Sunday, January 20, 2013

Maid of Honor

January 19, 2013 was the wedding date of the two of my closest friends, Bobong and Nene. Magkakaibigan na kami since college. We were on a two different groups on our block section. Pero dumating yung time na nagmerge ang group namen and then poof it became coco crunch naging isang malaking barkada na kami. Actually hindi naman ganun kalaki. We were originally eight, nadagdagan na lang dahil sa mga bf or gf at ngaun asawa na nila. That leaves me the only single (not taken) on our barkada. Saklap diba? Oh well, anyway I believe and will still believe na makilala ko rin ang tamang lalakeng nakalaan para saken (punong puno ng pag-asa). Baka nga nakilala ko na sya hindi pa lang nagpaparamdam. Hoy paramdam ka na! Anong petsa na oh?!

Syempre, one of the special occasions ito for me kaya hindi pwedeng hindi ko isasama sa aking online diary. Always na lang kasi akong bridesmaid at first time ko mag- maid of honor.

The wedding ceremony took place in Sta. Clara de Montefalco Parish church, Pasig City.

Dumating ako sa Exchange Regency Hotel ng 10am. Ang aga ko diba knowing na 2pm pa ang kasal. Eh excited ako eh bakit ba?! Pero naman mga teh ako pa ang huling naayusan. Yung tipong naiihi na ko sa sobrang pagka-pressure dahil ako na lang ang hinihintay, ganyan. Buti na lang hindi kami na-late, saktong sakto lang at nakapag-pictorial pa before the march.

the groom with his parents

the bride with her super cool parents

Baket kaya nakakaiyak yung eksenang naglalakad yung bride sa aisle? Well, its for me to find out hehe.
They have a promise na kapag 10 years na sila mag-bf gf eh magpapakasal na sila. Kaya ayan, finally!

Gamit na gamit pala pagiging maid of honor ko dito dahil bukod sa pagpapapirma eh kami rin ni best man ang pinag-hawak ng mike habang nagpapalitan sila ng I do's.

At dahil biba ako eh pati sa mga ninong ako na rin ang nagpa-pirma na dapat pala yung best man na. Eh first time eh.

Habang nagpi-pictorial ang groom at bride, may moment din kami sa gilid.

the prettiest maid of honor on earth (ang kokontra panget!)

Instead of the usual na pagpasok ng entourage sa reception area, kailangan daw eh sumasayaw. Kaya ayun napasayaw ako ng slight lang nemen.

While in the middle of the program, may na-spot-tan akong nagi-stand out na kagwapuhan. Dahil supportive sa single love life ko si bff Hash kinuhanan nya ng picture, kaya lang nakatalikod. Hindi ko na lang din ipopost wala rin namang silbi. Basta nanlambot tuhod ko dahil taglay nya ang weakness ko, matangkad at singkit.

Officemate pala ni groom si Mr. MS (matangkad and singkit). Dahil supportive din ang friend kong groom ipinakilala nya saken si Mr. MS. Ehmeged! He's more goodlooking sa malapitan. We shook hands and he smiled so sweet. Tumalon puso ko! Gusto kong magtakip ng unan at umirit sa sobrang kilig. Single din sya kaya lang may pagka-suplado. Oh well, move on na! Ganyan ako kabilis magpalit ng feelings, from kilig to deadma chos!




More ganap sa program hanggang sa dumating sa throwing of bouquet. Hindi na sya yung traditional na literal na ihahagis. Idinaan ni bride sa game. Naghagis sya isa isa ng mga roses with stem. Kung sino ang may pinakamaikli ang stem na nasalo sya ang mapalad at ako yun bwahaha! Dahil dyosa ang nakakuha nag-unahan ang mga single boys sa pag-ubos ng wine at ang nanalo ay si best man!

Kung ano daw ang gagawin ni groom at bride gagawin din ng mga nakakuha ng bouquet at garter. Paalala: ang mga sumusunod na eksena ay bawal sa mga batang manonood. Patnubay ng magulang ay kailangan.

kiniss ni bride si groom sa forehead kaya kiss din ako kay lolo sa noo

malakas kiliti ko jan hihihi

hindi po yan lips to lips..effects lang ng camera :P

Over yang si best man, nakarami ng halik sa aken huh! Hindi ko po feel na feel ang mga eksena. Napilitan lang talaga ako dyan (defensive?).

Hindi pa nakuntento sa kiss, sinayawan pa ako habang papalapit saken para isuot ang garter.

nadidiri ako hindi ako natutuwa!

tuwang tuwa ako, diring diri si best man 

Buti na lang pareho kaming single kaya keri lang.

The bride and groom ended the program by thanking everyone for being part of their big event. Like what I've said sa wine tossing, I wish them happiness, stay in love unconditionally and have a baby agad agad.

Dahil mga adik kami sa picture, more more photo shoot bago umuwi.








That's all for now.


Thanks everyone for reading and commenting on my last post regarding the success of PBO's first project. To those who want to be a part of a fulfilling mission to share, please do like our fan page Pinoy Bloggers Outreach or follow @iHeartPBO on twitter for updates. Thank you!

Wednesday, January 9, 2013

A Success for the First PBO Project

It all started with a humble wish of a blogger with a pure heart named Gracie of Gracie's Network. Matagal ko na rin itong gustong gawin. Pero hindi ko alam kung pano ko sisimulan. That is why when ate Gracie posted about her wish for Christmas agad akong nagpahayag ng suporta. Nag-post din ang isa pang blogger na sobra ang dedication na si Mar of Unplog ng tungkol sa Project Piso. Kasama ang maraming kalokohan pero may  napakabuting puso (hindi ito dyuk) na si Archieviner of Chateau de Archieviner we had serious talks over twitter on how we could make it happen. At mula sa Project Piso natuloy sa Pinoy Bloggers Outreach na naglalayon na tumulong at magbigay ng saya sa mga mas nangangailangan.

More bloggers showed support. Donations came, in cash and in kind. Hindi ko na patatagalin pa. Heto na ang resulta ng ating pagsasama sama.

Mula sa usapan sa twitter, FB, at Skype, the group finally decided to held our first project on White Cross Children's Orphanage in San Juan.



The Preparation -January 6, 2013
Kasama si kuya Mar namili kami sa Divisoria ng mga pangregalo at pampapremyo sa mga kids. Nabanat ang mga malalaking maskels nya sa pagbibitbit ng aming mga pinamili na mula Divisoria ay diniretso namen sa Gateway, Cubao. Doon namen inayos ang mga pangregalo katulong si Axl, Sey, Rix at Erin.



The Main Event- January 8, 2013

We met at Robinson's Galleria by 1pm. Nang makumpleto ang mga volunteers tumuloy na kami sa White Cross. Hinintay namen sandali si kuya Mar na hindi namen kasabay dahil doon sya nagmula sa Chickboy Cubao branch (one of the sponsors) kung saan namen iniwan ang mga inayos na gifts and prizes. Pagdating nya ay agad na naming inayos ang venue.




At maya-maya pa dumating na ang mga bata na nagsimulang makihalubilo at makipagkulitan sa amin.

Kanya kanya ng laro at kalong sa amin. May mga malalambing, may makukulit, may sosyal, may bibo, may komedyante at marami pang may.

Nagsimula ang program sa pamamagitan ng dasal at pagpapasalamat kay Lord. Dahil sa mukang excited ang mga bata games na agad. Pagkatapos ng ilang games ay nagperform na ang mga clowns.


Pagkatapos ng nakakatuwang performance. Games to sawa na ulet.


Pagkatapos ng magulo at masayang palaro ay pinakain naman namen sila. After ng early dinner ng mga kids pinamigay na ang mga regalo. Konting picture picture at natapos na ang program. Sa pagtatapos ng party pinayagan kami na makalibot sa kwarto ng mga batang 2 years old and below.



Pero bawal pumasok sa loob. Mula sa labas ng glass door ay nakita namen ang mga munting angel. Sa totoo lang sila talaga ang tumunaw ng puso ko. Ang ku-cute ng mga babies ang sarap nilang i-uwi. Hindi ko lubos maisip kung pano magagawa ng isang magulang na ipamigay ang kanilang anak. Siguro may kanya kanyang mabibigat na dahilan pero kung ano pa man yun para saken hindi yun magiging sapat para iwan ang kanilang mga anak.

Buti na lamang at may mga ganitong institusyon at mga tanong may hangarin na makatulong at magpasaya katulad ng PBO.

Acknowledgement

Maraming salamat
sa mga Officers: Mar, Gracie, Archieviner and yours truly
sa mga Volunteers at: Axl, Zai(donated candies), Joanne(donated books), Empi, Senyor IskwaterSenyor Iskwater (contributed name plates), Paokun, Rix, Sey, Jun, Kulapitot(donated toys), R-jay, Deo, Erin
kay Maria sa pagdesign at pagsagot sa tarpaulin
sa mga nag-donate ng cash: ang mga pangalan ay lalabas sa official statement of account na aming ipo-post soon
sa Chickboy for the discounted food
kay Mr. Fitz ng Bloggershirts.com para sa malaking discount sa T-shirts (courtesy of Gracie)
sa company si kuya Mar na napakaraming naitulong
sa lahat ng member na wala man ang presence sa event ay buong buo ang suporta sa proyekto

Kung wala kayo hinding hindi magiging possible at successful ang unang proyekto ng PBO. Maraming maraming salamat mula sa aking puso! Words are not enough to show how much Im thankful. Sana ay ipagpatuloy naten ang ating misyon. More power PBO!



Monday, January 7, 2013

My Top 10 Birthday Wishlist for 2013

Today is my birthday! Ang bilis bilis ng oras. Feeling ko hinahabol ko sya at hindi ko sya maabutan ganyan.

Tuwing birthday ko nagwi-wish ako ng isang particular thing na gusto ko. Pero ngayon ginawa kong 10 ang wishlist ko total naman eh meron ako kayong until the end of this year para tuparin ang wish ko. Dapat pala last month ko pa to ni-post para may 1 month kayong preparation (assuming ako). Pero ayos lang tumatanggap ako kahit hanggang next birthday ko pa. Kaya huwag kayong mahihiya ah.

10. Unique birthday cards. Yung tipong out of this world. Ang choosy ko lang, sige na nga kahit yung message na lang ang maging out of this world.

9. To have a photo of me on a birthday suit. I've always wanted to do this. Problema ko lang kung sino magpi-picture saken. Ayoko ng tripod, gusto ko yung tipong umaanggulo.

8. Sana may manlibre saken. Para maiba naman. Lagi na lang kasi ang birthday celebrant ang nanlilibre eh. Ang totoo namumulubi kasi ako ngayon. Nagpaka-generous kasi akong ninang at tita last Christmas. Oo, hindi ako nagtago.

7. New business oppurtunities at sana ay mas tumatag pa ang business namen ngaun.

6. Pug puppy. Matagal ko ng gusto nito kaya lang ang mahal nya talaga. Sana may magbigay na lang saken.

5. Flowers. Matagal tagal na rin nung huli akong nakatanggap nito.

4. DSLR. Hindi naman lingid sa kaalaman nio na may hilig ako sa photograpy. Unfortunately hindi ako nakabili sa kadahilanang kinulang ng malaki ang budget ko. So baka may gusto mag-regalo saken, hindi naman ako choosy sa SLR kahit yung pang beginner lang pwede na.

Speaking of photography, Im now officially launching my photoblog, Pink Line Photography. Sana magkaroon kayo ng time na bumisita. Please click the link or the photo below.



That is my photo blog's header courtesy of my sweet friend Maria. Sya rin ang nagdesign at sumagot ng tarp na gagamitin sa unang project ng PBO. Maraming maraming salamat Maria! To know more about this sweet girl just visit her blog Super Wander Girl.

3. All expense paid trip to Batanes. Ito ang pinakapangarap kong lugar na mapuntahan sa Pilipinas.

2. God's Gift. In other term, lovelife! Hindi naman ako nagmamadali pero kung darating sya this year mas mainam. Feeling ko kasi nagtitiktak na ang matres ko. Bottomline talaga is gusto ko ng magka-baby.

1. Success of the first PBO project. Let's pray hard for this. Sama sama tayo dito. Bukas na!

My original plan was to celebrate my birthday sa isang orphanage somewhere in Marikina. But PBO came and I decided na dito na lang muna mag-focus. Pero happy pa rin ako dahil magkakaroon ng deeper meaning ang birthday ko ngaun. Maraming dahilan at isa na kayo dun. Salamat sa pagiging part ng buhay ko. May you continue to be part of me until I reached 60 or older. Magba-blog pa rin kaya tayo nun at mage-EB?


Idadagdag ko na rin pala sa wishlist ko ang blog secretary. Ang dami kong pending post. Ang dami ko pa ring tamad busyness.

Ngaun palang nagpapasalamat na ko sa kung sino mang tutupad ng mga birthday wish ko.

Thank you ng bonggang bongga!

Love,

Sexy, Free and Single Arline =)




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...