Friday, June 13, 2014

my first Parasailing experience

Matagal ko ng gustong i-try ang Parasailing but everytime na pupunta ako sa Boracay I dont have that much extra on my budget since its really kinda expensive. But recently, naexperience ko na sya! I went to Boracay last March 19 with my boyfriend and friends. Its my third time na in Bora so I told myself I shoud try something new. Yung di ko pa na-try na gawin sa last 2 visits ko and I've decided its gonna be Parasailing. Medyo ayaw pa ni jowa nung una kasi nga mahal daw pero sa totoo lang alam kong natatakot sya. Pero dahil malakas ang convincing powers ko, atleast for my bf, napapayag ko rin sya.

Early morning of our anniversary we went for a walk and look for an agent offering a Parasailing activity. Actually di mo na kailangan maghanap eh, kasi sila na mismo lalapit sayo. We saw this kuya na mabait. Nakipagusap kami. Nagkasundo sa presyo. Nagset ng time. Sabi nila iisa na lang daw ang presyo ng Parasailing which is 1500 pesos, pero naka-discount kami ng konte. Kaya 2800 pesos ang binayaran namen para sa dalawa. I know right! Kinda masakit sa bulsa but will it be worthit? Hmmmm, let's see!

Then we went to the departure area ng mga bangka. We registered, waited a couple of minutes for the speedboat that took us to the parasailing boat.

When we arrived on the boat the crew gave us some safety precautions. Mga dapat at hindi dapat gawin habang nasa ere kami. Then we geared up and wooot here we go!




I'm a little bit nervous habang papataas pero nawala rin naman. But when we're already up I suddenly felt nauseous. Sobrang nahihilo ako to the point na nasusuka na ko. Mas lumalala lalo na pag hinahangin kami. I asked my boyfriend kung nahihilo ba sya, hindi daw. So ang ending sya yung sobrang nag-enjoy and Im glad he did.





Hindi naman ako masyadong mahilohin at hindi ko talaga iniexpect na mahihilo ako sa parasailing. Siguro dahil puyat ako the night before.

feeling ko kaya ako sobrang nahilo dahil pinaglaruan kami ni kuyang taga-picture


He asked me kung gusto ko na daw bumaba. I told him na tapusin namen yung time which is 15 minutes lang naman kasi sayang yung binayad namen, sulitin na.



So I tried to enjoy the view para hindi ko maisip na nasusuka ako, nakakahiya naman kung susuka ako while we're 50 plus feet high.



Usually pag ganitong mga adventures I dont want it to end yet pero this time I cant wait na matapos na.

nasusuka na kooooo!


They started to pull us back. Buti na lang medyo mabilis ang pagbaba. The minute we're aboard, I didnt just vomited, I threw up hard! Sobrang nakakahiya haha!

The speedboat took us back again to the shore. But wait, there's more. The driver let my boyfriend drive the speedboat and he enjoyed it.






Mas na-enjoy ko pa ang pag-sakay sa speedboat kesa sa parasailing. But I can say that it was still worthit kasi naexperience ko sya, nakita ko ang view ng Boracay mula sa taas na breathtaking talaga, at kahit pano nag-enjoy din naman ako minus the hilo syempre and atleast my love enjoyed it more.

pampatanggal hilo hihihi


And that was my first Parasailing experience. Yes, first, because maybe I will give it another try someday. Sana hindi na ko mahilo para mas ma-enjoy ko sya.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...