I scoured NBS last week. Naghahanap ng interesting
Cover pa lang naintriga na ko. When I've read the synopsis, aba lalo akong naintriga, so I opened it and read the last page. Automatic na saken na kapag nagbabasa ng book or magazine or even newspaper sa huli talaga ako nag-uumpisa. Akalain mong nakapag-singit pa ko ng trivia about me. Anyways, isa pala itong blog book at si Ella ay isa rin palang blogger.
Interested and intrigued, I bought the book. Kahit na mukang na-rape na yung libro at wala na raw ibang stock sa branch na yun ng NBS, binili ko pa rin. I asked for a discount kasi nga mukang luma na yung book, hay naku nginitian lang ako ni ateng saleslady. Pero ayos lang worth namang bilhin at hindi naman kamahalan ang presyo nya.
"18 years old ako nang makapasok bilang masahista...Ika nga ng boss kong nagmamantika ang mga labi, inosente at sariwa..."
It's about Ella's experiences being a masseuse. Pagkatapos kong mabasa I cant help but admire her. She's a very strong woman. At her age, nakayanan nyang makipagsabayan at mabuhay sa isang "dog-eat-dog world". Galing sa kanya ang term na yan.
"Entertaining...witty...funny. I love Ella for what she is." -Ka Uro, blogger
Gustong gusto ko ang paraan nya ng pagkukwento. Tawang tawa ako habang binabasa ang mga confessions ni Ella. Her wit is very natural. At marami rin akong natutunan dahil sa talong at itlog 101. Nalaman ko rin kung ano ang yunihong, ang etymology ng salitang bakla at mayron palang lalaking tatlo ang paa! Lahat ng yan at marami pa sa librong "Diary ni Ella: Confessions ng Isang Masahista".
I've searched for her blog and yes, nasa blogosphere pa rin sya, sabi nga sa libro "iba na talaga ang adik sa blogging, walang rehab", and I agree adik rin kasi ako eh. You can check her blog here.
Ang verdict ko, it's worth reading and I recommend this book. Four thumbs up!



