Wednesday, January 9, 2013

A Success for the First PBO Project

It all started with a humble wish of a blogger with a pure heart named Gracie of Gracie's Network. Matagal ko na rin itong gustong gawin. Pero hindi ko alam kung pano ko sisimulan. That is why when ate Gracie posted about her wish for Christmas agad akong nagpahayag ng suporta. Nag-post din ang isa pang blogger na sobra ang dedication na si Mar of Unplog ng tungkol sa Project Piso. Kasama ang maraming kalokohan pero may  napakabuting puso (hindi ito dyuk) na si Archieviner of Chateau de Archieviner we had serious talks over twitter on how we could make it happen. At mula sa Project Piso natuloy sa Pinoy Bloggers Outreach na naglalayon na tumulong at magbigay ng saya sa mga mas nangangailangan.

More bloggers showed support. Donations came, in cash and in kind. Hindi ko na patatagalin pa. Heto na ang resulta ng ating pagsasama sama.

Mula sa usapan sa twitter, FB, at Skype, the group finally decided to held our first project on White Cross Children's Orphanage in San Juan.



The Preparation -January 6, 2013
Kasama si kuya Mar namili kami sa Divisoria ng mga pangregalo at pampapremyo sa mga kids. Nabanat ang mga malalaking maskels nya sa pagbibitbit ng aming mga pinamili na mula Divisoria ay diniretso namen sa Gateway, Cubao. Doon namen inayos ang mga pangregalo katulong si Axl, Sey, Rix at Erin.



The Main Event- January 8, 2013

We met at Robinson's Galleria by 1pm. Nang makumpleto ang mga volunteers tumuloy na kami sa White Cross. Hinintay namen sandali si kuya Mar na hindi namen kasabay dahil doon sya nagmula sa Chickboy Cubao branch (one of the sponsors) kung saan namen iniwan ang mga inayos na gifts and prizes. Pagdating nya ay agad na naming inayos ang venue.




At maya-maya pa dumating na ang mga bata na nagsimulang makihalubilo at makipagkulitan sa amin.

Kanya kanya ng laro at kalong sa amin. May mga malalambing, may makukulit, may sosyal, may bibo, may komedyante at marami pang may.

Nagsimula ang program sa pamamagitan ng dasal at pagpapasalamat kay Lord. Dahil sa mukang excited ang mga bata games na agad. Pagkatapos ng ilang games ay nagperform na ang mga clowns.


Pagkatapos ng nakakatuwang performance. Games to sawa na ulet.


Pagkatapos ng magulo at masayang palaro ay pinakain naman namen sila. After ng early dinner ng mga kids pinamigay na ang mga regalo. Konting picture picture at natapos na ang program. Sa pagtatapos ng party pinayagan kami na makalibot sa kwarto ng mga batang 2 years old and below.



Pero bawal pumasok sa loob. Mula sa labas ng glass door ay nakita namen ang mga munting angel. Sa totoo lang sila talaga ang tumunaw ng puso ko. Ang ku-cute ng mga babies ang sarap nilang i-uwi. Hindi ko lubos maisip kung pano magagawa ng isang magulang na ipamigay ang kanilang anak. Siguro may kanya kanyang mabibigat na dahilan pero kung ano pa man yun para saken hindi yun magiging sapat para iwan ang kanilang mga anak.

Buti na lamang at may mga ganitong institusyon at mga tanong may hangarin na makatulong at magpasaya katulad ng PBO.

Acknowledgement

Maraming salamat
sa mga Officers: Mar, Gracie, Archieviner and yours truly
sa mga Volunteers at: Axl, Zai(donated candies), Joanne(donated books), Empi, Senyor IskwaterSenyor Iskwater (contributed name plates), Paokun, Rix, Sey, Jun, Kulapitot(donated toys), R-jay, Deo, Erin
kay Maria sa pagdesign at pagsagot sa tarpaulin
sa mga nag-donate ng cash: ang mga pangalan ay lalabas sa official statement of account na aming ipo-post soon
sa Chickboy for the discounted food
kay Mr. Fitz ng Bloggershirts.com para sa malaking discount sa T-shirts (courtesy of Gracie)
sa company si kuya Mar na napakaraming naitulong
sa lahat ng member na wala man ang presence sa event ay buong buo ang suporta sa proyekto

Kung wala kayo hinding hindi magiging possible at successful ang unang proyekto ng PBO. Maraming maraming salamat mula sa aking puso! Words are not enough to show how much Im thankful. Sana ay ipagpatuloy naten ang ating misyon. More power PBO!



40 comments:

  1. I'm sure it's a big success. It seems you all had fun. Maganda nga at may dala kayong saya para sa mga bata. I'm really sorry hindi na ako nakapag-contribute. HINGAN BA NAMAN AKO NG 1M, NATAKOT TULOY AKO SUMIPOT! hahaha! Joke!

    But I'm really impressed how such a simple dream became an idea, and how such idea materialized into a project that made these children smile.

    Congrats!

    ReplyDelete
  2. weee! Congrats sating lahat! very successful ang event na to. ^_^ Nakakatuwa kayong lahat. :)

    ReplyDelete
  3. Congrats po sa unang pag arangkada ng PBO!

    Natats ako sa post na ito lalo na sa part na nadungawan nyo ang mga munting angels :(

    ReplyDelete
  4. Congrats PBOers! Ang galing sobrang success. Di ko akalain na ganito pero nangyari na. Kitang kita sa inyong mga volunteers kung gano katagumpay ang events. Kudos to all PBOers :)

    ReplyDelete
  5. Awww... kaka touch naman! congrats sa mga fellow bloggers natin na mya mabubuting kalooban na gumawa ng mga hakbang upang ito ay maisakatuparan. Galing nyo guys! sana next time, makadalo na din ako.

    Cheers to all PBOers!!!

    ReplyDelete
  6. Congrats! Dahil ikaw ang unang gumawa ng entry! hehe

    And congrats sa ating lahat! More Power and More Projects pa para sa PBO

    ReplyDelete
  7. Congrats po sa successful na event ng PBO!!!!

    *sabog confetti*

    ReplyDelete
  8. Buti pa sa pic mo ok yung peg ko sa akin haggard ako nyahahaha. Congrats sa lahat ng bumubuo ng project, mga naki-isa, sa lahat ng sponsors... til next project :)

    ReplyDelete
  9. waaaaaah! sobrang natouch tlga ko sa pag join ko sa gantong event. 1st time ko sumama sa mga ganitong samahan. sasama ako ulit, gusto ko mag pasaya ng mga kids! :D

    more power Pinoy Bloggers Outreach! :D

    salamat po sa inyo. :)

    ReplyDelete
  10. wow sayang, sana nalaman ko agad ito , para makasama ako ..

    ReplyDelete
  11. Congratulations! This is a great way to start the year. I am sure the kids you helped were happy. Nakakatuwa at natupad ang wish ni Gracie. Next time, let me know para makatulong din ako :)

    ReplyDelete
  12. AT may post ka na agad Ate Arline? Natulog ka ba? hahahaha.
    Lam niyo guys, mas ma tatouch kau kung makikita niyo mga faces nung mga bata, kaso bawal.

    ReplyDelete
  13. Nice one... gusto ko ito... how can I join your group?

    ReplyDelete
  14. congrats.. sayang di ako naka sama.. may pasok kasi ako.. pero sa sususnod.. pngako yan! hehehe

    ReplyDelete
  15. Nakaka-tats ang mga pagbati.

    Sa pagpapatuloy ng busilak na hangaring makabagbigay ng tulong sa mga mas nangangailangan, nawa'y marami pang bloggers and non-bloggers ang makiisa.

    We will have our next activity sa March so kitakits ulit... yehey...

    I also enjoyed the meet and greet with some bloggers na sobrang bait... grabe... As in!

    ReplyDelete
  16. Weee congratz to all!

    Nakakateary eyed naman yun mga babies pa lang eh iniwan na ng mga magulang nila.. x_x

    Ang dami ko ng namiss siguro sa weekend makakapagback read ako lahat ng namiss kong post niyo hehe.

    ReplyDelete
  17. congratulations!! bilib ako sa inyong lahat lalo na sa mga organizers (officers) at volunteers, grabeng effort ang ibinigay nyo kaya naging successful ang event, congrats!

    ReplyDelete
  18. Yun eh! Congrats sa lahat ng umatend and made this event possible! Kudos guys!

    ReplyDelete
  19. Congrats, guys. And more power. :) I wish nasa Pinas ako.

    ReplyDelete
  20. super fun and fulfilling! I'm very happy at naging part at naging volunteer ako ng PBO. can't wait for the next successful program! so happy to get to hang out and make chika with you too sis! mwahs!

    ReplyDelete
  21. Maraming salamat sa lahat and I am so happy to be a part of it too kahit malayo. Continue the good works and God always bless those who blessed the poor.
    Thanks for sharing all the pictures and the event:)

    ReplyDelete
  22. Wow, Congratz Pink and Company! You did great guys!

    Now, blogging has a new sphere. A sphere of joining together people who loves to write to conceptualize and create this brilliant idea of sharing and blessing others.

    May this genuine advocacy solidifies our collective drive to achieve whatever goals we have set in, whatever plans we have brainstormed, and whatever courage we have put through. Together, bounded by our sheer love to these kids, we can create a change and be the change.

    Let this blogging world be a witness of unity, camaraderie, and humanitarian precept to fuel our hopes to sustainable drive and unending cooperation towards creating and making a difference in their lives.

    MABUHAY KAYONG LAHAT. MABUHAY ANG PBO!

    ReplyDelete
  23. Congrats sa pbo:-) mahilig ka sa bata sis.

    ReplyDelete
  24. congrats sa inyo! nakakainspire na from blog to the world ang peg. tuloy lang yan.

    ReplyDelete
  25. Congratulations ng bonggang bongga! *sabog confetti* Hindi kaya ng mga larawan na ipakita sa atin ang tunay na saya ng mga bata 'nun nandoon kayo sa White Cross. Nakita ko ng buo ang mga larawan sa FB. :))

    ReplyDelete
  26. congratulations! inaabangan ko talaga tong post na to....you are all indeed blessed! Sana naka punta din ako...:) hehehe


    xx!

    ReplyDelete
  27. congrats sa PBO!! its over well ang saya pagkatapos ng event na to!!

    and nice meeting you in the second time around!!

    Cant wait on the next project!!

    more power and blessing sa PBO!!

    cheers!!!

    ReplyDelete
  28. Congrats!! Ang dami nyo napasayang bata! Di na umabot ang aking donation. I'm sure masusundsan naman to diba?

    ReplyDelete
  29. congrats sa lahat ng effort mo sis, akala ko napost na yong comment ko dito hindi pa pala, nakakalokah naman tong smartbro! lol

    babawi ako talaga, namatay ako sa inggit dito. parang hap ng buhay ko nawala hahaha

    ReplyDelete
  30. oh wow nice nice!! gusto ko din to ma try someday :) mgpakain and magpasaya ng mga bata! <3 Great job!

    ReplyDelete
  31. Nice! ang galing naman! Congrats sa successful outreach!=)

    ReplyDelete
  32. Oh after 10 years e ngayon ko lang to nabasa. Muntik pa pala tayo magkapareho ng intro, hahaha.. PBOuting naman!! hahaha!

    ReplyDelete
  33. sayang talaga hindi ako nakasama.. congratz! naging successful yung first outreach ng PBO.. :)

    Following you!

    ReplyDelete
  34. I wanna be part next time just pm me Thanks

    ReplyDelete
  35. congratulations :) more projects to come :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...