Thursday, January 23, 2014

My Birthday Wishlist 2014

Hello blogworld! Kumusta naman? Im back! Well I cant really say that Im back, depende pa kung magtutuloy tuloy ang sipag ko. Malapit na mag-end ang birthday month ko pero siguro aabot pa birthday wishlist ko. But before that let me take a recap on my birthday wishlist last year.

My birthday wishlist 2013

10. unique birthday cards - granted! given by my sweet PBOer friends
 9. to have a photo of me on a birthday suit - mukang matatagalan pa to ulet bago matupad lalo na ngaun sa kalagayan ng katawan ko
 8. sana may manlibre saken -  granted! by my gorgeous and generous friend Arvin
 7. new business oppurtunities - granted! had a bazaar last December with my bff Nahnah
 6. pug puppy - hindi pa naman mauubos ang mga pug sa mundo so keri lang
 5. flowers - walang nagbigay ng flowers nung exact birthday ko pero the following months until now may narerecieve akong flowers every now and then so i say granted to!
 4. DLSR - sabi ko bibili na ko nito eh pero parang nawala na naman interes ko
 3. all expense paid trip to Batanes - someone promised me this, obviously hindi pa sya natutupad until now but im still hoping
 2. God's gift - granted! greatest thing that happened to me last 2013
 1. success of the first PBO project - granted! obviously overwhelming ang success ng PBO at marami pang mga successful project ang sumunod at susunod

Six whishes ko ang natupad out of 10. Hindi na masama! Ngaun meron ulet akong wishes but hindi na lang ito pang-birthday kundi wishes ko na ng buong taon ng 2014.

My birthday wishlist 2014

1. maging successful at magkaroon ng good feedbacks ang 4 upcoming projects ng PBO at dumami pa ang members at supporters nito
2. pumayat na ulet ako
3. more travels
4. my relationship with my love will upgrade to the next level.
5. mag-grow ang business
6. good health for me and my loved ones
7. car

I guess that's all I could ever wish for this year. No further elaborations needed. Yun na yun!


I posted the photo above in fb on new year of 2013 with a caption "no resolution this time, motto na lang "stay hot and sexy"". Well obviously hindi ko napanindigan ang motto na yan dahil new year of 2014 eto na ko (photo below),


Oh diba ang layo na ng itsura after 1 year. So ngayon ang pinaka-wish ko talaga eh maibalik ko yung katawan ko dati. Yun na!

Happy New Year!





14 comments:

  1. Wow sis akala ko namamalik mata lang ako eh, aba talaga palang may bago kang blog post!

    Feeling ko naman matutupad ang wish mo sumexy ulit lalo pa't back to the gym ka na. Pero bawas-bawas sa rice okay hahaha... Belated happy birthday!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha uu sis.. ni-try ko lang magupdate.. sana nga magdilang anghel ka na sumexy na ulet ako.. bawas na ko ng rice.. isang beses sa isang araw na lang..

      Delete
  2. Wow ha. Hindi ka humihinga sa last pic.
    Mabuti naman at nagbalik ka Ano 'to? Kami rin ni Marge and unang nagcomment. hehehe... Sana matupad wishes mo this year.
    Paki-specify ang level up/upgrade na gusto mo mangyari with your love! pagbubuntis ba o kasal ang uunahin? Paki-explain! Labyu!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha mukang kayo na lang ni marge ang nagbabasa at magbabasa ng blog ko hehehe...
      ano ba sa tingin mo dapat mauna pagbubuntis o kasal?! ako kasi gusto ko kasal eh :P

      Delete
  3. Hala mahirap yang pagpapapayat wish mo lalo na kung may syota ka. Alagang alaga ka niyan. You should really go back for good, miss ko na post mo. Si Joanne din. Hope she read this too.

    Nga pala, layo talaga ng figure mo from lasyt year to now.. lel..changes.

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga eh..miss ko na rin mga kwento ni sis Joanne... yan ang goal ko this year maibalik ang katawan ko sa pagiging slim :)

      Delete
  4. Happy to see you back Pink Line:)
    You are so much in love kasi, kaya malusog ka:)
    Anyway, good luck to your wishes:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. siguro nga mommy Joy.. nakakataba ang pagiging inlove hehe.. thanks po!

      Delete
  5. Anlaki agad ng difference ano one year ago nga lang ampayat mo, tas bigla nag iba yung figure mo. Sarap kumain kasi pag may kasalo hahaha, ehemplo na ako dun at si hubby ;) wb sis!

    ReplyDelete
  6. in fairness, di ka naman masyado tumaba. sakto lang. oha! muntik na pumareho before and after pose mo sa pics mo.. hehe.

    ReplyDelete
  7. Belated happy birthday! I want to go to Batanes too, abangers lang ako ng seat sale. Anyway, you can lose that weight quickly. :) Di naman super laki ng tinaba mo. Kayang kaya yan. :)

    ReplyDelete
  8. Wala naman masyado nadagdag sa weight so madali mo lang mababalik yung dati mong figure :)

    ReplyDelete
  9. ngayon lang ulit nabisita blog mo... ilang buwan din hehehe... goodluck sa mga wish mo sana matupad lahat..

    ReplyDelete
  10. Nabasa ko na to after u posted but after 10 yrs ngayon lang ako magko comment ha ha.

    Sexiness is not just in the figure. It's in wholeness of a woman's being. The more important thing is physical health. Kung payat ka nga but may sakit or condition ka naman wag na lang. Just stay healthy and fit :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...