Hindi kayo namamalik-mata. Update ko talaga itong binabasa nyo. After almost a year, who would have thought na mag-uupdate pa ako. Akala ko noon hindi ako magsasawa mag-blog pero dumarating din pala yung time na tatamarin ka na mag-blog dahil sa dami ng pinagkakaabalahan mo sa buhay.
I just thought, maybe it's time to go back, bilang masyadong marami na kong kwento na dapat i-blog kung hindi, makakalimutan ko na siguro. May mga bagay kasi na mahirap makalimutan na kahit detail by detail kaya mo ikwento kahit senior citizen ka na. Pero may mga bagay din na maalala mo lang na "ay oo nga pala ginawa ko ito" or "napuntahan ko pala yan" pero hindi mo na maalala "bakit ko ginawa yan?", "pano nga ba ako nakapunta dyan?". Well, ganyan ako. Masyado akong makakalimutin, di ko rin alam kung bakit. Kaya rin siguro naisipan ko na gumawa ng online diary.
So heto na magku-kwento nako.
PBO's First Screening for A Cause featuring the movie "Lucy" starring Scarlett Johansson, happened last August, 2015.
Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng sumuporta, sa lahat ng tumulong na maging possible ang fund raising na ito. Maraming frustration, depression at kung anu-ano pang may "sion" ang naganap but despite all of that, it was still worthit dahil naging successful naman. Nakakatuwa lang. The outreach will happen mid of this year. Alam ko po na medyo sobrang delayed na, pasensya na po, may mga pangyayari po na hindi umaayon sa pagkakataon at bukod dun masyado rin pong naging busy ako at si Senyor sa kanyang kanyang trabaho at hanapbuhay. Please bear with us. But we'll make sure na mapasaya naten this coming school year ang ating beneficiary, SPED students of Pasig. Again, thank you sa support, alam nio na kung sino sino kayo. Please continue to support PBO at aasahan namen kayo sa darating pa na mga fundraising at outreach.
***
Nagtrenta na po ako this year. Wala lang bet ko lang sabihin. Wala na dapat celebration kasi hindi ako nakapagprepare pero sabi ni Mother kelangan daw may celebration kasi nga "trenta" na ko. May emphasis talaga yung trenta hmp! Kaya ayan biglang nagpa-book sa BSA Twin Towers sa Ortigas. Napa-luto din ng slight.
I invited my closest friends. Yung iba nakarating, yung iba hindi. Pero happy pa din.
***
Im thankful to meet another one of my favorite blogger na si Tripster Guy. We had lunch, watched a movie, had coffee and kwentuhan together with Senyor and Glentot. He's warm and kind in person. Im hoping to see him again. Wala kaming picture. Medyo private person sya sa totoong buhay kaya nahiya na rin ako magpa-picture with him. But still it's nice to finally meet him.
***
Meron na ulet akong pamangkin. He's a very adorable, fluffy baby boy named Vincent. I enjoyed playing with him so much. Nakaka-happy.
6 months na sya ngayon |
Here with my eldest pamangkin, her cousin, Shanen na nasunog sa pag-swimming. |
***
My niece, Shanen finished kindergarten with honors. Top 1, Best Pupil, Best in English, Best in Science, Most Articulate, Most Independent. Nakaka-proud lang.
***
Me and Jojie went to Sagada last month and something exciting and life changing (wow! life changing talaga ang term ko?) happened. Ang kwento ng trip ay sa susunod na post.
***
Maraming pang ganap pero eto na lang muna for now. Byers!