Thursday, December 8, 2011

what is love

Ano nga ba ang totoong meaning ng LOVE? 

Sa dami ng definitions nalilito na ko. Ano ba talaga ang dapat at hindi dapat gawin pagdating sa love? Kung mahal mo at ayaw na sayo dapat daw pakawalan mo pero may nagsasabi naman na kung talagang mahal mo hindi mo dapat hayaan na mawala siya sayo. 

May nagsasabing "True Love is always CONSISTENT." Hindi nagbabago. Kahit anong mangyari. Yung mga tipong nagbabago, infatuation lang daw yun. Namalikmata lang sila at inakala na mahal na yung tao. Meron namang nagsasabi na ang love minsan nawawala pero lagi daw yun na-re-renew, kasi napapagod din ang puso, at nasa inyo yun kung pano nyo madadala sa maganda ang relationship nyo. 

Hindi lang isang beses ako nagmahal at hindi lang din ako isang beses nasaktan. Kaya gusto kong malaman kung pano ba talaga dapat magmahal para sa susunod na magmahal ako siguradong sa tinatawag na "forever" na ang punta nito.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...