Friday, December 28, 2012

Happy Christmas

Hello hello friends! How's your Christmas? I hope you had it happy and merry. Me? I had an extraordinary one that I cant afford not to share. Bukod sa talagang nag-enjoy ako, this was also another first for me.

Me, my mom and relatives spend the Christmas on Blue Coral Beach Resort in Laiya, San Juan, Batangas. First time ko sa Blue Coral pero second time ko na sa Laiya. My first was in La Luz Beach Resort where we had our branch outing with my previous employer.

Among Batangas beaches that I've been, I think Laiya is the most promising. It may not endowed with the golden sand of Puerto Gallera and the finest sand of Boracay but for me its semi-white sand is still worth a try for beach bumming for only two and a half hours trip from Manila.

We arrived there afternoon of the 24th.




We hurried to the beach after we had our merienda. The wave was a bit strong and the water was freakin' cold. I was shivering the moment I took a dip.

We cant stand the coldness of the sea water kaya lumipat kami sa pool. Swimming kami until the night falls. Ayoko pa sanang umalis sa tubig dahil sobrang namiss ko magswimming (ng hindi marunong lumangoy) at ine-enjoy ko ang pageemo pero nagutom ako.

nag-eemo sa pool


We had our buffet dinner by 7pm. No other options, buffet lang talaga and I dont know why. Kahit sa La Luz ganon din ang set up. Buffet ang breakfast, lunch and dinner. We paid 1,200 pesos each for the three buffet meals. Its kinda expensive for a so so taste of the foods.

my dinner

After dinner tumambay kami sa tree house. Ang saya dahil may free Wifi sa buong resort.
with my cute nephew
Kasalukuyan akong may kainuman virtually. Alam nyo na kung sino kayo ;)

Busy preparing the food, I forgot to take photos but we had spaghetti, cake, salad and bread. We were supposed to have our noche buena on the beach but my cousin's first born threw tantrums and we cant just leave them inside the room while we're eating by the beach. Kaya ayun, ang ending sa veranda kami kumain. But it was still fun!

After eating nag-aya ng totoong inom si cousin and we went to the bar and after, to the beach.

at the bar with my cousins
This trip was courtesy of my cousin in green.


with my cousins, Mom and Aunt

We woke up early morning of the 25th, had breakfast and swimming again.

with my cute nephew, Mom and Aunt

view of the pool from the tree house

having fun with my cousins, Aunt and cute nephew
Dyosa ng Laiya.. pasok sa banga!

bonding with my Mom

with cousins and nephew..epal yung paa ni kuya hehe

After our lunch, by 1pm we leave the resort and drove back to Manila to be with the rest of the family na hindi nakasama. That's how I spent my Christmas. How about you?



P.S.

I want to thank all blogger friends who exerted their effort to greet last Christmas. Alam nyo na kung sino kayo. I will make a separate post for it. Baka kasi may humabol pa for New Year para isang post na lang hehe. For the meantime eto muna.  Gusto ko rin sanang um-effort na i-greet kayong lahat like doing a picture greeting, kaya lang sobrang busy talaga kaya hanggang tweet, text at status na lang muna. Promise babawi ako next year.

Pasensya naman kung hindi ko nabibisita ang mga blogs nyo these past few days. Ang dami lang talagang ginagawa at kelangang unahin. Alam ko naman na busy rin kayo this Holiday season kaya alam ko na naiintindihan nyo. Pero pag may time nagbabasa naman ako hindi nga lang ako makapag-iwan ng comment minsan. Makakabawi din.

P.S. ulet

Kasalukuyan na po tayong tumatanggap ng donations for our first PBO Project. For more details please click here and visit our Facebook Group. Sama sama nateng pagtulungan na ma-achieve ang ating goal, na makatulong sa mas nangangailangan hindi lang ng financial kundi pati ng aruga at kalinga. Sa tulong ni Lord sana'y marami tayong mapasaya at matulungan. Let's do it!

Happy New Year!


Monday, December 17, 2012

Versatile, Cool and Popular

Yap, that's me! Im claiming it dahil sa mga natanggap kong award at dahil blog ko naman to, pagbigyan na. Hindi ko na patatagalin pa ang intro, eto na!

Versatile

It's been a couple of months na ata ng ma-recieve ko ang Versatile Blogger Award from one of my blogger idols, Ms. Balut of The Lucky Blog. I want to thank you Mamalut (nakigaya na ko kay ate Gracie) with all my hypothalamus. Sorry naman medyo natagalan ang reply ko dito. Ang dami ko lang po talagang tamad ginagawa. Medyo busy po talaga ako, please maniwala na kayo.


The Rules: 
  1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog.
  2. Post seven random things about you
  3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.

I already did the thanking part up there but of course I wouldnt mind doing it again. Thank you again dearest Mamalut. I appreciate this so much!

7 random things about me

1. Nung bata pa ko, mga 5 years old, tuwing makikita ako ng mga relatives at kapitbahay namen palagi akong pinapasayaw ng "Ice Ice Baby". Yun nga ba title nun di ko na matandaan. Naging trade mark ko na sya. As in pag nakikita nila ko they were like "sayaw ka naman ng ice ice baby". Ako naman si uto uto sumasayaw naman. Nakakatawa na nakakainis pag naalala ko yun. Hindi po ako dancer, singer ako.

2. Super mahilig ako sa baby. Ang sarap sarap nila pagmasdan, laruin, panggigilan, kagatin, ihagis hagis ganyan. Kidding aside lumalambot talaga ang puso ko pag nakakakita ako ng baby. Madalas nga akong gawing yaya ng mga friends ko pag magkakasama kami at kasama nila ang baby nila. Gustong gusto ko naman dahil love ko ang mga babies nila. Kung pwede nga lang gumawa ng  baby mag-isa eh. Ang dami ko na sigurong nagawa pero hanggang 5 years old lang pag 6 na sila ipamimigay ko na charots! Basta gusto ko ng baby.

3. Bossy ako, mahilig akong mang-utos. Im also a dominant when it comes to relationship. Gusto ko ako ang nasusunod.

4. I dont eat bangus and kare-kare.

5. Super hate ko pag kinakalabit ako as in! Lalo na yung sunod sunod na kalabit. Nakakairita talaga ng bongga. Ang sarap lang manapak pag ganun gggrrrrrrrr!

6. Sa sobrang mahal at hassle magpa-rebond nagpakulot ako ng hair ko dati. Pero dahil na-broken hearted ako and I thought of the need to reinvent myself ayun pa-straight at pa-short hair and drama ko. Na-miss ko tuloy ang long curls ko na hindi na kailangang suklayin mula pagkagising hanggang sa pagligo. Piga piga lang ayos na. Bunos fact, ang TABA ko dati! Ayan kita sa picture bilugan at malaki ang muka at braso ko.



7. I know how to play "Crazy for You" by Madonna, "Bakit ba?" by Siakol, "Story of Us" by Taylor Swift on guitar. Selected songs lang talaga alam kong tugtugin, hindi ko kasi memorize lahat ng chords lalo na yung mahihirap, hanggang basics lang ako. May mga nagawa na kong cover ng mga kanta na yan kaya lang baka pagkaguluhan at maging talk of the town ako sa kahihiyan pag in-upload ko.

And Im giving this award to:
1. Maria of Super Wander Girl
2. Ric of Life N Canvas
3. Phioxee of Wanderer
4. Xoxo Grah of Chicturista
5. Rogie of The Ignored Genius
6. Pao Kun of To infinity and beyond! Pangkalawakan
7. Anthony of Free to Play
8. Fiel-kun's Thoughts
9. Cheenee of Kwentong Palaka
10. Cyron of ikwento
11. Mga Kwento ni Nyabachoi
12. Adventures of Manong Unyol
13. Kwentong baliw ng isang Rixophrenic
14. 5-12-4-14-33-44's Farm
15. Chateau de Archieviner

Cool

I want to thank Fiel of Fiel-kun's Thoughts  who gave me the Cool Blogger Award. Nilamig ako sa award na to. Seriously, this is so much appreciated.

As for the tagging part, alam kong cool kayong lahat that's why Im tagging you ALL for this award.



Popular

Ang lastly but not the least, thank you to my sweet, pretty and talented friend Maria of Super Wander Girl, for this another award called SMP Blog Award (Samahan ng Magaganda't Pogi chos!). It's called the Super Ms. Popular Blog Award. Thank you din kay ate Gracie of Gracie's Network, Rix of Kwentong Baliw ng Isang Rixophrenic and Anthony of Free to Play for tagging me as well. I love you all with all my heart.

The rules are:
1. Answer the questions below.
2. Choose your Super Mr. Popular and Super Miss Popular who you want to give this award. (Maximum of 15 people)
3. Copy the provided question below or you may create a new question you want to ask them. 
4. Don't forget to send me the link of your post so i can see it too.

Your life is going to become a script for a movie. Whose local/foreign celebrity would you want to play you?
Since naunahan na ko ni sis Joanne kay Anne Curtis at ni Lori kay Angelina Jolie so ang choice ko ay si Angel Locsin sa local at Keira Knightley sa foreign, simply because they're both hot like me chos! Gusto kong maging leading man syempre si JLC at si Orlando Bloom.




You get to become a villain for a day from a Disney movie. Which villain are you?
Wala akong matandaang villain ng Disney movies eh. Tinatamad naman ako mag-google hehe. Sorry naman.

Aside from family, what's your greatest accomplishment in life?
Aside from the 3 consecutive years of being an awardee on my previous job,
my 2nd awardee's plaque

I think it's when I decided to resign as an employee and invest on our family's business and doing it well so far.

In your own views, what's the spirit of Christmas?
Family, giving, loving and remembering the birthday of our dear saviour, Jesus Christ.

And the award goes to:

Super Mr. Popular
Overthinker Palaboy of afterthoughts
Gord of Crumpled Papel
Olivr of the Beat Box

Super Ms. Popular
Sherene of Our Journey
Lizzie of Pretty Ugly
Marge of Coffeehan

Sa mga hindi ko nai-tag nakita oh nabasa ko na kasi na may ganito na rin kayong award or post.

Thanks ulet sa mga nagbigay ng award and congrats sa mga awardees. Sorry for the long post.

Merry Christmas my friends!



Wednesday, December 12, 2012

ang sakit sakit na

Napapadalas na tong sakit na nararamdaman ko ah. Not emotionally but physically. Hindi naman talaga ako magpo-post eh kaya lang ang sakit talaga.

Una, masakit ang puson ko. Hindi dahil wala (alam ko ang nasa isip nyo!), kundi meron. Meron akong dysmenorrhea. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ito i-google nyo na lang po. Tinatamad kasi ako eh. Yan pa isang epekto saken kapang meron ako. Sobrang tinatamad ako. Gusto ko lang laging natutulog, nakahiga at ang bigat bigat ng katawan ko. Buti nga nagawa ko pa tong post na to eh (over!).

Pangalawa, masakit pala ang IPL. Sa mga hindi nakaka-alam paki-google na lang po ulet, please bear with me. Second session ko na kanina, from 20 jolts to 24 jolts. Nung una tinanong ko si ate kung masakit ba, sagot nya medyo daw pero tolerable. Parag pinitik lang daw ng goma. Napaisip ako, teka masakit yung pitik ng goma ah. At masakit talaga sya. Ewan ko baka low lang talaga ang tolerance ko sa pain. Mas masakit pa daw sa mga susunod na session hanggang 35 jolts. Oh my gash baka himatayin na ko! Eh ano bang magagawa ko ginusto ko to eh. Tiis ganda!

Pangatlo, natuklap yung kuko ko sa daliri ng kamay, yung hinlalaki sa kanan specifically. Pasintabi sa mga kumakain. Nagpalinis kasi ako ng kuko, after ko magpalinis kinabukasan nakita ko na may crack yung kuko ko. Hindi ko sya ma-gupit kasi nakakapit pa sa laman. Eh kanina sumabit yung kuko ko sa kung saan so yung maliit na crack ng kuko ko ay lumaki. At ang sakit nya! Errrrrr nangingilo ako habang nagta-type nito. Ginupit ko na sya kasi humiwalay na sa laman. Pero ang sakit talaga mas masakit pa sa 24 jolts promise.

O.A. lang ba? Sorry naman, pero masakit talaga eh. Lately, pansin ko lang na puro lumang kanta naririnig ko. Yung tipong mapapa-emo ka dahil sa mga kantang may mga dalang masasakit at nakakalungkot na alaala. Ay ewan! Ayoko mag-emo ngaun, wala ako sa mood, tinatamad ako. O sya yan na lang muna. Sana bukas sipagin na ko dahil ang dami ko pang kelangang gawin at wala pa kong nabibiling gift kahit isa.


Tuesday, December 4, 2012

Bloggers EB: meeting new and newer friends

I never knew that I would find really nice friends here in blogosphere. Nakikita ko man sila in person oh hindi. I just love the fact that blogging and reading other blogs would give me so much emotion. Nalulungkot, natatakot, nagugulat, na-eexcite, napapatili, nai-inlove, kinikilig (hindi lang pala ako sa pag-ihi kinikilig), napapatawa at sumasaya.

Oh ang arte lang ng intro ko noh? Wala lang, overwhelmed lang siguro ako dahil sa pagkikita kita ulet namen nila twin sis Joanne at Zai. I really miss these two beautiful and nice person and I love them so much na! Im telling you, they are really nice and fun to be with. (Zai and Jo, pili na lang kayo sa wishlist ko ah hehehe.) Kidding aside they are easy to get along.

Matagal na yung huling kita namen nila Joanne at Zai. October pa, oh diba ang tagal na. So dapat magme-meet kami ng November kaya lang nagka-sore eyes nga ako, ayun postponed. Nung gumaling na eyes ko, schedule agad agad ng meeting, then came December 3.

But before that I asked Zai kung sino ang mga kasama. Na-excite ako sa mga names na tinext nya including, Marge of CoffehanKulapitot and Lori of Here You'll Find Me. Gustong gusto ko na talaga kasi sila ma-meet in person but sadly hindi sila nakarating. Why kaya? Paki-explain sa comment box kung bakit, required yan hmp!

I also texted Maria of Super Wander Girl to join unfortunately she has work at medyo malayo ang place hindi na rin kakayaning humabol pa. Anyway. I hope next time makasama na sila

4pm ang usapan sa Mega. Una kaming dumating ni bff Hash, may ginawa pa kasi kami regarding our tropa's Christmas party. Habang busy kami sa foodcourt dumating si Theo of Theo's Casanova na muntik ko ng di nakilala dahil wala syang suot na eye glasses. Pangalawang beses ko ng ma-meet si Theo, the first time was when I claimed my prize in his blog contest. Ilang minutes lang dumating na rin sina Joanne and Zai at lumipat na kami sa Pepper Lunch para dun na lang hintayin yung iba. Gutom na kami, hindi kasi kami kumain ni Hash sa World Chicken at hindi rin kami kumain ng cupcake (haha! alam nio na yan).

Zai also got his prize (a planner with freebie coupons) from Theo.
me, Hash and Joanne
After namen umorder ng food dumating na si Mr. Smiling Face. Si kuya Mar of Unplog. He's always smiling kasi kahit stolen shot naka-smile pa rin. He's mabait din at ayaw nyang sabihin kung ilang taon na sya. Ok lang kuya Mar kung ayaw mo sabihin basta yung hinihiram ko na book ah!

kuya Mar, Zai and Theo

After namen maubos yung food dumating naman si Superjaid na galing pa sa kanyang OJT (kaya dont worry sis hindi ka late..maaga lang talaga kami hehe). Napag-alaman namen na classmates pala sila ni Theo nung college. Nagulat kami, akala namen magpapatayan na sila haha chos lang. Na-miss lang pala nila ang isa't isa. First time ko rin ma-meet ang batang ito. Nakakatuwa sya, parang ang sarap nyang maging younger sister. Napaka-jolly ng arrive!

Superjaid, kuya Mar and Theo
Halos magkasunod lang sila ni Empi na dumating. We concluded na nag-date muna sila pinauna lang si Jaid ni Empi para hindi halata hehehe. Hindi na kumain si Empi kasi busog pa daw sya. Pangatlong beses ko na ma-meet si Empi. Nung una tahimik lang pero ngayon nakikisalamuha na sya hehe at si Joanne ang gusto nya laging katabi hmmmmm.

After madaliin ni Theo si Jaid na ubusin na ang umuusok pang food from Pepper Lunch lipat naman kami sa kapihan, saan pa eh di sa Starbucks.

At dun dumating ang isa sa mga idol ko na Pinoy blogger, si Bino of Damuhan. Gusto ko sanang makipag-kwentuhan sa kanya kaya lang hiya ako eh. But he's nice at kinilig ako ng slight ng i-shake hands nya ko hehe.

(left-right) Theo, Joanne, Empi, Zai, Hash, me, Jaid, Bino
Jaid, Theo and Bino.


Naisipan namen magpapa-picture sa Christmas tree. Naalala ko si Archieviner dahil sa hinihiling nyang Christmas greeting. Na-haggard ako sa mga notifications ko dahil si Archie, ni-like lahat ng picture namen, na-inggit haha! Wag ka na mainggit eto para sayo.

Merry Cristmas Archieviner! he he he
Pictures overload!

Stolen pero naka-smile pa rin si kuya Mar

stolen ulet..pigil ang smile ni kuya Mar
stolen.. photowalk?
Ang mga first time kong na-meet.

with Superjaid

with Bino

with kuya Mar

Salamat kay McDonald Donald Duck na nagsilbing tripod namen at natupad ang kumpletong group picture.

yung gift na hawak ni Donald ang ginawa nameng tripod


But wait there's more! Dahil sa picture taking may mga bagong nabuong love team. Janjarajan...Heto na sila!

MarJo loveteam
by request ni sis Jo ang name kaya pinalitan ko ang JoMar

ZaiLin loveteam
bagay ba kami?
Nung pinost ko sa fb ang picture namen ni Zai ang dami nag-PM saken tinatanong kung bagong bf ko daw ba sya haha! Kaya tumabi tabi na ang ZaiJo love team eto na ang bago...go ZaiLin!


It's really fun and nice meeting and knowing these people na dati ay sa blog ko lang nakakasalamuha. Hope to see them again at sana next time makasama din kayo ;)

wacky! 


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...