Showing posts with label OTHERS. Show all posts
Showing posts with label OTHERS. Show all posts

Monday, August 6, 2012

a real good samaritan

I was scrolling on my facebook wall when I see this picture. Out of curiosity I opened it and read the content. Suddenly the monitor went blurred and I realized my tears were starting to fall from my eyes. This story touched the softest part of me. And I thought I just have to share this.


I am just sharing this picture of a very humble guy named ROLDAN JIMENEZ PINEDA, 63yrs old, from Isabela. You don’t need to read everything if you are lazy, but all I need to ask you is pray for his safety. I am not a writer, but I will try to tell you the story.

Here's what happened: 
Just this windy and rainy morning, I was in my friend's canteen. It is just beside the subdivision where I live.

 I was chatting with my friend's dad about some business. This humble guy came in front caught my attention. He was not asking for money nor anything. Instead, he ordered P5 worth of rice. He cannot even look directly because he feels so shy.He said, "Maaari po bang bumili ng limang pisong kanin?" His hair is so wet that's why he covered it with a small towel. His clothes are kinda wet too. When I heard his shaking voice, I can feel that he is tired, cold, and starving. He has a green backpack and a sack with old boxes and plastic bottles. I suddenly felt sorry about him, that my heart was telling me that I need to do something. Instead of me just sitting on my chair, I decided to stand up and tried talking to him. I asked him if that small amount of rice would satisfy him. He said that he was planning to eat some of it and save some, then continue walking til he reach Nueva Ecija which is more than a hundred miles I think. His destination would be Isabela, where he lives. He asked if he can fill his bottle with some water. I said, sure. While I was putting water in his used old bottle, I told him to order some more food so he can eat. Told him not to worry because I will pay it for him. Mang Roldan never asks for money. He earns his own by selling bottles at the junk shops. His eyes turned red, while he was trying to hold his tears. He said that he can’t thank me enough.

MANG ROLDAN: Nahihiya po ako kasi ganito lang suot ko.
ME: Akong bahala po sainyo. Ano pong gusto nyong kainin?
MANG ROLDAN: Wala po ako sa posisyon para pumili. Kahit gulay lang po o yung pinakamura.
ME: Kailangan nyo pong kumain. Order po kayo kahit ano, yung siguradong mabubusog kayo.

I took his hand so he can walk beside the stand where he can choose. While they were giving him his food, I told him that I need to go home and get some money so I can pay his bill. At home, I grabbed my old camouflage jacket which I gave him.
We talked about his tragic story and his plans. Years ago, he needed to sell their house and lot because his wife had a bone disease. Sadly, everything was spent but his wife didn’t make it. He had 3 children. The first born were twins, died because of bronchopneumonia. While the youngest was ran over by a bus. He tried putting a small business by selling fishballs in Manila, but in the time of Bayani Fernando, MMDA took his carts and destroyed them. Mang Roldan and his family are church people. You can tell with the way he speaks. He visited Pampanga to see his sister/brother. Too bad he wasn’t able to meet the only family that he knows. Hearing his story broke my heart.

I also noticed that he cannot walk straight because of his swollen left leg. “Lumipad yung bato na nadaanan nung gulong ng jeep, tumama sa paa ko” he said. He thanked me for the food and jacket. I handed him some money so he can ride the bus and buy food. He said that he cannot give me anything in return. Seeing him wipe his tears made me feel super sad that it made me cry too. I was speechless. I shaked his hand and told him that his story was enough for me to learn things, and I was happy that I was able to help him. I gave him my umbrella so he will not get wet on his journey. He didn’t want to take it, but I insisted. (I hope my mom won’t notice that her umbrella is missing)

While Mang Roldan was crossing the street I was looking at him. I noticed that he was walking towards a corner. He saw a beggar on the side. You know what he did? He did not share the food that he had, HE GAVE EVERYTHING! Rice, bread, and water. That’s it! That was priceless! I knew that this man is special. He touched my heart. I realized that what I gave him is not even enough. Salt water fell from my eyes. (even while I’m typing now). I decided to go to him when I noticed that busses and jeepneys were not stopping because of discrimination. So we waited for a bus and I took his picture. He smiled and said, “half-body lang ha, nakakahiya may dala akong sako. Hehehe!” What a guy! He can still smile after all the things that he went through. Finally, a bus stopped. I told him to act as if he is my uncle. Before he stepped on the bus, he thanked me again. I waved goodbye and said “Ingat Tito, text mo ko kaagad.” I said it loud so the conductor will hear me.

I don’t know, but he was like an angel that was sent to teach me and realize lots of things. That is why I decided to put it on FB, hoping that you will learn from it. If only I am wealthy enough, I would love to do more things just to help more needy, homeless, poor, deserving people. I have been planning to create my own Foundation since I was young. Well, God has plans for all of us. Maybe someday I will. I also hope I could meet Mang Roldan again, and give him a fishball business or have him help me helping others.

I remember a book written by Father Jerry Orbos, that we should not be just good Samaritans but we need to be Better Samaritans.

You can share this if you want. If not, just please pray that God bless the people like Mang Roldan. 

ligaw ngayon

Matapos mag-flashback sa ligaw noon, ano naman kaya ang meron sa ligawan ngayon?

Pick-up Line.
Sino ba naman ang hindi kikiligin sa pick-up line?

Boy: Parang wala ako sa sarili ko
Girl: Bakit?
Boy: Kasi nasa sa'yo na ko
Girl: (smile with rolling eyes)

Boy: Alcohol ka ba?
Girl: bakit?
Boy: germs kasi ako eh at 99.9% akong patay na patay sayo
Girl: (kilig-to-the-bones)

Boy: Kutsara ka ba?
Girl: bakit?
Boy: Kasi habang papalapit ka lalo ako napapanganga (sabay nganga)
Girl: ...

Minsan din akong pinakilig ng mga pick-up line na to. Kilig lang pero hindi naman ako nagpadala masyado, slight lang. May mga girls din naman na harapan ang pagpapakita ng kilig kaya naman lalong lumalakas ang loob ng mga boys. Girls, hindi bawal magpakipot. Boys, hindi lahat ng girls nadadaan sa pick-up line umeffort ka naman, itext mo rin o kaya pasahan mo ng load.

Text.
Well, pwede rin naman sa text ang pick-up line. Magastos nga lang sa load kasi magrereply pa si girl ng sandamakmak na "bakit?" sa sandamakmak na pick-up line. Pero sabi nga ni Bart pwede na ang pasaload at uso na ang unli.

Texting is very convenient nowadays, fun and cheap. Pero ang pag-declare ng love through text wouldnt be any different as "pare san tayo inom maya?". Any guy guilty of this doesnt deserve a girlfriend nor a cellphone.

Walang ka-effort effort ang panliligaw sa text. Ang mga torpe nagkakalakas ng loob, ang mga panget gumagwapo, ang tahimik sa personal nagiging makulet sa text.

Girls, wag na wag nyong sasagutin ang mga guys na sa text lang nanliligaw. Kapag tumawag, sige pwede na. Boys, more effort please. Texting can be an extension of your feelings but hey! go grab your balls, texting isnt just enough. Pwede mo naman syang i-add sa facebook oh i-follow sa twitter.

Chat.
Pag na-add na sa facebook at nafollow na sa twitter, madalas ng magka-chat yan at magka-tweet. Mas malala ito sa texting. Mas walang effort, pwede lang isabay sa online games. Wala na kong masasabi pa dito. Yun na yun!

Boys, kung extension lang ang mga ito ng declaration of love eh ayos lang. But if its your only way, oh common guys you can do better than that! Kung talagang gustong gusto mo yung nililigawan mo at nakikita mo na ang sarili mong tumanda kasama sya (agad agad), isang word lang naman ang kailangan mo, EFFORT!

Girls, kung walang effort isa lang ang ibig sabihin nyan hindi sya ganon ka-interesado sayo. Diba mas ok naman na kahit papano eh naghihirap din naman ng konti yung guy para mas ite-treasure nila yung realationship nyo? Diba?diba?diba?

Boys, eto lang naman yun eh, be friends with her first. Mas mabuti na kilalanin mo muna ang isang babae sa panahon na magkaibigan kayo at kapag narealized mo na kaya mo naman pala ang amoy ng utot nya oh ang lakas ng dighay nya saka mo sya dalhin sa langit next level, ang panliligaw. At utang na loob ipakita ang tunay na ugali sa nililigawan hindi yung kapag kayo na saka mo lang ipapakita ang tunay mong anyo. Sabagay, sino ba naman ang lalaking nanliligaw na nagpapakita ng tunay na ugali, ipinapakita na lang talaga nila yan kapag boyfriend na sila. Kaya girls, ingat ingat din kilatisin mabuti, himay himayin kung kinakailangan.

Boys, effective pa rin ang flowers and chocolates. O sige wag ng chocolates, flowers na lang, hindi ako mahilig sa chocolate eh nakakataba yun. Hindi naman kelangang bonggang bonggang boquet kahit yung napitas lang sa hardin ng kapitbahay pwede na ang mahalaga may EFFORT!

Puntahan sa bahay, magpakilala sa parents ng babae. Again sasabihin ko, go grab your balls guys, mas gusto na ngayon ng mga magulang na kilala man lang nila yung nanliligaw sa anak nila better yet, ask them permission to court their daughter. I'll tell you 1000 pogi points yan. Hindi naman kelangan na pati magulang ay ligawan ang mahalaga lang maipakita ang malinis na intention, yun eh kung malinis nga ba.

Ayun lang! Wala na kong ibang maisip, dagdagan niyo na lang kung meron pa.

Ang alam ko dapat comparison lang gagawin ko sa ligawan noon at ngayon pero bakit kaya parang naging ligawan 101 to?

Narealize ko lang ang laki ng pagkakaiba ng paraan ng panliligaw noon kesa ngayon. At alam kong hinding hindi na maibabalik yung noon. Well, unless maging senador ako chos!


Thursday, August 2, 2012

ligaw noon


"Ano ba ang ligaw?" totoong may nagtanong saken nyan kelan lang. Kaya naisip kong gawan ng post.

"Ligaw. Yan yung kapag gusto mo ang isang babae ipapakita at ipaparamdam mo sa kanya na gusto mo sya." at sumagot talaga ako ayon sa pagkakaintindi ko sa ligaw.

Ano nga ba ang ligaw at paano ba dapat nanliligaw?

Flashback nga muna tayo sa panahon ni Maria Clara.

Noong unang panahon kapag napusuan ng isang lalake ang isang babae, mangyayari ang ligawan. Hihingi pa ng pahintulot si lalake na makadalaw kay babae at kapag pumayag ibig sabihin hmmm pwede, may pagasa.

Sa pag-akyat ng ligaw ni lalake kakausapin muna sya ng mga kapamilya ni babae. Lahat ng pwedeng itanong, angkan na pinagmulan, sino ang mga kaibigan, anong trabaho, favorite colors, who's your crush, what is love, motto in life, mga dalawang oras yun swerte na ni lalake kung dati na syang kakilala magiging isang oras na lang. Pagkatapos i-hot seat saka pa lang tatawagan si babae.

Ang oras ng pag-akyat ng ligaw noon ay sa hapon o sa gabi. Pagkatapos ng siesta o bago maghapunan at sa gabi pagkatapos ng hapunan. At kapag dumating si manliligaw ng wala sa oras ay sasabihan sya na ugaling Chinese dahil daw hindi nakakaintindi ng kaugaliang Pinoy. 

Ang mga oras na ito ay itinakda sa ligawan dahil sa ilang kadahilanan. Una, tapos na ang gawaing bahay. Ikalawa, kung gusto ng dinadalaw na umalis na ang bisita ay maglalabas at ilalatag lang ang banig sa sala madaling sabihin na pasensya na kailangan ng matulog o pasensya na kailangan ng maghanda para sa hapunan. At ikatlo, sa mga oras na ito ay nakaayos na si babae at malayong madatnan ng manliligaw na mukang mangkukulam.

Ang malupet sa ligawan noon ay ang paninilbihan.

Si lalake ay nagtatrabaho sa bahay ni babae habang kinikilatis ng magulang kung mahusay na tao nga sya. Mag-igib ng tubig, magsibak ng kahoy, magtanim, maglinis ng bakuran ang ilan sa mga ginagawa ng lalake bilang paninilbihan. Pagkatapos ay uuwi sya at magpapahinga at magpe-freshen up at dadalaw sa bahay ni babae.

Maghaharap na si lalake at babae sa balkonahe o kaya ay sa sala. Dapat ay palagi silang natatanaw ng mga nakatatanda o di kaya naman ay may bantay na nakababatang kapatid ng babae.

Syempre hindi mawawala ang unkabogable na harana, kung saan aawit si lalake ng kundiman para sa kanyang iniirog. Pwera buhos ihi na galing sa arinola.

May pagkakataon din na mag-aayang lumabas si lalake. Naka-first base na sya kapag pumayag na si babae na lumabas pero hindi pwedeng walang chaperon. Madalas ay kaibigan, kapatid o pinsan ng babae ang mga dakilang chaperon. Home run na si lalake kapag tinanggap ni babae ang kanyang pag-ibig at sila ay naging magkasintahan na.

Friday, July 13, 2012

Laser Squadron Maskman

Naaalala nio pa ba sina Red Mask, Blue Mask, Black Mask, Yellow Mask at ako Pink Mask?


Sila ang "Laser Squadron Maskman".

Nakakamiss silang panoorin. Namimiss ko na ring i-portray si Pink Mask. Mas magaling na siguro ang acting ko ngayon.

Naalala ko lang noon madalas nameng gayahin ng mga kalaro ko ang Maskman. Pero bago kami makapagsimula maglaro mahaba mahabang diskusyon muna kung sino ang gaganap na Maskmen at sino ang mga kontrabida.


In fairness hindi pa ko gumanap na kontrabida. Its either si Yellow Mask ako o si Pink Mask. Pero mas feel ko si Pink Mask. Masama loob ko noon pag hindi ako si Pink Mask. Ewan ko ba, wala akong ganang makipaglaban pag hindi ako si Pink Mask eh. Pero ayoko naman maging kalaban kaya pinagbibigyan ko na lang yung iba pag sinabi nilang "ikaw na si Pink Mask kahapon ako naman ngayon".

Balita ko kasi 25th anniversary na nila ngayong 2012. At dahil 25 years na sila may ilan akong mga nakalap na trivia.

1. Ang Maskman ay ipinalabas sa Japan noong February 28, 1987 hanggang February 20, 1988 na may 51 episode. Umere naman ito sa Pilipinas noong 1989 hanggang 1991 sa IBC 13.

2. Hindi lang pala mga kabataang Pinoy ang naadik dito noon pati pala sa France, Brazil, Indonesia at Thailand ay ipinalabas din ito.

3. Kung hindi nyo na maalala, ang mga pangalan nila in Tagalog series ay Michael Joe (Red), Leonard (Blue), Adrian (Black), Eloisa (Yellow), at Mary Rose (Pink).

4. Ang mentor nilang si Professor Sugata ay si General Lee pala sa sikat na reality game show sa Japan na Takeshi's Castle.

5. Ang Tagalog-dubbed na boses ni Michael Joe (Red Mask) ay walang iba kundi si Matanglawin Kuya Kim Atienza.

6. Ang gumanap bilang si Michael Joe (Red Mask), Ryousuke Kaizu sa tunay na buhay, ay nakapangasawa ng Pilipina at mayroon silang anak na lalaki.

7. At ang kumanta pala ng Tagalog version ng opening at closing theme ay si Tito Sotto.

Maskman Opening Song (Tagalog)




Humanda na kayo
Kampon ng kadiliman
Oras na ng pagtutuos
Kasamaan nyo dapat matapos
Narito na sila
Bayaning tagapagtanggol
Sama sama'y lilipol

Maskuman kayo lang ang pagasa
Iligtas kami sa marahas na kadiliman
Kami'y inyong ipaglaban

Sige sige laban maskuman
Ipagtanggol ang kapayapaan
Sugod sugod laban maskuman
pagsanggalan ninyo ang katarungan
Buong mundo'y magpupuri
magpupugay, mabuhay

Laser Squadron Maskuman




Maskman Closing Song (Tagalog)

Ito ang mga bayaning magiting
Walang takot 
Sa bangis ng kalaba'y di umuurong
Matatag, tagapagtanggol ng inaapi
Mga huwaran
Sa tungkuli'y tapat
Na handang mag-alay ng buhay

Maskuman
Tanod ng kapayapaan
Maskuman
Laging maaasahan
Dapat nating tularan ang kagitingan

Laser Squadron Maskuman
Maskuman


Monday, July 9, 2012

another holiday

If there's a "No Panty Day"  there must also be a "No Bra Day". I've been waiting for the "No Brief Day", so when will it be?







Saturday, June 23, 2012

gusto kong maging...

"Ano ang gusto mong maging paglaki mo?"

Classic. Pero ito ang katanungang madalas itanong sa mga bata. Wala atang bata ang nakaligtas tanungin nito. Sa pamamagitan ng sagot sa tanong na ito malalaman mo kung ano ang nasa isip ng isang batang paslit na wala pa naman talagang kamuwang muwang sa tunay na mundo. Malalaman mo kung ano ang trip nyang gawin sa mga oras na tinanong mo sya pero eventually paglaki nya eh mababago din naman ang pananaw nya sa buhay lalo na at habang tumatagal pa-hitech na ng pa-hitech ang mundo. At patagal ng patagal na rin ang panahon ng pag-aaral.

Walo sa sampung kakilala ko ang tinanong ko kung ano ang sinagot nila sa tanong na ito nung sila ay bata pa ang nagsabi na gusto nilang maging doktor, pangsyam ako wahaha! Oo, ito ang pangarap ko noong bata pa ko. Hindi ko alam kung bakit ito ang nasagot ko noon, siguro narinig ko lang din sa ibang bata o siguro kakapanood ko dati ng Little Miss Philippines kung saan tinatanong lahat ng contestants kung ano ang gusto nila paglaki nila at ang madalas nilang sagot ay maging doktor, hindi ko na rin matandaan ang dahilan bata pa kasi ako nun eh.

Habang lumilipas ang panahon nagbabago rin ang sagot ko sa tanong na ito. Naging flight stewardess, ang ganda kasi nung suot nila ang seksi at ang angas tingnan tapos nakasakay pa sa airplane.

Naging abogado, nanonood kasi ako noon ng "kapag may katwiran ipaglaban mo" favorite ko yan dati nakakatuwa kasi si Atty. Jose Sison. Anong connect? Wala lang trip ko lang parang astig kasi pakinggan pag may Atty. na naka-prefx sa pangalan mo eh diba?

Pinangarap ko ring maging artista, walang pakialamanan kanya kanyang pangarap to kung naiinggit ka mangarap ka ring maging artista woooo walang basagan ng trip. Parang ang cool kasi pag may fans ka tapos may fans club  ka na babatiin mo sa tv pag may shows ka o kaya may magpapa-autograph sayo, magpapapicture, may malaking billboard sa EDSA, may ka-love team tapos marami ka pang pera wahaha yun yun eh. Pero syempre pangarap ko lang yun di ko naman binalak na tuparin yun dahil hindi naman pang-artista ang karakas ko pang-model lang haha! Kaya picture ko talaga dapat ang nandyan.

4th year highschool. Naging dilemma ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Hindi ako galing sa royal family kaya hindi kakayanin maging doktor. Ayoko na ring maging flight stewardess kasi natakot na ko sumakay ng plane mula noong may napanood ako na plane na nag-crash. Ayoko na ring maging abogago este abogado pala. At lalong ayoko na ring maging artista cause I'm a private person.

Napagdesisyunan ko na gusto kong maging accountant. Bakit? Eh yun ang uso noon eh syempre makikiuso ako.. charot!Wala lang trip ko lang maging accountant bakit ba buhay ko to eh. Pero may mga pangyayari na naging hadlang para ako ay maging isang accountant, pangyayaring pinagiisipan ko pa kung ikukwento ko ba o hindi dahil ako'y labis na nahihiya hahaha arte ko. Basta pagiisipan ko muna kung ikkwento ko, inshort ako ay naging isang bangkera, tagasagwan... charot ulet!

Bachelor in Banking and Finance. Oha oha! totyal na totyal pakinggan. Parang ang yaman yaman ko dito noh? Yun ang akala nyo!

Friday, June 22, 2012

its a holiday

Oh! tomorrow is a holiday :P



Thursday, June 21, 2012

world's biggest penis

Meet Jonah Falcon, the Man With the World's Biggest Penis:



Plenty of men brag about the size of their penis, and most of them are probably lying. But there's one man who can settle any bet just by unzipping his pants: Jonah Falcon, owner of the world's biggest human penis.


Falcon's 13.5 inch member has been measured for a TV special, making him one of the few guys who can back up his bodily boasts.

quotes for Singles

Bilang single ako ngayon at mukang matatagalan pa akong maging double eh nanamnamin ko muna ang mga quotable quotes na ito. Pampalubag loob.


Being with no one is better than being with the wrong one. Sometimes those who fly solo have the strongest wings.

Don't worry if you're single. God is looking at you right now, saying, "I'm saving this one for someone special".

Being single doesn't mean your weak, It means your strong enough to wait for what you deserve.

S.I.N.G.L.E = (S)tress (I)s (N)ow (G)one (L)ife's (E)asier. 

Just like a shoe, if someone is meant for you, they will just fit perfectly; no forcing, no struggling, no pain.

A lot of men & women would rather stay single because they're tired of giving their everything and ending up with nothing.

"You're too pretty to be single." "You're too ugly to not be single."

You're single. Make the best of it. It doesn't mean you're not good enough for anyone, it means no one's good enough for you.

If you were happy before you knew someone, you can be happy after they're gone.

I'm not single & I'm not taken. I'm simply on reserve for the one who deserves my heart because they say good things take time.

The longer you are single, the longer you become a public temptation.

WARNING: Unhealthy relationships may cause headaches, stress and a waste of your time. The cure for this is to be single.

Single by choice daw kapag maganda at pag panget force to be single

Staying single is not about having no one rather it's an opportunity to taste everyone.

SAWI = Single At Walang Iniintindi.

Don't ask me why I'm single, just give me a reason why I should need a partner.

"Hndi sa lahat ng oras kailangan mo ng relasyon minsan kailangan mo din mapag-isa para hanapin ulit yung dating ikaw na nawala nung nagmahal ka."

Tuesday, June 19, 2012

flower power


Sunday, June 17, 2012

a strong man and the right person

I just happened to see this pictures while scrolling my facebook home page posted by coffeeticks.
Nothing special I just love the message :)




"You dont need to be better than others. Just be the best for the right person."




"The strongest man in the universe is afraid of his wife."

Saturday, April 28, 2012

Top 10 Places I Want to Go Before I Die

Im sure lahat tayo may pangarap na lugar na gustong mapuntahan bago man lang tayo mawala sa mundong ibabaw. I just wanna share My Top 10.

10  VENICE, Italy

Ang romantic side ko ay nasa top 10. Ang sarap mamangka dito kasama ang mahal mo. Actually kahit hindi na kasama ang mahal mo kasi sa lugar pa lang kinikilig na ko eh.






9  CAPE TOWN, South Africa
 
First time kong nasilayan ang ganda ng Cape Town sa YES Magazine featuring travel of Angelica Panganiban and Derek Ramsay. I cant remember what issue basta its 2011. Nakatago na kasi sa baul yung mga magazine ko, nakakatamad nang halungkatin para lang tingnan kung anung month na-feature hehehe. But once I saw it, wow lang talaga nasabi ko cause its sobrang ganda, parang if you go there super marerelax ka. And ang sarap syang libutin with your friends cyempre at bilang mahilig magtravel ang Tropang Adik gusto ko sila kasama pag nagpunta ako dito.

Here are some of Cape Town’s  best attraction.




Cape of Good Hope







Table Mountain


8  NIAGARA FALLS, Canada

Niagara Falls was simply amazing. I just wanna see it.




7  GRAND CANYON, Arizona

Parang feel ko lang tumambay dito habang nagiinuman.


 

 
6  PYRAMIDS OF EGYPT

My favorite part of ancient world history.





5  GREAT WALL OF CHINA

Dito naman masarap maghabuhalan.




4  MACHU PICCHU, Peru

Got nothing to say. This place was really awesome.





3  LAS VEGAS, Nevada

I want to experience its luxurious hotels. I want to see this fabulous city at night. I want to experience casino and play like im a billionaire that got nothing to loose haha!




 

2  EIFFEL TOWER, Paris

My dream! Tropang Adik's (pangalan ng barkada) dream. Napagkasunduan namen na pupunta kami dito kahit abutin na ng puti ang buhok namen sa pagiipon at kahit uugod-ugod na kami basta kelangan makapunta kami dito. Someday we'll be here, on the top of Eiffel Tower!






1  SANTORINI, Greece

Magnificent! I really love to go to this place. Kapag narating ko to.. dito ko na siguro masasabi "I can die now!". It may seem exaggerated but thats how I really like this place.











Monday, February 20, 2012

Ibat Ibang Uri ng Photographer

Bilang isa akong photography enthusiast, sa pagreresearch ko sa internet ng tungkol sa photography ay natagpuan ko itong nakakaaliw na description ng "Ibat Ibang Uri ng Photographer". Nawa'y maaliw kayo, heto na sila.


1. MAKALIKOT


     ito ang uri ng photographer na nakapose na ang modelo pero bago pindutin ang shutter button ay kung ano-anong settings pa ang pinaglalalagay sa dSLR nya... from shutter speed to lens length... kahit prime na yung lens nya at sakto, papalitan nya kasi parang may mali... nagbobokeh pa para lang makuha yung gustong epek... resulta... ngawit na ang model...




2. MAUTOS


     common ito sa mga may model shoot... uutusan nila ang model.. pout... liyad... tuwad... higa... hubad... makuha lang yung "perfect" angle... resulta: ang model e parang clay... kung ano-anong posture ang gagawin... kaso di pwedeng umangal yung model.. papasikatin sya nung photographer eh... tapos... pag tinanong ng model kung tapos na ba yung pose nya... hindi pa... makikita mo gumugulong-gulong din yung photographer... para daw perfect lighting yung kuha nya... aysows...




3. HUMAN GORILLAPOD


     uncommon to pero pag naka-encounter ka... luluwa mata mo... it's all about the lighting ika nga diba? opposite ito ni MAUTOS... imbes na utusan ang model, ang photographer mismo ang nagbebend, lumiliyad, o higit sa lahat, kulang na lang maging gorillapod dahil sa pagiging flexible sa pagkuha ng shots... ayaw nyang utusan ang model dahil baka tumanggi na yun sa next photoshoot eh... makikita mo lahat ng kasama nya imbes na sa model na maganda nakatingin, sa photographer... biro mo human gorillapod flexibility eh... di mo sya masisisi pare... perfect lighting ang habol nya... and his/her shots will justify it... pero pagkatapos ng shoot at nakaayos na ang lahat at nakauwi na, dederetso yan sa Mercury Drug Store o sa kahit anong Botica para bumili ng pain reliever...




4. MAPINDOT


     eto naman ang mga weirdo... makita lang yung shutter button... yung silver na bilog... talagang naglalaway na para lang mapindot... kinda like an obsessive-compulsive behavior... at ang gustong gusto nyang tunog ay yung tunog ng shutter release... chuka chuka chuka...




5. MAPILI


     marami nito sa event shoots lalo sa cosplay shoots... basta makita nyang maganda.. shoot! pero pag nakita nya parang hindi pasok sa panlasa nya, di nya kukunan kahit marami nang photographer ang kumukuha ng shot na yun dun sa ayaw nyang subject... pag sinabi nyang ayaw, kahit umiyak ka ng dugo para kunan nya, ayaw talaga nya...




6. AUTISTIC / TUOD


     oo meron yan!!! yung tipong kailangan mo i-reboot yung tao... kala mo di gumagalaw... pero pag nakapose na ang model... parang robot yan itataas nya kamay nya na may camera papunta sa kanyang mata... hehehe... alam nyo yung pag-arte ni Arnie sa Terminator I hanggang 3? Ganon sya... cold... makikita mo yan nakatayo lang sa isang tabi... tapos hindi kikibo... pag lalapitan mo... blank.. magugulat ka na lang may RESET button na umiilaw.... Pentium POOR ang processor nya pare... pero wag mo syang pagtawanan... magaganda ang mga shots nya... kelangan lang nya mag-upgrade ng processor...




7. MA-ZOOM


     eto yung mga may paparazzi tendencies... makikita mo sa lens lineup nya... may wide to tele lens sya, hanggang dun sa mga naglalakihang zoom lens gaya ng 70-200, 80-400, etc... yan yung mga tatawagan mo sa gabi sasabihin nag-n-night shoot daw... night shoot nga... kaso sa kapitbahay na nagbibihis... nakuuuu...




8. MA-MACRO


     opposite side eto ni MA-ZOOM... lahat ng maliliit na bagay, gustong up-close at malaki... magmula sa langaw, bangaw, tipaklong, at kung ano-ano pang gumagapang at gumagalaw... sa tingin ko eto yung mga may fascination sa mga maliliit na gustong palakihin... lens lineup? ayaw bitawan ang kit lens nya kase may macro capabilities din kase. madali mo silang ma-identify kase kahit walang camera, ilalapit nila ng kanilang mata ng malapitan sa isang subject... iisipin "imamacro kitaaaah... macrooo... macroooo..."




9. TRIGGER-HAPPY


     pagsamahin mo yung characteristics ni MAPINDOT at MA-ZOOM para ma-achieve mo tong status na to... lahat kinukunan mo... lahat... bagay, electric fan, ilaw, bata, matanda, may ngipin o wala... basta parang may bumubulong sa iyo... kunan mo... kunan moooooh




10. MAGALA / PALABOY / LAGALAG


     eto yung taong gala... may characteristics ito ni MA-ZOOM at TRIGGER-HAPPY pero minor or hampered lang... lalabas ito ng bahay bitbit ang camera at uuwi ng hapon... punong-puno ng RAW files at JPEG files ang memory cards nya... yung paggala range nya eh kumbaga from Manila City Hall, mapapadpad yan ng Caloocan... wag nyo syang sisihin... marami syang pera!!!




11. TAMAD


     as the title says, tamad... eto yung mga taong may characteristics ni TRIGGER-HAPPY pero pagdating sa post-processing eh... pabanjing banjing na lang... kaya nga tamad eh... resulta... bihira mag shoot sa RAW... JPEG na lang... makikita mo nabubulok na ng isang taon o mahigit pa yung mga kinuha nyang images pero andun lang... di nya pinopost process... yung multiply nya? di updated kahit online sya... TAMAD EEEEHH...




12. POST-PROCESSING BUFF


     eto ang pinaka-metikuloso pagdating sa post-processing... lahat ng options kinakalikot... white-balance, tone, colour, lahaaaaaaat.... basta makuha nya yung pinakamagandang kuha... wag ka, LAHAT ng post-processing tools, apps at plugins meron sya sa PC nya... the ultimate darkroom man... di mo sya masisisi... pag nakita mo pics nya... luluwa mata mo at maglalaway ka... resulta: EGO power increased by 10%, lalong magiging adik yan sa post-processing... lahat ng pics nya, kada adjustment, save as copy... in other words... ADIK SA POST PROCESSING




13. MA-WATERMARK


     remember POST-PROCESSING BUFF? ang pagiging adik nya? opposite nya ito... alam nyo naman siguro na optional ang paglalagay ng watermark sa mga pictures diba? eto ang mga photogs na SOBRANG LAKI NG WATERMARK kulang na lang, yung WATERMARK ang tinubuan ng picture... pero magtataka ka... elaborate yung design ng watermark... maraming burloloy... dahon, kahoy, abstract, camera, etc... di lang yan... may mga iba din tatadtarin ng iba't ibang style ng watermark yung pic... paiba-ibang kulay... di lang isa... parang di sya mapakali eh... kikayness sa watermark ika nga... adik...




14. MODEL PHOTOGRAPHER COMBINATION


     gulat ka ano? uso yan ngayon... yan yung mga magagandang photographer... dagdag mo na rin yung mga gwapings... yung tipong pag may shoot kayo at walang model... magpopose yan sa isang tabi tapos dedma lang pag kinukunan sya ng iba.. kala mo ba dinededma ka nya? hindeee... dagdag ego power yun sa kanya... kakapal pa lalo mukha nya... makikita mo na lang yan mamaya nakaliyad... pero dedma pa rin... hahah... pero yung iba talagang kakaririn tong status na to... ayos eh... para marami kang maga-grab na photos mo after post-processing... tapos sasabihin mo sa sarili mo... SHET ANG GWAPO/GANDA KO... with matching EVIL LAUGH




15. BOYSCOUT


     alam nyo naman siguro motto ng isang boyscout. laging handa... yan yung makikita mo may dalang malaking backpak... yung tipong dala nya yung studio nya sa bag nya na pag binuksan mo eh... poof!!! instant studio!! with matching softbox, umbrella, costumes, etc... eto na siguro yung magaling magsiksik ng gamit sa bag... yan yung on the spot sasabihan ka tara shoot tayo dala ko studio ko sa bag... mapapa-isip ka sa una... then pag nakita mo laman ng bag nya... mapapanganga ka at mapapamura sa pagkamangha...




16. STALKER


     eto na siguro ang ultimate mamaw photographer... combine mo si MAPINDOT, MAPILI, MA-ZOOM at TRIGGER HAPPY... karamihan ng mga ganitong photog eh nagsisimula sa mga events na may makikitang magagandang babae/lalake... tapos babanat nya zoom range nya from his/her lens lineup... makikita mo naka-mount sa cam nya yung mga mahahabang range ang zoom... tapos habang nagpopost process... may nakatirik nang candila... dadasalan nya yung natipuhan nyang subject... maging akin kaaa... maging akin kaaah... tapos hanggang tenga ngiti nyan pag sa susunod na event shoot eh andun uli yung subject na trip nya... pero this time kit lens na ima-mount nya... para malapitan nyang kukunan yung subject... stalker eh... then hihingin na nya yung YM... multiply... deviantart... cellphone number... pag nahingi nya... hanggang tenga ang ngiti!!!










*salamat kay philmusic para sa post na ito*

Sunday, December 11, 2011

Marrying the One True Love that You Found

"Be deliberate about getting married. Don't give God the responsibility He gave you."


"Marriage requires a lot of hard work, humility, patience, sacrificial, love, and the other stuff that we call character."


"You need to take brutal moral inventory of your life, so you know what inner areas of your life you need to grow."


"Getting married without being emotionally whole spells disaster - or at least a very difficult marriage."


"An emotionally healthy person will attract and be attracted to another emotionally healthy person. An emotionally unhealthy person will attract and be attracted to another emotionally unhealthy person, too. So get healthy "


"People can gain all the financial wisdom in the world, but unless something else is done, they wont prosper."


"Contradicting desires create contradicting results."


"Where there is no clarity of purpose, no great thing will be achieved."


"When you unconsciously expect to be rejected, there's a high probability that you will be."


"You dont get the partner that you deserve. You get the partner that you think you deserve."


"When we allow ourselves to be abused, we're not helping but teaching people to be parasites."


"There's no other way to find out but to actually do it."


"God's will is bigger than we think it is. God's will can actually contain a few good men to choose from. Any of these few good men could be in His Perfect will."


"Many choices can be found in God's perfect will for you."


"Your one true love is not chosen for you. You choose your one true love."


"Because you dont want to fall in love with someone you cant be friends with."


"Dont trust your type. Dont go out only with guys you're attracted to. Be open."


"The very things she was attracted to are now the exact things that irritated her to no end."


"Empirical evidence has shown that the more similarities you have with your spouse, the greater chances for a happy marriage."


"Unless you open yourself to the possibility of rejection, you wont also open yourself to the possibility of rich friendships."


"You dont need a magical first moment to meet your potential husband. The important things are mature character, financial responsibility, the ability to commit, compatible mission and values."


"Many times, it's lust at first sight. Or infatuation at first sight."


"It takes a moment to experience infatuation but true love takes a lifetime."


"Strong marriages are between lovers and best friends."


"Some women dont know when they see a good husband. Even when they're married to them already."


"Because ladies, you dont pursue men. You become attractive - and they pursue you."


"Men are attracted to happiness. And that's something you cant fake. Boobs, legs and waistlines can be padded and liposuctioned. But there's no plastic surgery for happiness."


"When a woman has a positive outlook in life, she's a magnet."


"The key to being interesting is to be interested."


"Modesty attracts good potential husbands. Immodesty attracts lust - and guys who would never respect you."


"A man is attracted to a woman who's not looking for a man in a desperate way."


"Never let your suitor think the chase is over."


"I'd rather remain single than be married to the wrong person."


"I'd choose a man whose faith is expressed in his morality rather than his religiosity."


"This is the one weakness that destroys friendships faster than others: the desire to control others."


"The attractive person has inner magnetism. Physical looks may get his attention, but what nails his attention to you will be you inner beauty."


"Never marry because you've lost your virginity."


"Never marry because of love. Only marry because you've found the RIGHT partner and choose to love him forever."


"Romantic love is like the wind - here today and gone tomorrow. Strong like a violent storm today and dead as a rock the next day."


"When you fall out of love and you still make a choice to love, then that's the beginning of true love."








From Bo Sanchez's book "How to Find Your One True Love".
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...