namen. Namili muna kami ng mga pasalubong pagkatapos ay bumalik muna sa lodge para dun muna tumambay total ay alas dose pa ang check out at malapit lang naman ang airport. Pero dinala ko na ang mga gamit ko sa kwarto nung mag-jowa at dun kami nagpalipas ng oras.

Hindi ko na napigil ang sarili ko na ikwento sa kanila ang naranasan ko kagabi. Hindi lang pala ako ang may naramdamang kakaiba pati pala si Albert. Sabi nya ay may nakita daw syang figure sa may tabi ng cabinet sa loob ng kwarto nila. Nakaputi. Hindi lang daw nya pinansin at ayaw nyang matakot.

Atleast dalawa sila sa kwarto eh paano kaya kung ako ang nakakita? Pano kaya kung yung nakita kong nagko-close open na door ay may biglang nag-appear na figure na nakaputi mahaba ang buhok na nakatakip sa muka at unti- unting lumalapit saken ng pagapang? Aaaaarrrrrghhhh...erase erase erase!

Unang araw pa lang namen sa lodge na yun may something creepy na kong naramdaman. May nakita pa kong bible sa room ko sa loob ng cabinet. Hindi ko alam pero kinabahan ako ng slight nung makita ko yung bible. Sa lahat kasi ng hotel at lodge na napuntahan ko na, ito lang ang may bible sa bawat kwarto.

Kinuwento ni Albert na may kaibigan daw sya na nagtatrabaho sa isang sikat pero lumang hotel sa Manila. May nagpakamatay daw sa isang kwarto nito kaya nilagyan nila ng bible. Kaya nung makita rin daw nya yung bible nasabi na lang nya sa sarili na may iba sa lugar na yun. At napatunayan nya naman.

At ito may pahabol pa! Habang nagkukwentuhan kami tungkol sa mga nakakatakot na experience sa lugar na yun, bigla na lang bumagsak yung plastic na may lamang pasalubong na pinamili namen. Nilagay yun ni Liza sa ibabaw nung cabinet. Natahimik kami, nagkatinginan, at kinilabutan na naman!

Ipinatong daw nya ng mabuti yung plastic sa ibabaw ng cabinet. Nakita ko rin naman na maayos ang pagkakalagay nya nung itinuro ni Albert yung cabinet at ikinukwento kung saan nya nakita yung figure na nakaputi.

Nagbiruan na lang kami na nag-agree lang yung figure na nakaputi sa mga kwento namen. Nag-pasya kami na magcheck-out na kahit wala pang alas dose at sa airport na lang magpalipas ng oras bago pa may mas nakaka-panindig balahibo na mangyari.

May karugtong....
.
.
.
.
Echos lang! wala ng karugtong at baka saktan na talaga ako ni Joanne.


Salamat ng marami kina ArnicaBart at sayo sis Hash na naki-chismiss sa kwento kong ito. Maraming thank you kay Joanne at Anney, pasensya na po sa pambibitin. Humabol din pala si The Pinay Wanderer na nag-back read at natawa sa horror story ko hehe, salamat. Sa mga silent reader, salamat din alam nyo na kung sino kayo. At sa magbabasa pa ng sequel (feeling horror movie lang) na ito, kung meron man, salamat na rin in advance. Teka, nanalo ba ako ng award at may "thank you" speech ako?

Tuesday, July 17, 2012

Diary ni Ella

This is not a review. Hindi naman kasi ako marunong mag-review kahit noong nagaaral pa ko (charotera lang). Teka, bakit nga ba review ang usapan?

I scoured NBS last week. Naghahanap ng interesting boys books and then I found...


Cover pa lang naintriga na ko. When I've read the synopsis, aba lalo akong naintriga, so I opened it and read the last page. Automatic na saken na kapag nagbabasa ng book or magazine or even newspaper sa huli talaga ako nag-uumpisa. Akalain mong nakapag-singit pa ko ng trivia about me. Anyways, isa pala itong blog book at si Ella ay isa rin palang blogger.

Interested and intrigued, I bought the book. Kahit na mukang na-rape na yung libro at wala na raw ibang stock sa branch na yun ng NBS, binili ko pa rin. I asked for a discount kasi nga mukang luma na yung book, hay naku nginitian lang ako ni ateng saleslady. Pero ayos lang worth namang bilhin at hindi naman kamahalan ang presyo nya.

"18 years old ako nang makapasok bilang masahista...Ika nga ng boss kong nagmamantika ang mga labi, inosente at sariwa..."

It's about Ella's experiences being a masseuse. Pagkatapos kong mabasa I cant help but admire her. She's a very strong woman. At her age, nakayanan nyang makipagsabayan at mabuhay sa isang "dog-eat-dog world". Galing sa kanya ang term na yan.

"Entertaining...witty...funny. I love Ella for what she is." -Ka Uro, blogger

Gustong gusto ko ang paraan nya ng pagkukwento. Tawang tawa ako habang binabasa ang mga confessions ni Ella. Her wit is very natural. At marami rin akong natutunan dahil sa talong at itlog 101. Nalaman ko rin kung ano ang yunihong, ang etymology ng salitang bakla at mayron palang lalaking tatlo ang paa! Lahat ng yan at marami pa sa librong "Diary ni Ella: Confessions ng Isang Masahista".

I've searched for her blog and yes, nasa blogosphere pa rin sya, sabi nga sa libro "iba na talaga ang adik sa blogging, walang rehab", and I agree adik rin kasi ako eh. You can check her blog here.

Ang verdict ko, it's worth reading and I recommend this book. Four thumbs up!


Saturday, July 14, 2012

makapanindig balahibo 3 (sequel)

Sa mga oras na yun hiniling ko na sana magtransform yung tricycle na sinasakyan namen at maging katulad ng sasakyan ni Batman sa bilis. Gusto ko na lang makaalis kaagad kami sa lugar na yun.

Hindi na ko makapagkwento. Hinayaan ko na lang si Liza ang magkwento ng magkwento dahil umurong na ata ang dila ko sa takot. Tapos yung tricycle pa parang nangaasar sa sobrang bagal ng takbo.

Sa wakas, after 20 years ay nakarating na rin kami sa city medyo nabawasan ang takot ko. Medyo kumalma na rin ang dibdib ko at mas nakakahinga na ko ng maayos.

Pagdating sa lodge na tinutuluyan namen, naalala ko, shet ako nga lang pala mag-isa sa room. Pangalawang gabi ko na matutulog mag-isa. Nung unang gabi palang nahirapan na kong makatulog pano pa kaya ngayon.

"Eto na naman, ako na naman mag-isa sa kwarto" sabi ko habang paakyat sa second floor ng lodge.
"Dun ka na lang kaya matulog sa kwarto namen" alok ni Albert.
"Wag na, kakahiya naman saken, gawin nyo pa kong scorer, kaya ko naman eh". 
Tapang tapangan ako kahit na gustong gusto ko na talagang pumayag sa offer nya, nangibabaw lang talaga ang hiya ko baka nga maging scorer ako.

"Sigurado ka?"
"Oo." hindi..hindi talaga!
"O sige dito na kami goodnight see you tom." paalam ni Albert at Liza.
Sa second floor ang room nila at sa hindi ko na nalamang dahilan, ang room ko ay sa third floor pa.

Pagakyat ko ng hagdan yung unang unang kwarto na bumungad saken nagko-close open! Syeteng malagket! Nagbubukas-sara ng mahinahon. Walang namang hangin dahil hindi naman open ang building.

Alam kong walang tao dun sa kwarto na yun dahil habang nagko-close open sya dilim lang ang nakikita ko at tahimik sa loob. Tahimik sa buong third floor! Parang mayroon ng bumabayo sa dibdib ko sa lakas ng kaba ko. Feeling ko nagtayuan pati ang buhok ko sa ulo.

Kulang na lang ay tumakbo ako papunta sa kwarto ko na nasa dulo pa ng lintek na third floor ng lodge na to! Baka kasi mapalingon ako at paglingon ko may nasa likod ko na pala at hinahabol na ko.

Shet ang susi ko hinalungkat ko pa sa bag ko. Anak naman ng teteng talaga oh! Hindi na ko makahinga!

May karugtong...


Friday, July 13, 2012

Laser Squadron Maskman

Naaalala nio pa ba sina Red Mask, Blue Mask, Black Mask, Yellow Mask at ako Pink Mask?


Sila ang "Laser Squadron Maskman".

Nakakamiss silang panoorin. Namimiss ko na ring i-portray si Pink Mask. Mas magaling na siguro ang acting ko ngayon.

Naalala ko lang noon madalas nameng gayahin ng mga kalaro ko ang Maskman. Pero bago kami makapagsimula maglaro mahaba mahabang diskusyon muna kung sino ang gaganap na Maskmen at sino ang mga kontrabida.


In fairness hindi pa ko gumanap na kontrabida. Its either si Yellow Mask ako o si Pink Mask. Pero mas feel ko si Pink Mask. Masama loob ko noon pag hindi ako si Pink Mask. Ewan ko ba, wala akong ganang makipaglaban pag hindi ako si Pink Mask eh. Pero ayoko naman maging kalaban kaya pinagbibigyan ko na lang yung iba pag sinabi nilang "ikaw na si Pink Mask kahapon ako naman ngayon".

Balita ko kasi 25th anniversary na nila ngayong 2012. At dahil 25 years na sila may ilan akong mga nakalap na trivia.

1. Ang Maskman ay ipinalabas sa Japan noong February 28, 1987 hanggang February 20, 1988 na may 51 episode. Umere naman ito sa Pilipinas noong 1989 hanggang 1991 sa IBC 13.

2. Hindi lang pala mga kabataang Pinoy ang naadik dito noon pati pala sa France, Brazil, Indonesia at Thailand ay ipinalabas din ito.

3. Kung hindi nyo na maalala, ang mga pangalan nila in Tagalog series ay Michael Joe (Red), Leonard (Blue), Adrian (Black), Eloisa (Yellow), at Mary Rose (Pink).

4. Ang mentor nilang si Professor Sugata ay si General Lee pala sa sikat na reality game show sa Japan na Takeshi's Castle.

5. Ang Tagalog-dubbed na boses ni Michael Joe (Red Mask) ay walang iba kundi si Matanglawin Kuya Kim Atienza.

6. Ang gumanap bilang si Michael Joe (Red Mask), Ryousuke Kaizu sa tunay na buhay, ay nakapangasawa ng Pilipina at mayroon silang anak na lalaki.

7. At ang kumanta pala ng Tagalog version ng opening at closing theme ay si Tito Sotto.

Maskman Opening Song (Tagalog)




Humanda na kayo
Kampon ng kadiliman
Oras na ng pagtutuos
Kasamaan nyo dapat matapos
Narito na sila
Bayaning tagapagtanggol
Sama sama'y lilipol

Maskuman kayo lang ang pagasa
Iligtas kami sa marahas na kadiliman
Kami'y inyong ipaglaban

Sige sige laban maskuman
Ipagtanggol ang kapayapaan
Sugod sugod laban maskuman
pagsanggalan ninyo ang katarungan
Buong mundo'y magpupuri
magpupugay, mabuhay

Laser Squadron Maskuman




Maskman Closing Song (Tagalog)

Ito ang mga bayaning magiting
Walang takot 
Sa bangis ng kalaba'y di umuurong
Matatag, tagapagtanggol ng inaapi
Mga huwaran
Sa tungkuli'y tapat
Na handang mag-alay ng buhay

Maskuman
Tanod ng kapayapaan
Maskuman
Laging maaasahan
Dapat nating tularan ang kagitingan

Laser Squadron Maskuman
Maskuman


Tuesday, July 10, 2012

Top 10 Best Shots (Places)

I want to be a professional photographer someday soon. So, for the moment that I'm working on it, everytime we travel, I really find great satisfaction if I'd took photos distinctively my way with the best and all the talent that I have (as if I really have). Here's the list of my Top 10 favorite among the photos I've taken on most places I've been.

10. View from the top. This was taken on board Cebu Pacific plane when we went to Coron, Palawan last 2011.


9. Alone and blue. Taken at Potipot Island, Zambales-2010


8. Deep breath. Taken at Banol Beach, Coron, Palawan-2011


7. Horizon. Taken at Bohol Beach Club, Panglao Island, Bohol -2009


6. Colors and Crystals. Taken at Honday Bay, Puerto Prinsesa, Palawan- 2010


5. The other side. Taken at Barracuda Lake, Coron Palawan- 2011


4. Perfect day. Taken at Coron Palawan-2011


3. Calm heat. Sorsogon- 2012


2. Silhouette. Taken at Boracay- 2011


1. The pearl. Boracay -2011.

Monday, July 9, 2012

another holiday

If there's a "No Panty Day"  there must also be a "No Bra Day". I've been waiting for the "No Brief Day", so when will it be?







Saturday, July 7, 2012

Call Me Maybe

Gusto ko na talagang tapusin yung ine-edit kong video namen ng super viral na "Call Me Maybe" kaso tinatamad na naman ako. Bakit kasi usong-uso si "Call Me Maybe" pati tuloy ang mga adik nahawa.

May kakaibang dating ang kantang ito, masarap pakinggan dahil masaya ang beat at tema.

Una kong napanood yung official video nito kinilig ako pero nakakatawa yung ending. Ang cute ng twist.

And then nakita ko sa facebook at pinanood ko rin ito, sina Georgina Wilson, Isabelle Daza, Solenn Heussaff, Anne Curtis, Liz Uy and company. Naaliw lang ako panoorin sila. At nalaman ko na ang pasimuno pala ay sina Justin Beiber, Selena Gomez, Ashley Tisdale and company, dahil nauna sila gumawa ng video nito.

At ayun, naging viral na nga si callmemaybe. Marami pang nahawa katulad ni Miley CyrusKaty Perry, Jamich at hindi rin nagpahuli si Barack Obama at maraming marami pang iba, including us. Pero teaser lang ang nagawa ko hindi ko alam kung matatapos ko pa. Good luck to me, so call me maybe.



Hey! I just met you and this is crazy, but here's my number so call me maybe.


Friday, July 6, 2012

makapanindig balahibo 2 (sequel)

Napatingin ako sa labas ng tricycle sa kanan, ayoko ng tumingin sa kaliwa ko baka nakatingin pa rin si kuyang driver sa side mirror. Walang ibang dumadaan na sasakyan, walang nasa likod walang kasalubong pero bukod sa liwanag ng ilaw ng tricycle na sinasakyan namen maliwanag din ang buwan at may kakaiba akong naamoy. Kakaibang amoy na parang naamoy din ng mga nagsitayuan ko na namang balahibong audience sa katawan.
"May naaamoy ka bang kakaiba girl?" tanong ko kay Liza.
"Wala naman, baket?"
"May kakaiba kasi akong naaamoy eh."
Sandaling katahimikan.
"Hindi ganyang amoy!" sabi ko kay Liza na inaamoy ang kili kili nya. 
"Eh anu ba kasi yung naaamoy mo?" natatawang tanong niya.
"Wala!" there's no point of arguing kung hindi naman talaga nya naaamoy yung naaamoy ko. 
Hay naku dedmahin ko na nga lang baka tinatakot ko lang masyado ang sarili ko. Sige, tuloy ang chikahan.

Padilim na ng padilim ang dinadaanan namen, hindi ko na rin nakikita ang buwan at ang liwanag na lang ay ang ilaw ng tricycle na aming sinasakyan. Hindi pa rin nawawala ng kabog ng dibdib ko lalo at wala akong nakikita ni isa man lang na bahay sa dinadaanan namen pero pinipilit kong wag pansinin at nagko-concentrate na lang ako sa chika ni Liza sa akin.

Ilang beses pa rin akong muling napasulyap sa side mirror, hindi ko napigilan, pero hindi ko na nakita ang nakakatakot na tingin ni kuyang driver.

Mahaba habang minuto pa ang nagdaan bago ako nakakita ng pa-isa isang bahay hanggang sa nakarating na kami sa Panglao. Umabot lang naman ng thirty minutes ang byahe namen ibig sabihin kung medyo binilisan pa ni kuya malamang mga twenty nine minutes lang andun na kami.

Pagkababa namen ng tricycle tiningnan ko si kuyang driver pero hindi ko nakita sa kanya yung tingin na nakapagpatayo ng balahibo ko kanina. Ang weird lang pero parang iba talaga yung lalaking nakikita ko ngayon kesa dun sa lalaking nakatingin sa akin sa side mirror kanina. Hay ayoko ng isipin deadma na lang ulet. Mag-iinom kami!

Candle light drinking by the beach naman ang drama namen ngayon. Sa Dumaluan Beach Resort pwedeng hindi mag-check in, pwedeng swimming lang magbabayad lang ng entrance fee at pwede namang drinking lang pero magbabayad pa rin ng entrance fee sa napakamurang fifty pesos na halaga lang naman.

"Tara swimming tayo!" yaya ko sa mag-jowa.
"Kaw na lang girl papanoorin ka na lang namen." 
Ang KJ ng mag-jowa na to gusto ko pa naman maligo kaya lang ayoko namang maligo ng mag-isa sa dagat, kaya walang katapusang kwentuhan na lang ulet.

"Grabe naman yung dinaanan naten kanina ang lakas ng kaba ko." si Albert.
"Waaaaah ako din kaya. Sinisilip ka nga namen kanina baka kasi biglang wala ka na pala sa likod."
"May nadaanan pa tayong sementeryo kanina, nanlamig ako."
"Meron ba?" sabat ko.
"Oo meron." si Liza.
"Hindi ko napansin, ituro mo nga saken mamaya pagbalik naten." sabi ko.
Nagdesisyon akong wag munang i-kwento ang nakita ko sa side mirror. Ayokong magtakutan kami sa mga oras na yon.

Medyo nahihilo na ko, ang dami na rin naming napagkwentuhan, eighty percent dun tungkol sa love story nila, tapos na rin ang pictorial. Alas onse, nagpasya kaming umuwi na.

Katulad ng napagkasunduan hinintay naman kami ni kuyang driver. Shet! eto na naman ako naguumpisa na naman kumabog ang dibdib ko.

Ganon ulet ang pwesto namen pauwi. As usual, chikahan para deadmahin ang takot. Pero aminin ko man o hindi pigil pa rin ang hininga ko at ramdam ko ang takot.

Hanggang...
"girl, yan yung sementeryo oh" turo ni Liza
Lumingon ako sa inituro nyang direksyon, sa kanan ko, may kaba sa dibdib kong inobserbahan ang paligid ng sementeryo at lumingon din ako sa kabilang direksyon, sa kaliwa. Nanlaki ang mga malalaki kong mata! Nagsitayuan na naman ang mga lintek na balahibong audience sa katawan ko at kulang na lang ang nakakahindik na background music sa mga horror movies kapag may biglang nakakatakot na realization ang bida.

Shet! dito yung lugar kanina kung saan nung tumingin ako sa side mirror ay nakita ko yung nanlilisik na tingin ni kuyang driver dito rin yung may kakaibang amoy at naaamoy ko na naman sya ngayon!


May karugtong....





Thursday, July 5, 2012

proud Adik

When I opened my facebook account yesterday, this was the first thing I saw...
This picture was posted by my friend.

What's with this flyer?

It is not the bank or anything that it says about but the girl in it. She is MY FRIEND! A tropang Adik member. My instant reaction? Kinilig ako sa tuwa at sa sobrang proud, ako na ang proud friend!

Ok lang kahit hindi na matupad ang pangarap kong maging mowdel cause now I can say that my friend is a mowdel slash endorser, ako na talaga ang sobrang proud.

Dahil sa sobrang proud at nagkataong anim na myembro ng tropang Adik ay online, eto ang epekto.
Lahat ng nagcomment dito ay galing lang sa anim na myembro ng tropang Adik


Kung bakit umabot ng 575 comments yan? Hindi ko rin alam basta nag-enjoy ako kahit na muka akong tanga na tawa ng tawa as in humahalakhak sa mga wala namang kwentang usapan.





Kahit sa facebook na lang kami nakukumpleto dahil ang iba ay nasa ibang bansa na nagagawa pa rin nameng mapasaya ang isa't isa. I so love tropang Adik!





Problema man o kasiyahan ang dahilan ng pagkikita at pagsasama sama namen ang ending tawanan pa rin.



My friendship with you is one of the reasons why I enjoy being single.




Wednesday, July 4, 2012

makapanindig balahibo


"Boss anong pwede nameng sakyan papuntang Panglao?" tanong ni Albert sa driver ng van na nakapark sa tapat ng lodge ng tinutuluyan namen.
"Pwede kayong sumakay ng taxi."
"Eh magkano naman po kaya?"
"Mga eight hundred to one thousand pesos yun" sagot ni manong driver ng van.
"huh?! ang mahal pala girl.." sabi ko kay Liza
"waaaah oo nga! dito na lang kaya tayo mag-inom sa bar nila.." sagot ni Liza sa akin
"Eh manong gano po ba kalayo yun, mga ilang minuto po bago kami makarating?" si Albert ulet na mukang gusto talagang dumayo ng inom sa Panglao.
"Mga twenty to thirty minutes."

Ang totoo eh gusto ko din talaga makabalik sa Panglao. Nung unang punta ko dun eh nabitin ako sa konting panahon na nag-stay kami dahil halos isang buong araw na island hopping ang ginawa namen kaya hindi ko masyadong na-enjoy si Panglao.

"Manong, taxi lang ba ang pwede nameng sakyan hindi ba pwede ang tricycle?" bigla ko naisip na kung hindi taxi eh tricycle ang means of transportaion sa Tagbilaran.
"Pwede din naman kaso kapag tricycle aabutin kayo ng forty five minutes to one hour na byahe. Tsaka hindi advisable na tricycle ang sakyan papunta sa Panglao wala kasing mga reserba ang mga yan kapag na-flat-an."
"ah ganun po ba? eh sige salamat na lang ho"
Tumango na lang din si manong driver at tumalikod na pabalik sa kayang van.

Dapat ay sumuko na kami sa sinabi ni manong driver ng van dahil sa mahal ang taxi at hindi naman daw safe ang mag-tricycle. Pero nakita ko na lang na pumapara na ng tricycle si Albert.

"Kuya magkano po papuntang Panglao?" dinig kong tanong ni Albert sa tricycle driver na medyo malayo sa kinatatayuan namen ni Liza ng ilang hakbang. Sumagot ang driver na hindi ko na narinig.

Ilang tanong at sagot pa ang naganap hanggang sa lumapit sa amin si Albert, "three hundred daw, hihintayin na nya tayo so six hundred yun balikan na..ano? tara?"

"sige tara na!" halos sabay pa nameng sagot ni Liza. Hindi talaga nagpapigil gora kami sa Panglao. Alas otso na ng gabi pero keber, byahe pa rin papuntang Panglao.

Medyo mabagal magdrive si kuya kaya malamang abutin talaga kami ng ten years sa byahe.

Sa loob kami ni Liza at si Albert ay backride ni kuya. Habang byahe walang tigil ang bunganga namen ni Liza sa kwentuhan dahil matagal din kaming hindi nagkita at nagulat din ako na may kasama syang jowa (si Albert), kaya kailangan nyang ikwento yun.

Napansin ko na parang aligaga si kuyang driver. Tingin ng tingin sa kaliwa, mamaya sa kanan, sa side mirror, di mapakali. Nang bigla akong mapatingin sa side mirror nakatingin din sa akin si kuya, mali kayo hindi ito potential love story dahil si kuya ay nanlilisik ang mga mata.

Humaygash! ang tingin ni kuyang driver nakakatakot talaga. Nagsitayuan lahat ng balahibong audience na pwedeng tumayo sa katawan ko. Kumabog ang dibdib ko. Para syang naging isang serial killer sa pelikula. Matalim na matalim na tingin at kahit medyo may kadiliman napansin kong namumula ang kanyang mga mata. Shet adik pa ata itong driver ng tricycle na nasakyan namen.

Ibinaling ko sa iba ang tingin ko at ilang sandali pa akong natigagal bago ko ulet unti unting narinig ang boses ng katabi ko na tuloy pa rin ang kwento at walang kamalay malay sa nakita ko. Magkadikit kami ng braso pero hindi ata naramdaman ng mga balahibo nya na nagsitayuan ang mga balahibo ko.

May karugtong...

Monday, July 2, 2012

my friend's wedding

May hang-over pa ko ng kilig sa wedding ng aking friend na si Abi. Solemn yung wedding kasi hindi magulo, wala akong masyadong stress na naramdaman sa paligid. Cool ang lahat ng tao lalo na ang bride. Sya lang so far ang nakita kong bride na walang ka-stress stress sa katawan sa mismong wedding day. Well, even on the preparations di ko rin na-feel ang stress nya.

Their wedding ceremony was held on Our Lady of Fatima Church in Kawit, Cavite. Very unique church structure. First time kong nakakita ng simbahan na open ang altar. Kaya pala on our way to the church tinanong ni father of the bride sa amen kung nakarating na daw ba kami dun sa church before o first time lang kasi nung nakita daw nya yung church hindi lang daw si Abi ang na-in love pati daw sya. No wonder why nung nakita na namen.




  


At ito talaga ang eksenang nakakakilig..."you may kiss the bride".. but what fascinated me more was when the water on the altar came out the moment they kiss..small falls ang peg..(if you can see it on the picture above)..lalo naman akong kinilig ayiiiieeee....


Umeksena din ako. Im one of the bridesmaids (na naman). Second bridesmaid stint ko na to this year, two more to go. In the picture above, me, my friend and her daughter. Sya si Cathy, yung friend ko na ikinasal sa Bohol last April, naiblog ko rin yung wedding nya sa Bohol Plaza Hotel. By the way Abi and Cathy were my friends from the bank where we used to work some years ago. Even though we were apart from the bank and have our own lives we still manage to see each other whenever we find time. Abi is working abroad, Cathy is now a plain housewife and I am trying my luck as an entrepreneur.








And the reception followed at Island Cove Hotel and Leisure Park, also in Kawit. A five-minute drive from the church.

  


This wedding was indeed one of my favorite among I've attended. Solemn. Relaxed. Happiness of the couple and the people around them was very obvious.



Tandaan nyo lang para tumagal kayo kapag mainit ang ulo ng isa dapat tumahimik ang isa. Hindi kayo pwedeng magsalubong. Dahil pag nagsalubong kayo hindi talaga kayo magtatagal. Give and take lang yan. -a message from the father of the bride


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...