Kumusta naman na hindi pa rin ako nakakapagpost ng Coron trip. I need a secretary yung mabilis at masipag magtype. Ang init kasi ng panahon nakakatamad magtype (may maidahilan lang). Ang haba pa naman ng gusto ko ikwento regarding our Coron trip. Hay naku masimulan na nga!
March 10 when we leave Manila for our Coron trip. Im with my mom and two brothers. Kasama din dapat si dad kaya lang mas pinili nyang maiwan. Masyado daw kasing matagal ang 5 days baka daw pagbalik namen eh lugi negosyo na.
Yep, it's my second time in Coron. The first was 2 years ago with 2 of my friends and my ex boyfriend.
May itinerary na kami pagdating pa lang. Aakyat sa 700+ steps ng Mt. Tapyas at pagbaba deretso sa Maquinit Hotspring. Kaya lang pagdating namen sa airport, actually sa plane pa lang hilong hilo na ko. Sabi ko nga sa twitter status ko, "worst landing ever". Sama talaga sa pakiramdam muntik na ko masuka. My mom and my brother Marlon felt the same kaya ayun pagdating sa lodge cancel na muna ang itinerary for that day at nagpahinga na lang.
Nakuha ko yung ticket namen ng promo which costs 1,013 pesos each lang via Cebu Pacific.
Hindi rin ako masyado matyaga mag DIY kaya nagsearch ako ng mga murang package tours for Coron at kay Aaron Tams ako napadpad. This is his contact number 09103626507 and email address
aaron@coronpackagetour.com. Unlike others, mabilis syang magreply. He offered us a good tour package for a price of 5,550 pesos only per person for 5 days and 4 nights.
Package inclusions are:
-breakfast at the lodge
-lunch during boat tours
-roundtrip transfers via van from Busuanga airport to lodge and vise versa
-accommodation (private toilet and bath, hot and cold shower, airconditioned rooms, tv, wifi access)
-boat rental and tours
-tour guide on boat tours
The places and islands included on our itinerary for five days are:
-Mt. Tapyas -Banana island
-Maquinit Hotspring -Malcapuya island
-Siete Pecados -Twin Lagoon
-Kalachuchi beach -Sunshine beach
-Kayangan Lake -Barracuda Lake
-Twin Peaks Reef -Skeleton shipwreck
-Banol beach -Diwata beach
-CYC beach -Atuayan beach
-Caliwantay beach
Unfortunately hindi namen napuntahan lahat ng nasa list. Currently there's a dispute going on between the natives of Coron islands. According to our tour guide napagkasunduan ng mga may-ari ng islands na i-centralized ang pagbabayad ng entrance fee sa bawat islands or attraction and then ika-cut na yung 10% para sa Tagbanua (natives of Coron islands) communities. Kaya lang yung ibang may-ari daw ng islands ayaw pumayag na may cut na 10%. They want the whole entrace fee na sa kanila mapunta. So ngayon yung pinakamataas daw na Tagbanua leader who owns the Kayangan lake, prohibited boats to dock on the islands of those who disagree on the 10% arrangement. And those prohibited areas includes Banol beach, Caliwantay (a.k.a. Smith) beach, Twin Lagoon and Kalachuchi beach. May mga prohibited beaches pa na hindi naman included sa itinerary namen kaya hindi ko na natandaan kung ano.
It was strictly implemented as I observed kasi may mga guns talaga yung mga guards na nagbabantay sa mga prohibited areas at hindi talaga nila pinapapasok yung mga bangka. Ganyan daw ang set up sa Coron islands hanggat hindi pumapayag yung ibang Tagbanua sa 10% cut arrangement. It was kind a disappointing cause Banol, Caliwantay and Twin Lagoon were on my top list of beautiful islands in Coron. Although napuntahan ko na sila before gusto ko rin kasi na makita ng family ko ang ganda ng mga lugar na yun, tsaka kaya nga ginusto ko na bumalik sa Coron eh.
Anyways sana lang maayos na nila yung dispute kasi medyo nakakadiscourage sa mga tourists kapag may ganun. Although Coron has really a lot to offer at ipapakita ko ang iba sa susunod kong post kasi ang haba na nito. Kahit ako tinatamad ng basahin eh.
O sya see you next post na.
A sneak peek on Kayangan Lake.
P.S.
I had a friend who visited Coron last April and she said the feud was now over. Good thing!
And thank you guys for the comments on my last post I appreciate it much. Im starting to visit your blogs na. Yey medyo sinisipag na ulet ako (fingers crossed) haha!