I've been to Nuvali for the first time last Tuesday. Nuvali is in Sta. Rosa Laguna by the way. Kasama ko si Pao at kuya Mar. Nainggit kasi ako sa mga pagkain na pino-post nila sa fb na sila lang ang nag-eenjoy. Then nag-aya si Pao ng picnic daw sa Nuvali. Kaya ayun gora kami.
I dont know how to get there buti na lang maraming beses na nakapunta dun si kuya Mar. We reached Nuvali by 1pm at sinimulan agad ang food trip.
Simulan naten dito sa Buddy's Pancit Habhab na dala pa ni kuya Mar all the way from Pasig. Since hindi ako kumain bago umalis ng bahay sa van pa lang gusto ko na syang habhabin. Pero syempre tiniis ko. Pumasok kami sa isang Mexican themed resto (I forgot the name) at habang hinihintay ang order namen we started eating this. Ang sarap nya lalo na kapag may suka (vinegar)!
In just a while, dumating na rin ang order namen.
Kain at kwentuhan ng matagal hanggang kami na lang ang tao sa loob ng resto. Nang mabusog lumipat naman kami sa Starbucks para magkape kahit na super init!
Perfect na partner ng kape ang siksik sa buko na Original's Buko Pie na dala ni Pao. Eto yung sikat na buko pie na pinipilihan pa daw sa Laguna. Um-effort dito si Pao sa pagpila. Thank's Pao! Parang redundant ang "Pao" noh? Eh kasi birthday nya kahapon. Happy Birthday ulet Pao! Sana makapasa ka sa board exam. Good luck!
More kwentuhan at tawanan habang nagpapaypay dahil sa init. Nasa loob na kami ng SB pero ramdam na ramdam pa rin namen ang init sa labas oh mahina lang talaga ang aircon nila.
Nung medyo nawala na ang init ng araw lumabas na kami para magfeed ng mga sugapang fish (according to kuya Mar) at magboating. Unfortunately sarado na ang bilihan ng pagkain ng fish at naglast trip na rin ang boat. Kaya more on picture picture at watch nalang kami ng super daming fish sa man made pond.
Hindi ako masyadong natuwa sa mga fish na to. Nakakasawa na silang tingnan sa sobrang dami. At talagang nagaagawan sila sa mga pagkain na binibigay sa kanila to the extent na tumatalon sila sa part na wala ng tubig para lang makuha yung pagkain.
fishes ba to o worms? lol |
pig out! |
Buti na lang may halo halo sa Razon's kasi kung wala magwawala na talaga kami char!
Tinikman din namen ang kanilang Silvanas.
Kunwari mga fish daw yung mga naka-orange na hinagisan ni Pao ng pagkain kaya ang saya saya nila. |
I felt bloated after at habang naghihintay kami ni kuya Mar ng bus pauwi parang masusuka na ko sa sobrang busog. Buti na lang napigil ko sayang naman kasi kung ilalabas ko lang lahat yun. Pero paguwi ko naman ng bahay kumulo na yung tyan ko haha!
Thanks to these boys who sponsored this food trip specially to kuya Mar. Kelan pala despidida mo?
*PBO Update*
PBO is having it's 2nd outreach na po sa March 30, 2013 sa Bahay ni Maria, Calamba, Laguna. For more infos please visit our page Pinoy Bloggers Outreach. Nag-aaccept pa rin po tayo ng donations. See you mga ka-PBO!