Lets start with Barracuda Lake. Para makarating sa lake kelangan akyatin ang mga batuhan na yan (pictures below). But dont worry may mga improvised na stairs naman at hindi ganun kataas kaya keri lang.
pose pose din pag may time! |
This was my second time sa Barracuda Lake pero na-amaze pa rin ako when I saw it. Super linaw ng tubig. Medyo kinikilabutan ako dahil super malalim. Kahit may life vest takot pa rin ako. Sabi ng tour guide namen 30-80 feet daw ang lalim nyan.
takot ako pero nakuha ko pang ngumiti ang mag-pose ;) |
Minsan lang daw magpakita ang mga barracuda dito. Pero kinikilabutan ako pag naiisip na magpapakita sya habang nasa tubig ako (tayo balahibo).
ganito kalinaw ang tubig sa Barracuda lake |
Next is another lovely beach called Atuayan. We stayed here for hours and ate our enormous lunch.
But before eating, swimming swimming muna ng konti at picture taking.
Habang nagsu-swimming nakakita kami ng dalawang kamag-anak ni Nemo. Gusto ko sanang hulihin at i-uwi kaya lang bukod sa bawal, ang hirap din nilang hulihin kahit sobrang maliliit lang sila.
nakikita nio ba? ayun sila sa medyo gitna..nakalimutan ko kasing may zoom pala ang camera hehe |
After lunch, na wala na kaming picture ng food dahil super ginutom na, more swimming, snorkeling at picture taking. Haaaaay, this is life!
Our last stop was the Coral Garden. Wala masyadong ganap dito. So pictures na lang.
corals and fishes |
Nemo and his Dad..na-zoom na yung cam hehe.. |
more corals |
thats me! malakas ang loob dahil may lifevest |